Lascivious Casanova 03

2413 Words
I can't help but glare at him every time I see him. Bago siya sumalta sa probinsiyang ito'y wala pa akong nakaaway. Ngingisian niya lang ako sa tuwing nahuhuli niya akong masama ang tingin sa kanya. Wala akong choice kundi makita araw araw ang pagmumukha niya dahil dito siya nag-aaral. Hindi naman ako ang may ari ng paaralan. Dahil kung ako ang may ari ng paaralang ito, unang tapak palang niya pinaalis ko na siya rito. Minsan, napapahiling ako na sana'y ipinanganak ako na mayaman. Hindi sa ayaw ko sa mga magulang ko ngayon. Siyempre, sila ang mga magulang ko at mayaman kami. Katulad ngayon, gusto kong maging may ari ng paaralan na ito kahit isang araw lang para mapatalsik si Jax sa ginagawa niyang kalokohan. Binababoy niya ang paaralan, ganoon rin ang mga estudyanteng nag-aaral dito. Naglalaro sila ng kara krus at ang taya ay daan daan at libu libong pera. Nakapaikot ang mga estudyanteng mayayaman at may kaya roon at walang nangangahas na sumaway dahil si Jax ang pasimuno. Wala akong magawa kundi ang mapailing na lang dahil wala akong magagawa. Sa panahon ngayon, kung sinong mas may pera sila ang mas may kapangyarihan. Kahit ang mga patakaran at batas ay kaya nilang baluktutin at paikutin sa mga kamay nila. Malayo palang ay natanaw ko na ang pagsilip niya sa gitna ng mga taong nakapalibot sa kanya. Ako kaagad ang nahanap ng mga mata niya. Hindi pa ako nakakalapit ay nang-aasar na ang malalim na biloy niya. Ito talaga ang una kong napapansin sa tuwing nakikita siya. Napairap ako sa isip. Katulad ng normal na araw ay mayroon siyang hinihithit na sigarilyo at bukod pa roon ay mayroon pang nakaipit sa tainga niya. Nakaharang sila sa pathway kaya't nahihirapan makadaan ang mga matitinong estudyante. "Magandang sumbungera! Halika rito! Baka gusto mong tumaya!" Nagngalit ang mga ngipin ko dahil sa tawag ni Jax. Ang mga tumataya sa kanya'y nagawa pang mga magtawanan. Nang makita nilang pailalim ang masamang tingin ko sa kanila'y mga nagsitahimik naman at kanya kanya ng iwas ng tingin. "Bawal dito magsugal. Kung gusto niyong gawing casino ang daanan, lumabas kayo ng eskwelahan," kay Jax ako nakatingin nang sabihin ko iyon pagkalapit ko. Nagsialisan ang mga naroon nang tumayo si Jax. Binitawan niya ang sigarilyong mayroon pang baga at inapakan. Pagka-angat niya ng tingin sa akin, ilang kilo ng pagpipigil ang ginawa ko sa sarili para hindi ko hablutin ang nakakasira ng araw niyang mukha. "No thanks. Tapos na kami, Miss," saad niya habang binibilang sa harapan ko ang hawak niyang pera. Didilaan niya ang hinlalaki niya kada lipat ng pera at halata na inaasar lang ako. Nakatitig ako sa mukha niya habang ginagawa niya iyon at naiisip ko kung bakit parang hindi siya napalaki ng maayos. O siguro'y talagang matigas lang ang mukha niya. "Clementine! Pinapatawag ka ni Harry!" Nilubayan ko ng tingin si Jax. Paalis na rin ang mga nagsisitayaan sa kanya kanina kaya tinalikuran ko na siya. Lumapit ako kay Cathy, she's our student body secretary. Isa siya sa mga kasama namin na mga student government. "Ano nanaman ang ginawa niya ngayon?" tanong ni Cathy. Napabalik ako ng tingin kay Jax na kasama na ngayon ang mga tropa niya. Kaakbay niya si Peter at sinisipa ang isa sa mga naging kaibigan niya rito. Iritado akong nagbuntong hininga at salubong ang kilay na sumagot kay Cathy nang maalala ang ginawa niya. "Nagpasugal nanaman! Siguradong sa sabungan ang punta ng mga iyan dahil nakalikom siya ng malaking pera rito sa loob ng school!" "Mas malaki pa yata ang kinikita niya kaysa sa fundraising natin," komento