"Kamusta si Mira? Paano nangyari ito sa kaniya?" tanong sa kaniya ni Nathan habang humahangos na papalapit ito sa kaniya. Dumilim ang kaniyang paningin nang makita ang kapatid. Hindi na niya hinintay na makalapit ito sa kaniya. Sinalubong na niya ito saka sinuntok ito sa mukha. Pumutok ang ibabang labi ni Nathan. "Ang kapal din ng mukha mong magpakita rito. Umalis ka na hanggat 'yan pa lang ang natanggap mo sa akin. Dahil kapag may mangyaring masama kay Mira, patawarin ako ng langit dahil baka hindi lang suntok ang abutin mo sa akin," mariing sabi niya sa kapatid habang nakahawak ito sa dumudugong labi. Mabuti na lang at may kasamang bodyguard si Nathan kaya naawat siya kaagad nito. Balak pa naman niyang suntukin muli ang kaniyang Kuya lalo at ayaw pa ring umalis ng nito. "Kung uma

