Lascivious Casanova 64 (1)

3777 Words
"Pagkasabi ko na naroon ka sa bahay ni Jace lumayas na! Sinigaw ko na nagpatila ka lang ng ulan! Hindi yata narinig! Sumakay na kasi sa sasakyan, e!" Si Jax ang tinutukoy niya. Nakwento ko na sa kanya ang nangyari. Nagpunta raw ito sa kanila at nagtanong tungkol sa akin kaya umagang umaga nadatnan niya kami ni Jace na natutulog. Naihatid na ako rito ni Jace kina Irene. Nakakahiya na pero nag-insists siya. Wala rin kasing masasakyan doon. At least kahit papaano ginamot ko naman ang sugat niya bago umalis. Patigil tigil nga lang ako dahil natutulala. Kaya sa huli, siya na rin ang nagpatuloy na maggamot sa sarili niya. Humingi ako ng dispensa at ni hindi ko na nalinis ang bahay niya sa ginawang gulo ni Jax. Nagkalat doon ang bubog at pagkain. Nakapagpalit na rin ako ng damit ni Irene. Napatingin si Irene sa kisame. Nag-isip siya bago siya tumagilid ng higa at hinarap ako. "Teka nga! Doon ka natulog? Ang sabi mo ihahatid ka niya! Hindi kayo natuloy?" Pagkatanong niya, siya rin ang sumagot sa tanong niya. "Ahhh... sobrang lakas kasi ng ulan? Nakatulog ka sa kahihintay na tumila? Nakatulog din ako, e!" Bumuntong hininga ako. Bumangon ako. Umupo ako sa higaan ni Irene at niyakap ang tuhod ko. Nakasandal ako sa headboard. Tumihaya si Irene at pagkatapos ay dumapa. Nagpangalumbaba siya habang nakadapa at tiningnan ako. Diretso ang tingin ko sa paanan niya. Wala kaming pasok kaya't pwede kaming magkulong sa kwarto. "Naguguluhan ako, Irene. Sobrang lungkot ko at naguguluhan ako," nakapalibot na ang luha sa mga mata ko. Tumingala ako. Ginagalaw galaw ko ang mga mata ko at kinurap para bumalik iyon sa loob. "Hoy! Huwag kang umiyak! Hindi ako nagparaya para lang umiyak ka!" Umalon ang boses niya. Nakikisimpatya ang tingin niya nang yukuin ko siya. Halos bumaliktad ang ibabang labi niya. Namamasa na ang kanyang pilikmata. Lumunok ako. Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan. Mataman ko siyang tiningnan. Nakita ko siya kung paano siya magmukhang nababaliw kay Jax. Nakita ko siyang mag-assume. Nakita ko siyang magkagusto kay Jax. Pero bakit parang iba ang epekto sa akin. Mas masakit. Para akong pinapatay. Parang nabawasan ang buhay ko. "Nagustuhan mo si Jax pero hindi ka nagalit sa akin. Nagustuhan mo lang ba siya pero hindi mo siya mahal? Paano mo naiwasan na mahalin siya? Ano ba ang ibig sabihin ng pagmamahal para sayo? What is love? What is the meaning of love? Is it avoidable? Pwede ba itong maiwasan? Kaya bang mapigilan? Maaari bang pahintuin? Wala bang nagsasabi na tama na hanggang diyan ka lang kung sosobra ka diyan masasaktan ka na? Wala bang warning? Kung kulay pula ba o berde? Kung magpapatuloy ba o hindi?" Ang dami kong tanong. Naguguluhan ako. Ang dami ko pang hindi alam sa pinasok ko. Wala akong alam sa pakikipagrelasyon. Hindi ko alam kung kailan ako lalaban at hindi ko alam kung kailan ako titigil. Hindi ko alam kung sapat ba na dahilan na mahal mo ang isang tao para hindi ka sumuko kahit pagod ka na. Hindi ko alam kung kailan ba dapat magpahinga. "Ano ba, Clementine!" Ngumawa siya. Nauna pa siyang umiyak sa akin. O siguro hindi ko lang naramdaman na naunang nabasa ang pisngi ko. Sinabayan niya ako sa pag-iyak. "Bakit sa akin ang bilis, Irene? Bakit ang bilis kong nahulog sa kanya? Bakit ang bilis ko siyang minahal? Ang bilis kong nagtiwala! Kahit marami akong naririnig nagtiwala ako sa kanya! Sa kanya lang ako naniwala kasi mahal ko siya!" Habang nagsasalita ako nag-uunahan sa pagtulo ang luha ko. My chest tightened and my eyes switched like a tears fountain. Hindi pa bumabagsak ang naunang luha may kasunod na. Panay tulo nito sa yakap yakap kong tuhod at kung iipunin ko'y makakapuno ako ng isang baso sa walang hinto na pagbagsak nito. "Hindi ko makalimutan 'yung mga sinabi niya! Mas masakit kasi nanggaling iyon sa taong mahal ko! Mahal na mahal ko siya Irene! Pero hindi ko kayang sabay na magmahal at masaktan! Hindi ko kayang sabay na mapagod at lumaban! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Naguguluhan ako!" Ang sabi ko kakayanin ko. Pero kahit ang pinaka matapang at pinaka malakas na tao kailangan din magpahinga kapag napagod na. Kahit ang pinaka palaban na tao kailangan din sumuko kapag hindi na kaya. Hindi dahil hindi ako nagsasabi na nahihirapan ako, palagi na akong matatag. Minsan kung sino pa ang pinaka matapang na tao sa panlabas, siya pa ang pinaka mahina at umiiyak sa tuwing mag-isa. "Ayoko na! Galit na rin ako kay Jax dahil pinaiyak ka niya! Galit ako sa tatay mo! Galit ako sa kanila!" Nakaupo na siya. Ang likod ng dalawang kamay niya ay nasa kanyang mata at parang batang umiyak. Pinanuod ko siya. Inabot ko ang tissue. Pagkatapos kong magpunas, siya naman ang inabutan ko. Namamaga na ang mga mata niya at malungkot niya akong pinanuod. Nanuod kami at nagluto siya ng nagluto. Nililibang niya ako kahit mukha rin siyang apektado. Nasa kwarto lang kami hanggang sa gumabi at makatulog siya. Patay ang ilaw. Nakatitig ako sa kisame na mayroong mga hugis bituin at buwan na sticker. Umiilaw ito na nagsilbing mumunting liwanag sa kwarto. Hindi ako makatulog. Binalikan ko ang mga nangyari sa bahay ni Jace. Sobra akong nasaktan sa mga binitiwang salita ni Jax kanina habang galit siya. Hindi man lang nabawasan iyon kahit pagkatapos ng buong araw na pakikipagtawanan kay Irene. Kahit gaano ko subukang sumaya, kapag ganitong tahimik at nasa dilim, bumabalik iyon. Ang hirap mag-isip kapag masiyadong marami ang iniisip. Ang sabi ni Irene walang tao sa bahay. Nag-init ulit ang mata ko at dumulas ang isang butil ng mainit na tubig mula sa aking mata dahil alam ko na ang dahilan kung bakit walang tao roon at wala si tatay. Tumakas ang mahinang singhap sa labi ko sa pagdulas ng panibagong luha. Kinagat ko ang aking ibabang labi bago pa man gumawa ng ingay ang pag-iyak. When no one's watching, it's okay to remove your fake mask and cry. It's okay to weep at night when the pain is overflowing. It's okay to feel empty. It's okay to feel weak. Cry and rest your heart. So in the next morning, you can continue your everyday life. "Mag-usap kayo. Magpaliwanag ka. Kung kailangan mo ang tulong ko. Pwede akong tumestigo." "Kung ganoong babae ang tingin niya sa akin, Irene, wala na kaming dapat na pag-usapan. Wala na akong dapat na ipaliwanag..." "Oo nga! Huwag mo siyang kakausapin!" Bawi niya nang maalala na sinabi niya kahapon na galit nga pala siya kay Jax. Sabay kaming naglalakad papasok sa school. Binawi ko ang mata ko sa kanya. Sa mga nadaraanang taniman at mga puno ako tumanaw. Alam ko na marami ring iniisip si Jax ngayon. Pareho naman kami. Hindi pwedeng puro nararamdaman niya na lang ang iisipin ko. Ipapaako ko sa kanya? Kung nabuntis niya ako at sasabihin niya na sa ibang lalaki iyon, sa halip na ipaako ko sa kanya, itatago ko na lang iyon. Hindi ako magiging desperada. Hindi ako maghahabol sa lalaki. Hindi ko ipipilit ang anak ko kung ayaw niya. Iba ang pagkakakilala ko sa kanya. Iba ang inasahan ko na magiging pananaw at reaksyon niya simula nang maging kami. Kasi, ang sabi niya, nagbago na siya. At kung may tiwala siya sa akin, hindi niya ako kaagad pag-iisipan ng masama. Maaaring magagandang side niya lang ang naipakita niya at hindi ko pa nakikita ang pinaka malalang ugali niya. Nakita ko siyang magalit