ni Cathy at nauna nang tumalikod. Tama ang sinabi niya. Kung ano anong ideya ang iniisip namin para sa fundraising pero hindi ganoon kalaki ang nalilikom namin. Samantalang si Jax ilang hagis lang ng barya. Padarag kong inipon ang buhok pataas at ipinupusod habang naglalakad pasunod kay Cathy. Kahit si Harry na president ng student council ay walang magawa sa mga kalokohan ni Jax. Ako pa kaya na vice president lang? Gusto ko siyang isumbong sa Lola niya pero baka hindi ako paniwalaan dahil mahal na mahal nito ang apo at baka kunsintihin lang din kung magsusumbong ako. "Masama pa rin ang loob mo?" nakangiting bungad ni Harry pagkapasok ko para sa inilaang kwarto ng paaralan para sa mga student body. "Ayos na ako Harry. Naisip ko rin na hindi sapat ang detention bilang parusa sa kanya. Hindi naman iyon matututo kahit ma-detain pa siya. He should be expelled. Maraming estudyante ang ginagaya siya. Nagiging bad influence siya sa maraming mag-aaral at ang tanging paraan lang para matigil iyon ay ang mapa-alis siya." Mahinang natawa si Harry dahil nakasimangot ako habang nagsasalita. Malayong malayo nga naman ang mababasa sa mukha ko sa sinabi ko sa kanyang ayos na ako. Because he knows the truth that I won't be okay as long as Jax studies here. Ginulo niya ang buhok ko't pinaghila ako ng upuan para makapagsimula na sa meeting. Ilan minuto lang ang kinain ng meeting na iyon. Nang makalabas sa kwarto'y nagkanya kanya na kami ulit. Nag-volunteer kami ni Irene kay Harry na puntahan ang lugar na pwedeng pagdausan ng fundraising sa kabilang building. It's just that Irene has to go somewhere first, kaya ang nangyari'y akong mag-isa ang narito ngayon. Maraming puno at sa malayo ay nagsisimula na ring tumaas ang mga talahib. I will not be surprised because students rarely visit this building, sa palagay ko nga'y wala na ring nagpupunta rito. Ang iba pa'y ginagawa itong katatakutan at sinasabing may nagpapakitang multo. Habang naglalakad ay naiisip kong lagyan ng designs ang mga puno para magkaroon ng gabay at nakakahalinang puntahan ang paggaganapan ng event. Hindi naman liblib ang lugar kaya't magandang lagyan ng dekorasyon. Kinilabutan ako sa dumaan na malamig na hangin nang makarating sa building. May pagka-madilim dito dahil hindi abot ng araw. I was checking the props we used for cheerleading last year. Dito namin itinambak ito at nakalimutan na palang alisin. Kung hindi pa ako nagawi rito at hindi ko nakita'y hindi ko maaalala. Hindi naman makalat. Malinis at kabaligtaran sa sinasabi nilang nakakatakot. Iyon ang nasa isip ko hanggang sa may marinig ako. Napatayo ako ng tuwid at kahit hindi naman ako naniniwala sa mga multo'y kinilabutan ako. Hindi ko na sana papansinin at iisipin na baka guni guni ko lang ngunit nanlaki ang mga mata ko nang maulit pa ulit ng sunod sunod ang tunog na iyon. Para itong ungol ng babae na nasasaktan. Parang iyak ng nagmamakaawa. Kung iba siguro'y nanakbo na paalis. Samantalang ako'y sinundan pa kung saan nanggaling ang tunog. Totoo ba ang mga sinasabi nilang may nagmumulto rito? May nakakita na ba sa kanila kaya walang nagtatangka magpunta mag-isa sa lugar na ito? Palapit ako ng palapit sa likod ng building ay lalong lumalakas iyon. Napalunok ako at mabagal ang ginawang pagsilip. Nang una'y inakala kong may makikita talagang kakaibang elemento. Ngunit nang matitigan ko kung sinong naroo'y mas gugustuhin ko pa yatang makakita ng multo. Napatakip ako ng dalawang kamay sa aking bibig. Kahit nakatagilid ay kilalang kilala ko kung sino ang lalaki. Nakatingala at nakapikit. Maliit na nakaawang ang mga labi at mabilis ang paghinga. Hawak nito ang isa sa mga hita ng babae na narinig ko. Ang kanyang ibabang katawan ay gumagalaw. Nakasandal ang babae sa pader. Magkaharap sila at parehong nakatayo. Kahit hindi ako lumapit at kahit unang beses kong makakita ng ganito, walang duda na alam ko ang ginagawa nila. Sugarol, mabisyo, at basagulero ang pagkakakilala ko sa kanya. Wala akong nakikitang babae na kasama niya, ayon pala'y patago niyang ginagawa. Ibinaba ko ang mga kamay at balak nang umalis. Wala akong balak na maging audience niya habang ginagawa ito. Ngunit napabalik ako ng tingin nang masulyapan ko ang mukha ng babae. Napanganga ako at hindi makapaniwala. Sinong mag-aakala na ang maganda at sexy na guro sa eskwelahan na ito ang kasalo ni Jax ngayon? Napasandal ako sa pader at natulala ng ilang sandali bago tuluyang umalis. Nagkikita sila sa tagong lugar ng eskwelahan? May relasyon ba sila? Akala ko'y mga estudyante lang ang naiimpluwensyahan niya, pati pala guro! Sa dami ng araw at lugar ngayon pa talaga kung kailan nagpunta ako! Lalo akong nakaramdam ng galit para sa kanya. Nahaluan pa ngayon ng pandidiri. Nakatulala ako habang naglalakad kaya hindi ko napansin na nasa harapan ko na si Harry. Papalayo ako sa lugar kung saan nakita si Jax habang si Harry ay mukhang papunta roon. "Ang bilis mo naman? Nakita mo na? Pupuntahan sana kita kasi hindi ka pala nasamahan ni Irene-" "Nakita ko na!" Nagmamadaling sagot ko dahil baka hilahin niya pa ako roon pabalik. Ayoko nang makita iyon! Nagkakasala ang mga mata ko! Mabuti nalang at hindi ako napasigaw kanina sa gulat! Inunahan ko siyang maglakad. Nilingon ko siya kung susunod ba siya. Sinulyapan niya pa ng isang beses ang lugar na pinanggalingan ko bago lakad takbong sumunod sa akin. Hanggang sa makauwi, napapaisip ako. Kahit nakahiga'y napapatulala ako sa kisame. Kulang nalang ay bangungutin ako dahil kinabukasan pagkagising ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nakita ko. Lalo pa't siya ang nabungaran ko pagkapasok sa eskwelahan. "Akin na!" agaw niya sa hawak ni Peter. Stick iyon na mayroong nakadikit na salamin. Malapit sila sa gym at may mga babaeng nanunuod sa mga nagpa-praktis. Paikot ang chain-link fence roon at nasa loob ng court ang mga babae. Nakatayo sila sa bleachers at nasa likod nila ay ang grupo nila Jax na nasa labas ng court. Kung sa soccer field ay open area, dito naman ay mayroong bubong. "Kulay pink!" si Jax na sinundan ng tawanan nila. Nakalusot ang stick na may salamin sa chain link. Inilipat niya ang hawak na stick sa isa pang babae. Doon ko lang natanto kung anong ginagawa nila. Pinag-initan ako ng mukha at kulang nalang ay umusok ang ilong ko sa ginagawa nila. "Walang suot!" mas malakas ang tawanan ngayon dahil sa sinabi niya. Bago pa nila masilip sa stick na may nakakabit na salamin ang kulay ng panty ng susunod na babae'y nagmartsa na ako palapit at inagaw ang hawak niya. Dahil pinagpatong patong na ang galit ko sa kanya at isama pa ang nakita ko kahapon ay hindi ko na napigilan ang paglipad ng palad ko sa pisngi niya. Malakas na lumagapak iyon, sobrang lakas ng tunog na pati ang mga naglalaro sa loob ng gym ay natigil at napatingin sa amin. Nakagilid ang mukha ni Jax at nakitaan ko pa ng dugo sa gilid ng labi. Pagkaharap niya'y para siyang naging ibang tao dahil sa malamig niyang mga mata. "Bakit mo ginawa iyon?" pansin ang pagtiim bagang niya. "Bakit hindi ko gagawin kung nakita kong binabastos mo ang mga babae?!" sigaw ko at itinuro ang mga babae na sinisilipan nila ng mga panty kanina. "Ikaw ba ang binastos ko? Kung sila pala ang binabastos ko hindi ba't dapat sila ang sumampal sa akin-" "Hindi nila alam! Paano ka nila sasampalin?!" "Kahit alam nila, tingin mo ba sasampalin nila ako? Kusa pa nilang ipapasilip sa akin iyon-" "Sinong babae ang gugustuhing masilipan? Matigas na nga ang mukha mo! Makapal pa! Ano bang akala mo? Na lahat ng babae rito gusto ka?!" Nakakuyom ang mga kamao niya. Akma niya akong lalapitan nang pigilan siya ni Peter sa braso. Natahimik at naging seryoso ang mga kasama niya. Napa-atras ako. Bigla akong natakot sa pagiging seryoso ng mga mata niya. O siguro hindi lang ako sanay dahil mas madalas ko siyang makitang mapaglaro at nginingisian ako. "Hayaan mo na, Jax. Babae iyan," narinig kong awat ni Peter kahit nasa kay Jax ang mga mata ko. Padarag niyang hinawi ang kamay ni Peter at nagpatuloy sa paglapit sa akin. Kahit kinakabahan ako sa paglapit niya'y nagawa ko pa ring iangat ang isang kamay upang bigyan siya ulit ng sampal. Ngunit sa pagkakataon na ito'y hindi na niya iyon hinayaan na tumama sa kanya. Nasalo ng malaki at magaspang niyang kamay ang pulsuhan ko bago pa man iyon lumapat ulit sa pisngi niya. Mariin ang hawak ng isang kamay niya sa pulso ko. Ang kanyang isang kamay ay mariin akong hinawakan sa balikat at malakas na itinulak pasandal sa chain link na bakod. Mariin akong napapikit. Mariing nakasara ang mga labi ko nang dumilat ako. Tiningala ko siya at pinapantayan ng galit kong mga mata ang nanlilisik niya ring mga mata. "Sasaktan mo ako? Pumapatol ka sa babae-" nabitin ang salita ko at nanlaki ang aking mga mata nang bumaba ang mukha niya. Umabot sa aking lalamunan ang t***k ng puso ko dahil sa gulat. Ang mga malapit na babae'y narinig ko ring nagsinghapan. Naitikom ko ng mariin ang mga labi ko dahil sa takot na mahalikan niya. Iisipin ko talagang balak niya akong halikan kung hindi siya tumigil ilang pulgada ang layo sa aking mukha. Marahas ang mga mata niyang nakatitig sa akin at ganoon rin ako sa kanya. Parang mayroong invisible na kuryente ang naglalaban sa mga mata namin. "Don't try to do that again," may pagbabanta sa malalim na boses niya. Sinubukan kong agawin ang kamay kong hawak niya sa pulso at nakadiin din sa bakod na nasa aking likod, malapit sa uluhan ko. Hindi niya iyon binitawan kaya't tinignan ko nalang siya ng masama. Para akong asong lalong bumangis dahil hindi makawala. "Bakit? Anong gagawin mo?" Kahit nakakulong ako sa pagitan niya at ng chain link fence. Kahit hindi ako makagalaw sapagkat sobrang lapit niya'y nagawa ko pa rin siyang taasan ng kilay. "Paparusahan kita-" Natawa ako kahit hindi pa siya natatapos sa sinasabi niya. Paparusahan? Sa lahat ng mga kagaguhan niya ako pa ang paparusahan niya? Tunog sarkastiko ang tawa ko. Tahimik lang ang lahat dahil walang nagbago sa reaksyon niya kahit tinatawanan ko siya. Natigilan lang ako nang lalo niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin at higitin ako sa aking bewang. Para akong maduduling sa sobrang lapit niya. Kahit ang mabango niyang hininga'y naaamoy ko na. Bigla akong napaso sa mga kamay niyang gumagapos sa akin kahit hindi naman mainit. My lips parted as I remembered what I saw yesterday. I stopped laughing. I stopped moving. I suddenly lost the strength to speak. Nakalimutan ko na rin yatang huminga. Ang tanging nagawa ko lang ay titigan ang magagandang kulay ng kanyang mga mata. "Try to slap me again and I will punish your lips. I'm warning you, Clementine Alvarina," his voice was serious as his dark eyes dropped to my half parted lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD