Makalipas ang ilang oras na pamamalagi sa emergency room ay inilipat na si Mira sa isang private room ng hospital. Wala pa rin itong malay at may ilang aparato na nakakabit sa kaniyang katawan. "Mira, gumising ka na, ha? Ang saya-saya mo pa kanina, friend, bago umalis ng bahay. Okay lang na sampalin mo ako. Tatanggapin ko rin kahit na sabunutan mo pa ako. Sige na, Mira. Gumising ka na," sabi ni Hazel sa kaniyang kaibigan habang nakaupo siya sa gilid ng kama nito. Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili sa nangyari sa kaibigan. "Kung mas pinili ko na lang sana na sabihin sa'yo ng maaga ang katotohanan ay baka hindi pa ganito ang nangyari sa'yo. I'm sorry, Mira. Sana hindi ka nakaratay dito sa hospital," wika pa niya at hinawakan na ang isang kamay ng kaibigan. Ilang beses ng pumasok

