(LC) Chapter 49
We are in the first half of Lascivious Casanova. This novel is detailed and contain sensitive scenes. You can stop reading now if you don't want a long and detailed story.
-----Miss IYA-----
"Si Peter ang magmamaneho papunta sa Manila para makatabi kita," nilingon niya ang likod ng dala niyang eight seater at itinuro ang upuan doon. "Sa dulo tayo. Tatlo tayo ni Coach."
He's wearing his usual short and white shirt. Tumango ako. Lumapit siya. Lumapit din ako. Sinalubong ko ng halik ang labi niya. Sa tuwing magkikita at maghihiwalay gusto niyang hinahalikan ko siya. Noong una nakakalimutan ko kaya nagagalit siya o nagtatampo. Ngayon nakasanayan ko na. Sa tingin pa lang niya alam ko na ang gusto at ayaw niya. Isang tingin lang alam na namin ang nasa isip ng isa't isa.
Sa tuwing naiisip ko siya, bigla na lang siyang tatawag na para bang alam niya na naiisip ko siya kaya siya nagpaparamdam. It seems like he can predict what I am thinking. Ganoon din ako sa kanya. Kahit walang salita at kahit magkalayo, nagkakaintindihan kaming dalawa. Hindi pa man bumubuka ang labi niya alam ko na ang nasa isip niya.
"Oh my! This is so exciting!" Irene shrieked.
Tinitigan ko siya. Mas mukha pa siyang excited sa mga maglalaro. Narito ang lahat ng kasali sa kompetisyon. Apat na laro ang sasalihan ng school kasama na nga ang soccer at basketball kaya apat na service van ang narito. Wala ang ibang kaibigan namin dahil dalawa lang kaming kasali sa cheering. Umiling ako nang masilip si Irene na abala sa pagp-post ng mga litratong kuha niya.
Nasa klase ang mga estudyante. Kaming mga luluwas lang ang nasa field ngayon. Mahamog pa kaya't malamig. Suot ko ang jacket ni Jax na pinaghalong itim at ginto ang kulay. It has his name on the back and number seven just below his name. Sa harapan ay mayroon tatak ng school. Sa ilalim ng jacket ay nakasuot ako ng hapit na puting blouse at hapit na maong pants. Tinernuhan ko iyon sa paa ng puting rubber shoes. Nakasuksok ang mga kamay ko sa bulsa nito upang hindi malamigan.
Nang ipasuot niya sa akin ang jacket niya, nagdalawang isip pa ako. Pero simula nang may mga makaalam, hindi na ako gaanong natatakot na mahuli kami. Hindi na ako lumalayo sa kanya. Nabigla pa siya nang hindi ko tanggihan ang jacket at nang tabihan ko siya sa bleacher.
"Bakit ka tumatabi sa akin?" Tinaasan niya ako ng kilay. Nakadekwatro siya at nagkukunwaring nagsusungit.
"Bakit?" Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Bawal bang tabihan ang boyfriend ko?"
"Sabi mo bawal dito?"
"Bawal dati. Ngayon pwede na..."
Sinandal ko ang aking likod sa upuang nasa itaas. Pumihit ang katawan niya para habulin ako ng tingin nang sumandal ako. Pinanliliitan ako nito ng mata. Iginilid niya ang ulo niya at hindi nakuha ang sinabi ko.
"Anong pwede na? Pwede na tayo? Pwede ko nang isigaw na girlfriend kita?"
Hindi ako nagsalita. Napanguso ako. Bakit niya ipagsisigawan? Nababaliw ba siya? Magmumukha siyang katawatawa kung gagawin niya iyon. Natatawa ako sa itsura niyang mukhang lito. Bahala ka diyan!
"Kinakausap ka ni Coach," mahina ko siyang siniko sa braso. Nakatitig kasi siya. Hindi siya nakikinig kay Coach.
