Lascivious Casanova 04

2207 Words
"s**t!" Lumuwag ang hawak niya sa akin. Umawang ang mga labi niya at namumula ang buong mukha na parang hindi makahinga. Malulutong na mura at singhapan ang pumailanlang nang tuhudin ko ang nasa pagitan ng mga hita niya. Nabitawan niya ako't napaluhod sa harapan ko habang salo salo ang nasaktang p*********i niya. Kahit ang mga kaibigan ni Jax ay napangiwi dahil sa ginawa ko. Para bang ramdam nila ang sakit no'n kahit hindi ko sa kanila ginawa. "Punish my lips? Ano, hahalikan mo ako? Tingin mo ba, matatakot mo ako diyan? Wala ka nang ginawa at sinabing matino! Pasalamat ka at hindi ko pa sinasabi kahit kanino ang sikreto mo!" Pinagpapawisan siya nang tingalain ako. Nasa mga mata niya pa rin ang sakit nang pagtuhod ko sa kanya ngunit may nabasa rin akong irita at pagtataka. "Anong sikreto?-" natigilan siya at napayuko ulit. Nagmura ng paulit ulit dahil hindi pa nawawala ang sakit ng ginawa ko sa kanya. "Bakit mo tinatanong? Gusto mo dito ko sagutin para marinig nilang lahat?" Naghalukipkip ako at niyuyuko siyang mukhang tangang nakaluhod sa aking harapan. Teacher pala rito ang babae mo ha? Mabait at tahimik si Ms. Abadiano, ayon pala'y may relasyon sila ni Jax. Walang estudyante ang mag-iisip na may relasyon sila. Sa tagal kong minamanmanan si Jax ay hindi ko pa sila nakitang magkasama ni minsan. Halos wala ngang makikitang kasama niya kundi mga tropa niya lang na kapwa niya manginginom, takaw gulo, at pala waldas ng mga perang pinaghihirapan ng mga magulang nila. Pairap ko siyang iniwan roon. Nasalubong ko si Harry at mukhang nakita nila ang nangyari. Inakbayan niya ako na natatawa. Bahagya siyang nakayuko, sinisilip ang lukot kong mukha na kahit plantsa siguro'y hindi kayang ayusin. Anong akala niya, maaakit niya ako dahil lang maganda siyang lalaki? Marami rin namang gwapo rito, isa na nga ang nakaakbay sa akin ngayon. Pa-bad boy lang siya kaya maraming naghahabol na babae. Marahil ay para sa kanila'y napakalaking achievement kapag nabago nila ito. Bukod sa mukha'y wala nang pwedeng ipagmalaki sa kanya kaya hindi ko maintindihan kung bakit hinahangaan nila ang lalaki na iyan. "Ang sakit no'n," tawa ni Harry. Tinusok ko siya ng masamang tingin. May after shock pa yata ang galit ko kaya hindi pa kumakalma. "Dapat lang sa kanya iyon! Kulang pa nga kung tutuusin! Gusto ko yung tipong parang mamamatay na siya sa sakit at hindi na niya kakayanin kaya't kusa na siyang aalis!" Natawa ulit siya. "Mukhang may plano ka na para mapaalis siya ah? Ingat ka, Clem. Walang girlfriend iyan pero mukhang matinik sa babae. Nag-aalala ako na baka bumaliktad ang sitwasyon niyo." "What do you mean? Na magkakagusto ako sa kanya?" mataray na tanong ko dahil hindi ko nagustuhan ang punto niya. "Who knows? You're like a sister to me, Clem. I don't want you to lose your intellegent in case you fall for him-" "In short, ayaw mo akong maging tanga?" Tinawanan niya lang ako. Napangisi ako at umiling. Ginulo niya ang buhok ko pero nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Hindi mangyayari iyon, Harry. Sisiguraduhin ko. Mas may pag-asa pang magkagusto ako sa'yo kaysa sa kanya." Naging tahimik ang araw ko. Sa tingin ko ay umuwi ng maaga si Jax dahil sa ginawa ko sa kanya. Maaari ring nagpadala sa clinic. Matagal bang