"Masyado kang mapagbalat-kayo, Nicholas. Kung sa tingin mo ay madadala ako sa mga drama mo, nagkakamali ka. Hindi mo na ako maiisahan pa sa susunod," aniya sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang dalawa na nagtatawanan. "Doon muna ako sa sala. Tawagin niyo na lamang ako kapag kakain na tayo." Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng dalawa at tumalikod na siya. Umupo siya sa sala at kumuha ng magazine na mababasa ngunit naririnig pa rin niya ang tawanan ng dalawa. "Kakainis! Ang harot talaga pagdating sa babae. 'Wag ka lang magkakamali na diskartehan si Hazel dahil hindi ko papayagan," sabi niya sa sarili. "At sino ka naman para pigilan siya? Bakit affected ka, Mira?" tanong ng kaniyang isipan na lalong ikinainis niya. Pasimple niyang tiningnan ang dalawa habang nakatakip sa