Nginitian ko siya nang hindi siya kumilos. Nakatitig siya ng seryoso sa akin subalit maya maya'y nahawa na siya sa ngiti ko. Nagngitian kaming dalawa. Pagharap niya tuloy kay Coach Roiland nadala niya ang ngiting iyon. Napailing si Coach sa inakto namin. Kung alam ng mga narito, siguro itinuro na kami ni Coach at inasar kami sa harapan ng lahat. Kung gagawin man ni Coach iyon, hindi ako magagalit. Handa na akong ipakilala siya. Kaya lang mukhang nasabihan na siya ni Jax na gusto ko i-sikreto ang relasyon namin kaya't kahit may alam ay tikom ang bibig nito.
Kung may makakapansin at may magtatanong sa akin, aaminin ko na na boyfriend ko siya. Balak ko naman ipaalam sa mga magulang ko pagkauwi namin galing sa laro. Kung may makaalam man ngayon o habang nasa Manila kami sigurado na mauuna kong makausap ang mga magulang ko tungkol sa amin ni Jax bago pa nila iyon malaman sa iba.
Nang makumpleto na ang lahat. Nagkanya-kanya na kami ng lapit sa mga sasakyan na sasakyan papunta sa port terminal. May service ang school at naroon lahat maliban sa mga gustong makisakay kay Jax. Nang malaman ni Irene iyon, nangunguna pa siya sa front seat ng sasakyan ni Jax. Patago akong natawa. Wala pa kasing tao roon. Akala niya siguro si Jax ang uupo roon at magmamaneho. Ano kayang reaksyon nito kapag nalaman niyang si Peter ang katabi niya?
"Nakasakay na silang lahat. Halika na..."
Humawak sa likod ko si Jax. Sinama niya ako papunta sa sasakyan. Sa likuran nga kami sumakay. Nasa gitna namin siya ni Coach Roiland. Nasa gilid niya ako. Nasa tabi ako ng bintana. Ang isang braso niya ay maagap na pumulupot sa bewang ko. Hinila niya ako para mapasandal ako sa kanya. Pagkapasok namin sunod sunod nang sumakay ang lahat hanggang sa mapuno ang sasakyan.
Nagreretouch ng mukha si Irene. Pagkasarado ni Peter sa pinto ng driver seat, naagaw niya ang atensyon ni Irene. Binaba nito ang hawak na salamin. Pagkaharap niya kay Peter, nawala ang malaking ngiti niya. Humagikgik ako nang igala nito ang mata sa backseat at hanapin si Jax. Nang makita si Jax sa likuran, padabog itong sumandal sa sandalan ng upuan. Kahit gustuhin niyang lumipat, wala na siyang pwesto rito sa likuran at makakaabala iyon sa mga nakasakay na.
Hindi ako nito gaanong nakita dahil nakahiga ako sa dibdib ni Jax. Ang ulo ng nasa harapan ay nakaharang sa akin. Umandar ang sasakyan. Kumportable akong nakahiga kay Jax. Humahaplos ang isang kamay niyang nasa tiyan ko. Ang isang kamay niya ay kinuha ang isa sa mga kamay ko at inilagay sa kandungan niya para paglaruan. Nilalandas niya ang daliri niya sa mga daliri ko at minamasahe sa palad.
Nakatanaw ako sa bintana. Mabilis nawawala sa mata ko ang mga nalalagpasan na kabahayan, puno, at mga tulay. Samantalang si Jax ay amoy ng amoy sa aking balikat at buhok at halik ng halik sa likod at harap ng aking kamay habang kausap si Coach. Hindi siya nahihiyang ipakita sa guro kung paano niya ako lingkisan.
"Iiwan mo ito rito?" Tanong ko pagkatapos niya akong alalayan na bumaba sa sasakyan.
Nakapark ang sasakyan niya katabi ng mga service van. Kinuha niya ang mga gamit namin. Nag-unahan sa paglabas ang mga ugat niya sa braso dahil sa bigat ng mga iyon. Sinara niya ang sasakyan at hinarap ako. Hinawi niya ang hinahangin kong buhok ngunit dahil maikli ang mga buhok na iyon hindi niya iyon maisabit sa likod ng tenga ko. Sa huli, hinayaan niya nang kumiliti ang maninipis at maliliit kong buhok na aabot lang sa aking noo.
