"She became hotter and sexier," aniya isipan sabay silay ang nakakalokong mga ngiti. Nawala saglit sa kaniyang isipan na girlfriend ito ng kaniyang Kuya. Ang naiisip lang niya ay ito ang babaeng virgin na kaniyang binili at magdamag na inangkin. Ngunit simula noon ay hindi na ito nawala sa kaniyang isipan. At isang malaking sekreto rin sa kaniyang mga kaibigan na si Mira ang huling babae na kaniyang naikama. Hindi na kasi niya kayang sikmurain na titikim ng iba lalo at mukha ni Mira ang kaniyang nakikita. "Bro, may kontak ka pa ba sa kaniya?" tanong niya kay Jake isang linggo pagkatapos ng gabing iyon. "Wala na, eh. Nakakulong na kasi si Mamu. Natiktikan ata ang mga pambubugaw niya." Dismayado siya sa narinig kay Jake. "Wala ka na ba ibang impormasyon sa kaniya?" muling tanong ni

