Lascivious Casanova 64 (2)

4768 Words
School assembly started. Mayroon nang nagsasalita sa stage ay nag-aayos pa rin si Jace ng wire ng mga mikropono. Pasimple ko siyang kinawayan at pinatabi sa akin nang tumayo siya ng tuwid at hindi alam kung saan pupwesto. "Masiyado kang busy!" Natawa ako't sinusundan siya ng tingin habang paupo siya sa tabi ko. "Mas marami ka pang nagawa sa amin! Hayaan mo na sila diyan kaya na nilang ayusin iyan!" "Maaari kasing makadapa 'yung wire. Inayos ko lang," paliwanag niya. Nanatili sa akin ang mata niya hanggang sa makaupo. Pinawisan siya. Inabutan ko siya ng nakaboteng tubig at tissue na ibinigay sa amin kanina kasama ng miryenda para sa mga nag-ayos. "Thanks," ngumiti siya pagkatapos magpasalamat. Bumaling ako sa stage. Nagpapaligsahan sa pagtayo ang mga balahibo ko. Hindi ko magawang lumingon sa likod at baka magtama ang mata namin ni Jax. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang nagsasalita sa harapan. They said their speeches and they congratulated all the graduating students. Nabanggit din ang pag-good luck nila next year para sa mga hindi makakasamang gumraduate ngayong taon. Kasama na roon ang mga na-expelled. Hindi ko maiwasan na maguilty kahit nagawan nila ako ng masama. Panibagong taon na naman kasi bago sila makagraduate. Ako ang nanghihinayang na sana tapos na sila ngayon. Hindi ko nakausap si Jax tungkol dito. Kahit kausapin ko siya sa tingin ko hindi rin siya papayag na ibalik sa school ang mga pina-expelled na niya. Piling pili pa talaga na ang mga naisama sa na-expelled ay ang mga naunang sumugod sa akin. Iyong nasaktan ko noon at mga kasama nito at 'yong mga nanakit sa akin sa third floor. Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung sinu sino ang mga iyon. Hinulaan ko na lang na sa cctv niya nakita dahil mayroon mga cctv sa mga lugar na pinangyarihan. Hanggang sa matapos ang announcement ramdam kong may mga mata na nakasunod sa bawat kilos ko. "Huwag mo nang isipin iyon! Mabuti nga iyon sa kanila!" Umismid si Irene. Narito sila ni Cathy upang samahan ako sa bahay. Nasa kwarto kami at nakahiga na. Nasa kama si Irene, nakatagilid siya para magkakitaan kami at makausap. Si Cathy at ako, naglatag ng malambot na kutson sa sahig. Magkatabi kami ni Cathy sa lapag habang solo naman ni Irene ang kama. "Paanong hindi ko iisipin, Irene? Na-expelled silang lahat-" "Dahil sinaktan ka nila! Sila naman ang may kagagawan no'n kaya bakit ikaw ang makokonsensya!" "Nanakit din naman ako," pareho ko silang tiningnan. "Sa katunayan ako ang naunang nanakit. Nakita niyo naman iyon. Parang ang unfair lang na na-expelled sila samantalang kasama ako sa gulo pero makakagraduate ako." Tumagilid si Cathy at tinitigan ako. Sa kanilang dalawa ni Irene siya ang nakakaintindi sa akin. Gagraduate nga ako pero kung hindi ko ito gagawan ng paraan baka habang buhay akong lamunin ng konsensya ko. Kung matatapos ang graduation na hindi sila kasamang magtatapos, hindi ko na iyon maibabalik. Dumiretso ako ng higa at sa bubong nakatutok ang mata. "Ang sabi sabi sayo raw nagagalit ang mga magulang nang na-expelled. Nagbabalak yatang makiusap sayo ang iba pero nagmatigas ang iba kaya walang lumalapit sayo hanggang ngayon," si Cathy. "Galit sila sa akin?" Gulat akong napabaling sa kanya. "Iyon ang narinig ko," nagkibit balikat si Cathy. "Magulang sila at anak nila ang na-expelled kaya sa tingin ko totoo ang usapang nagalit sila sayo. Mali ang ginawa nila pero tama ka. Pwede