"Pagkabalik natin dito sasakyan ulit natin ito pauwi. Pagkababa sa ferry may sasakyan akong naghihintay sa port terminal doon. May mga service van din doon para sa mga kasama natin."
"Ah..." Nagkatitigan kami.
Hanggang dito lang pala ang mga sasakyan at pagkababa sa ferry mayroon din naghihintay sa amin doon. Kung sabagay, mas hassle kung magdadala pa ng sasakyan hanggang sa Manila. Tumira si Jax sa Manila kaya talagang may sasakyan siya roon at maaaring may bahay din sila.
Kinibit ko ang balikat ko. Nakakaintindi akong tumango at nauna nang maglakad pasunod sa mga kasama namin na nauna na. Nakabuntot siya sa aking likod. Tumigil ako at tinanaw ang dagat. Sa tagal ko ritong nakatira ngayon lang ako nagawi rito sa port terminal. Malayo na kasi ito sa bahay at wala naman akong dahilan para sumakay ng ferry. Nang magtawag ang mga guro, sabay sabay kaming lahat na pumasok sa loob.
"Huwag kang lumapit diyan," sinaway niya ako kaagad pahawak pa lang ako sa railing.
"Sisilipin ko lang-"
"Hindi... Huwag makulit... Mababa ang harang diyan baka mahulog ka..." Hinawakan niya ako sa braso. "Pumasok ka sa loob. Buksan mo ang bag ko. May dala akong pagkain doon."
Binigyan ko ng huling sulyap ang dagat. Gusto ko sanang panuorin ang mga nadaraanan. Nang magawi ang mata ko kay Coach, nangingiti ito sa amin lalo na kay Jax. Wala akong nagawa kundi bumalik sa loob. Nasa deck ang mga lalaki dahil naninigarilyo. Si Jax, lumabas lang para magpahangin. Nag uusap din sila ni Coach. Mula kanina hanggang ngayon hindi na sila naubusan ng pinag uusapan.
Sa upuan ni Jax ako dumiretso hindi sa upuan ko na nasa tabi ni Irene. Wala akong dala kundi maliit na backpack lang at magaan pa. Nasa bag kasi ni Jax ang mga gamit ko. Kumain ako katulad ng sinabi ni Jax. Sina Irene at lahat ng mga babaeng kasama namin ay mga tulog. Maaga ang call time at higit dalawang oras ang biyahe ng ferry kaya mga namamahinga.
Pagkakain, nakatulog ako. Nagising ako sa boses ni Irene. Inaaway nito si Peter na nakaupo at natulog sa tabi niya. Pinagbibintangan niya itong inagawan ako ng upuan. Inalis ko ang nakakumot sa akin na jacket at nagkusot ng mga mata. Nilingon ko si Jax na nasa tabi ko. Inaayos nito ang bag niya. Ang mga balot ng kinain ko ay isiniksik niya sa isang tabi.
"Upuan ito ni Peter?" Paos pa ang boses na tanong ko.
"Oo..."
Hindi pa sumasagot si Jax, natatawa na siya. Napagbintangan kasi ni Irene si Peter kahit ang totoo'y ako ang umupo sa upuan ni Peter kaya wala itong pagpipilian kundi umupo sa pwesto ko na nasa tabi ni Irene.
"Kanina pa iyang mga iyan. Hayaan mo na sila. Mauna na tayo..."
Sinuot niya ang bag niya at binitbit ang isa pang bag. Kinuha niya ang kamay ko. Tuloy tuloy niya akong hinila palabas sa ferry at papasok sa sasakyan na naghihintay sa amin. Dala iyon ng kaibigan niyang naka-video call namin noon. Hinagis lang nito ang susi kay Jax. Kumindat ito sa akin at pagkatapos ay nagmamadaling sumakay sa sariling sasakyan dahil may lakad daw.
"Mauna na kami sa hotel, Coach!" Paalam niya kay Coach Roiland. Nasa loob pa ang mga kasama namin.
"Tayong dalawa lang?" Tanong ko pagkapasok niya sa loob. Mas maliit ito kaysa sa sinakyan namin kanina.
Tumango siya. Pinaandar niya ang sasakyan. Sinusuot ko ang seatbelt habang pinapanuod ang mga kasama namin na unti unting lumalabas sa ferry. Mauuna kaming makarating sa hotel nito. Maghihintayan pa kasi sila niyan at ichecheck kung kumpleto ang mga estudyante bago umalis.
"Hindi ba tayo hahanapin?"
"Alam naman ni Coach. Sasabihin niya na pinauna niya tayo dahil may inutos siya. I paid for the room I booked for us, so there's no problem if we go first."
Libre ang hotel na pags-stay-an dahil isa sa mga sponsor ang hotel sa gaganaping event. Pero si Jax nagpa-book siya gamit ang sarili niyang pera. Naisip ko si Irene. Kung magtatanong siya at aaminin ko na boyfriend ko si Jax bago ang game baka maka-apekto iyon sa performance niya. I don't know if she seriously likes Jax. Whether she really likes him or not, I can't risk that.
Sa kwarto namin ni Jax ako matutulog. Napagdesisyunan ko rin na huwag munang aminin kay Irene hanggang sa matapos ang game. Magdadahilan na lang muna ako kung bakit hindi nila ako makakasama sa kwarto. Sa tingin ko hindi naman din iyon magtatanong. Siguradong abala iyon mamaya sa kaka-picture hanggang sa makabalik kami sa Mindoro.
Upon arrival at the hotel, Jax handed his car key to the valet. Hindi pa ako tapos mamangha sa labas ng hotel, hinila na niya ako sa loob. Ayokong mag-mukhang ignorante pero hindi ko mapigilan na tumingala at igala ang mga mata ko. Maraming tao ngunit dahil malawak ang lobby, hindi magkakabungguan ang mga tao.
Tumigil si Jax sa harapan ng front desk. Binaba niya ang isa sa mga bitbit niyang bag. Hotel sfaff approached us to assists us and get our things but Jax said he could handle it. Apat na magagandang babae ang nasa front desk. Kausap ni Jax ang isa roon. Tipid ang ngiti ng babae at nakatitig kay Jax.
Malambing ang boses ng babae. Mahinhin ngunit confident ang galaw. Ngayong may nakaharap akong ganito, kitang kita ko ang pagkakaiba ko sa kanila. Palaging nakataas ang kilay ko kay Jax noon. May araw na sinisigawan ko siya. May araw rin na hindi ko siya pinapansin. Nagtataka talaga ako kung anong nagustuhan sa akin ng gago na ito.
"I don't mind the price. You can transfer my reservation to presidential suite."
Nag uusap sila. Nagkaproblema yata sa room na unang kinuha ni Jax dahil walang available. Malaking kwarto lang ang mayroon. The woman was worried because it was more expensive, but Jax took it. Aayusin pa raw bago kami paakyatin. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Namamawis na ang kamay ko na hindi niya binibitiwan kahit may kausap. Ako na ang bumitiw sa kanya. Napatingin siya sa akin.
"Magbabanyo lang ako, Jax" sabay linga at hinanap ng mga mata kung nasaan ang banyo. Kanina ko pa ito pinipigilan sa sasakyan pa lang.
Hinarap niya ang babae sa front desk at sinabing unahin muna ang ibang guest. Yumuko siya para kunin ang bag at muling humarap sa akin. Pinigilan ko siya sa braso. Hindi pa siya tapos mag-check in at kung sasamahan niya ako, maiistorbo ko siya at mas matatagalan kami. Umiling ako sa kanya. Nagtataka niya akong tiningnan. Kahit pinigilan ko siya sa braso, nagpatuloy siya sa pagdampot ng bag.
"What? I thought you were going to use the bathroom?"
"Ituro mo na lang kaya sa akin, Jax? Malapit lang ba rito ang banyo? Para pagkatapos ko aakyat na tayo."
