Kinabukasan, nagising si Mira sa tunog ng kaniyang alarm clock. Kaagad siyang bumangon dahil excited siyang pumasok sa trabaho. Sa wakas, makikita na niya si Nathan na halos dalawang linggo rin niyang hindi nakikita. Magkakaroon na sila ng pagkakataon na makapag-usap. "Good morning, friend! Kamusta bakasyon natin?" masiglang bati sa kaniya ni Hazel nang maadatnan niya ito sa kusina. "Sobrang okay at happy. Finally, nagkaayos na rin kami ng family ko," nakangiti niyang tugon dito. Nagtimpla siya ng kape at gumawa ng sandwich. Gutom na gutom siya dahil hindi na sila naghapunan ni Nicholas. "Mabuti naman kung gano'n. Nag-enjoy din ba si Sir?" muling tanong nito sa kaniya. Muntikan na niyang mabuga ang kape na nasa kaniyang bibig sa naging tanong ni Hazel. Double meaning kasi sa kaniya a

