"May mga kailangan ka pa bang bibilhin? Pwede tayong dumaan ng supermarket," tanong niya kay Nicholas habang nasa biyahe na sila pauwi sa kaniyang apartment. "Wala akong pera. Marami pa akong kailangan pero kinuha ni Dad pati credit card ko," sagot nito na halatang naiinis. Hindi niya masabi kung sa Daddy nito o sa kaniya ang nararamdaman nitong pagkainis. "Wala akong paki kung naiinis siya sa akin. Naiinis din naman ako sa kaniya," aniya sa sarili. Binagalan niya ang pagpapatakbo ng kotse saka sinulyapan ito. "I'll pay for it. Ayoko lang kasi na pagdating ng bahay, eh maghahanap ka ng wala. Kaya bilhin mo na ang mga kailangan mo." Tumawa lamang ito nang mahina. May binubulong pa ito na hindi niya maintindihan ngunit hindi na lamang niya ito pinansin. Itinigil niya ang kaniyang k