Hindi niya sinabi sa akin kung nasaan ang banyo. Binalik niya sa pagkakasalikop sa kamay niya ang kamay ko.
"That's alright. I'll go with you. I'll wait outside. We can check in after you pee."
Ayoko na sanang magpasama. Para naman akong bata. Kaya lang ang laki ng hotel at hindi ko alam kung nasaan ang banyo. Kaysa magmarunong, hinayaan ko na siyang samahan ako. Mas mapapadali nga siguro kung kasama ko siya.
Sobrang linis ng banyo pagkapasok ko. Nakakahiyang dumihan. Hindi na rin naman ako nagulat na automatic ang mga gamit sa banyo dahil nasanay na rin ako sa mga kagamitan ni Jax. Pumasok ako sa isa sa mga pinto roon at ginawa sa loob ang dapat kong gawin. Nasa labas si Jax, hinihintay ako. Hindi na ako nagtagal at mabilis din na tumayo. I went out of the cubicle and glanced at my face in the mirror.
"Tarantado ka ba?!"
Nagbaba ako ng tingin sa sink at kunot noo na naghugas ng kamay. Galit ang boses. Nanggaling iyon sa labas. Malakas kaya't umabot sa loob ng banyo. Sinulyapan ko ang pinto bago muling bumalik sa paghuhugas. Hindi ko pinansin iyon dahil hindi naman iyon boses ni Jax. Nagsabon ako ng kamay.
"Ikaw ang nakabunggo sa akin kaya bakit ako mags-sorry?" Malamig ang boses ng sumagot pero hindi pasigaw.
Biglaan ang paghinto ng kamay ko. Napa-angat ako ng mukha at napatingin sa repleksyon ko sa salamin. Nanlalaki ang mga mata ko at nakaawang ang aking bibig. Nagmamadali kong pinatay ang gripo para masiguro ang narinig. Bakit parang kaboses ni Jax ang sumagot?
"Tangina! Ang yabang pala nito!"
Kumalabog ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng sobrang kaba. Sa tono ng boses ng lalaki, naghahamon ito ng away. Hindi ko na nagawang umabot ng tissue bilang pamunas ng kamay. Tumakbo na ako palabas habang ipinupunas ang basa kong kamay sa suot na jacket.
"Paano kita mabubunggo kung nakatayo lang ako rito at ikaw ang naglalakad? I dropped my bag because you intentionally hit my arm. Malawak ang daanan kaya alam ko na sinadya mo-"
"Jax," pigil ko sa kanya pagkalabas ko sa banyo. Hiningal ako kahit hindi naman ganoon kalayo ang nilakad takbo ko.
May tatlong lalaki sa kanyang harapan. Kapwa mga naka-jacket. Base sa tatak ng eskwelahan na nasa suot nilang jacket, kasali sila sa gaganaping event. Lumapit ako kay Jax. Humawak ako sa kanyang braso. Ang isa kong kamay ay nasa tiyan niya para kung sakali na uminit ang ulo niya at sugurin ang mga kaharap, mapipigilan ko siya. Nadagdagan ang kaba ko. Nakakuyom kasi ang kamay niya pagkalabas ko. Hindi siya pwedeng mapaaway dito. Hindi pa nagsisimula ang game baka mabigyan na kami ng card o mas malala ay madisqualify sa laro.
"Hindi ako, Clem. Binunggo nila akong tatlo..."
Tinuro niya ang bag na nakabaligtad sa sahig. Nakarinig ako ng tawanan dahil sa pagpapaliwanag ni Jax sa akin. Ayaw niya sigurong isipin ko na hanggang dito ay dinadala niya ang pagiging basagulero niya.
Napunta sa tatlong lalaki na tumatawa pa rin hanggang ngayon ang mga mata ko. Malalaki ang katawan ng mga ito. Mukhang hindi mga purong Pilipino. Base sa itsura nila, nakalkula ko na kasama ang tatlong ito sa grupo ng soccer sa school nila. Kasama ang mga ito sa makakalaban nila Jax.
"Duwag pala ito! Ano ngayon kung sinadya ko?!" Nang-iinsultong tumawa ang tatlo.
Mariin kong naisara ang bibig ko para hindi ako makapagsalita ng masama. Lumagpas ang mata ko sa kanila at napunta sa itaas. Mayroon cctv. Dinampot ko ang bag. Kinuha ni Jax sa kamay ko iyon nang makitang nabigatan ako. Hinarap ko siya at itinulak siya sa dibdib, iniiwas siyang mapaaway.
"Bakla yata iyang kasama mo, Miss! Binunggo ko lang, iiyak na!"
Pinigilan ko ang sarili ko na pagsasampalin sila kahit kating kati na ang palad ko. Kung may sariling buhay lang ang mga kamay ko baka nasa pisngi na nila ito. Kung mauuna ako siguradong hindi ko na mapipigilan si Jax. Ayaw niyang nasasaktan ako. Masanggi lang ako ng isa sa tatlong ito, magkakagulo na.
"Don't mind them. Don't listen to them. Mag-check in na tayo," hinimas ko siya sa braso at mas itinulak. Umatras siya at nagpatulak sa akin. Paikot na siya para sundin ako.
"Mas lalaki pa ako diyan sa kasama mo, Miss! Hindi ako duwag! Kaya kitang ipaglaban! Masasayang lang ang ganda mo diyan! Kung ako sayo akin ka na lang-"
"Jax!"
Naitili ko ang pangalan niya nang kumawala siya. Kung hindi ko siya nahatak sa braso nasuntok na niya ang isa. Bumakas ang galak sa mukha ng tatlo nang makita ang galit ni Jax. Mukha silang mas ginanahan dahil sa reaksyon na pinakita ni Jax nang idamay ako.
"What?! That's it?! Come closer! Punch me!" Nakangising itinuro pa nito ang pisngi niya. Tinuro ako nito at pinapalapit. "Bring her here! Let me take a look if she's good enough to be my baby's mother!"
"Whoa, fvck her hella hard, bro!"
"She has a nice ass," nakangisi at nakatingin ang isa sa pang upo ko.
Nagmura si Jax. Humigpit ang hawak ko sa kanya. Naghahamon sila at niyayabangan siya. Ginagalit siya sa pamamagitan ko. Saka ko lang natanto na sinasadya ng tatlo iyon. Bakit nila palalapitin? Kung gusto nila ng away hindi ba't sila dapat ang unang susugod? Tatlo sila at iisa lang si Jax. Hindi na kailangan palapitin si Jax kung sakitan talaga ang habol nila. Pinilit ko siyang hilahin palayo roon kahit pasugod na siya. Nang mawala sa pandinig ko ang tawanan nila at saka ko lang siya binitiwan.
"Binabastos ka na!"
Galit niyang binato ang bag. Marahas siyang napahilamos sa kanyang mukha at mariing sinabunutan ang kanyang buhok. Para siyang mababaliw hangga't hindi niya nasasapak kahit isa sa tatlo na bumastos sa akin. Nag-iigtingan ang panga niya. Namumula ang mga mata niya at mabilis ang paghinga. Kung wala ako, nakikipagpambuno na siya roon ngayon.
"I think they know you, Jax! They want to provoke you and distract you from the game! Kung hindi ka nila kilala bakit ka nila bubungguin? Hindi dito ang daan papunta sa banyo ng mga lalaki! Wala silang dahilan para pumunta rito! Ikaw ang sadya nila!"
Binuksan ko ang kamay niyang mariin na nakakuyom. Isinalikop ko iyon sa akin. Pinisil pisil ko iyon para mapakalma siya. Pinilit kong hulihin ang mga mata niya kahit malayo ang tingin niya at gustong balikan ang tatlo. Nang bumaba sa akin iyon, pumungay ang mga mata ko.
"Think of it, Jax. There are two types of people inside the game. Those people who want to see you lose, and those people who want you to win. Gusto nila na una mo silang sugurin. Gusto nila na mapaaway kayo para madisqualify tayo. Kung makikinig ka sa kanila, siguradong talo tayo. Kung isasarado mo ang tenga mo habang naglalaro, mananalo tayo."
"Kaya kong gawin iyon kung hindi ka nila babastusin-"
"Don't listen to anything they say. Pretend you haven't heard anything and just play. Nakita ko kung paano kayo naghirap sa practice, Jax. If you want to win this game, hold yourself until the game is over. Don't let one mistake to lose it all."
Gusto kong maiyak para kay Jax. Ngayon pa lang natatakot na ako para sa kanya. Hindi dahil baka mapaaway siya, kung hindi dahil natatakot akong pagtulungan siya. Paano kung marumi silang maglaro? May mga rules naman na hindi ina-allow gawin sa loob ng laro. Umaasa ako na hindi masasaktan si Jax o kahit sino sa team niya. Gusto kong manalo sila rito dahil ito ang unang beses na maglalaro ulit siya pagkatapos ng maraming taon. Gusto ko silang manalo para sa school, para sa team nila, at para kay Jax.
"Paano kung hindi ko mapigilan?"
"Manunuod ako. Kung magagalit ka, tumingin ka sa akin para mawala ang galit mo. Kasama mo ako sa larong ito, Jax... At kapag magkasama tayo, mananalo tayo."
Marahan siyang pumikit. Pagdilat niya, tinitigan niya ako sa mata. Habang nakikipagtitigan, unti unting lumalambot ang mga mata niya. Habang nakatingin sa akin, nawawala ang galit niya. Bumuntong hininga siya. Ang kamay niyang hawak ko'y natanggal na sa pagkakuyom. Tipid siyang ngumiti sa akin at tumango. Inangat niya ang isa niyang kamay at dinala sa aking pisngi. Malamyos na humaplos doon ang hinlalaki niya. Tahimik na magkahinang ang mga mata namin ng ilang sandali bago bumuka ang labi niya.
"Alam mo ba na nagustuhan kita unang araw pa lang na makita kita? Kaya lang ang tapang ng mga mata mo... umurong ako..."
Pinadaan niya ang daliri niya sa ilalim ng mata ko. Titig na titig siya sa akin. Salitan akong napatingin sa mga mata niya. Anong sinasabi nito? Tanda pa ba nito kung kailan niya ako unang nakita?
"Basang basa ng putik ang uniform mo. Galit na galit ka kaya sa halip na babain kita, binilisan ko pa ang patakbo ko... I didn't mean to do that. I didn't mean to stain your clothes... Nakatitig ako sayo kaya hindi ko nakita ang lubak na nadaanan ko..."
Nalaglag ang panga ko. Tinakasan ako ng boses. Nagulat ako at nawalan ng kakayahang magsalita. Buong akala ko hindi niya naaalala iyon. Ni hindi ko iyon binanggit sa kanya kahit nang maging boyfriend ko na siya.
"Galit ako sa lahat ng tao at sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Ngunit sa isang iglap lang... nang makasalubong kita sa gitna ng daan... tirik ang araw... nakapayong... naglalakad... nawala ang lahat ng iniisip ko at napunta sayo lahat..."
Naisip ko na hindi na mahalaga kung anong naging simula namin. Ang hindi ko alam, para sa kanya, malaking bagay iyon. That day, we have a different circumstances. Payapa akong naglalakad noon, walang iniisip. Samantalang naguguluhan siya noon at maaaring may malaking problema. Magkakaiba ang bawat sitwasyon ng mga tao. Maaaring may masama siyang nagawa ngayon at may magagawang mabuti bukas. Bad behaviours shouldn't define the person. Natapat lang na nandoon silang sitwasyon kaya sila gano'n.
"Bakit ngayon mo pa ito sinasabi sa akin, Jax?"
"Because, yes, you are right... Just a sight of your eyes calms me down... Kahit gaano kagulo ang buhay ko basta nakikita kita magiging maayos ang lahat... Your piercing eyes can tame the beast in me... As long as I have you I will win..."