at makipag-away noon. Iba siyang magalit. Walang nakakaawat. Mahirap patigilin. Pero bakit sa tingin ko higit pa sa mga nakita ko ang kaya niyang gawin. "Yung ano... yung sugat mo..." Tinuro ko ang sariling kilay ko habang nasa kilay niya ang mata ko. "Bakit hindi ka naglagay ng band aid?" Iniisip ko kung mayroon pa ba akong band aid sa bag habang tinitingnan ko ang sugat niya na nasa gilid ng kilay niya. Naglalagay ako ng band aid sa bag simula noong araw na utusan ako at si Jax ni Mrs. Montemayor na maglinis ng isang silid dito sa paaralan. May band aid kasi siyang suot noon at kagagaling lang sa pakikipag-away. Baka lang kailanganin niya isang araw at magamit. Hindi ko maalala kung nandoon pa ba ang band aid na iyon. Mahina siyang natawa. Napa-angat ang kamay niya at napahawak sa kilay niya na tinitingnan ko. "Wala ito... kaonting galos lang..." Binaba niya ang kanyang kamay. "Pero ikaw... I'm worried about you... If you need a shoulder to lean on... nandito lang ako... pwede kang umiyak sa akin ulit..." I smiled at Jace. He's really a good man and gentlemam. Ni hindi siya nagalit sa ginawa ni Jax. Nanggaling ako sa bodega nang magkabungguan kami sa dulo ng hallway. Tinulungan niya ako sa mga dala ko dahil pauwi na raw siya. Tinanong niya pa ako kung bakit hindi ako nakapasok. Kahit kasi wala na ako sa student body, in-excuse pa rin ako ni Mrs. Montemayor sa klase para tumulong sa mga dati kong kasama sa pag-aayos sa paparating na graduation. Mayroon huling announcement ang mga may-ari mamaya para sa pagtatapos ng school year at para sa mga graduating kaya't heto ako, bitbit ang mga palamuting gagamitin para sa stage. "Tutulong na ako. Wala naman akong gagawin-" "Hindi na Jace!" Naiiling ako at nakangiti. "Nakakahiya na nga itong pinagbuhat kita ng mabigat! Kasama ko dapat si Harry kaya lang nagpresinta ako na kaya ko nang mag-isa. Busy kasi sila at babagal kung mababawasan ng tao!" "Eh 'di sakto pala! Kung maraming tutulong mas mapapabilis ang gawain ninyo-" "Hindi na nga, Jace! Okay lang! Akin na iyan! Kaya ko nang mag-isa rito! Malapit na naman!" Inagaw ko sa kanya ang dala niyang parte ng speech table. Doon na kasi namin ito aayusin kaya hiwa-hiwalay pa. Nauna nang hakutin ang iba. Ang dala ko na lang ay ang magiging paa nito at makapal na kurtina na gagawing pang-design sa magkabilang gilid ng backdrop. Maaga pa naman kaya marami pang oras na mag-ayos. "Bakit ba ayaw mo akong patulungin?" Humalakhak siya. Hinigpitan niya ang hawak doon at hindi ibinigay sa akin. Umatras siya ng isang beses. Lumapit ako. "Nakakahiya na! Palagi na lang kitang naaabala!" Pinilit kong kunin iyon kahit itinago niya sa kanyang likuran. Ang nangyari tuloy, nagmukhang niyayakap ko siya. Natawa ako at napanguso. Humiwalay ako ng kaonti para masamaan siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. "Hindi mo ibibigay? Tutuhurin ko iyan!" Pabirong nginuso ko ang nasa gitna niya. Natawa siya't agarang tinakpan iyon ng isa niyang kamay. Umatras ulit siya. Nakalabi akong lumapit. Nilusot ko ang isang braso ko sa gilid niya. Ang isang kamay ko nilagay ko sa dibdib niya para hindi dumikit ang dibdib ko sa kanya. Nasa ganoon akong ayos nang mapadaan sa gilid namin si Jax at Maya. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanila dahil mismong sa gilid sila dumaan kahit malawak naman ang daan papasok sa gym. Mabilis akong napalayo kay Jace. Nakasilid sa magkabilang bulsa ni Jax ang mga kamay niya. Nakasara ng maigi ang mga labi niya. Diretso ang tingin at diretso rin ang lakad. Malamig at halos walang mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Humabol si Maya nang maunahan siya ni Jax sa paglalakad. Inangkla nito ang isang kamay sa braso ni Jax. Tiningala siya ni Maya at kahit malamig at wala ang tingin ni Jax sa kanya ay malaki ang pagkakangiti nito. Pinanuod ko sila nang makalagpas sila sa amin. Hindi naka-uniporme si Maya. Nakasuot ito ng hapit na dress. Sa likuran nito'y kitang kita ang magandang hugis nitong katawan. Sumasabay sa galaw niya ang maalon at malambot nitong buhok. Kahit buntis ay hindi nanaba. Hanggang balikat lang siya ni Jax. Kung pagmamasdan, mas bagay sila kaysa sa aming dalawa. Kaya siguro sila ang gustong magkatuluyan ng mga mag-aaral dito dahil itong nakikita ko ngayon ang nakita nila. Nakaraan lang ang dami naming plano. Ngayon, hindi kami nagpapansinan. Galit sa isa't isa. I don't have control in everything. Hindi ko makokontrol kung paano mangyayari ang lahat. Human minds can change. Just like how human can fall in love and fall out of love. Siguro nga masiyado lang akong umasa na ang pag-ibig ay katulad sa mga napapanuod na fairy tales. But the truth is, real life relationships, sometimes have tragic endings. And to think that we are one of those relationships with no happy ending hurts me big time. "Are you okay?" Si Jace. Bumalik sa kanya ang mga mata ko. Binalewala ko ang kirot na naramdaman. Binuntong hininga ko iyon. Tinanguan ko si Jace at bago pa kami pagtinginan ng mga estudyanteng nagdaraan, hinayaan ko na siya sa gusto niyang pagtulong. "Saan ito ilalagay?" Si Jace ulit. Nasa gilid ko siya. Tinuro ko sa kanya kung nasaan sila Harry. Nasa stage sila at may mga inaayos. Maraming tao rito sa gym. Mayroon naglalaro at ang iba'y nakatambay dahil alam na mayroon announcement mamaya. Dito pumasok sina Jax at Maya. Nasulyapan ko na nagtungo sila kung saan nakaupo ang team ni Jax. Naglalaro ng basketball ang iba at nakikigulo sa mga basketball players. Nakaupo si Jax sa pinakamababang bleachers. His knees were wide apart and his arms were resting on them. Magkasalikop ang mga kamay niya. Medyo nakayuko. Bahagyang nakababa ang mga balikat niya at pinapanuod ang mga naglalaro. His hair disheveled as his adam's apple protuded. Nanunuod lang siya ng laro pero nakakakilabot sa lamig ang mga mata niya. People acts accordingly to their emotions. Hindi mo mapipigilan kapag nangibabaw ang emosyon mo. Kung galit, makakapagbitiw ng masasakit na salita na hindi napag-iisipan. Pero kalaunan pagkatapos magalit at saka matatanto ang maling salita na lumabas sa bibig nila. But him, he don't look guilty. Mas mukha siyang galit. Hindi pa ba niya narerealize ang mali niya? Hanggang ngayon iniisip niya pa rin na may nangyari sa amin ni Jace? Hindi ako naging ganito sa ibang lalaki 'tapos wala pa rin siyang tiwala sa akin? Parang may kamay na biglaang pumilipit sa puso ko nang maalala na naman na pinagbintangan niya akong ipapaako ko sa kanya ang bata kung mabubuntis ako. Does that mean he doesn't want a child from me? Ayaw niyang magkaanak kahit kanino? Na biro lang ang sinabi niya noong gusto niya nang magkapamilya? Kung ganoon, bakit niya ako niyaya ng kasal? Dahil masaya siya ng araw na iyon? Dahil nanalo sila? At kapag masaya minsan nakakagawa ng biglaang desisyon. He made a happy decision because he was happy. He can speak hurtful words because he is angry. He allows his emotions to control his actions. I suddenly doubted whether he was sincere in all the words he uttered. Kung sincere ba siya sa lahat ng mga sinabi niya o nadala lang siya ng emosyon. Nakakatakot maniwala minsan lalo kapag hindi mo alam kung kailan totoo. Nawala ako sa aking iniisip nang may gumalaw sa tabi niya. Nalipat kay Maya ang mata ko. Nakatingin sa akin ito. Ang sakit na naramdaman ko'y nadagdagan pagkakita sa kanya. Nang makita ni Maya na nasa kanya na ang mga mata ko'y lumapit ito kay Jax at katulad ng ginawa niya kanina'y kumapit ulit siya sa braso nito. Kumunot ang noo ni Jax. Lumingon ito kay Maya. Nag-usap sila. Hindi na ako naghintay na madaanan ako ng mata ni Jax, tumalikod na ako. Lumapit ako sa nakatayong Jace sa gilid ng stage. Hawak niya ang kurtina sa isang kamay at sa isa ay ang bag. "Is this yours? I saw it in the backstage. Kinuha ko kasi nagpagpag sila roon ng alikabok..." Sabay abot sa akin ng bag. Nang iangat niya saka ko lang nakumpirma na akin nga iyon. Agad ko 'yong kinuha sa kamay niya. Nagpasalamat ako. Ngumiti siya sa akin. Tinawag siya ni Harry na nasa stage. Mukhang silang dalawa ang magkakabit ng kurtina. Napatingin siya sandali kay Harry bago niya ako nilingon ulit. "We'll just fix it," aniya't itinaas ang hawak niya na kurtina upang ipakita sa akin. Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Tumalikod na siya't umakyat sa stage. Habang nag-aayos sila ni Harry, napatingin ako sa kilay niya. Kitang kita ang sariwang hiwa roon. Sanay makipagpambuno si Jax. Kahit gumanti o hindi si Jace, duda ako kung makakatama siya. "Oh!" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at nagbaba ng tingin sa bag. "Yung band aid!" Habang nakatitig sa sugat niya saka ko lang naalalang hanapin ang band aid sa bag. Ipinatong ko ang aking bag sa ibabaw ng stage. Binuksan ko iyon at kinalkal ang loob. Mabilis kong nakita ang band aid dahil alam ko kung saan ko nailagay at kung saan ko hahanapin. Hawak iyon na umakyat ako sa stage. I feel guilty that I didn't even treat his wound properly. Kahit dito sa band aid man lang sana makabawi ako ng kaonti. Tumigil ako sa likod nila ni Harry. They were busy fixing the curtain so they didn't notice me. Inangat ni Jace ang mga kamay niya para matulungan si Harry at hindi mahulog ang kurtina. Kumiling ng bahagya ang ulo niya sa kanyang gilid. Nakita niya yata sa gilid ng mata niya na mayroong tao sa likuran. Napatingin siya at mabilis akong nakita. "Why? Do you want to help? Mabigat ito. Panlalaking gawain ito. Kina Irene ka na lang tumulong." Tinaasan niya ako ng kilay. Itinaas ko naman ang band aid para makita niya. Tumitig siya roon ng ilang sandali bago niya na-gets na para sa kanya ang band aid at ito ang sinadya ko kaya ako lumapit. Nag-angat siya ng tingin sa aking mata. Pagkatapos ay nilingon niya ang dalawang kamay niya na mayroong hawak. One of his hands was holding the aluminum ladder. Nakatungtong doon si Harry. His other hand was holding the curtain rod. Kung bibitiwan niya iyon maaabala sa paglusot ng kurtina si Harry. "Uh... Pwedeng ikaw na lang ang maglagay?" He said when he turned to me. "Huh?" Agad nangunot ang noo ko. He looked down at the band aid I was holding and returned to my eyes. "Pwede ikaw na lang ang maglagay sa kilay ko?" Tinitigan niya ako. Nasa akin ang mata niya samantalang napunta ang mata ko sa sugat niya. Nagdalawang isip ako at hindi nakasagot agad. Namula ang tenga niya. Napatingin ako roon bago sa mata niya. Namumula na rin ang leeg niya at sa palagay ko'y napahiya dahil tatanggihan ko siya. Pero bakit ako tatanggi? Mayroon siyang ginagawa at hindi naman ito ang unang beses na may ginamot akong sugat. Minsan na rin akong tumao sa clinic kaya sanay naman akong magbigay ng pang-unang lunas. "Pakilagay na lang pala sa bulsa ko or..." iginala niya ang mata niya. Tumigil iyon sa speaker na hindi kalayuan sa aming dalawa. "Or just put it there first. Kukunin ko na lang mamaya-" Nahinto siya sa pagsasalita. Ang mata niyang nasa speaker ay tila kidlat sa bilis na lumipat papunta sa akin nang lumapit ako at buksan sa harapan niya ang band aid. Pag-angat ko ng mukha, nagkatinginan kami. Lito siyang salitang tiningnan ang mga mata ko. Naiwang nakabuka ang bibig niya dahil sa naputol niyang salita. Ngumiti ako at mas lumapit na mas ikinapula rin niya. Pansin ko ang pagbilis ng kanyang paghinga. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya pero normal ang kilos kong pinagpatuloy ang ginagawa. Umawang ang labi ko nang tumingkayad ako upang abutin ang kilay niya. Nagkalapit ang mga mukha namin. Nakataas ang dalawa kong kamay. Nakatitig siya sa akin. Madali ko lang nailagay ang band aid sa sugat niya. Pagkababa ng bukong bukong ko galing sa pagtingkayad ay binigyan ko ng huling tingin ang kilay niya. Tiningnan ko siya mata. "Okay na!" Ngumiti ako. Nakatitig pa rin siya. Katulad kanina, naguluhan ako sa pagtagal ng panunuod niya sa aking mukha. Hindi na siya namumula subalit mataman ang titig sa akin. "Bakit?" Kasabay ng tanong ko ang pagtaas ng aking kilay. Ganoon din ang kamay ko. Kusa iyong napahaplos sa aking pisngi kung mayroon bang dumi roon. Umiling siya. Nagbuga lang siya ng hangin at nag-iwas ng tingin. "Salamat," mahinang sabi niya at tinalikuran ako. Tinawag siya ni Harry at mayroong pinakuha. Iyon na ang hudyat ko na bumaba na sa stage. Kaya lang, nakakatatlong hakbang pa lang ako at hindi pa naaabot ang hagdan, napigil na ang hakbang ko. Nagtama ang mga mata namin ni Jax. Nasa dating pwesto niya siya. Ngunit hindi tulad kaninang nakaupo'y nakatayo na siya ngayon. Namumula ang mga mata niya akong inilingan. Marahas ang pag-igtingan ng panga niya. Mariing nakasara ang kamay. Pagkatalikod niya para lumabas, naikot ko sa buong gym ang tingin ko. Hindi lang pala siya ang nakatingin sa akin kung hindi ang karamihan ng mag-aaral na nakatambay dito. "Tapos na kami..." boses ng lalaki galing sa likod ko. Pagkaharap ko'y naroon si Jace. Katabi ko na siya. After I stared at the band aid on Jace's eyebrow, I realized why the students looked at me maliciously. Pati si Jax. Anong masama sa ginawa ko? I just help him to put that damn band aid! Lahat na lang ba ng kilos ko kailangan bantay sarado nila? Na kailangan isipin ko ang iisipin ng iba bago ko gawin ang nakasanayan ko na? Wala akong ginawang masama! Pag-iisip lang nila ang masama! I slightly backed away from Jace and became concious at the stare of the students. Titingnan nila si Jax at pagkatapos ay sa akin. Kahit palabas na si Jax, sinundan pa rin nila ito ng tingin. Magbubulungan at tila pinagtatawanan ako. Ang iba hindi naman ganoon noon. Pero dahil naging usapan kami naki-agos na rin ang iba at nakigaya. Isa iyan sa mga pangit na pag-uugali ng tao. Na kapag ginawa ng isa, makikigaya na rin ang iba. Yung kahit nasa harapan na nila ang katotohanan, ang mas paniniwalaan pa rin nila ay 'yong mali na pinakalat ng taong galit sa sinisiraan nila. I know I have done nothing wrong. But maybe it's my fault that I forgot that there were other people in the gym. Mga tao na masama mag-isip at bibigyan ng kahulugan ang lahat ng kilos ko. Gumawa man ako ng mabuti o masama may masasabi pa rin sila. Dahil kapag ayaw sayo ng isang tao kahit ano pa ang gawin mo hinding hindi ka magiging maganda sa paningin nila. They hate me to the core as if they want me to get kicked out of the tribe. Ayos lang, hindi ko naman kailangan pakisamahan ang lahat. Sapat na sa akin ang mga taong may simpatya at totoong nakakakilala sa akin. After all, I don't need to be liked by everyone. Wala namang mawawala sa akin. Mananatili akong ako kahit hindi nila ako magustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD