CHAPTER 39 TO 41
PUBLISHED NOW
-----Miss IYA-----
"What was that? Huh? Love team?" His voice was sarcastic. His cold eyes were now directed at me.
Hindi siya umalis sa pwesto niya. Iginalaw niya lang ang kanyang ulo, iminuwestra niya ang cottage kung saan naroon si Jayden. Napako ang mga paa ko. Hindi ako makalapit sa kanya dahil sa biglaang dumaan na kaba sa akin pagkarinig sa tono ng boses niya.
"Do you like that bastard? Anong pakiramdam na tinutukso kayo sa harapan ng boyfriend mo?"
Napasinghap ako at pagkaraa'y nagbuga ng hangin. Nakatitig siya. Kahit anong ganda ng mga mata niya kahit galit, hindi ko maappreciate iyon ngayon. Hindi ko siya mapuri sa isip na ganitong mukhang mananakmal siya.
Umiwas ako ng tingin. Kahit hindi ako nakisali sa tuksuhan nila alam kong may ambag ako sa galit niya. Una na nga na hindi ko masabi na may boyfriend na ako. Kung alam nila, walang mangyayari na tuksuhan.
Pangalawa, hindi ko sila sinaway. I don't want to be called partypooper and ruin their fun. Nang aasar lang naman kasi sila nang una. Nang sumabat lang si Jayden saka lang ako nabahala na totoo ang pang aasar nila.
Gayunpaman, kahit alam kong totoo na, hindi ko pa rin sila sinaway dahil ayokong mabastusan sila lalo at may mga guro kaming kasama. Hindi ko man lang inintindi ang mararamdaman ni Jax. Mas inuna ko pa ang iba at sarili ko. Samantalang siya, inintindi niya ako at hindi siya nagsimula ng away kahit nagdidilim na ang paningin niya.
I can't blame him for being angry to me now. Tho, at some point I knew I had done the right thing. I feel bad for us but I thought I shouldn’t tell everyone everything that’s going on in my life. Hindi dahil kaibigan at kakilala, sasabihin ko na ang lahat ng tungkol sa akin. Lalo na kung maaari iyong maging dahilan para ikasira ko.
Kung sinabi ko sa kanila na may boyfriend ako, hindi ako makakasiguro kung hindi ba iyon makakarating sa iba lalo na sa mga magulang ko. Alam kong masama ang ginagawa kong pagsisinungaling ngayon sa kanila pero mas mabuti na ito kaysa dumagdag pa ako sa mga iniisip nila. Lalo at madalas ko silang naririnig na patagong nagtatalo nitong mga nagdaan na araw.
Hindi lingid sa lahat ang hindi magagandang gawain ni Jax maliban sa babae. Kung hindi ko siya nahuli hindi ko pa mapapatunayan ang pagkababaero niya na madalas kong marinig sa ilan. Kilala siyang bulakbol at mahilig sa gulo. Kung maglagas ng pera akala mo wala nang bukas. He was born in a wealthy family, I give him that. Karapatan niyang gastusin iyon dahil galing naman iyon sa pamilya niya at hindi sa bulsa ng ibang tao. Ang kaso lang, sa maling paraan niya inuubos. Maging matatandang sugarol kilalang kilala na siya dahil naging suki sa mga pasugalan.
Mabango lang ang pangalan niya dahil nakakabit ang pangalan sa kanya ng Senyor na isa sa pinaka mayamang angkan sa Mindoro. Isama pa na kilala ring nasa alta sosyedad ang Ama niya sa Ireland. Kung naiba ang sitwasyon niya at ordinaryong taga probinsiya lang siya, babaliktad ang mundo niya at nakakulong na siguro siya ngayon. Sa ginawa niya pa lang sa anak ng Mayor malaking kaso na. Kung wala siyang mamanahin na kayamanan, patapon ang buhay niya.
Kasalungat ko siya sa lahat. Simple lang ang pamumuhay ko. Nag-aaral ako ng mabuti. Matataas ang grades ko magmula bata ako hanggang ngayon. My grades actually qualified for latin honor. Hindi ko naman ini-aim iyon, sadyang mataas lang ang mga nakukuha kong marka. I am part of the student body. Active ako sa mga physical activities at event charities. Wala akong bisyo at madalas gawing substitute ng mga guro. Kusang loob ang lahat ng pagtulong ko sa loob at labas ng paaralan. They have high expectation from me while nothing from Jax. Sa madaling salita, wala akong yaman subalit may iniingatan ako na pangalan na maaaring madungisan kapag may nagpakalat sa ugnayan namin ni Jax.
Sa sobrang pagkakaiba namin, mahihirapan akong paniwalain ang lahat na nagbago siya para sa akin. Pagkatalikod ko, pagtatawanan lang ako. Na sobrang pihikan ko at hindi nakitaan na nagkagusto sa lalaki pero kay Jax lamang pala ako bibigay. Magiging sentro ako ng usapan at aakusahang nauto ng isang babaero...
O nauto niya ba talaga ako?
Natigilan ako at wala sa sariling napatitig sa malinis at puting puti na sahig ng banyo. Biglang nahati ang tiwala ko. Hindi ko alam. Hindi ko masabi ngayon dahil ni wala pa kaming isang buwan at siya ang aking unang karanasan. Wala akong paghahambingan. Wala akong paghahalintuladan. Wala akong pagpaparesan kung paano ba ang seryosong relasyon sa hindi.
"Bakit hindi ka makasagot? Type mo 'yong gago na iyon? Mabait? Masipag? Matalino? Dahil nasa kanya 'yong mga gusto mo kaya gusto mo na rin siya?"
Doon na ako napa-angat ng tingin sa kanya. Pinapanuod niya pala ako habang tahimik akong nag-iisip at hindi nagsasalita. Muntik na akong bumulagta nang makitang nakakasugat ang talim ng tingin niya. Hindi yata para sa amin ang araw na ito. Hindi pa man tuluyang dumidilim, ilang beses na kaming nagtalo. Sa library pa lang nagtalo na kami. Pati rin pala pagkarating dito. Tinitigan ko siya. Napapatanong ako sa isip kung ganito ba ang mga boyfriend. Normal ba na seloso at kung anu ano ang iniisip?
"What? Have you lost your voice now? Why are you just looking and isn't talking? Do you think he's better than me? Huh?"
"Wala akong sinasabi na ganyan-"
"Pero hindi mo rin itinatanggi! Tuwang tuwa ka pa habang pinupuri ang lalaki na iyon sa harapan mo! Kaya ko rin naman gawin iyon! Kaya ko rin naman magsipag! Kaya ko rin magkaroon ng matataas na grades kung gugustuhin ko!" Lasang lasa ko ang sama ng loob sa boses niya. Na para bang pinagkukumpara ko sila kahit siya lang ang nag iisip no'n.
Kahit matalim ang tingin niya sa akin, hindi napigilang mangunot ng noo ko dahil sa mga nahuling sinabi niya. Ano? Kaya niyang magsipag? Kaya niyang mag aral ng mabuti? Kaya niyang ayusin ang sarili niya? Kung ganon, bakit kaliwa't kanan ang pakikipag-away niya? Kung saan saan siya napapadpad para lang dumayo sa mga inuman at pasugalan! Nabalita pa noong nakipagrambulan sila sa isang sayawan sa baryo kung saan naroon ang kaaway nila! Hindi siya nag aaral at hinahayaan na bumagsak ang sarili niya ng paulit ulit! Kung nagsasabi siya ng totoo ibig sabihin sinasadya niya iyon? Bakit? Sa sobra bang pagkabagot?
"Paanong kaya mo Jax? Kaya mong hindi magsugal? Kaya mong hindi mag-inom? Kaya mong hindi makipag away? Kaya mo naman pa lang mag aral ng mabuti kaya bakit puro kasalungat ang ginagawa mo?"
May pagtataka at puno ng kuryuso ang pagtatanong ko. Nabosesan ko man sa sarili ang panenermon mas lamang naman ang pagtataka ko kung bakit hindi niya ginawa noon kahit kaya niya. Pinanuod ko siya upang maghintay ng sagot. Ngunit ang nangyari pa yata'y mas nagalit ko siya sa ginawa kong pagtatanong.
Wala naman kagalit galit sa tanong ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit ko siya nabakasan ng galit. Bakit siya magagalit? At bakit niya ginagawa iyon kung pwede naman pa lang hindi? Wala naman siyang napala sa mga ginagawa niya kundi kapahamakan lang! Napapaaway pa siya! Paano kung balikan siya ng mga iyon isang araw? Yung nakaaway niya noon na anak ng Mayor. Malaking tao iyon! Paano kung balikan siya? Paano kung masaktan siya? Paano kung may madamay na iba?
"Oo kaya ko! Iyon na nga ang ginagawa ko ngayon! Kung hindi eh 'di sana nasa hospital na iyang Jayden mo!" Pinanliitan niya ako ng mga mata at kitang kita ko ang lalong pagpasok doon ng galit. "Sinesermunan mo ako pero hindi mo idine-deny na gusto mo iyon?! Hindi kaya nakikita mo lang ako sa putang inang lalaking iyon?!"
"Hindi kita nakikita sa kanya! At wala akong sinabi na gusto ko siya!"
"Wala ka rin sinabi na hindi mo siya gusto!" Umigting ang panga niya.
Nanatili siya sa pagsandal pero umaangat na ang boses. Mariin ang bawat bigkas niya at patungo na sa pagsigaw. Parang gusto niya akong bulyawan dahil ganoon kami noon, magkasalubong lang magsisigawan na. Ngunit dahil iba na ngayon, pinipigilan niyang sigawan ako. He looks very furious but restrains himself and tries to calm down despite his anger. Hinabol ko ang hininga ko. Kung napipigilan niya, ako hindi. Natural na yata sa akin ang makaramdam ng irita sa kanya.
"Sumagot ako! Sinabi ko na nag aaral pa ako at hindi ko pa naiisip ang mga iyon!"
"Instead of that you should have just turned him down right away, Clementine! You said you haven't thought about having a boyfriend yet! But you didn't answer them you don't like him!"
"Kung sinabi ko sa kanya sa harap ng mga kaibigan niya na hindi ko siya gusto mapapahiya siya! Kung gagawin ko iyon kakausapin ko siya ng masinsinan!"
Agaran ang naging pamumutla at panlalaki ng mata niya sa sinabi ko. Napanganga siya. Nasa mukha na hindi makapaniwala. Naestatwa siya ng ilang sandali bago ako dismayadong inilingan. Mariin niyang pinagdikit ang mga labi niya. Nagngangalit ang ngipin niya at nasa itsura na pinipigilang magmura ng malakas. Tila siya lalong nagagalit sa pagdadahilan ko.
Inis siyang lumingon sa kanyang gilid. Pagharap niya sa akin, namumula ang buong mukha niya hanggang leeg. Matagal bago ko natanto kung ano ang ikinagalit niya sa nasabi ko. Kailangan ko pang makitang sumabog siya sa galit bago ko marealize na mali ang nagamit kong salita. Na iba ang naging dating nito sa kanya.
"Iyan ang nasa isip mo habang tinutukso kayo?! Okay lang na tuksuhin kayo sa harapan ng boyfriend mo basta hindi siya mapahiya?! Ganoon ba, Clementine?! Ganoon ba, huh?!"
Hindi na niya napigilan na sumigaw. Para bang may niyuyurakan ako sa pagkatao niya sa mga sagot ko kaya't naabot ko na ang limitasyon niya. Kulang na lang iduro niya ako sa nakikita kong galit sa mga mata niya.
"May balak ka pa pala talagang makipag usap ng masinsinan gayong alam mong may gusto sayo ang tao at nagseselos ang boyfriend mo?!"
Maingay akong suminghap at nagbuga ng hangin. Pareho na kaming tumataas ang boses. Umatras ako ng isang beses at sumandal sa pinto ng banyo na nasa aking likuran. Pareho na kaming nakasandal. Sa gilid ng isa sa mga shower cubicle siya nakasandal. Ako, sa pinto na isinara ko.