naman silang pahingiin ng tawad sayo at ikaw sana ang hinayaan ni Jax na magdesisyon tungkol doon." "Sila pa ang galit?! Kung tinuruan nila ng magandang ugali ang mga anak nila hindi mangyayari iyon! Dapat doon sila sa mga anak nila magalit!" Halos mapisa ni Irene ang yakap niyang unan. "Anak nila iyon, Irene. Tingin mo ba si Clementine ang kakampihan nila pagkatapos ma-expelled ng mga anak nila sa halip na unang warning pa lamang sana iyon? Hindi naman nila masisisi si Jax. Kung kay Jax sila magagalit, laking takot lang nila." "Either their child expelled or not they are still bound to get angry to her! Porke mayaman si Jax at 'di nila kaya kay Clementine sila magagalit? Bakit si Clementine ba ang nagpa-expelled sa mga pavictim nilang anak na ang lalakas ng loob mga makipag-away at kapag naparusahan iiyak iyak?!" "Hindi nga si Clementine pero ang pakikipag away sa kanya ang dahilan kaya inisip nila na parang ganoon na rin iyon. Boyfriend ni Clem si Jax. Sa ngayon malamang ang pinaniniwalaan nila ay inutos ni Clementine na gawin iyon." "Ang tatanga pala nila, e! Tapos ngayon nagmamatigas pa sila? Ayaw nilang makiusap kay Clementine?! Anong gusto nila? Si Clementine pa ang lalapit at hihingi ng sorry?!" Katulad ng nakasanayan, silang dalawa na naman ang nagpalitan ng salita. Sa tuwing ganito nakakapag-isip ako. Kasi dalawang opinyon ang napapakinggan ko. Sa pagkakataon nga lang na ito napag-isip isip ko. Kung hindi ako gagawa ng hakbang para mai-ayos ito, hindi na mawawala ang galit sa akin ng mga magulang nila at iisipin nilang kagustuhan ko ang pagpapa-expelled sa mga anak nila. Hindi kaso sa akin na mayroong mga galit sa akin na tao. Ang hindi ko lang gusto ay maging unfair dahil makakagraduate ako. Kahit ako ang magulang ng mga na-expelled, siguro magagalit din ako. Para rin sa akin ito. Para malinis ko ang konsensya ko. Nasa second floor ako, katatapos lang ng klase. Maingay na tawanan mula sa field ang nakapagpabaling sa akin doon. May mga naglalaro ng soccer. Hindi ko naman siya hinanap pero natutok kay Jax ang mata ko. Nakahiwalay kasi siya at hindi nakahalo sa mga kateam niya. Naglalaro sila Peter at nagkakatuwaan. Si Jax, nakaupo sa isa sa mga bleachers. Tulala niyang pinapaikot ang bola sa kanyang hintuturong daliri. Patitigilin niya iyon sa pag-ikot at pagkatapos ay ita-tap ang screen ng cellphone niya na para bang may hinihintay siyang pumasok na mensahe doon. Tatlong ulit niya 'yung ginawa bago ako nagdesisyon na i-text siya. Me: Mag-usap tayo sa labas ng locker room niyo. Papunta na ako. Pagkatapos kong i-send iyon, pinanuod ko siyang basahin ang message ko na pinadala ngayon. Nabitiwan niya ang bola. Tumalbog iyon papunta sa mga kasama niya. Nag-type siya sandali. Pagkababa ng telepono, tumayo siya at lakad takbo. Sinundan ko siya ng tingin. Ang direksyon niya ay papunta sa locker room. Nagsimula akong maglakad habang binabasa ang message niya. Jax: I'm busy today, but okay. Wait for me outside. Busy? Nilingon ko ang pinanggalingan niyang bleachers. Tamad siyang nagpapaikot ng bola sa kanyang daliri kanina. Siguro busy siyang maglaro kanina bago iyon? Kinibit balikat ko iyon at naglakad na. Pagkarating ko sa labas ng locker room, wala siya. Nangunot ang noo ko. Lakad takbo siya kanina. Hindi ba siya rito nagpunta? Sumilip pa ako sa ibaba. Walang tao roon. Madalang ang mga tao rito. Saan nagpunta iyon at bakit nasa kilos niya ang pagmamadali? "Clem," nakarinig ako ng tawag sa pangalan ko at mahinang pagtikhim ng kung sino sa aking likuran. Pag-ikot ko paharap sa pintuan ng locker, nasagot ang tanong ko. Nasa loob pala siya kaya hindi ko mahanap sa labas. Basa ang buhok at kaliligo lang. Iba na rin ang suot niyang damit. Umiwas siya ng tingin at dahan dahan na sinarado ang pinto ng locker room sa kanyang likod. Hinarap niya ako. Sinuklay niya ng mga daliri niya ang basa niyang buhok. Binalewala ko ang amoy ng mabangong panligo niya. Lumapit ako at tumigil sa kanyang harapan. Humugot siya ng paghinga dahil sa ginawa ko. Nagtitigan kami. Namungay ang mata niya. "Pabalikin mo sila sa school," simula ko sa sadya ko. Rumehistro ang lito sa mga mata niya. Nanatili ang mga mata niya sa mata ko. Binasa niya ng dila ang labi niya. Umawang iyon. Gumalaw ang kilay niya at tila nag-iisip kung sinong sila ang pinapabalik ko sa kanya. Nagpatuloy ako. "Yung mga pina-expelled mo. Bawiin mo ang pagpapa-expelled sa kanila. It's not fair that I will graduate when they don't..." Unti unti at mabagal na kumunot ang noo niya. Sumara ang mga labi niya at mariing pinagdikit. Mariin ring nakaigting ang panga niya. "You texted me because you want to talk to me about this?" Napatitig ako kay Jax. What does he mean I talked to him for this? Tunog dismayado pa siya. Na para bang hindi ito ang inaasahan niyang dahilan kung bakit ako biglang nag-text at gustong makipag-usap. Iniisip niya bang may iba kaming pag-uusapan? Kung ganoon ako ang hinihintay niyang mauuna na kakausap sa kanya kahit siya ang may mga masasakit na sinabi sa akin? I gritted my teeth. I'm so disappointed. Nag-expect ako na matatanto niya rin kalaunan ang mga nasabi niya at ang maling paratang niya. But I think the best way is to not expect anything from him. "We started it, Jax. Hindi tama na paalisin sila sa school dahil lang kaya mo 'yong gawin. I also hit one of them. Nanakit din ako. Kung mae-expelled sila dapat kasama ako roon." His jaw moved. Umatras siya at ibinagsak ang likod niya sa isinara niyang pinto ng locker room. Pairap siyang nag-alis sa akin ng tingin at bumaling sa gilid. "Jax," tawag ko dahil hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung susundin niya ba ako dahil matigas ang anyo niya. "Saint-" I was about to call him in his full name because that's what I do when I'm angry and I want to prove a point. Hindi nga lang ako natapos dahil sa padarag na pagharap niya sa akin. "Why don't you tell that to Jace? Siya ang utusan mo. Sa kanya ka lumapit. Siya naman ang palagi mong kasama..." Tumayo siya ng maayos. "I can't readmit a students who have been expelled. Kausapin mo si Jace baka may magawa siyang paraan para sayo-" "Why are you including him here? I didn't ask you to meet me so we could talk about Jace! Labas siya rito! Wala siyang kinalaman! Sayo ito nagsimula! Ikaw ang puno't dulo nito kaya makipag-usap ka sa akin ng maayos!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Patagal ng patagal palala ng palala ang disappointment ko sa kanya. Ayoko siyang sisihin pero mas mali na idadamay niya ang ibang tao dahil totoo na sa kanya, sa amin ito nagsimula. Sinaktan niya 'yung tao na hindi inaalam ang totoong nangyari! Walang ginawa si Jace kung hindi ang tulungan ako! Kung wala siya roon baka kung ano na ang nangyari sa akin! Hindi ko ito masabi sa kanya dahil gusto ko na marealize niya muna sa sarili niya iyon bago ko linawin sa kanya! Pero kung hindi niya iyon matatanto isa lang ang ibig sabihin niyon. Na talagang ganoong babae ang tingin niya sa akin simula pa lang. Kung kilala niya ako. Kung mahal niya ako. Kung may tiwala siya hindi na kailangan ng paliwanag para malaman niya na walang nangyari sa amin ng pinsan niya. "Ayaw mong pag-usapan natin kung paano mo siya pinagtanggol? May paharang harang ka pa ng sarili mo para lang hindi ko siya masaktan? Kung hinayaan mo ako. If you didn't stop me, I will beat him to his death!" Naisara ko ng maigi ang kamay ko. Palagi ko iyang naririnig galing sa kanya. Noong kay Jayden pa lang dahil nagseselos siya rito. Na para bang sa salita niya'y kaya niyang pumatay kung may mang-aagaw sa akin. Naulit ngayon. Sa pagkakataon na ito, mas higit ang galit niya sa pinsan niya. Na kung wala ako roon, nagsasabi siya ng totoo na gagawin niya iyon. "Bakit ba galit na galit ka sa pinsan mo? Sa totoo lang walang ginagawa si Jace na masama sayo pero ang init ng dugo mo sa kanya-" "Alam mo na nagseselos ako sa kanya pero sumama ka pa rin! Doon ako nagagalit, Clementine! Na kahit alam mo ang mararamdaman ko tila nananadya ka pa! Dahil gusto mo siya?! Kasi kung hindi mo siya gusto hindi ko kayo makikitang natutulog na nakahubad sa iisang kama!" "Oo sige gusto ko siya!" Nauubos nang sagot ko. Narito ako para sa ibang dahilan subalit mukhang nagkamali ako sa pag-aakala na makakausap ko siya ng maayos tungkol doon. "Kung iyan ang gusto mong paniwalaan, Jax, sige na gusto ko siya! Gusto ko si Jace! Gusto ko ang pinsan mo!" Natahimik siya. I glared at him. I stayed quiet too for a bit before I walked out. He shouted my name. Sometimes it's better to be quiet than explaining and see if he'll know what you want to explain without saying it. Sometimes it's better to give him a dose of his own medicine. I understand him. I can compromise with our differences. I respect his feelings. But I have my own battle. It's not always about him. It's not always about us. It's not always about love. Mahal ko siya. Sumaya ako sa kanya. Pero hindi sa kanya iikot ang mundo ko. I can't give him my whole world because if I do that, in return, I will lost mine. Wala na akong lulugaran kung ibibigay ko sa kanya ang buong mundo ko. "Mas magaganda ang reviews sa page na ito. To make sure pwede nating puntahan para makita natin ng personal ang quality," sabi ko. Sa isang malapit na karinderya kami nagkita-kita. Nasira kasi ang lahat ng mga upuan na gamit noon nang bumagyo. Walang gagamitin ang mga gagraduate. Kami na ang umako na bumili at mag-ayos sa buong event para sa pagtatapos ng mga mag-aaral. Sa buong araw na ito hindi ko binisita ang telepono ni Jax na nasa akin kahit ilang beses kong naramdaman ang pagvibrate nito. Bukod sa inaabala ko ang sarili upang hindi mag-isip, ayokong mabasa kung sakali na si Jax iyon. I need rest. We need rest. Kahit sino at anong bagay kailangan magpahinga. Kasi kung magpapatuloy kami habang pareho kaming pagod darating ang araw na sabay kaming titigil. Sabay kaming masisira at ang mga nasisira kahit muling maayos pa ay hindi na maibabalik sa dati. "Nalimas ang lahat maging ang mga pang-cover sa upuan hindi na maayos ang kulay dahil naputikan. Kailangan nating palitan lahat iyon." "Meron sila rito lahat. Mas mabuti na sa isang store na lang natin kunin lahat para isa na lang din ang paghahakutan natin," tinanguan niya ako at inusog sa kanya ang dala ni Cathy na laptop. "Marami ito. Ang problema na lang natin ay ang gagamitin na panghakot-" Natigil si Harry. "I can help. We can use my car. Pwede nating gamitin iyon kahit ilang balikan." Napatingin kaming lahat kay Jace. Mabilis silang nagkasundo ni Harry kaya narito siya at kasama namin dahil pagkatapos tumulong in-extend pa niya ang pagtulong ngayon at hanggang sa matapos daw ang graduation tutulong siya. Walang nagsalita sa mga kasama ko. Ako ang umiling sa kanya. "Malakas iyon sa gas, Jace. Itanong na lang natin kung may truck sila na maaaring magdala para isahang hakot na lang. Mas wise iyon kaysa gumamit ng personal na sasakyan na mas maliit sa truck." Titig na titig siya sa akin habang nagsasalita ako. Taas baba ang mata niya dahil salitan ang kanyang tingin sa mga mata ko na nakatingin sa kanya at sa mga labi ko na gumagalaw habang nagsasalita. Ginasgas niya ng kanyang ngipin ang ibabang labi niya. Nasa labi ko ang mata niya. Nang matapos ako sa pagsasalita, tiningnan niya ako sa mata. "Okay... We can do that..." Ngumiti siya sa akin. "Just tell me if you need help and... don't worry about the gas..." Magpinsan nga pala sila. Wala silang kamag anak na walang sinabi sa buhay. Kahit ilang tangke hindi mabubutas ang bulsa niya. Ngumiti ako sa kanya na nasa tabi ni Harry. Pagharap ko sa harapan kong upuan. Nakataas na kilay ni Irene at matang may gustong sabihin ang sumalo sa akin. Si Cathy sumulyap lang pero mabilis ding nabaling kay Harry ang atensyon nang kausapin siya nito. "May gusto si Jace sayo, ano?" Akala ko kung anong ibubulong ni Irene. Lumapit pa siya sa akin pagkalabas sa karinderya. Sinimangutan ko siya. Sinulyapan ko ang mga kasama na nagsisakayan sa back seat sa sasakyan ni Jace. Dahil hindi ito gagamitin na panghakot. Inalok niya na lang kami na sa kanya na sumakay papunta sa store. Pairap kong nilingon si Irene. "Wala! Huwag mo ngang bigyan ng malisya! Nag-ooffer lang ng tulong yung tao pinag-iisapan mo na ng masama!" "Hindi, e. Napapansin ko iba ang tingin kapag nakatingin sayo-" "Guni guni mo lang iyan! Tigilan mo iyang mga iniisip mo, Irene! Likas sa tao ang mabait kaya huwag mong bigyan ng kahulugan!" "Hindi ko naman pinag-iisipan ng masama! Sinabi ko lang yung napansin ko!" "Mali yung napansin mo! Huwag mo na ulit babanggitin iyon! Kung maririnig ka niya, nakakahiya!" "Kapag na-inlove ka diyan paano si Jax?" Lumabi ako. "Ang sabi mo galit ka kay Jax? Kung ma-in love ako kay Jace hindi ba't mas mabuti iyon?" "Oo! Kaibigan mo kami at magiging masaya kami kung makikita ka namin na masaya! Pero mali na ma-in love ka diyan gayong hindi pa naman kayo hiwalay ni Jax!" Nakalapit kami ni Irene sa sasakyan. Umirap siya sa akin at nagpatiuna. Hawak ni Jace ang pintuan sa front seat. Sa akin siya nakatingin pero napunta iyon kay Irene nang manguna ito at maupo roon. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Nagkatinginan kami ni Jace. Tipid akong ngumiti at pumasok sa backseat. Pumasok siya sa driver seat. Saglit na nagtama ang mata namin sa rearview mirror habang nags-seat belt siya. Ako na ang unang umiwas dahil sa naging usapan namin ni Irene. Hindi lang naman sa akin mabait si Jace kaya anong basehan niya para masabi na may gusto sa akin ito? "Si Jax iyan?" I let go of the white seat cover and looked at Irene. Nginuso niya ang bag ko. Nakaangkla sa aking braso ang isang kamay niya. Nakasabit sa braso ko na iyon ang bag ko. Kada sampong minuto ang pag-vibrate no'n pero kahit silip hindi ko ginawa. Tiningnan niya ang bag ko bago umakyat pabalik iyon sa aking mata. "Nagba-vibrate kanina pa. Si Jax ba?" Tanong ulit ni Irene. "Hayaan mo siya," nagpatuloy ako't kinausap ang may-ari ng shop. Nagkasundo kami sa discount na ibibigay niya. Kumpleto na rin naman sa shop at mga on hand lahat kaya ang napili namin ay maaari na rin kaagad dalhin sa school. Natagalan lang dahil kinontak pa ang truck na kakilala nila at kinontrata para maghakot. Ginabi na kami. Sa truck na sumakay si Harry. Pagkarating ng sasakyan ni Jace sa school maging ang guard tumulong na rin sa paglipat ng mga gamit sa isang malinis na bodega. Doon muna pansamantala ang mga gamit at ilalabas na lang sa araw mismo ng event. Magandang timing na rin siguro na gabi na. Kasi kahit maraming beses na pabalik balik hindi naman kami pinagpawisan. Mahangin sa building ng bodega na pinagdalhan namin. Maliwanag din lalo at hindi pa ganoong kataas ang buwan kaya't nasisinagan nito ang buong loob ng building pati sa mga hallway na patay na ang ilaw. "Si Harry?" Tanong ko kay Cathy nang siya na lang ang madatnan namin ni Jace roon. "Si Irene? Umuwi na?" "Sinundo si Irene. Si Harry naman may naiwan at binalikan. Pero sinabi niya na umuwi na raw tayo kasi sa bahay niya na raw iyon ididiretso at bukas na pagpasok dadalhin." Natingala ko si Jace na nasa aking tabi. Nilingon niya ako. Nabasa ko kaagad ang tingin niya. Na aalukin niya kaming ihatid ni Cathy. Kaya hindi pa niya nasasabi, sumabat na ako. "Malayo si Cathy. Magkaiba ang way namin. Siya na lang ang ihatid mo magta-tricycle na lang ako-" "Samahan na kita sa inyo?" Si Cathy. Napunta sa kanya ang mata ko at nawala kay Jace. Inilingan ko siya. Baka mapagalitan pa sila kung palagi akong magpapasama. Mahirap din at baka masanay ako at hindi na masanay na mag-isa. "Hindi na. Pagod na rin naman ako dahil sa pagbubuhat. Pagkauwi makakatulog kaagad ako niyan..." "Hatid ko na kayong pareho. Unahin na lang natin siya. Ihahatid na kita saka ako d-diretso sa bahay-" "Sobrang gagabihin ka, Jace," inilingan ko siya. Ginaya niya ako. "Mas mapapanatag ako kung... ako ang maghahatid sayo..." Nagkatinginan kami. Tumikhim si Cathy. Sabay kaming nag-iwas ng tingin ni Jace. "Sa... inyong dalawa..." dagdag niya. Nag-iba ang t***k ng puso ko. Bumilis at humahampas. Napalunok ako. Umiling ako sa aking isipan. Hindi mabilis ang t***k ng puso ko dahil may gusto ako sa kanya. Bumilis ito dahil naalala ko ang ginawa kong pagsaway kay Irene nang sabihin nitong may gusto sa akin si Jace. Ngayon, sarili ko ang sinasaway ko dahil parang nahihikayat ako ni Irene na maniwala sa kanya kahit napaka imposible niyon. Hindi maaaring magkagusto sa akin si Jace. Unang una na alam niyang boyfriend ko si Jax na pinsan niya. Saka mabait siya at maaaring namimis-interpret ko lang o namin ni Irene at mukhang pati ni Cathy na rin. Hindi tuloy ako makatingin sa rearview mirror kung saan naroon ang repleksyon ni Cathy habang nasa sasakyan kami at hanggang sa makababa siya. "Thank you, Jace," si Cathy. Nang bumaba siya'y binuksan ko ang bintana at kumaway sa kanya. Pagkapasok niya sa loob ay muling umandar ang sasakyan. Hindi ko na isinara ang bintana. Sinalubong ng mukha ko ang malamig na pang-gabing hangin ng probinsya. Wala akong balak na umalis dito pero bakit nararamdaman ko na ang pagka-miss sa ganitong pakiramdam kahit nandito lang naman ako. "Are you still alone in your house?" Napabaling ako kay Jace. Salitan pala sa akin at sa daan ang sulyap niya. Napaayos ako ng upo at naisara ang bintana. Nakalimutan ko na nakabukas ang aircon ng sasakyan niya. "Oo," pagkabaling ko sa kanya. "Hindi na yata uuwi si tatay... Si nanay gagawa ako ng paraan para makausap ko..." "Do you need any help?" Puno ng pagiging sinsero ang mga mata niya. Napangiti ako. Bakit ko ba siya pinag-iisipan ng masama? Hindi lang naman ako ang ino-offeran niya ng tulong. Marami kami at isa lang ako roon. Sa halip na magpasalamat pag-iisipan ko pa siya na iba ang pakay sa akin? Hindi naman ako ganoon kaganda para pag-agawan nilang magpinsan. Nasisiguro ko na marami na silang nakilalang magagandang babae sa Manila at ibang bansa. Hindi tama na isipin kong may gusto siya sa akin sa tuwing kaharap ko siya kaya pinilit kong gawing kumportable ang sarili ko sa kanya. "Paano ka naman makakatulong? Ako nga hindi ko alam kung saan kokontakin si nanay. Ikaw pa?" Ngumisi ako sa kanya. Mahina siyang natawa. Pinanliitan niya ako ng mata. Tumingin siya sa daan bago ulit sa akin. Ngiting ngiti siya dahil sa nanunuyang boses ko. Naramdaman kong nag-vibrate ang telepono sa bag. Natutukso akong kunin iyon. Kaya lang, malapit na rin naman ako sa bahay at doon ko na lang titingnan mamaya. "Don't underestimate me, Clementine," ngiti niya. "I'll help you tomorrow, okay? I know someone who can help us. Mas mapapabilis iyon. Bukas na bukas gagawan natin ng paraan para makausap mo ang nanay mo." Naiiling akong natawa. "Okay..." Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay. Nagpasalamat ako sabay baba. Humarap ako sa sasakyan niya para sana magpaalam, nabitin lang nang makita ko siyang bumababa. Tumaas ang kilay ko sa pagtataka. Naibaba ko ang aking kamay nang nakangiti siyang lumapit sa akin. "Pasok ka na," aniya, tinuro niya ang gate. "Ikaw ang pumasok sa sasakyan mo! Bakit ka pa lumabas? Okay na ako rito!" "Pumasok ka muna saka ako aalis," tumawa siya at hinawakan ako sa aking braso, bahagya akong dinala sa gate. Natatawa ko ring hinawi ang kamay niya. Ako naman ang humawak sa braso niya. Mahina ko siyang hinila at binitiwan lang nang nasa tapat na ng sasakyan niya. "Pasok na! Pagkaalis ng sasakyan mo papasok na ako sa bahay! Hindi ako mawawala rito Jace! Dito ako nakatira!" May ngiti sa labi niyang niyuyuko ako. Napatingin siya sa braso niyang hinawakan ko at sa akin. Kinagat niya ang ibabang labi niya at tila nagdadalawang isip kung susundin ako o ipipilit na mauna na akong pumasok sa bahay bago siya aalis. "Sige na, Jace! Thank you ulit! Sige na! Sige na!" Hinawakan ko ulit siya sa braso at tinuro ang pinto ng sasakyan niya para papasukin siya. Sa huli, tumango siya. Pumasok siya sa loob ng sasakyan. Binuksan niya ang bintana. Nagkatinginan kami. Malaki ang ngiti akong kumaway. Tinawanan ko siya. Tinaas ko ang isang kamay ko at sinenyasan siya sa paraang itinataboy. Tumango ulit siya. "Bukas?" Tanong niya. Tumango ako. "Oo! Bukas! Kita na lang tayo! Alis na!" Tinitigan niya ako. Ilang sandali'y minaniobra na niya paatras ang sasakyan niya at paalis. Dahil sa kakulitan niya, naiwan ang ngiti ko sa labi hanggang sa mawala sa tanaw ko ang kanyang sasakyan. "Ang kulit niya pala!" Kausap ko sa sarili ko na sinabayan ng mahinang tawa. Nanatili ang ngiti sa labi ko nang tumalikod ako at lumapit sa gate. Inalis ko ang kawit na lock at itinulak iyon pabukas. Napapailing ako at nangingiti. Humakbang ako papasok. Napabalik lang ako palabas nang may mga brasong pumulupot sa aking bewang. Inangkin ng mainit na katawan na nasa aking likuran ang buong likod ko. Ang mga braso niya'y ginapos ako mula bewang hanggang tiyan. "Kanina pa ako rito..." Paos at mahinang boses. Agaran ang pagbura ng ngiti ko. Napasinghap ako nang dumampi ang balat niya sa aking leeg. Ibinaon niya ang kanyang mukha roon. Hindi ako nakagalaw. Hindi ako nakakibo. Hindi ako nakaimik. Nahirapan akong huminga. "Bakit ngayon ka lang?" Pabulong at sobrang hina niyang tanong. "Bakit kasama mo siya? May pinuntahan kayo?" Humigpit ang yakap niya at mas bumaon ang mukha niya sa aking leeg. Para bang may nakita siya na nakakatakot at ayaw niya akong bitiwan. Humigpit ang hawak ko sa kahoy na pintuan ng gate. Nakaawang ang mga labi ko. Hindi ko iyon maisara pero hindi ako makapagsalita. Ang luha ko'y nakaabang na sa aking mga mata. "Why are you with him? Is he courting you?" Nagsimulang manginig ang boses niya. "Who is he to you? Who am I to you? Am I still your boyfriend?" Nabasag ang boses niya sa kanyang huling tanong. Tumigil siya sa pagsasalita at idiniin ang kanyang mukha sa aking leeg. Itinago niya ang kanyang mga mata sa gilid ng leeg ko na para bang sa paraan na iyon ay mapipigilan niya rin ang nais na lumabas doon. "Unang araw pa lang nalungkot na ako na hindi kita kasama... Sa pangalawang araw hindi na ako makatulog... Sa pangatlong araw para na akong mababaliw sa takot na magkagusto ka sa iba..." Tumigil siya. Kumuha siya ng hangin gamit ang bibig niya at mabilis niya ring ibinuga. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang manginig iyon. Yumuko ako at nakita kung gaano kahigpit ang pagkakatali ng mga braso niya sa akin. Sa sobrang higpit niyon parang gusto nang pumutok ng mga ugat niya roon. "Pagkalabas ko sa bahay ni Jace gusto ko kayong balikan... Gusto kitang makausap dahil pagkalabas ko narealize ko kaagad na mali ang mga nasabi ko... Hindi ako makabalik dahil galit ka at kung kakausapin kita habang galit ka, hihiwalayan mo ako... Hindi ako makalapit dahil natatakot ako sayo... Kasi alam ko na kaya mo... Kaya mo kahit wala ako... Nakakaya mong maging masaya... Kaya mo tumawa... Ako kahit pekeng ngiti hindi ko magawa..." Narinig ko ang panlalaking singhap niya kasabay sa pagkabasa ng leeg ko. Awtomatikong nabitiwan ng ngipin ko ang ibabang labi ko. Napanganga ako nang matanto na umiiyak siya. Na talagang umiiyak siya. My eyes widened. I was shocked. Guys don't cry easily. He will not cry unless its really painful. "Jax..." Napuno ng luha ang nanlalaking mga mata ko. Napabitiw ako sa gate at napahawak sa braso niya nang ang kaninang tahimik na pag-iyak niya'y nagkaroon ng tunog. Para siyang nagpipigil pero sa tuwing pinipigilan niya'y nahihirapan siyang huminga. "I'm not a good boyfriend but I'm trying... I'm trying not be a toxic boyfriend... I'm trying to be a good person... I'm really trying... I tried hard to be enough for you but I failed... I'm sorry because I'm a failure boyfriend... Your boyfriend is a failure, Clementine..." Isang kurap ko lang, nagbagsakan ang mga luha ko. Natanto ko. Na ito ang ibig sabihin ng pag-ibig. Na kaya nasasaktan kami kasi nagmahal kami. Tears are a language of love. Heartbreaks are the saddest phases of love. And sometimes the spelling of love is pain. Love and pain are twins. As long as we continue to love, the pain will not stop. Pain is inevitable when we love. He's hurt because he loves me. I love him that's why I'm hurt. Kahit bali-baliktarin ko pa. Sa huli, dahil sa sobrang pagmamahal, masasaktan pa rin kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD