Lascivious Casanova 02

1548 Words
"We are not here for soccer players! We're here to practice girls! Please focus!" Nasa loob kami ng malawak na open field. Mayroon mga bakal na bleachers at napapalibutan ng chain-link fence paikot. Kanina ko pa gustong lumipat ng pagpa-praktisan namin. Ayokong ganito ang team ko. Masiyadong mga nagiging conscious sapagkat nasa malapit ang mga kalalakihan. Hindi naman ganoon kalapit, subalit tanaw mula rito ang mga pawisang lalaki sa pinamumunuang soccer team ni Jaxsen. Awtomatikong tumalim ang mga mata ko nang magawi ang tingin ko sa kanya. Nakahubad ang polo na uniporme niya at tanging puting sando ang suot na pang-itaas. Litaw ang magkabilang malalalim na biloy niya sa magkabilang pisngi habang tumatawa at sinisipa ang bola. Lalo akong nainis sa itsura niya. Nagiging malaking hadlang siya sa pagpa-praktis ng cheerleading squad na tinuturuan ko. Ang mga kasama naming lalaki sa grupo'y mga nagsialisan na dahil kanina pa nagkakamali ang mga babae sa grupo namin. Huminga ako ng malalim. Pagbaling ko sa mga kasamang babae, kulang nalang iwan nila ako rito at doon sila mag-cheer kay Jaxsen at sa mga kasama nito. Napailing ako't masama ang loob na lumapit sa isang bleacher para kunin ang gamit ko. "Tapos na tayo mag-praktis?" tanong ni Irene nang mapansin na tumigil ako sa pagtuturo. Ako ang inatasan ng choreographer dahil hindi nakapasok ngayon. Hindi naman dapat ako ang magtuturo ngayon. Isa siguro sa dahilan iyon kaya hindi sila nakikinig sa akin. Dumadagdag lang ang grupo nila Jaxsen na ngayon pa napiling maglaro kung kailan may tao sa field. Umiling ako sa tanong ni Irene. Isinukbit ko ang bag sa balikat at hinarap silang lahat. "Lilipat tayo ng pwesto. Hindi tayo pwede rito dahil wala tayong matatapos na step-" "Dito nalang, Clem! Aayusin na namin!" Kahapon, nakalusot nanaman si Jax. Nagdadala siya ng alak pero hindi siya sinisita ng school. Kahit magsigarilyo sa open space at nakikita ng ilan sa mga guro, wala silang ginagawa. Kilala siyang nag-iisang apo ng Valiente na pinakamayaman dito sa Mindoro, bukod doon ay mayaman rin ang tatay niyang taga Ireland. Madalas kong marinig ang mga tungkol sa kanya ngunit hindi ko siya naaabutan sa mga ganoong gawain, tanging kahapon lang. Kung walang sisita sa kanya, hindi niya iyan titigilan. Ano pa at itinalaga kami ni Harry bilang isa sa mga opisyal sa school kung hindi namin itutuwid ang ginagawa niya? Sa kanya lang naman nagsimula ang lahat. Maayos ang mga estudyante rito bago siya dumating. Kaya sobra ang nararamdaman kong inis sa kanya. Siya ang pinaka matinding bad influence sa mga mag-aaral dito. Kinonsidera ko na sana ang sinabi ni Irene na dito nalang magpraktis kung hindi lang kami nagkatinginan ni Jax. Mayabang 'tong nakangisi sa gawi ko. Nasa akin ang kanyang tingin subalit nang sipain niya ang bola'y pumasok parin ito sa goal post. Simula pa kahapon nang malaman niyang ako ang nagsumbong, inaasar na niya ako. Pinapamukha niya na hindi ko mapapatigil ang mga ginagawa niya. Mariin ang pagkakasara ng mga labi ko't matalim ang tingin sa kanya. Kahit ang pag-angat niya sa laylayan ng sandong damit upang gawing pamunas ng pawis ay nakakapagpakulo sa dugo ko. Lantarang suminghap ang mga babaeng kasama ko dahil sa paglabas ng tiyan niya sa ginawa. Bahagya na ring marumi ang damit niya dahil sa lupa. Pairap akong nag-iwas ng tingin sa kanya upang harapin ang mga babae na nasa kanya ang tingin. "Sa labas tayo! Sumunod kayong lahat sa akin!" Narinig ko ang mga pag-angal nila. Subalit wala silang nagawa nang unahan ko silang lumabas. Kahit nakalabas na'y nahagip ko parin ng tingin si Jax. Naglalakad na siya palapit sa akin. Nasa labas na ako samantalang nandoon siya sa loob. Alam kong hindi niya ako mahahawakan dahil sa nakapagitan sa aming chain-link fence paikot subalit hindi ko mapigilan na magalit kung bakit pa niya kailangan na lumapit. Diretso ang lakad ko. Hindi ko siya pinansin kahit pa sinasabayan niya ako at naglalakad siya patalikod. Naisip kong pagkalagpas ko naman dito sa field na kinukulong ng bakod ay hindi na siya makakasunod sa akin. Depende nalang kung aakyatin niya ang bakod at tatalon palabas. "Do you smoke?" natatawang tanong niya sa akin kahit alam niyang hindi. Pagilid ko siyang sinulyapan nang ilabas niya ang sigarilyo at mabilis na sinindihan sa harapan ko. Sinasadya niya ito para ipakita sa akin na walang kahit sino ang magbabawal sa kanya sa school na ito. Agaw pansin ang mga biloy niya na lumabas nang hithitin niya ang dulo ng sigarilyo. Kahit nagsasalita, kumakain, o kahit kaonting kibot lang ng labi niya'y lumalabas iyon. Gamit ang mga daliri'y sinuklay niya papunta sa likod ang pawisan niyang buhok. Ang manipis na gintong kwintas niya'y kumikinang sa tirik na araw. Nagbuntong hininga ako at pilit pinapakalma ang sarili. I don't like people breaking school rules that's why I hate him. He's the best example of bad boy. A rebel. He's teaching other students to do wrong. "Breaking a few rules won't hurt your grades, Miss. If you want to taste, I can give you some," tukoy niya sa sigarilyo na wala akong balak tikman. Hindi ko siya pinansin. Diretso lang ang tingin ko katulad nang diretso kong paglalakad. "Magandang sumbungera," sabay tawa. Natigil sa paghakbang ang mga paa ko dahil sa sinabi niya. Noong nakaraan pa niya ako tinatawag na ganyan! Salubong ang mga kilay kong hinarap siya. Natigil din siya sa paglalakad na nakatalikod dahil sa pagtigil ko. Nang humakbang ako palapit ay itinaas niya ang kanyang isang kamay. Humawak siya sa chain-link kaya't nakalusot ang mga mahahabang daliri niya roon. Muli siyang humithit sa sigarilyo nang tumigil ako sa harapan niya. Ibinuga niya ang usok sa gilid na hindi inaalis sa akin ang mga mata. "Hindi ka ba talaga titigil sa kakaganyan sa akin?" mariin ang pagkakasara ng mga ngipin ko, nagpipigil na sigawan siya at makaagaw kami ng atensyon. Nakakaasar na nakaangat ang gilid ng labi niya at gustong gusto kong burahin iyon. Hindi ko kahit kailan nagustuhan ang likas na pagkabarumbado na nakabakas sa mukha niya at bastos na pananalita. Kahit nakakaengganyo siyang magsalita dahil sa paglabas ng dalawang biloy, mas pipiliin ko pa rin na manahimik nalang siya. "Titigilan mo rin ba ang kakasumbong? O baka naman ganyan ka magpapansin? You are pretending to be mad at me but the truth is you like me? Tama ba ako, Miss?" Napahawak ako ng mahigpit sa aking bag at gustong gusto ko na itong ihampas sakanya kahit hindi naman siya matatamaan dahil sa mga nakaharang na chain-link na bakod. "Kung may gusto ako sayo, bakit kita gugustuhing mapaalis sa eskwelahan? Kung gusto kita, hindi ako magsusumbong at hahayaan kita kahit mali ang ginagawa mo. Kung mayroon akong gustong lalaki, sasabihin ko kaagad at hindi na ako magpapapansin pa." Lalong bumakas ang paglalaro sa mga mata niya. Umangat ang kilay niya tanda na hindi naniniwala sa sinasabi ko. Lumawak ang ngiti niya. Hinangin ang ilang hibla ng mahaba kong buhok nang sumabay ang malakas na hangin sa kayabangan niya. "Kung totoo na wala kang gusto sa akin, bakit palagi mong napapansin ang mga ginagawa ko?" Nangangawit ako kakatingala sa kanya habang kausap siya pero tiniis ko at hindi umalis sa harapan niya. Gusto kong magtimpi pero unti unti na akong tinatangay sa pagiging antipatiko niya. Tingin ko'y walang lalabas na matino sa bunganga niya. Sa palagay ko'y wala siyang sasabihin na hindi ko ikakaasar. Padarag akong humakbang pa ulit ng isang beses palapit. Kung walang nakaharang sa amin ay baka naitulak ko pa siya sa dibdib. Nakakuyom ang isang kamay ko sa gilid dahil ayokong iangat iyon at duruin siya. Sa halip na lumayo dahil sa galit na paglapit ko'y nakangisi pa siya at nakayukong tinititigan ako. "Dahil sinasadya mong ipakita! Umiinom ka sa loob ng school! Naninigarilyo ka! Nagpapalaro ka ng mga kung ano anong sugal! Sinong hindi makakapansin sayo?! Sa ating dalawa, ikaw ang nagpapapansin at hindi ako!" Tumigil ang mga kasama niyang naglalaro dahil sa paglakas ng boses ko. Nakita ko si Peter na naglakad palapit. Inabot nito ang polo ni Jaxsen sa kanya. Hindi niya ako nilulubayan ng tingin kahit nang isukbit niya sa kanyang kaliwang balikat ang polo niya. "Nag-aaway nanaman kayo?" abot pa sa pandinig ko ang tanong ni Peter kahit hila hila na ako ng mga babae palayo. Mabilis ang paghinga ko na nakatalikod na kay Jax. Nakalagpas na rin kami sa field. Pinagtutulungan ako ng mga babae sa braso para hindi makapalag. Hindi nila ako binibitawan dahil iniisip na babalikan ko si Jax. Alam kong hindi sila nag-aalala na makipag-away ako. Ang ayaw lang nila ay ang awayin ko ang lalaking pinapantasya nila. "By the way, Clementine! Damn legs! Nice ass!" natatawang pahabol ni Jax na sinabayan ng pagsipol sa bastos na paraan. Hindi na ako nag-abala na lingunin siya ulit kahit ramdam kong nasa likod ko ang mga mata niya habang nagsisigarilyo. Nakasuot ako ng itim na cycling. Sanay ako sa ganito dahil sa cheerleading pero sa pagkakataon na ito'y nag-iinit ang mga pisngi ko nang maisip na nakatitig siya sa mga hita at pang-upo ko. Pinapanayuan ako ng balahibo sa batok. Ganito ako sa tuwing may patagong nakatingin sa akin. I hate you, Jax Dawson! Makakaganti rin ako sayo! -----Miss IYA----- THIS IS SLOW UPDATE. HOPE YOU ALL UNDERSTAND. HAVE A GOOD DAY!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD