Lascivious Casanova 63 (2)

4944 Words
"Saan ka nanggaling? Bakit naglalakad ka sa ulan? Sana nagpatila ka muna?" Hinarap ko siya. Napatingala ako. Napatitig ako sa kanyang mukha. Tanaw na tanaw ko kung gaano kahaba ang mga pilik niya at kung gaano katangos ang kanyang ilong sa ganito kalapit na distansya. May kaonting tubig na tumulo mula sa buhok pababa sa noo at pisngi niya. Kaonti siyang nabasa nang lumabas. Nang matitigan niya ako, umawang ang labi niya. Salitan ang tingin niya sa aking mga mata at mukhang napansin niyang namumugto na. Biglang nag-init ang mga mata ko dahil kahit sa malayo o malapit malaki talaga ang pagkakahawig nila. Ang kinaibahan lang, mabigat ang dugo ko kay Jax noong una. Samantalang sa kanya unang araw pa lang, magaan na ang loob ko. Siguro, dahil sa magkaibang pagkakataon ko rin naman silang nakilala kaya't magkaiba rin ang naramdaman ko sa kanila. Kumurap siya at ibinigay sa akin ang mas malaking parte ng payong. "Are... are you crying?" "Jace..." Nanginig ang boses ko dahil sa lamig at dahilan na rin na gusto kong maiyak. Kung sino pa ang hindi ko gaanong kakilala siya pa ang tutulong sa akin. Siya pa ang nandito. Siya pa ang gusto kong iyakan. Kung sino ang kailangan ko, iyon pa ang wala rito. Iyon pa ang hindi pwedeng nandito. "What... what happened?" He sounds confused and worried for a moment. Kalaunan, naging panik. Nakataas na ang isang kamay niya na walang hawak na payong at tila gustong hawakan ang pisngi ko. Para akong nakahanap ng comfort sa katauhan niya dahil may nakahanap sa akin habang hindi ko alam kung saan ako pupunta. He's here. He appeared and sheltered me from the crying sky. "Jace..." Muli kong tawag sa pangalan niya at tuluyan nang umiyak. Pagkatapos makita ang pagbagsak ng isa, dalawa, hanggang sa maging sunod sunod ang luha ko'y doon pa lamang siya hindi na nagpigil at kumilos na. Gamit ang malayang kamay ay mahina niya akong hinatak sa likod ng aking ulo. Lumapit siya. Bahagya niyang binaba ang kanyang katawan. Dinala niya ang mukha ko sa balikat niya at doon ako pinaiyak. "You can cry, it's okay..." Napahikbi ako. Kahit ang boses niya nahanapan ko ng comfort. At this time, I find his shoulder the best place to shed tears. I don't know but I trust him. Pakiramdam ko totoong tao siya. Na kahit umiiyak ako ngayon, siya lang ang makakaalam at hindi ako pagsasamantalahan. Naiyak ako kasi ang dami dami nang nangyayari. Napapaisip ako kung bakit ganito. Bakit ganoon. Kung madaragdagan pa ito hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Kung may mangyayari pa ulit baka bumigay na akong talaga. Sapat ba na mahal ko siya para ipaglaban siya? Kasi ngayon hindi ko na alam kung kaya ko pa ba 'yong gawin. I can't hold on to him if there are things constantly pulling him away from me. Na parang may pumipigil. Na parang may ayaw. Na parang hindi kami pwede. Maraming bagay ang humihila kay Jax palayo sa akin at hindi ako ganoon kalakas para patuloy na makipaghilahan sa kanila. Mama niya ang dawit dito. Kakalabanin niya ang Mama niya para sa akin? Papipiliin ko siya? Tuturuan ko ba siya na magalit sa sarili niyang ina? At si nanay. Kung noon nag-aalala ako na hindi niya magugustuhan si Jax. Ngayon, kahit hindi ko ipagpaalam sa kanya ang relasyon namin ni Jax, alam ko na ang kanyang magiging reaksyon. Papatungan ko lang ang sakit na nararamdaman niya ngayon. "Are you done crying?" Hinayaan niya akong umiyak. Hanggang sa naging sinok na lang iyon. Lumayo ako. Bumagsak ang mata ko sa balikat niya. Ang puti niyang damit ay nabakatan ng luha ko. Saka pa lang ako nakaramdam ng hiya habang nagpupunas ng sariling luha. Naisip ko na si Irene o Cathy ang tawagan ko at doon muna ako. Noong mga nauna gusto kong mag-isa. Pero ngayon parang kailangan ko ng kasama. Isa pa, kailangan ko rin ng matutuluyan dahil ayokong umuwi. Wala akong dadatnan doon at ayoko na ng pakiramdam nang mag-isa sa bahay. Hindi pala madaling mag-isa. Malungkot pala. "Oo..." Suminghot ako. "Pasensya na..." Nahihiya kong tiningnan ang balikat niya saka siya tinitigan sa mukha. "Thank you, Jace." Maliit akong ngumiti upang mabawasan ang naramdaman na hiya. Pasasalamant na rin sa panandalian niyang pagpapahiram sa balikat niya. I don't know what's with him but I suddenly felt the comfort I needed. Siguro kasi siya 'yong tao na ipaparamdam na may kasama ka kahit hindi ka niya lubusan na kilala. Sa ilang araw nakita kong natural na palangiti siya at palakausap. Kahit kakakilala niya pa lang aakalain mo nang matagal na niyang kaibigan. "Wait!" Aniya sabay hinawakan ako. Isang beses akong umatras kaya hinawakan niya ako sa braso para hilahin ulit palapit sa kanya. Sa halip kasi na huminto, mas lalong lumakas ang buhos ng ulan kaya inagapan niya akong mabasa. Inalis ko ang tingin sa kanya at nilingon ang hindi ko na makitang daanan. Nilalamig na ako. Kung lalakarin ko ang papunta kina Irene o Cathy ay matatagalan ako lalo't napalayo na ako sa dapat na daan dahil tulala ako at wala sa sarili nang mahanap ako ni Jace. "Maglalakad ka? Maputik na at malakas ang ulan. I don't think that will stop anytime soon. Kung gusto mo, ihatid na kita sa inyo?" I tried to withdraw my arm from him. Ayokong umuwi. Agad niyang nabasa iyon sa mukha at kilos ko dahil sa tila takot kong paghila sa aking braso na nasa kanyang kamay. "Oh..." Tumaas ang kilay niya. "You don't want to go home yet? Gusto mo sa akin ka muna? You can stay in my house if you don't have a place to stay..." Umiling ako. "Sa kaibigan ko na lang muna-" "You're wet..." Pinasadahan niya ng tingin ang halos manginig sa lamig na katawan ko. "You can change clothes at my place first and then you can call your friends... Ako na rin ang maghahatid sayo sa kanila pagkatapos mo silang tawagan..." Patango na ako dahil sa tuwing bubuhos ng mas malakas ang ulan, may kasama na iyong hangin na umiihip sa basa kong katawan. Nang matanto ko kung saan siya nakatira, ang tango ko'y naging iling. Nahuli niya ang biglaang pagbabago ng isip ko. Lalong tumaas ang kilay niya. Malamang ay nagtaka. Nang magsalita ako'y na-realize niya kung bakit. "Sa mansion ba ng Valiente? Hindi na lang Jace-" "No..." Pinutol niya ako. Naging mabilis ang kanyang pag-iling. Sinsero ang kanyang mga mata. "I don't live there. I have my own place just near the mansion." Nagtagal ang titigan namin. Nang yayain niya ulit ako, sumama na ako. Nagsasabi nga siya ng totoo. Malapit ito sa mansion pero hindi mismo sa mansion. Maliit lang ito na magarang kubo. Pagkatapos ng dalawang baitang na hagdan ay ang pinto na. Pagkapasok namin, inabutan niya ako ng malinis na tuwalya. Malinis din ang buong loob ng kubo. Kung hindi ko nakita ang labas at kung hindi kahoy ang sahig ay iisipin ko na hotel ang pinasok namin. "Wala akong damit na pambabae. Pwedeng ito muna ang isuot mo. Magpalit ka na lang pagkahatid ko sayo sa kaibigan mo..." Napaangat ako ng mukha sa kanya bago bumaba ang mata ko sa damit niyang inaabot niya. Puting tshirt iyon. Magkasingtangkad sila ni Jax kaya hindi ko pa naisusuot ay nasukat ko na iyon sa isip ko na aabot iyon sa gitna ng hita ko. Namumula siya. Ibinaba niya ang tshirt sa kama