mawala ang sakit no'n? Malakas pa naman ang pagkatuhod ko dahil sobrang lapit niya. Napangiwi ako sa pandidiri at napahawak sa aking tuhod. Naramdaman ko siya nang tuhudin ko siya kanina. Kinikilabutan tuloy ako. Malambot iyon pero sigurado akong... malaki? "Clem!" Nabitawan ko ang pinaglalaruan na ballpen. Gusto kong manampal ulit at si Irene naman ang sasampalin ko. Tinignan ko siya ng masama habang papalapit sa akin. "Hindi ka ba marunong tumawag ng maayos? Bakit kailangan mong sumigaw?" Iritado ang boses ko dahil pakiramdam ko'y nahuli niya ako sa iniisip ko bago niya ako tawagin. "Nasa labas si Jax-" Napatayo ako sa sinabi niya. Akala ko'y buo na ang araw ko dahil maaga siyang umalis, nandito pa pala. Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Irene. Nilagpasan ko siya at pumunta sa labas. Nakasandal si Jax sa gilid ng pinto. Napatayo siya ng maayos nang makita ako. Parehas kaming salubong ang kilay nang magkatinginan. "Anong kailangan mo?" Malamig na bungad ko't magulong ipinusod pataas ang mga buhok. Napatingin siya sa leeg ko habang nag-iipit ako. Pagkababa ko ng aking mga kamay saka lang bumalik sa mga mata ko ang tingin niya. "Mag-usap tayo. Anong sikreto ko ang sinasabi mo?" sabay hakbang palapit para higitin ako sa braso. Mabilis kong inagaw ang braso ko at nilingon si Irene para sabihin niya kay Harry na susunod nalang ako sa canteen. Pagkalayo ni Irene, doon ko pa lang ulit siya hinarap. "Gamitin mo ang bibig mo para magsalita. Hindi mo ako kailangang hawakan-" "Anong sinasabi mo kanina na sikreto ko?" Narinig ko siya kanina pero hindi ko yata siya kayang sagutin. Anong sasabihin ko? Nasilip ko kayong nags-s*x ni Ms. Abadiano? Wala akong balak na banggitin sa kanya iyon kanina. Nabigla rin ako at nasabi kong may alam akong sikreto niya. "Sarili mong sikreto, hindi mo alam?" "Sabibin mo na, Clementine. Para matapos na dahil hindi rin kita gustong kausap-" Tinaasan ko siya ng kilay. Naghalukipkip ako at tinawanan siya. Ang kapal talaga ng mukha niya! Ako pa ang ayaw niyang kausap? Sa tingin ba niya gusto ko siyang kausap? Kahit nga hininga niya'y contaminated na ng pagka-gunggong niya! "Ayaw mo pala akong kausap? Eh 'di wag mo akong kausapin! Huwag ka na magtanong!" Nanggagalaiti ako nang talikuran ko siya. Nakasunod siya sa akin kaya lakad takbo akong nagtungo sa canteen. "Clementine-" "Huwag mo akong kausapin!" "Sandali lang-" "Huwag mo ako sabing kausapin!" hinarap ko siya nang nasa pinto na ng canteen. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at itinuro gamit ang aking hintuturo. "Gusto ko ng matinong araw, Jax! Kaya tigilan mo ang pagiging aso mo at pagbuntot sa akin!" Madilim ang mga mata niyang tinignan ako pero hindi na nagsalita. Wala siya nang kumuha ako ng pagkain at maupo sa tabi ni Harry. Inilibot ko ang mga mata sa buong canteen at nakahinga ng maluwag nang hindi ko siya makita. Hanggang sa sumunod na klase at hanggang sa makauwi ako'y walang jax na nanggulo. "Kami nalang ulit ni Clementine." May pagdududa kong tinignan si Irene. Nang sinabi niya ito nakaraan ay ako lang ang mag isang nagtungo sa building. Kung kasama ko siya no'n siguro'y dalawa kaming nakakita kay Jax. Hindi rin pala, sa palagay ko'y tatakbo ito at iiwan ako dahil matatakot sa narinig. Kasama ko siya o hindi nang araw na iyon, makikita ko pa rin sila Jax at Ms. Abadiano. "Ang hilig mong magpresinta. Hindi ka naman sumasama," komento ko sa suhestiyon ni Irene na ikinatawa ni Harry na nasa tabi ko. Nagpangalumbaba ako sa lamesa habang tinititigan si Irene at naiisip na siguro'y naniniwala itong may multo roon kaya kapag pupuntahan na'y nagkakaroon ng dahilan para hindi sumama. "Alam mo, ako nalang. Kasi sa huli ako lang naman din ang pumupunta-" "Samahan na kita," si Harry. Tinitigan ko siya. Hindi ako nakasagot kaagad. Paano kung naroon ulit si Jax at may ginagawa nanaman? Napaayos ako ng upo at sinaway ang sarili. Ano nga bang pakialam ko? Kung makikita siya ni Harry siguradong ipapaalam nito sa mataas at baka iyon pa ang maging dahilan para mapaalis siya. Madadamay si Ms. Abadiano. Against sa rules iyon, siguro naman ay alam niya ang pwedeng maging consequences ng pinasok niya? "Okay," sagot ko nalang bago pa magtaka si Harry sa hindi ko pagsagot. My body suddenly grew colder as Harry and I walked towards the building. Animo'y sikreto ko ang mabubunyag kung sakali na naroon si Jax at mahuli siya ni Harry. Inunahan ko siya sa paglalakad. Sa likod ako ng building kaagad nagtungo. Bumagal pa ang lakad ko at dahan dahan na sumilip kung saan ko sila nakita. "Bakit?" Halos mapatalon ako paharap kay Harry nang magtanong siya sa likod ko at makisilip rin sa kung anong tinitignan ko. Umiling lang ako. Nakahinga na dahil wala sila rito. Siguro ay isa sa isang linggo lang sila nagkikita? Kung araw araw kasi'y may posibilidad na mahuli sila. Tumalikod si Harry at pumasok sa loob ng building. Dito mangyayari ang registration. Dito rin ang first aid station. This will be the logistic place at the event. "Bike-a-thon?" tanong ko. "Oo. Kaya lang pinagpipilian pa namin ang dalawang lugar. Dito ang starting line pero hindi pa napag-uusapan kung saan ang finish line." Tumango ako. Madali na sigurong ayusin iyon dahil may nakausap na sila para sa permit. Dalawang lugar din ang pinagpipilian at wala naman masiyadong sasakyan kaya hindi makakaabala sa traffic routes. Experienced bikers ang mga dadalo, mga estudyante, at mga pamilya na sasamantalahin ang event na ito para makapag bonding. May ilan pang dumayo para rito. Pagkatapos ng registration ay gagawin na ang mga t-shirts nila. Logo ng negosyo ng Valiente ang nakalagay sa harapan dahil Lola ni Jax ang sponsor sa event. Sa likuran naman ng t-shirts ay mga family name ng participants. "Next month ba ang registration?" "Yup, and the event will be held in the next two months. One month after the registration." Pinanuod ko siyang magpamewang at tignan ang buong kwarto. Matagal na kaming magkaibigan ni Harry. Para na kaming magkapatid dahil sabay kaming lumaki sa lugar na ito. Magkapitbahay pa kami. "Sasali ba ang lahat ng college department?" tanong ko't humakbang palapit sa kanya. Tumango siya at tinawagan ang ibang volunteers na pwedeng tumulong sa amin na maglinis dito. Hindi na kami umalis at naghintay na kami. Kahit sa isang buwan pa'y inisa isa na namin ang mga nakatambak sa kwartong gagamitin. Matagal pa pero mas magandang maagang mag-ayos. Nakahawak ako sa aking balikat at pinapaikot ang kaliwang braso ko. Nangawit ang balikat ko kahit hindi naman masiyadong nagbuhat ng mabigat. Mga lalaki na ang gumawa no'n at kaming mga babae ang nagkuskos sa sahig at dingding. Pabalik ako sa kwarto para makapagpalit ng damit. Hindi naman marumi ang damit ko pero ayokong umuwi na amoy pawis. Abala ako sa nararamdamang sakit ng katawan nang mapadaan sa malapit na building. Natigil ako sa paghilot sa aking balikat at sinundan ng tingin ang dalawang tao na dumaan. Mukhang hindi ako napansin dahil diretso ang tingin nila kung saan sila papunta. Kaakbay ni Jax si Maya. She's our top student. Sa pagkakaalam ko'y napili siyang exchange student sa malaking unibersidad sa ibang bansa. Hindi ko napigilan ang mga paa kong sundan sila. Bakit iba ang kasama niya? Akala ko ba'y karelasyon niya si Ms. Abadiano? Dalawa ang babae niya at sa magkaibang building niya dinadala? Naka-schedule para hindi mahuli na pinagsasabay niya? "Huwag ka na maghubad. Ako nang bahala," mahina ang boses ni Jax Pabulong bulong siya at malagkit na nakikipagtitigan dito na parang nang-e-engganyong sundin ang lahat ng gusto niya. Hindi ko ito dapat ginagawa. Ang dapat ay nagbihis na ako para makauwi na at hindi ganitong sinisilip nanaman si Jax. I don't know why lately I've always witnessed him doing lascivious things. "Can we just do it in the bathroom?" si Maya. "Nagawa na natin ito dito ha? At ayoko sa kulob na lugar," si Jax habang binubuksan ang suot niyang pantalon. Ms. Abadiano and Maya were timid in person. Kaya nakakagulat para sa akin na silang dalawa pa ang mahuhuli ko sa ganitong akto. I expected this from Jax but not from them. Kung magsusumbong nga ako ngayon, tiyak na walang maniniwala sa akin. I was busy thinking about Maya and Ms. Abadiano, I didn't notice that Jax was already naked. Nakabukas na ang kanyang pantalon. Ang zipper at suot na boxer niya'y naibaba na rin. Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko para hindi gumawa ng ingay at para hindi lumabas ang malakas kong singhap nang matuon ang tingin ko sa ibaba niyang katawan. Napakurap ako at napatanga, gulat na gulat sa nakita. Mayroon siyang Binuksan na plastik gamit ang kanyang ngipin at mabilis na isinuot ang laman no'n. I have never seen one until now but I know it was a condom. Nanlamig ang sikmura ko nang buhatin niya ang isa sa mga hita ni Maya at magsimulang pasukin ito. Nang sabay silang nagbitaw ng mahinang ungol ay doon na ako napaiwas ng tingin. Patuloy kong narinig iyon dahil hindi pa ako kaagad nakakilos para umalis. Jax's voice was almost inaudible because of Maya's moan. Halos walang tunog na maririnig galing kay Jax samantalang malinaw sa pandinig ko ang boses ni Maya. "Huwag mong ipasok lahat, Jax... masakit..." si Maya sa gitna ng pagsinghap. "Ganito naman ang gusto mo, 'di ba? Kumasya naman dati." Parang wala lang ang boses ni Jax. Aakalain lang na may kausap kung boses lang ang papakinggan at hindi makikita ang ginagawa nila. Umatras ako at nakakuha ng lakas para umalis. Hindi ko napansin ang mga basurang naka-plastik na itim sa likod ko. Napatid ang isa kong paa at patalikod na bumagsak sa mga basura. Dahil sa gulat ay hindi ko na napigilan ang malakas na pagtili. Sumakit ang balakang ko at mabilis na kumapit sa akin ang amoy ng basura. "What the hell, Clementine?! Are you watching us?!" Nanlamig at namutla ako sa pasigaw na tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD