Sumunod namang naligo si Nicholas. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi habang nagsa-shower. "I'm sorry, Kuya, pero mas lamang ako sa'yo ngayon at palagi kong nakakasama ang babaeng pinakamamahal ko," sabi niya sa kaniyang isipan. Pasipol-sipol pa siyang lumabas ng banyo. Napuna naman kaagad iyon ni Hazel na nakaabang sa kaniyang paglabas para ito naman ang sumunod na maliligo. "Ang happy natin, ah? Iba talaga pag in-love ano?" tukso nito sa kaniya. "Wala ka bang boyfriend?" tanong niya rito. "Wala eh. Four years ago na ang last relationship ko. Bakit, Sir? May irereto ka ba sa akin?" tanong nito sa kaniya na todo ang ngiti at interesado sa kaniyang sasabihin. "I have a friend and single rin siya. Nasa US nga lang siya sa ngayon. If you want ibibigay ko sa'yo ang FG acc