at hindi magkandaugaga sa paglapit ulit sa cabinet niya. Maya maya'y tumigil siya. Humarap siya sa akin na mayroon nang hawak na boxer shorts. Mas lalo siyang namula habang nakatingin sa hawak niya. "Here... This is new... May tag pa ito at hindi ko pa naisuot..." Nagpapaliwanag siya habang lumalapit siya sa akin. Pinakita niya sa akin ang tag niyon bago niya inalis. Mabagal kong inabot iyon. Nakapamewang siya't namumula pa rin nang tumalikod ako at magtungo sa banyo. Dala ko ang aking bag. Ang titulo na ibinalik ko sa bag, maswerte na hindi nabasa dahil nakapaloob sa plastic na envelope. Kahit nabasa ang cellphone hindi naman iyon nasira. Maraming tawag si Jax ngunit mas inuna kong kontakin si Irene dahil sa kanya ako makikituloy. "Magkasama kayo ni Jace?" "Oo-" "Nagkita kayo? Dahil ba sa project?" "Hindi..." Pumikit ako. "Nadaanan niya lang ako sa ulan. Nagmagandang loob lang kaya pinasilong muna ako sa bahay niya." "Wala si Jax diyan?" Dumilat ako at umiling kahit ako lang naman ang nakakita ng pag-iling ko sa repleksyon kong nasa harapan na salamin sa ibabaw ng sink. "Hindi sa mansion nakatira si Jace. Magpapahatid ako sa kanya diyan sa inyo. Ayos lang ba na diyan muna ako?" Marami siyang naging tanong. Ang sabi ko pagkahatid na ni Jace saka ko ipapaliwanag sa kanya kung bakit ako sa kanila muna makikituloy. Gusto pa yata na sa telepono na kami mag-usap at doon ko na sabihin lahat. Sinabi ko lang na kailangan kong magpalit ng damit dahil basang basa ako. Kung hindi pa ako nabahing hindi niya ako titigilan sa katatanong. Habang naliligo, narinig ko ang pagbukas sa tv ni Jace. Pagkalabas ko, nakaupo siya sa dulo ng kama at nakaharap nga sa tv. Napabaling siya nang maramdaman ang paglabas ko. Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos mapagmasdan ang suot ko. Namula ang tenga niya at leeg. Ang kanyang mukha hindi ko na kita dahil nasa kabila. Tumayo siya. Lumapit siya sa patungan ng tv at kinuha ang susi ng sasakyan niya. Saka pa lang niya ako muling nilingon. "Hatid na kita? Hindi ko alam kung saan nakatira ang kaibigan mo. Ituro mo na lang sa akin ang daan?" I nodded shyly and quietly walked near him. Parehong tahimik ang galaw namin. Hindi yata siya sanay na may babae sa bahay niya kaya kanina pa siya namumula. Ako naman hindi ako kumportable na magsuot ng ibang damit ng lalaki. Kung hindi ko tinanggap ang pagmamagandang loob niya siguro nahimatay na ako sa daan dahil sa lamig. Mayroon akong iniisip kaya hindi ko agarang naramdaman iyon. Ngunit kung nagtagal at hindi niya ako nakita sa daan, hindi malabong manigas ako sa lamig lalo at walang ibang masisilungan doon. Puro iyon taniman at malayo ang bahay. Mayroon man, kailangan ko pa iyon tawirin sa kabila at lakarin ang maputik na daan. "I'm sorry for my clothes... Wala talaga akong pambabae na damit..." Nagkamot siya sa kanyang noo. Siya pa ang nahihiya. "Bakit ikaw ang nagsosorry? Eh ako nga itong nang-abala?" Mahina akong natawa. Napangiti siya at inikot ang door knob. Binuksan niya ang pinto. Mabilis niya rin 'yong naisara nang salubungin kami ng malakas na hangin. Kaunting bukas pa lang pareho na kaming nabasa. Mas nabasa nga lang siya dahil hinarangan niya ako. Sinigurado niyang saradong saradong ang pinto saka niya inisang hakbang ang bintana. Balak ko pa siyang pigilan dahil baka pumasok ang tubig. Nang makita kong pagkatapos ng tabing ay salamin na bintana, hinayaan ko siya. "Sobrang lakas ng ulan..." narinig kong bulong nito sa sarili niya. Lumapit ako at nakigaya sa kanya na sinisilip ang nangyayari sa labas. Ang mga puno na