May patutunguhan pa ba itong pag uusap namin? Mas dapat sigurong hindi na ako pumunta rito. Hindi naman kasi usap ang mangyayari sa amin kundi away dahil pareho kaming hindi nagpapatalo. Hindi ba't noon kung walang mga taga awat sa amin baka nagsaksakan na kami sa school.
Napagkumpara ko tuloy noong wala pa akong boyfriend. Walang ganito. Nakakaaway ko man siya noon, wala naman nagbabawal sa akin at walang paranoid na nag iisip na may gusto ako sa ibang lalaki.
Naglilikot ang tingin ko dahil hindi ko matagalan ang masamang tingin niya sa akin. Kung tatanungin ako tungkol sa lesson sa school, masasagot ko ng tama lahat. Sa kanya, parang puro mali ang naisasagot ko. Umirap ako sa hangin na hindi nakatingin sa kanya. Naririnig ko kasi ang malalim at nauubusan na ng pasensyang paghinga niya. Hindi ako kumibo pagkat alam kong hindi pa siya tapos. Hindi nga ako nagkamali nang magsalita siya ulit.
"Hindi mo inayawan! Hindi mo pinatigil! What do you think they are thinking right now, huh?! They all think now that you like that man! Na may chance na maging kayo dahil hindi mo sinabi na hindi mo siya gusto!"
Naghalukipkip ako. Salubong ang kilay ko at hindi ko malaman kung sino ba sa aming dalawa ang tama. Nagagalit siya dahil nagseselos siya pero pakiramdam ko tama naman ang ginawa ko na hindi ako sumagot.
Tahimik ako kanina dahil ayokong magkamali sa sasabihin ko at madulas na may boyfriend ako. Kung nagkataon, kakalat agad iyon kahit hindi pa nila alam kung sino. Naroon ang maiingay na team niya maging si Irene. Isang salita lang ang sabihin ko, sampong ulit niyon ang makakarating sa ibang tao. Ganon naman. Lahat ng kwento may dagdag na. Kaya minsan ang hirap maniwala at ang hirap magsalita.
Bumuntong hininga ako at tinatagan ang sarili para matingnan siya. Mabilis kaming nagkatinginan dahil hindi ako nilulubayan ng nakakatusok niyang mga mata. Hindi ako nagpatalo. Pailalim ko siyang tiningnan. Habang mas nagagalit siya pakiramdam ko nagagalit din ako. Parang mas gusto kong ako ang superior sa aming dalawa at mas nakakataas sa kanya. Na kahit may punto siya gusto ko ako ang palaging tama.
"Paano ko sasabihin na hindi ko siya gusto? Sa mga kaklase niya lang nanggaling na gusto niya ako at hindi sa kanya!"
Natatangahan niya akong tiningnan. Mahina siyang tumawa ngunit walang laman. Tumatawa pero ang mukha niya iritado.
"Hindi nanggaling sa kanya?! Bullshit Clementine! Kailan ka pa nabingi?!"
Napapitlag ako at natigilan sa malakas at dumagundong na sigaw niya. Marahas siyang tumingala. Pumikit siya ng mariin. Pagdilat niya'y tiningnan niya ako. Pulang pula siya sa pagka-aburido. Kulang na lang umakyat sa ulo niya ang lahat ng kanyang dugo at atakihin sa harapan ko.
"I thought you're smart?! Anong hindi sa kanya nanggaling?! Hindi mo ba narinig na liligawan ka niya?! Na kung papayag ka na magpaligaw magiging girlfriend ka niya?!"
"Hindi naman ako magpapaligaw!"
"Sana kanina mo sinabi iyan!"
Namula ang mga mata niya. Mabilis ang kanyang paghinga tulad kanina nang nagpipigil siya. Ang ugat niya sa leeg naglalabasan na rin. Maging sa braso niya lumilitaw na ang ugat kahit nakapamulsa siya. Marahil ay mariing nakakuyom ang kamao niya sa loob ng bulsa.
Sa gitna ng sigawan namin hindi ko maalis sa akin na maisip kung anong klaseng work out ba ang ginagawa niya para maging ganito kaganda ang kanyang katawan. Litaw na litaw iyon at parang kay tigas sa suot niyang hapit na sando. Oo nga pala. Matigas palang talaga dahil nahawakan ko na iyon. Maging buhok sa kili kili ang attractive tingnan.
"Kung wala kang balak magpaligaw sana narinig ko iyon kanina! Hindi kita narinig na sumagot! Wala kang ginawa hanggang sa makatalon ako pababa sa bangka!"
Sasabihin ko sana na mas inuna kong hanapin siya nang sabihin iyon ni Jayden kaya hindi na ako nakasagot. Pagkatapos din kasing sabihin ni Jayden iyon, hindi na maririnig ang boses ko dahil nagsigawan sila.
Dapat ba isinigaw ko na hindi ako magpapaligaw? Maisip ko pa lang ngayon na isinigaw ko iyon nakakailang na. Kung nakisali ako lalo nilang ibebenta si Jayden sa akin para magustuhan ko. Baka nga hanggang sa makabalik sa cottage hindi sila tumigil. Pero dahil hindi ako nakisali, tinigilan na nila kami pagkarating sa cottage na parang walang nangyaring tuksuhan.
Hindi ko rin inasahan iyon kaya hindi ko alam ang gagawin. May ilang nagpaparamdam man sa school, hindi naman mga nagtangka na ligawan ako kaya hindi ko alam kung paano tatanggihan ang manliligaw na hindi sila napapahiya at hindi ako magtutunog masungit at mayabang. Walang subject niyon sa school kaya't paano ko malalaman ang tamang ginagawa sa tuwing mambabasted? Nabasted ko na si Jax noon pero iba naman kasi iyon.
Lalong lumamig at dumilim ang mga mata niya sa hindi ko pagsagot. May pang aakusa na rin akong nabasa roon. Ngunit 'di maitatanggi na nangingibabaw doon ang galit. Kumuyom ang mga kamay kong nakahalukipkip. Hangga't napapanindigan ko na wala akong ginawang masama, hindi ako hihingi ng pasensya sa kanya! Oo at boyfriend ko siya! Pero hindi dahil galit siya magsosorry na ako!
"Baka naman kasi gusto mo rin? Baka sa mga susunod na araw hinihiwalayan mo na naman ako? Ano? Kasi bagay kayo? Kasi pwede mong ipakilala sa mga magulang mo dahil matino siya at hindi kagaya ko?"
Nagulat ako sa tono ng boses niya. Hindi ko inasahan na sa kabila ng malamig niyang anyo kaya niyang babaan ang tono ng boses niya dahil nakita niyang galit ako. Nahaluan nga lang iyon ng pait. Habang nakatitig sa kanya, nakaramdam ako ng kurot na konsensya. Pero hindi iyon totoo. Kahit sino hindi ko pwedeng ipakilala na boyfriend ko. Kahit matino o hindi, hindi pa pwede ngayon. Saka kung hindi dahil sa kanya wala naman siguro akong boyfriend. Kung hindi siya, hindi ako magiging interesado na magkaroon ng boyfriend kahit sikreto.
Hindi ba dapat ay magpasalamat pa siya dahil sa dami ng matitinong lalaki, siya pa ang napagbiyan ko ng una ko? Siya ang naging una ko sa lahat. Siya ang ginusto ko. Natuto pa akong magsinungaling sa lahat at sa magulang ko para sa kanya. Sa kaisipan na hindi niya na-appreciate ang mga ginawa ko at kung anu ano pa ang mga ibinibintang sa akin, unti unting nagbabalik ang inis ko at tuluyang nilipad palayo ang dumaan na konsensya.
"Bakit ko naman gagawin iyon? Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Na kahit may boyfriend na magpapaligaw pa? Ikaw ang boyfriend ko ngayon at paulit ulit kong sinasabi sayo na hindi ko nga iyon gusto!"
Ipinipilit niya kanina pa na gusto ko iyon! Nilalayuan ko naman kanina hindi niya lang nakikita! Kung kailan siya nakatingin saka natatapat na inilalapit siya sa akin ng mga kasama namin kaya akala niya tinatabihan ko! Kung hindi kasi selos ang pinairal niya at hindi malamig ang pakitungo sana napansin niya ang pag-iwas ko! Siguro hindi siya nagkakaganito ngayon!
"Sa ngayon ako pa ang gusto mo. Paano kung tuksuhin kayo ng tuksuhin at magkagusto ka diyan?"
"Masiyado ka lang nag-o-overthink Jax!"
"Sinasabi ko lang ang posibleng mangyari!"
"Ano ba ang tingin mo sa akin easy girl?! Na madali akong magkagusto sa gwapo at-" papalit palit ako ng boyfriend? Iyon sana ang karugtong hindi ko lamang naituloy.
Naibaba ko ang mga braso kong nakahalukipkip. Nanlaki ang mga mata ko at napasiksik ako sa pinto nang inisang hakbang niya ang pagitan namin habang nagsasalita ako. Hindi ako naging handa sa paglapit niya. Naisipan ko pang lumabas sa pinto at tumakbo palayo kung hindi niya ako maagap na nahawakan sa braso. Nakakatakot kasi ang itsura niya. Nanlilisik ang mga mata niya at pulang pula ang buong mukha. Kahit nanuot sa ilong ko ang mabango niyang amoy sa ginawa niyang paglapit sa akin, sinubukan ko pa rin humulagpos at gusto sanang lumayo.
"How dare you spat in front of my face that he's handsome?! Harap harapan mong sinasabi sa boyfriend mo na nagagwapuhan ka sa ibang lalaki?!"
Hindi ko na alam kung paano ako sasagot sa kanya. Lahat na lang kasi may pangsalungat siya! Oo may mali ako! Pero mali rin yata na pagbintangan ako na mayroong gusto sa ibang lalaki at na pagbawalan niya akong tumingin sa iba! Kasalanan ko ba kung gustuhin ako ng iba? Kasalanan ko ba kung may dalawang mata ako? Paano ako kikilos ng malaya sa school kung magiging ganito siya?! Kailangan ko bang umabot sa punto na magpipiring ako ng mga mata at maglalakad akong nakapikit?!
Sinubukan kong bawiin ang braso ko na hindi ko nagawa. Nakakatakot ang galit na itsura niya ngunit dahil nasanay akong nag-aaway kami mula pa noong umpisa, kayang kaya ko siyang harapin kahit ganito. Alam ko rin naman kasi na hanggang ganyan lang siya at hindi ako kayang saktan. Sa halip na tumakbo, sinubukan kong lagpasan ang galit niya. Taas noo ko siyang hinarap. Nakatingala ako dahil ang tangkad niya. Mas pinalisik ko ang aking mga mata, sinusubukan ko na sindakin siya.
"Akala ko ba pinapunta mo ako para makapag usap tayo?!"
"That is what we are doing! We're talking-"
"Hindi ganito ang pag uusap Jax! Nag aaway tayo! Sinisigawan mo ako?! Minumura mo ako?!"
Inagaw ko ulit ang braso ko. Gamit ang isang kamay ko'y sinuntok ko siya sa dibdib. Hinuli niya ng isa niyang kamay ang pulso ko para matigil ako sa kahahampas sa dibdib niya.
"Bitiwan mo ako! Girlfriend mo ako pero wala kang karapatan na murahin ako Jax!"
Hindi niya yata nakuha ang una kong isinigaw. Nang maproseso ang sinabi ko sa pangalawang beses, unti unting nawala ang pagsalubong ng kilay niya. Nabawasan din ang galit sa kanyang mata. Napatanga siya at unti unting napanganga dahil sa halip na humingi ako ng pasensya, nagalit pa ako. Lumuwag ang hawak niya sa braso ko at binitiwan ang pulso ko.
"What are you saying? Hindi kita minumura!"
"Huwag mo akong sinisigawan!"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata at muling pumalag sa hawak niya. Hindi niya ako binitiwan at sapat lang ang higpit ng hawak niya sa akin para hindi ako makawala. Mabilis na ang paghinga ko at ako naman ang nanlilisik ang mga mata ngayon. Naguguluhan niya akong tinitigan. Salitan niyang pinagmasdan ang mga mata ko. Napakurap siya ng mga mata kalaunan.
"Oh fuck..." Mabagal na bigkas na mura niya nang matantong napagbaliktad ko ng ganoon kabilis ang sitwasyon naming dalawa.
"Kita mo! Nagmumura ka!"
Umiling siya't parang biglang nahirapan magsalita samantalang sinisigawan niya ako kanina lang. Alam kong hindi ako ang minumura niya. Ewan ko. Siguro mas mataas ang pride ko kaysa sa kanya at hindi ko matanggap na may mali rin ako?
Hangga't may katwiran ako gusto kong ipaglaban na tama ako kahit na alam kong may mali rin akong nagawa. Lumamlam ang mga mata niya. Nakita kong natakot siya bigla at nagsisi dahil alam niyang nasigawan niya ako at nagmura siya.
"Sorry for shouting... But no... I'm not cursing you..." Mababa na ang boses niya. Wala nang natirang galit.
"Sino pala ang minumura mo? Eh ako lang naman ang kausap mo!"
Lumunok siya. Itinaas niya ang kanyang isang kamay upang idiin ang daliri sa kanyang mga mata. Napasakit ko yata ang ulo niya. Pagkaalis ng daliri niya, tiningnan niya ako. Bakas ang pagod doon. Namumungay na iyon at namumula. Marahan siyang pumikit. Paulit ulit siyang huminga at marahan na dumilat. Nagkatinginan kami. Kalmado na siya... nang ganoon kabilis.
"Fine... This is enough... Huwag na tayo mag away... Bumalik na tayo..."
"Hindi! Mag uusap tayo!"
"Oh please..." Tumama ang mainit niyang hininga sa mukha ko. "You just said we're not talking... We're fighting... Let's just talk properly inside the car after this outing, okay? I will not shout. I will not curse..." Malumanay ang boses niya. May pagsusumamo pero umiling ako.
"Ayokong makipag usap sayo mamaya! Kung hindi ngayon huwag na tayong mag usap!"
Kinagat niya ang ibabang labi niya. Bigla yata siyang nagsisi na nagselos siya at kinompronta ako. Nang bumakat ang ngipin niya roon, pinilit kong hindi bumaba ang galit na pinapakita ko sa kanya. Mas tinigasan ko ang anyo ko. Ayokong malaman niyang kayang kaya niya akong mapa-amo sa isang kagat labi lang.
"Galit ka. Paano tayo makakapag usap ng maayos?"
"Sana naisip mo iyan kanina bago mo ako pinapunta! Kaninang ikaw ang galit gusto mong mag usap tayo?! Ngayon ako, ayaw mo na?!"
Kabado niyang dinilaan ang labi niya. Lalong namula iyon nang mabasa. Nang makitang hindi humuhupa ang galit ko, nagpapasensya siyang bumuntong hininga. Pinakawalan niya ang braso ko. Inilapat niya sa pinto ang dalawang kamay niya. Nakakulong na ako sa magkabilang braso niya.
Para akong nakahalukipkip na kuting na nakakulong sa mga braso ng leon dahil sa laki at lapad ng kanyang katawan. Ang kaibahan lang, ako na kuting ang mas mukhang mabangis sa aming dalawa. Nakatingala ako at masama ang tingin sa kanya. Samantalang siya'y namumungay ang mga matang dinudungaw ako.
Bumukol sa pisngi niya ang kanyang dila nang tusukin niya ito. Pansin ko na madalas niya 'yang ginagawa sa tuwing nag iisip siya. Sumilip ang dimple niya sa kanyang kaliwang pisngi kasabay ng pagtango.
"Alright... If that's what you wish, then we will talk here. Let's settle this here. But first, please calm down. Paglabas natin dito gusto ko okay na tayo..."