"Anong ituturo mo sa akin?" tanong sa kaniya ni Nicholas habang kumakain sila. Pancake ang kinakain nito samantalang siya ay ang spicy noodles na inayawan ni Nicholas. "About business. Kung paano ang flow ng DGC. Lalo na ngayon na nag-expand na ang company. Sumama ka na rin sa office bukas para actual kong maipakita sa'yo ang sinasabi ko at ma-familiarize ka na rin sa kompaniya," tugon niya rito. "That's a good idea," sang-ayon naman nito sa kaniya. "But let me remind you that you have to behave sa office. Hindi ka puwedeng pagala-gala roon. Baka magkaroon pa ng issue at lalong magalit sa'yo si Sir Gabriel." Nakita niyang ibinaba ni Nicholas ang hawak nitong tasa ng kape. Napansin niya rin ang pag-iba ng itsura nito. "Is something wrong?" kuryos na tanong niya sa binata ngunit t