malapit sa daanan ay halos matumba na sa lakas ng hangin. Kung lalabas kami'y tatangayin kami ng hangin bago pa makapasok sa sasakyan na nakaparada sa gilid ng bahay. "I don't think we can get out now. Kung magd-drive ako baka hindi ko makita ang daan o mabagsakan tayo ng mga matatandang puno," sabi niya sabay baling sa akin. Bumaling din ako. Nagkatinginan kami sapagkat magkatabi. Hindi niya yata inasahan na ganoon ako kalapit. Nagulat din ako sa distansya namin. He blushed as he let go of the curtain on the window. Bahagya akong lumayo nang maamoy ko ang hininga niya nang magtapat ang mukha namin dahil parehong nakasilip sa bintana. Natigilan din siya sa lapit namin. Matagal siyang napatitig sa akin bago nagawang tumikhim at ipagpatuloy ang sinasabi niya. "Ayos... lang ba sayo na pahinain muna natin ang ulan? I... I will sit in the couch... and you... can rest in the bed..." Pautal utal niyang saad. "Oo, Jace! Okay lang! Sige, mamaya na lang!" Madali kong sagot dahil mukhang siya pa ang nahihiya kahit ako naman ang nang-abala at patuloy na nang-aabala. Tumalikod siya. Kinuha niya ang remote at nilipat ang pinapanuod niya sa tv. Nagtungo ako sa kama nang lumapit siya sa couch at maupo roon. Nakagat ko ang aking ibabang labi. Pagkaupo sa kama. Hindi masukat na ilang ang naramdaman ko. Umuulan at suot ko ang damit ng ibang lalaki. Hindi naman bastos ang kasama ko pero si Jax lang kasi ang lalaki na hinayaan ko na makasama ko sa kwarto na mayroong kama. Ngayong ibang lalaki medyo nakakailang pala sa pakiramdam. "Nakipagkita ka kay Jax sa mansion? Nag-away kayo? Kaya ka ba umiiyak?" Nakaupo ako sa kama patalikod sa kanya. Nakabaling lang ng bahagya ang katawan ko para makanuod sa tv. Nang magsalita siya, kinailangan kong iikot ang katawan ko para maharap siya. Nakabuka ng malaki ang mga hita at binti niya. Nakapatong sa kanyang hita ang braso niya at nakapaloob sa mga kamay ang remote na hindi niya binitiwan. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Pinapanuod ang maliliit na kilos ko. "Hindi, Jace. Hindi kami nagkita ni Jax." Hindi ko alam kung bakit ako naiilang sa kanya ngayon. Hindi niya naman ako binabastos at sa couch pa siya naupo para hindi kami gaanong magkalapit. Siguro kasi umiyak ako sa kanya kanina. Sinubukan kong pantayan ang titig niya dahil hindi niya inalis ang tingin sa akin. Sa huli, siya ang naunang nagbaba ng tingin. Sa hawak niyang remote siya tumingin. "I heard you're a good dancer," tanong niya kalaunan. Nasa remote pa rin ang mata niya. Iniikot ikot at pinaglalaruan niya iyon sa kanyang kamay. Mukhang ayaw niyang may dead silence sa pagitan namin dahil pareho kaming maiilang at sa palagay ko gusto niya akong maging kumportable hangga't hindi niya pa ako naihahatid. Sinubukan ko ring ayusin ang galaw ko. Hindi ko na lang inisip na suot ko ang damit niya at nasa kwarto niya ako. At siyempre, hindi ko inisip na nasa kama ako at ilang hakbang lang ang layo niya sa akin. "Hindi naman gaano. Marunong lang sumayaw..." Nakita ko ang mabilis na pagguhit ng ngisi sa mga labi niya pagkatapos kong sumagot. Nakangiti na ang mga mata niya bago pa siya mag-angat ng tingin at tingnan ako. Nagtama ang mga mata namin. Mukha siyang natuwa na na-amaze dahil sa hindi ko pag-amin na magaling akong sumayaw. "That's not what I heard and... that's not what I watched. Napanuod ko 'yong... sayaw niyo sa stadium..." Magkahinang ang mga mata namin. Nalukot ko ang naka-ayos na comforter sa kama. Nagkatitigan kami. Umawang ang labi ko. Nangapal ang magkabilang pisngi ko bago napaiwas. Napanuod niya. Ibig sabihin napanuod niya rin nang halikan ako ni Jax. Natahimik siya. Sa tingin ko naisip niyang iyon ang nasa isip ko ngayon. Humaba ulit ang katahimikan sa pagitan namin. Nang marinig ko siyang tumikhim alam ko na kaagad na may paparating ulit siyang tanong o topic para hindi kami tahimik buong magdamag. Napalingon ako sa bulto niya nang tumayo siya. Papalapit siya sa kama. "Maggagabi na rin. Maghapunan ka na lang muna rito bago kita ihatid. Magluluto ako-" Natigil siya sa pagsasalita nang tumayo ako. Nalagpasan na niya ang kama at patungo sa simple niyang lutuan malapit sa pang dalawahan na lamesa nang patigilin ko siya. "Ako na lang, Jace!" Presinta ko. Tumaas ang kilay niya at hinarap ang katawan sa akin. Hinila ko palayo sa katawan ko ang tshirt niya na suot ko. Huli ko nang natanto na wala nga pala akong suot na bra! Basang basa iyon at kung sinuot ko ay mababasa ang damit niya kaya ginawa ko na lang panabing ang aking buhok kanina para hindi iyon mahalata. Nalihis na ang buhok ko kaya ngayon, bumabakat ang aking dibdib. "Ikaw ang magluluto?" Nangingiting tanong niya. Numipis ang mapulang labi niya dahil sa pagngiti. "Oo! Ako na lang!" Narinig ko ang malakas na kulog sa labas. Pagkatapos siguro ng hapunan huhupa na iyan. "Ako na, Clementine..." Umiling siya. Binasa niya ng dila ang labi niya at napasulyap sa damit niya na suot ko na hila ko para hindi roon bumakat ang aking katawan. Umakyat ulit sa mata ko ang tingin niya. "Sanay naman akong magluto. Saka alam ko na ayaw mo tumayo kanina pa dahil suot mo ang damit ko. Maluwag din sayo ang... short ko... baka mahubo sayo habang nagluluto ka?" Sinabayan niya iyon ng tawa. Napangiti ako na naging nguso dahil naimahe ang sinabi niya. Napabalik ako paupo sa kama pagkatalikod niya. Sinundan ko siya ng tingin. Napapailing ako habang pinapanuod siya. Bakit ba ako naiilang, eh ang bait bait niya! Kung ibang lalakit siguro ito pinagsamantalahan na ako. Kahit narito ako sa kama, nakikita ko siya dahil maliit lang ang bahay niya. Mayroon exhaust fan roon ngunit nakasara iyon at hindi niya binuksan upang hindi pumasok ang malakas na anggi ng ulan. Kaya naman amoy na amoy tuloy ang niluluto niya sa buong kwarto dahil walang sinisingawan. Sanay na sanay siyang kumilos. Parang nakita ko ang sarili ko sa kanya tuwing nasa kusina ako. Alam na alam ang ginagawa na para bang buong buhay niya sanay siya na inaasikaso ang sarili niya. Napangiti ako at kalaunan ay inabala na lang ang sarili sa pinapanuod. Inangat ko ang aking mga paa at ipinatong sa ibabaw ng kama. Nalilibang na ako at tuluyan nang nawala ang ilang. Tumatawa ako sa pinapanuod. Ganoon din si Jace na nanunuod habang nagluluto. Nagkakatinginan kami minsan at sabay matatawa. Nang makaramdam ako ng lamig, ipinasok ko na ang kalahati ng katawan ko sa loob ng comforter. Nakakarelax ang bahay niya. Matibay at kahit ang lakas ng hangin sa labas hindi ramdam dito sa loob. Malambot din ang kama na katulad sa kwarto ni Jax. Habang nanunuod, hindi ko namalayan na nakahiga na ako. Pinipigilan ko ang pamimigat ng mga mata. Kaya lang, dahil nanunod at kumportable sa pagkakahiga, kalaunan, hindi ko na napigilan ang pagpikit. "Clementine!" Bumiling ako sa kabila at niyakap ang malambot na unan. Naingayan ako dahil mayroon kumakalabog pero dahil inaantok pa'y nanatili ako sa pagkakapikit. "Clementine! Damn it!" Napadilat ako nang mabosesan iyon. Ilang segundo akong nakatitig sa kawalan. Nang makarinig ulit ng kalabog at galit na pagtawag sa pangalan ko napaupo ako sa kama. Napatingin ako sa buong kwarto. Nang makita si Jace na bumangon mula sa pagkakahiga sa couch, saka ko lang natanto na nakatulog ako. Nakahubad ng tshirt si Jace at nakasuot lang ng malambot na shorts. "What's that?" Paos at antok pang tanong ni Jace. Mukhang nagising lang din sa ingay. Singkit pa ang mata niya habang sinusuklay niya ng mga daliri ang nagulo niyang buhok. Tumayo siya sa couch nang muling marinig ang pagmumura sa labas. Lumapit siya sa kama kung nasaan ako. Tumayo siya sa gilid ko. Sa aktong iyon, sakto rin na bumukas ang pinto. Nasira ang lock nito at maingay ang naging pagbukas. Hawak ko ang comforter at tabing tabing ko sa aking dibdib nang pumasok ang namumulang anyo ni Jax. Sa akin tumama ang namumulang mga mata niya bago kay Jace. Alam ko ang tingin na iyan. As if in his mind he had been betrayed. "f**k!" Matigas siyang nagmura ng paulit ulit. Malalaking hakbang ang ginawa niya papunta sa kama. Natakot ako sa itsura niya. Napa-atras ako at napadikit sa head board ng kama kahit wala naman akong balak gawin iyon dahil hindi ako nagtaksil at walang ginawang masama. Mali ang kilos ko. Nagmukha akong guilty sa ginawa ko na para bang gusto kong magtago. Mas dumilim ang mga mata niya. Hinila niya ako sa braso at padarag na pinababa sa kama. Dahil sa paghatak niya, sapilitan kong nabitiwan ang comforter. Lumantad sa kanya ang dibdib ko. Kabisado niya iyon kaya naman isang tingin niya lang alam na niya kaagad na wala akong suot na bra. Natulala siya sandali roon. Lumipat ang mga mata ko kay Jace. Nakahubad siya. Suot ko ang damit niya at wala akong bra. Nasa gilid ko siya nang mabuksan ni Jax ang pinto. Hindi na kailangan pang isipin ng mabuti dahil isang tingin lang sa aming dalawa ni Jace, iisa lang ang iisipin ng kahit sinong makakakita sa amin. "Tangina, Clementine..." Paos na boses niya ang nakapagpabalik sa kanya ng atensyon ko. Natulala ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano itatanggi ito. Parang nablangko ang isip ko. Kagigising ko lang at hindi ko pa makuha kung ano ba ang tamang salita para masabi kong mali ang iniisip niya. Sa paraan na maniniwala siya. Bumukas ang labi ko ngunit sa halip na magsalita, mas inuna kong umiling sa kanya. He gritted his teeth and it was as if I saw someone else in him. Parang may ibang tao na sumanib sa kanya. Maharas niya akong binitiwan. Pagkaalis ng kamay niya sa akin ay inabot niya si Jace. Walang salita at mabilis na inundayan niya ito ng malakas na suntok. Bumagsak si Jace sa sahig ng bahay niya. Hindi pa ito nakakabawi sa mabilis na suntok ni Jax ay dinagdagan na niya iyon ng isa pa. Natulos ako sa kinatatayuan. Napahakbang lang nang itayo niya si Jace at muling suntukin. Bumagsak si Jace sa maliit na dining. Ang mga pagkain na niluto ni Jace na nakatulugan ko ay nagkandahulog lahat sa sahig. Nabasag iyon at lumikha ng malakas na ingay. "I told you to leave! Pinayagan ka lang ni lola rito dahil nag-aalala siya na walang mamamahala sa lupain niya kapag umalis ako! Ngayon na hindi na ako aalis dito, umalis ka na! Hindi ka na kailangan dito!" Naglalabasan ang mga ugat ni Jax at muling umamba kay Jace. "Jaxsen! Huwag!" Tinulak ko na siya sa kanyang likod upang hindi matuloy ang panibagong pagpapalipad niya ng kamao. Delikado ang balak niyang gawin at mukhang wala na siyang pakialam kahit na alam niya ang maaaring mangyari. Kung susuntukin niya ulit si Jace, babagsak ito sa mga bubog. Sinigawan ko ulit si Jax. Pumagitna ako. Hinarangan ko si Jace na hindi gumaganti sa pinsan niya. Humarang ako para hindi siya malapitan ni Jax. Hinarap ko si Jax. Nagulat ako sa mga mata niya. Napatigil ko nga siya pero ikinagalit niya iyon ng husto. His glare were murderous. He looked at my back and in split second he was holding Jace again. Nabigla ako. Sinuntok ko si Jax sa dibdib para matigil siya. Nakasuntok siya ng isa kay Jace bago ko siya tuluyang maitulak ng buong pwersa at mapigilan. "Sinabing tama na! Ano ba!" Nakasandal na si Jace sa dingding ng bahay niya. Nasa harapan niya ako at nakatalikod sa kanya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang dugo na nasa kilay niya at ilong. Nakaharap ako kay Jax na walang galos. Walang kahit anong gasgas sa mukha niya at tanging purong pagkamuhi lang. "What, Clementine?! Ayaw mong saktan ko?! Huh?! I can't contact you and you are not at home because you are here?! What?! Sleeping with my damn cousin?!" Mahigpit niya akong hinawakan sa braso. Tinulak niya ako palayo sa kanya para ituro at ipamukha sa akin ang suot ko. Galit niya akong tiningnan sa mga mata habang dinuduro ang suot ko. Ang isang kamay niya na nakababa ay mahigpit na nakasarado. "Wearing this?! Wearing his clothes?! Ano?! Kaming magpinsan gusto mong matikman?!" "Jax!" Nanlaki ang mata ko. Susunod sunod na ang galit niya. Ni hindi ako makasingit para makapagpaliwanag. "You are not a w***e, are you?! Pero bakit madadatnan kita na katabi sa kama ang pinsan ko?! Katulad ka ba ni Maya na kapag nabuntis ng iba sa akin mo ipapaako?" Napamaang ako. Nagsalita pa siya pero hindi na ako nakaalis sa huling binitiwan niyang salita sa akin. Tila hindi niya iyon pinag-iisipan habang galit na sumisigaw. Basta ang alam niya galit siya sa nakita niya at palalabasin niya sa kanyang bibig kung ano ang gusto niya. "Kung hindi pa kita hinanap kay Irene hindi ko malalaman kung nasaan ka?! Hindi ka man lang tumawag kahit na alam mo na nag-aalala ako kapag hindi kita makausap?!" "Jax..." "Is it a one night stand?! Were you curious so you tried my cousin?! Do you want to compare us?! After you spend a night with him, did you get the answer?! Who do you think is better?! Huh?! Ako pa rin hindi ba?!" Umiling ako. Hindi ako makapaniwala na harap harapan niya itong itinatanong sa akin. I shook my head because I felt frustrated but he seemed to think that that was my answer to his question. Matalim niya akong tiningnan. Nakakasugat iyon. Pero mas nasugatan ako sa mga salita niya. Baon na baon iyon. Hindi ko alam. Nasaktan ako. Ganyan ba ang pagkakakilala niya sa akin? Ganyan kababaw? Oo, maaaring galit lang siya kaya niya ito nasasabi. Pero pagkatapos ng galit niya, hindi na niya mababawi ang lahat ng sinabi niya. "Forget that! If you're done with him, let's go home!" Mabilis ang paghinga niya. Nagbaba siya ng tingin sa kamay ko. Hinuli niya ako sa pulso. Kinaladkad niya ako at balak akong hilahin paalis pero tumanggi ako. Nasa tapat na nang kama at malapit na sa pinto nang pumiksi ako at hinila ko pabalik ang kamay ko. Natigilan siya. Kasasabi ko lang kahapon, na hindi pa natatapos may problema na naman. Sinusubukan ko palaging isipin ang kalagayan niya kahit naiipit na ako sa sitwasyon. Kasi pareho kaming mawawalan kung umalis si tatay at ang Mama niya. Sinusubukan kong timbangin ang sitwasyon namin pero dinadagdagan niya pa at pinapabigat niya ngayon. Paano ko pa ito bubuhatin? Kahit dalawa pa kaming magbuhat, hindi na namin ito makakaya. Parang ayoko na lang magsayang ng laway. Ayoko na lang magpaliwanag. Ayoko na lang kumilos. Gusto ko na lang na walang gawin. Nakakasawa. Isang buwan pa lang kami nakakasawa na. "Hindi ako sasama sayo. Dito lang ako," pagkatapos ng mga narinig ko mula sayo hindi ko masisikmura na sumama sayo. Dinig na dinig ko ang mariin na pagtama ng mga ngipin niya. Hinuli niya ulit ang pulso ko. Hindi ko alam kung sadya niyang ginaanan ang paghawak sa akin o nanghihina ang kamay niya. "Sasama ka sa akin, Clementine!" Sabay hila ulit pero nakawala ulit ako. "Dito lang ako! Umalis ka na!" Mas matigas na ulit ko. Tinapangan ko ang aking mga mata. Napanganga siya nang mabasa sa mata ko na hindi ako sasama sa kanya. Kahit pilitin niya pa ako. Marahas siyang lumunok at hingal na hinanap ng mga mata si Jace na hindi nakikialam sa sagutan naming dalawa. I asked him to leave but he didn't move. He didn't seem to want to leave us. Ayaw niya kaming iwan. Ayaw niya akong iwan. He may be thinking now that I don’t want to go with him because I don’t want to leave Jace. That I'm choosing Jace over him. Kung iyan ang nasa marumi na utak niya. So be it! Hindi ko na iyon itinama. Nasa isip ko pa rin na itinutulad niya ako kay Maya. Na katulad ng ibang mga naging babae niya ang tingin niya sa akin. Na hindi ako naiiba. Na mabilis isuko ang katawan sa ibang lalaki. Oo, palagi akong curious sa mga bagay bagay. Pero hindi ako puta na kung kani-kanino na lang katulad ng iniisip niya. Whether he meant to say that or not, he had already said it. Tumarak na sa akin iyon. Naramdaman ko na iyon bago pa niya hugutin paalis. Paano pala kung hindi ako nagpi-pills at nabuntis niya ako at nadatnan niya kami ni Jace na ganito. Talagang iisipin niya na kay Jace ang ipinagbubuntis ko? Na katulad ni Maya, pinapaako ko ang anak namin ni Jace sa kanya. Bakit? Dahil hindi pa siya handang magkaanak kaya todo tanggi rin siya sa ipinagbubuntis ni Maya? Ngayon ako tinubuan ng pagdududa. Totoo ba na hindi niya iyon anak? O ipapa-dna niya para mabayaran niya ang magd-dna at palabasin na hindi kanya? Ganyan siya dahil alam niyang kaya niyang paikutin ang lahat gamit ang kanyang pera. "Pumunta ka rito para manggulo, para manakit, at para gisingin kami?" Nakakakilabot sa lamig na sabi ko. Hindi ako kumurap kahit nang mapunta sa akin ang mata niya. Namumula iyon at namamasa sa gilid. He take a deep breaths. Mabilis ang naging pagkurap ng mga mata niya. Mahina siyang umubo na tila may inalis na bara sa lalamunan. "Nahuli ko kayo na natutulog sa iisang kama, Clementine! Nahuli ka ng boyfriend mo! Tapos iyan lang ang sasabihin mo?! Na ginising ko kayo?! Bakit?! Napagod ka?! Kulang ka sa tulog?!" "Oo. Napagod ako. Umalis ka na ngayong napatunayan mo na ang iniisip mo. Leave us, Jax. You must go, now. May gagawin pa kami," sinadya kong magtunog iyon na may ibang kahulugan. Nakaawang ang labi niya at doon siya humihinga. Walang laman siyang tumingin sa akin. Bumaba iyon at tumitig siya sa aking damit. Sinara niya ang bibig niya. Gumalaw ang kanyang panga. Lumapit siya sa bed side table ni Jace at hinawi ang mga laman na naroon. Nagkalaglag iyon at nabasag. Hindi siya makatingin sa akin subalit nagawa niyang bigyan ng huling masamang tingin si Jace bago siya lumabas. I almost jumped and closed my eyes tightly as he slammed the door shut. Pagkalabas niya, nanubig ang mga mata ko. Nakaharap ako sa kama at naramdaman ko sa aking likuran si Jace. Gusto kong mag-sorry sa kanya dahil nadamay na naman siya pero hindi na ako nakapagsalita. Napaupo na lang ako at napahagulgol sa aking kamay. Pakiramdam ko lahat na lang ng panahon hindi ukol sa aming dalawa. Gusto ko ng pagmamahal na makakabuti sa akin. Hindi ganito. Kung ito ang kapalit ng pagmamahal. Ayoko na lang siyang mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD