Lascivious Casanova 05

2882 Words
Panandalian kong nakalimutan sila Jax dahil sa pagbagsak ko sa mga basura. Naalala ko na lang ulit nang marinig ko ang boses niya. Kasalukuyan siyang nagsasara ng butones ng pantalon niya nang mag-angat ako ng tingin. "Jax," si Maya na pulang pula ang mukha. Humawak siya sa braso ni Jax at nagtago sa likod nito nang makita ako. Napatitig ako sa kanya. Ngayong wala silang ginagawa'y bumalik siya sa pagiging mahinhin. Hindi na nga lang maalis sa isip ko ang napanuod kong eksena kanina. Ang tanging nais kong gawin ngayon ay ang tumakbo papuntang simbahan at magpatak ng holy water sa aking mga mata at tainga. Baka sakaling luminis muli ang aking paningin at pandinig na nadumihan ng husto ni Jax. "Umalis ka na. Mag-uusap kami," sabay alis ni Jax sa kamay ni Maya na nasa braso niya. "You'll be fine here?" may pag-aalala sa tanong ni Maya at muli akong tinignan na para bang sasaktan at kakainin ko si Jax ng buhay kung iiwan niya. "Of course!" Iritado ang boses ni Jax. Hindi ko alam kung dahil sa akin o dahil sa paghawak ni Maya dahil dito siya nakatingin. "Narinig kong sinaktan ka niya sa gym. Baka mapaano ka-" "Just leave, okay? I'll call you," hinawi niya ulit ang kamay nito nang muli siyang hawakan. Tumango si Maya at sinunod ang gusto niya. Sinulyapan pa ako nito ng huling beses bago tuluyang umalis. Tinignan ko ang likod ni Maya at nakaramdam ng awa nang maalala na nakita ko rin si Jax at Ms. Abadiano sa kabilang building. Nagtiim labi ako at hindi muna tumayo kahit nanlilimahid na ako mula sa pagbagsak sa basurahan. Binalingan ko si Jax na nakahalukipkip at nakatingin sa anyo kong napapaligiran ng mga basura. "Maganda ang kinabukasan na nakaabang sa kanya. Kapag nabuntis mo iyan, hindi matutuloy ang pagpunta niyan sa ibang bansa-" "Akala ko ba napanuod mo? I always wore a condom. I had never used a woman without wearing one." "Paano ka nakakasiguro na hindi mo mabubuntis iyan dahil naka-condom ka?" Salubong ang kilay niyang inalis ang mga braso sa paghalukipkip. Iritado pa rin ang mga mata niya kaya't sa palagay ko'y sa akin siya naiirita at hindi sa paghawak sa kanya kanina ni Maya. Paano nga naman siya maiirita kung kani-kanina lang ay pinapasok niya? "Why are we talking about her? Ikaw ang pag-usapan natin. Anong ginagawa mo rito?" Nag-iwas ako ng tingin. Iniiwasan kong pamulahan. Itinulak ko ang ibang basura na nasa tabi ko. Tumayo ako at pinagpag ang aking damit. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Hindi ko siya kayang tignan na hindi naaalala ang nakita ko kanina. Mas malala ito kaysa kay Ms. Abadiano. Nakaharang ang hita ng guro noon. Itong kay Maya, nakita ko ang nakatago sa loob ng pantalon niya. Nakakatakot. Buhay na buhay at gumagalaw. Naramdaman ko siya sa tuhod ko pero malambot pa iyon, hindi katulad kanina na... umiling ako sa isip para maiwala ang isip doon at para masagot ang tanong niya. "Napadaan lang ako-" "Ito ba ang sinasabi mong sikreto ko? Ilang beses mo na akong binobosohan? Araw araw ba? Ilan na sakanila ang nakita mo? Lima? Pito?" Hindi na ako nagtangkang iwasan siya ng tingin. Maging ang hiya'y nilubayan na rin ako sa katawan. Tanging pagiging kuryuso lang sa sinabi niya ang natira. "What do you mean? Ibig mo bang sabihin ay araw araw mo itong ginagawa?" Napangaga ako at nanlalaki ang mga matang tinignan siya. Natahimik siya. Mukhang nadulas lang dahil akala niya'y palagi ko siyang binobosohan. At hindi ko siya binosohan! Na-curious lang ako sa ginagawa niya pero hindi ibig sabihin niyon ay binobosohan ko na siya! Aksidente iyon! Hindi ko iyon ginustong makita! "Sagutin mo nalang ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito? Hindi ako maniniwala kung sasabihin mong napadaan ka lang-" "Sino sino sila, Jax? Si Ms. Abadiano kahapon at ngayon si Maya?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Biruin mo, lima? Pito? Araw araw? Hindi ba siya nagsasawa at napapagod sa kakapasok ng iba't ibang butas? Paano niya nagawang itago iyon kung dito sa loob ng eskwelahan niya lang naman ginagawa? "Paano mo nalaman ang kay Ms. Abadiano?" Nanliliit ang mga matang tanong niya. Naitikom ko ang mga labi ko nang matanto ang nasabi. Hindi ko na napigilan ang pamulahan nang makita kong napangisi siya. Unti unting nabanat ang gilid ng kanyang mga labi at mabilis na lumitaw ang malalalim na biloy sa magkabila niyang pisngi nang humalakhak siya. Nagpamulsa siya at naiiling na pinagmasdan ako, pinipilit na pigilan ang tawa. "Akala ko magandang sumbungera ka lang. Magandang mamboboso rin pala-" "Hoy! Hindi kita binobosohan! Kung sa ibang lugar mo ito ginagawa e 'di sana hindi kita nakikita! Ikaw itong kung saan saan nagkakalat tapos kapag may nakakita sasabihin mong binobosohan ka?" "Malayo ang building na ito sa inyo. Kung hindi ka namboboso diyan wala ka sana sa basurahan ngayon. Kung gusto mo kasing manuod, sabihin mo-" "Bakit ko gugustuhing manuod?!" Nakangisi siya. Nanlaki ang mga mata ko nang dalhin niya ang kanyang mga kamay sa butones ng pantalon niya at may balak yatang buksan iyon. "O kung gusto mong makita, sabihin mo. Madali akong kausap, Clementine. Pwede ko namang ilabas sandali para sayo-" "Ayokong makita! Wala ka na ba sa sarili mo?!" Napatalikod ako nang makitang hawakan niya ang garter ng suot niyang boxer briefs. "Tigilan mo nga iyan!" Pulang pula na ako. Ni hindi ko na naalalang amoy basura ako ngayon. Kaonti nalang mag w-walk out na ako kung hindi ko lang narinig ang matunog niyang halakhak. Nagkiskisan ang mga ngipin ko nang may matanto. Wala siyang balak na ipakita sa akin! Tinatakot lang ako ng gunggong na ito! Kung kanina'y namumula ako dahil sa pinaggagagawa niya. Ngayon ay pinagpapawisan ako at walang dudang sobrang pula ko na dahil sa galit. Muli ko siyang hinarap at nakitang nakaayos na ang pantalon niya. Kahit alam kong amoy basura ako'y hindi na ako nangiming lumapit sa kanya. Nakakuyom ang mga kamay ko. Binuksan ko lang iyon at inihanda ang palad nang makalapit sa kanya. "Go ahead, Clementine. Hit me," hamon niya nang makita ang pag-angat ng kamay ko. Sa halip na lumayo dahil balak ko siyang sampalin ay mas inilapit niya pa sa akin ang kanyang mukha. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at malagkit na tinitigan ang labi ko. Naudlot ang paparating kong sampal sana sa kanya nang maalala ko ang banta niya. Hindi ko alam kung tototohanin niya iyon kapag sinampal ko siya pero naging dahilan iyon para mapigilan ko ang sarili. Ang isang kamay niya'y nakaharang rin sa kanyang pribadong katawan na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Nag-aalala siguro na baka tuhudin ko ulit siya katulad ng ginawa ko kanina. Ang palad na para sana sa kanyang pisngi'y hinampas ko nalang ng malakas sa kanyang dibdib. Ngising ngisi pa siya dahil hindi ko siya magawang sampalin. Hindi niya alam na ang paa ko ay papalipad na sa kanyang binti. "f**k!" Napapikit siya ng mariin at napaupo. Hawak hawak na ngayon ang binti niyang sinipa ko. Nagbaba ako ng tingin sa suot kong sapatos. Nang makita ko ang matigas na sapatos ay doon lang rumihestro sa akin ang nagawa. Malakas ang sipa ko sa kanya kaya't talaga namang masasaktan siya. "Napadaan lang ako at nakita ko kayong dalawa! Hindi ko gustong manuod at lalong hindi ko gustong makita iyan!" "How do you explain what you saw in the other building? Sasabihin mong napadaan ka lang din nang makita mo kami ni Ms. Abadiano?" Nakahawak pa rin sa binti na tanong niya. "Oo-" "Huwag ka na magsinungaling! Huling huli ka nang sinisilipan mo ako! Hanggang saan ang nakita mo? Masarap bang mapanuod ako ng dalawang beses? Anong naramdaman mo, huh? Clementine?" Tumatayo siya habang sinasabi iyon. Alam kong nasaktan siya ngunit nang tingalain niya ako at makita kong nagsisimula nanaman ang nakakainis na ngisi niya'y nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na napigilan na sipain ang kabilang binti niya. Mas malakas ngayon. Nagmura siya at napabalik sa pag-upo. Namimilipit at namumula sa sakit. "Sana magkasakit ka! Sana makabuntis ka para magtino ka!" Isang pahabol pang malakas na sipa sa binti niya'y tinalikuran ko na siya. "Damn it! Clementine! Bumalik ka dito!" Narinig ko pa ang tawag niya sa akin nang iwan ko siya sa building. Sumimangot ako at hindi na siya binalikan ng tingin. Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil sa pagmamadaling makaalis. Umuwi tuloy ako sa bahay na amoy basura. May kasamang galit ang pagkuskos ko sa aking balat nang maligo. Kahit kinabukasan ay ramdam ko pa rin ang sobrang pagkairita ko sa kanya. Naabutan ko si Nanay sa kusina na nagluluto. Nag-isip pa ako ng ilan sandali ngunit walang maisip na maaaring okasyon ngayong araw. "Sa Senyora po ba ito dadalhin?" Tanong kong nakatingin sa mga pagkaing inaayos niya. Walang pasok ngayon at bukas kaya't naisipan kong tumulong. Akala ko'y makakaligtas na ako dahil hindi ko makikita si Jax sa paaralan. Mukhang iba yata ang plano ng tadhana dahil doon din ang tungo namin ngayong araw. "Hindi naman po kumakain si Jax ng ganito kaya bakit nagpaluto pa ng marami si Senyora?" tanong ko nang tumango siya. "Dadating ang pinsan ni Jax. Dadalaw lang ngayong araw pero mag-aaral yata sa pinapasukan niyo sa susunod na buwan." "Akala ko po ba'y nag-iisang apo lang si Jax?" May pagtatakang baling ko kay Nanay. Dahil iyon talaga ang pagkakaalam ko. Na nag-iisa lang siyang apo kaya nga't hayun at matigas ang bungo. Palibhasa alam niyang lahat ng gusto niya makukuha at magagawa niya. Hindi ko alam na may pinsan siya at mukhang kaedaran pa namin. Napaisip ako at lalong nag-alala. Paano kung kaugali niya iyon at magtulong pa silang baliin ang mga panuntunan sa eskwelahan? "Apo ng Senyora iyon sa kapatid niya. Gustong pag-aralan ang pagtatanim kaya't sa paaralan niyo napiling magpatuloy ng pag-aaral at hindi sa ibang bansa. Ang apo niyang si Jax ay wala namang hilig sa agrikultura. Sa palagay ko'y dito sa apo niyang darating ipapamana ang ibang lupain niya." Nalilibang si Nanay sa kakakwento habang inihahanda ang mga pagkain. Ilan taon nang naninilbihan bilang tagaluto at tagalinis si Nanay doon. Ang kinatitirikan ng bahay namin at ang tinataniman ni Tatay ay lupain rin nila. Malaki ang utang na loob ng mga magulang ko sa Senyora at sa Don na Lolo ni Jax noong nabubuhay pa. Wala ang sasakyan ni Jax sa labas ng mansion kung saan 'yon madalas nakaparada. Kapag ganitong wala siya'y siguradong nasa sabungan iyon o naghahanap ng makakaaway. Itim na Raptor ang nakaparada sa labas. Nasisiguro kong sasakyan ito ng Apo ni Senyora na binabanggit ni Nanay. Sa likod ng sasakyan ay sari saring mga prutas na mukhang dadalhin sa siyudad. "Naku! kanina pa yata nariyan!" Nauna siyang pumasok at iniwan ako sa labas na bitbit ang maliit na mga bilao ng maha at kakanin. Gumawa pa siya ng peanut butter at balak yatang ipadala sa Apo ni Senyora. Napalabi ako. Masiyadong ma-effort si Nanay sa tuwing may bisita rito. Kung tatanggihan ito ng Apo ng Senyora na dumating ngayon, katulad ni Jax noon, ako lang ang sasama ang loob. Pakiramdam ko'y nasayang ang pagod ni Nanay sa pagluluto. Doon talaga nagsimula ang galit ko kay Jax, nadagdagan lang ng nadagdagan nang mapatunayan kong masama nga ang ugali niya. "Thank you po!" hindi pamilyar na boses ang una kong narinig pagkapasok. Natanaw ko si Nanay na tuwang tuwa dahil sa magalang na pasasalamat sa kanya ng matangkad na lalaking nasa kanyang harapan. Hawak nito ang plastik kung nasaan ang mga peanut butter. Ang bilo bilo na niluto ni Nanay ay nakahain na rin sa lamesa. "Ang dami po nito! Salamat-" "Clementine!" Natigilan sa paulit ulit na pasasalamat ang lalaki at nagawi sa akin ang tingin nang tawagin ako ni Nanay. Nagtama ang mga mata namin. Una kong napansin ay ang pagkakahawig nila ni Jax. Sinundan niya ako ng tingin nang lumapit ako sa lamesa para ilapag doon ang mga dala. "Ito pa, Senyorito! Ako rin po ang nagluto nito!" pagmamalaki ni Nanay habang binubuksan ang balot na nasa ibabaw ng maha at kakanin. Ako ang nahihiya sa ginagawa ni Nanay. Pinaupo niya pa ang lalaki at nilagyan ng mga pagkain sa pinggan. Hindi ako kumikibo ngunit hindi ko rin maiwasan na lingunin ang lalaki dahil sa paminsan minsan na pagtingin nito sa akin habang natatawa kay Nanay. Napangiti ako nang magsimula siyang kumain. Hindi katulad ni Jax na nagpahanda ng ibang pagkain sa Lola niya dahil marumi raw ang luto ni Nanay. "Ang sarap po ng luto niyo!" puri nito sabay sumubo ulit ng malaki. Nagkatinginan kami habang kumakain siya. Nakaupo siya't nakatayo ako sa gilid ng lamesa. Naputol lang ang panunuod ko sa kanyang kumain nang hawakan ako sa braso ng Lola ni Jax. "Hija, pwede ba kitang makausap?" Hinarap ko ang Senyora at ibinigay sa kanya ang buong atensyon ko. Marami na ang puting buhok nito at hindi pinapakulayan ng itim. Hindi na rin maitatago ang kulubot sa mukha lalo at palagi itong nakangiti at palabati sa mga tauhan. "Opo, tungkol po saan?" magalang na sagot ko at may pagtataka. "Sa itaas tayo... Caroline!" tawag niya kay Nanay. "Kakausapin ko lang si Clementine sandali! Ikaw na muna ang bahala sa Apo ko!" "Opo, Senyora." Habang naglalakad pasunod sa kanya'y naglalaro sa isipan ko ang mga dahilan kung bakit kailangan niya akong makausap. Sa tuwing nagpupunta kami rito ni Nanay ay kinakausap niya ako pero hindi naman kailangan umakyat sa itaas. "Nabalitaan kong malapit kayo ni Saint. Totoo ba, hija?" Simula niya pagkapasok sa opisina ng namayapang Don. "Si Jaxsen po?" Pagtatama ko. I don't think Saint is suitable for him. "Hindi po kami malapit. Sa totoo po, Senyora, hindi po kami nagkakasundo sa school." Wala akong balak na ipaalam sa Lola niya ang ginagawa niya ngunit narito na ako at Lola niya na ang nagpatawag sa akin. Kung sakaling tanungin niya ako sa ginagawa ng kanyang Apo, hindi ako magsisinungaling. "Well," nagbuntong hininga siya at marahan na tumango. "In that case... do you mind if I will ask you to be close to him, hija?" "Ano ho?" Awtomatiko na tumaas ang mga kilay ko. Para bang iniinsulto niya ako. Hindi ko inasahan iyon. Ang akala ko'y magtatanong siya tungkol sa kalokohan ng Apo niya ngunit sa ekpresyon niya ngayon, mukhang hindi naman siya nagulat na hindi kami nagkakasundo ng kanyang Apo. "Gusto kong maging malapit kayo ni Saint-" "Gaano ka-close po ba ang ibig niyong sabihin? Imposible po kasi iyon, Senyora. Kung alam niyo lang po kung anong ginagawa ng Apo niyo-" "Alam ko, hija. Kaya kita pinapakiusapan ngayon dahil alam ko ang mga ginagawa niya. I want you to tame him. Turuan mo siya ng magandang asal. Bigyan mo ng leksyon kung kinakailangan para tumino." Hindi pa siya natatapos sa sinasabi niya'y umiiling na ako. Magugunaw muna ang mundo bago kami magkasundo ni Jax. Para kaming magkaibang planeta na hindi pwedeng magdikit o maglapit man lang. "Mawalang galang na po, Senyora. Utusan niyo na po ako sa lahat ng bagay, huwag lang ang patinuin ang Apo niyo-" "Mayroon nang plano ang lupain ko..." biglaang sabi niya para putulin ako. Tumigil siya at naupo sa swivel chair na nasa likod ng lamesa. Seryoso niya akong tinignan at walang makikitang kahit kaonting ngiti sa mga labi. "Kasama sa planong expansion ng plantasyon ang lupa na tinataniman ng Tatay mo at ang lupa kung saan nakatayo ang bahay niyo." Umawang ang mga labi ko at hindi kaagad nakapagsalita. Kung tama ang hinala ko, paaalisin nila kami sa bahay at kailangan alisin ang mga tanim ni Tatay kapag sisimulan na ang sinasabi ni Senyora na expansion. Anong ibig niyang sabihin at bakit niya sinasabi sa akin ito? "I'll give you five minutes to decide, Clementine. Kung hindi ka papayag, wala akong magagawa kundi ang paalisin kayo sa bahay niyo." What's the use of giving me five minutes to decide if she already knew what I will choose? Sa paraan ng pananalita niya'y wala siyang ibinibigay na pagpipilian ko. Hindi ako sang-ayon sa expansion na sinasabi niya subalit alam kong wala kaming magagawa kung iyon ang gusto niya. Napalunok ako kasabay ng pag-iinit ng magkabilang mga mata nang matanto na sa akin nakasalalay ang pag-alis namin. Saan naman kami titira kung paaalisin niya kami? Dito na ang buhay ng mga magulang ko. Kung magsisimula kami ulit ay mahihirapan sila. Kakainin ako ng konsensya ko at maiisip na ako ang dahilan kaya sila nahihirapan. "Kung papayag po ako, hindi niyo isasama ang lupang sakop namin sa balak niyong expansion? Hahayaan niyo po kaming tumira sa lupa niyo-" "Yes! And I will name thirty hectares of my land after your father. Tatlumpung hektarya kapalit ng pagpapatino mo sa Apo ko. Tatlumpung hektarya na maaaring taniman ng Tatay mo." Napanganga ako at hindi ko napigilan ang pagkalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Kaya niyang ibigay ang gano'n kalaking lupa para lang dito sa inuutos niya? Nakagat ko ang aking ibabang labi at nagsimulang kwentahin sa isip kung gaano kalawak na lupa iyon. "Paano po kung sundin ko kayo at hindi ko magawa dahil ayaw ng Apo niyong magbago?" "Ibibigay ko pa rin. Basta't makita ko na sinubukan mo. Magbago man siya o hindi, ibibigay ko sa inyo ang tatlumpung hektarya na ipinangako ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD