Lascivious Casanova 50

4177 Words
LASCIVIOUS CASANOVA CHAPTER 50 AND 51 PUBLISHED NOW 9000 mahigit ang word count nito guys. Wala munang hihingi ng update pagkabasa ha. Palipas muna kayo ng araw 'tapos comment na ulit kayo ng update please. Haha Enjoy Reading!πŸ’‹πŸ’‹πŸ’‹ -----Miss IYA----- Pagkabalik sa front desk tapos nang malinisan ang kwarto kaya't mabilis na kaming naasikaso. The woman smiled at us as she watched us approach the front desk. She greeted us in a polite manner and handed the key card to Jax. Ako na ang nagpasalamat sa babae dahil kahit nakausap ko na si Jax, tahimik pa rin siya. I will describe him as a hot tempered, reckless, and impulsive man. Kung may nakapag-painit sa ulo niya, walang salita, bugbugan agad ang solusyon niya. Nabawasan man iyon mula nang maging kami, hindi pa rin maiiwasan iyon lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Nakakakulo naman kasi talaga ng dugo ang nangyari kanina. They are cheating and playing unfairly, they don't play fair. Even though Jax's quiet the whole time and looks fine, I know that inside him he's still angry. "Masiyado itong malaki para sa ating dalawa, Jax," puna ko pagkahakbang papasok sa kwarto ng hotel na nakuha niya. Malawak ang living room. Ilang hakbang ay ang dining area. Mula rito ay masisilip na mayroon doon kagamitan na pang-kusina. Salamin ang isang bahagi ng dingding. Bahagyang nakahawi ang mga kurtina. Sa labas ay matatanaw ang malaking balkonahe. Sa kabila naman ay ang saradong pintuan ng kwarto. Alam ko na malaki nga, nabanggit iyon kanina sa front desk. Gusto ko lang magsimula ng pag uusapan. "Magkano ang bayad sa isang araw dito?" Tanong ko ulit, tinatansya kung magsasalita na siya. Alam kong narinig niya ako ngunit walang naging sagot mula sa kanya. Nanguna siya sa sala. Binaba niya roon ang bag. Nakaharap ang likod niya sa akin. Sobrang tahimik niya. Kahit narinig niya ang komento ko, wala siyang imik. Halos mabingi ako sa katahimikan lalo't kulob sa kwarto ng hotel. Hindi ako gumalaw at pinagmasdan siya ng maigi. Taas baba ang balikat niya tanda ng paulit ulit niyang pagbuntong hininga. Pagkatapos niyang ibaba sa center table ang mga bag, umikot siya at pabagsak na naupo sa malaking couch. Isinandal niya ang kanyang likod at ipinatong ang likod ng kanyang ulo sa sandalan. Nakabagsak ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid. Pumikit siya at nasa itsurang pagod na pagod. Hindi pagod sa biyahe ngunit pagod sa nangyari bago kami umakyat dito. Dahan dahan, lumapit ako. Mabagal kong hinubad ang aking suot na backpack. Itinabi ko iyon sa mga bag na nasa center table. Lumapit ako sa kanya. Sa halip na sa tabi niya ako maupo, sinakyan ko siya at pasaklalay na umupo sa ibabaw niya. Nilapit ko ang katawan ko sa kanya at yumakap sa kanyang batok. Ang aking mukha ay ibinaon ko sa kanyang leeg. Ang magkabilang hita ko ay nasa magkabilang gilid niya. "Okay ka lang?" Mahinang tanong ko. Pumikit ako. Inamoy ko siya sa leeg at nagsumiksik sa kanyang katawan. Malalim siyang huminga. Kahit pumatong ako sa kanya, hindi gumalaw ang mga kamay niya para hawakan ako. Nanatili siyang nakapikit. Pagkaraa'y huminga na naman ng malalim. "I won't be okay until after the game. Masama sa loob ko na binabastos ang girlfriend ko pero hindi ko maipagtanggol..." Lumabi ako. I knew this was the reason he was quiet. Apak na apak ang pride niya lalo na bilang kasintahan ko. In recent days I have never seen him angry but those jerks triggered his anger. Tama lang na inilayo ko siya sa ganoong sitwasyon, hindi lang dahil mayroong laro kung hindi dahil girlfriend niya ako. Ayoko siyang masaktan. Ayoko siyang makasakit. Ayoko siyang makitang nakikipag away lalo na kung ako ang dahilan. "Jax..." Ang isang kamay ko ay minasahe ang kanyang batok. Iniisip na kahit sa ganitong paraan mabawasan ko ang sama ng loob niya. "I know... I know... Naiintindihan ko... Hindi ako gagawa ng gulo sa laro... Nagagalit lang ako dahil bakit kailangan ka pa nilang idamay? Kahit murahin o duraan nila ako hindi ako magagalit pero bakit kailangan pang bastusin ka?" Humiwalay ako sa kanya ngunit ang mga braso ko'y nakayakap pa rin sa kanyang leeg. Nang maramdaman ang paglayo ko, unti unti siyang dumilat. Pinanuod ko ang pagmulat ng mata niya hanggang sa magkatinginan kami. Nagbunyi ako sa loob ko nang umangat ang dalawa niyang kamay at ipatong ang mga iyon sa magkabilang bewang ko. "Okay lang sa akin iyon, Jax-" Umiling siya. Seryoso ang tingin sa akin. "Hindi okay sayo... You are just saying that because you want us to win... Hindi ka ganyan... Ayaw mo na binabastos ka pero tinitiis mo... Pinapalampas mo..." "Kaya nga dapat palampasin mo rin-" "Ano pang silbi ng trophy kung hahayaan ko naman na mabastos sa harapan ko ang girlfriend ko? Pakiramdam ko wala akong kwentang boyfriend. Hindi kita maipagtanggol kahit gusto ko." Bumitaw ako sa leeg niya at ipinatong ko ang mga kamay ko sa kanyang balikat. Having a protective boyfriend is absolutely normal and a good thing. He wants to protect me from any harm and danger because he value me. Natural iyon kay Jax lalo at nangako siya na p-protektahan niya ako. Hindi niya iyon magawa ngayon kaya nanliliit ang tingin niya sa sarili niya. "Hayaan mo! Pagkatapos ng laro pagsasasampalin ko talaga sila!" Pakunwaring galit na sabi ko at mahina siyang sinampal sa mukha. Napabaling siya sa kaliwa. Pagbalik ng mukha niya sa harap, sinampal ko ulit siya, sa kanan naman napabaling ang mukha niya. "Parang ganito!" Sinampal ko ulit siya. "Saka ganito!" Sabay sampal ulit. Nang makaanim na akong sampal, napaangat ang ulo niya mula sa pagkakasandal. Ang kamay niyang nasa bewang ko'y naitaas niya upang hulihin ang mga pulsuhan ko. Sumusugat na ang ngiti sa labi niya. "Bakit ako ang sinasampal mo?" Mahina siyang natawa, nakangiti na rin ang mata niya. "Nagpapractice na ako!" Inaagaw ko ang kamay ko para sampalin siya ulit ngunit hindi niya iyon hinayaan. Umangat ang likod niya sa sandalan. Mas nagkalapit ang mga katawan namin dahil doon. Tinitigan niya ako sa mata. "Practice? Really?" "Para malaman ko kung gaano ba dapat kalakas!" "You mean, you are slapping me now for practice? What do you think of your boyfriend? A punching bag?" "Oo-" "Oo?" Patanong na ulit niya sa sagot ko. Ngiting ngiti siya. "Oo nga-" "Oo?" Pinuputol niya ako. "Oo nga sabi!" Tumaas ang kilay niya. Nasa mata na nawala na ang iniisip niya kanina at napunta na ngayon sa pag uusap namin. "Kailangan ako muna ang masaktan sa sampal mo bago sila? Kaya mo ba ako sinagot para may punching bag ka?" "Oo!" Natatawa na ako. Bumuka ang labi niya. Tumango tango siya. "Ah... Oo? Oo?" Paulit ulit niya nang sinabi iyon, palakas ng palakas. Binitiwan niya ang mga pulso ko. Bumalik iyon sa aking bewang at kiniliti ako sa aking tagiliran. Sinubukan kong bumaba sa hita niya para makawala, hindi ko nagawa dahil niyakap niya sa akin ang isa niyang braso upang ipirmi ako habang ang isang kamay niya'y patuloy sa pagkiliti sa akin. Matunog ang halakhak niya habang napapatili ako at iniiwasan ang kanyang kamay. "Jax!" Hingal na sigaw ko sabay tulak sa kamay niya. Nagmistula akong sanggol na karga niya dahil sa liit ng katawan ko kumpara sa kanya. Nang mapansin na hindi na ako makahinga at naluluha na sa katatawa, tumigil siya. Natatawa siyang tumayo. Naglakad siya. Dahil nasa kandungan niya ako, nadala niya ako. He carried me into the bedroom. He puts me down on the bed then he went back to the living room to get our things. Bumaba ako sa kama at sumilip sa banyo. Malaki ang kwarto at ganoon din ang banyo. Pagkapasok niya bitbit na niya ang mga gamit. Sinulyapan niya ako na nakatayo at minamasdan ang kalakhan ng kwarto bago niya tinungo ang walk in closet. Lumapit ako roon at sinilip siya sa pinto. "Anong gusto mong kainin?" Inilabas niya isa isa ang mga gamit namin at pinagsama sa malaking cabinet na naroon. Sumandal ako sa hamba ng pinto. Tinukod ko ang dulo ng isang paa ko sa sahig at naghalukipkip. Despite the clothes he was wearing, the toned muscles on his sexy back are still visible to my eyes. His body was hard, rigid, and always tense. Sa bawat galaw ng braso niya'y bumabakat sa suot niyang tshirt kung gaano kaganda ang kanyang katawan sa tuwing walang saplot. "Magluluto ka?" Tanong niya. Sinulyapan niya ako at bumalik sa pag aayos ng damit. Mula sa kanyang katawan ay lumipat ang mata ko sa kanyang ginagawa. With the sights of our clothes blending in, my heart hurts with so much happiness. Para na kaming mag asawa. "May nakita akong fridge sa kitchen. May laman ba iyon?" "If you don't want to go out and have our lunch here, just call and ask for the ingredients. They will bring you what you need and you can ask their chef for help." "Kaya ko na iyon mag-isa," sabi ko at ginawa ang sinabi niya. Tapos na siyang mag ayos ng mga gamit namin nang dumating ang mga ingredients. Hindi na niya pinapasok ang lalaking nagdala at siya na ang nagtulak ng service trolley papasok sa kitchen. Tinulungan niya ako. May ilan kasi sa mga gamit na hindi ko alam gamitin. Habang nagluluto ako, nasa likod ko siya at nakaabang sa iuutos ko. "Sa sala ka na maghintay. Tatawagin kita kapag tapos na ako..." Hindi nakakatulong ang paninitig niya sa bawat kilos ko. Baka kung ano pang mailagay ko sa pagkain namin. Wala akong sinabing dahilan kung bakit ko siya pinapaalis ngunit alam na niya. Mahina siyang tumawa sa aking likuran. Humalik siya sa aking ulo bago tumalima sa aking pagtataboy. Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagbukas niya ng television sa sala at mayroon kausap sa telepono. "You traitor!" Kasunod ng sigaw na iyon ay ang pagmumura ni Jax. Habang isa isa kong inilalapag sa hapag ang aking mga niluto, napapasilip ako sa sala. Hinihilot ni Jax ang sintido niya na para bang sumakit ang ulo niya sa kausap. Ni-loudspeaker niya iyon at ibinato sa katabi niyang couch ang telepono. Dalawang kamay na ang gamit niya panghilot sa sintido. "Hindi mo raw sinasagot ang tawag nila-" "I am not answering their calls because I don't want to talk to them! They won't call to check if I'm okay, they will just call to scold me!" Pamilyar sa akin ang boses ng kausap niya. Bumalik ako sa loob ng kusina. Dahil naka-loudspeaker, abot dito ang boses nila. "Hindi ko alam na hindi pa rin kayo maayos. Why don't you talk to them-" "I will talk to them only if you talk to your father," putol ni Jax sa kaibigan Natahimik sa kabilang linya ang kausap niya. He may have a personal issue with his father. Ilang segundo itong tahimik ngunit maya maya ay minura nito si Jax. "Damn you!" Si Enzo. "Damn you too!" Si Jax. Sabay silang natawa at nagpatuloy sa pag uusap. They both probably have an issue with their families. Maswerte ako na wala akong problema sa mga magulang ko. "Hindi ko alam na hindi alam nila Tita na maglalaro ka-" "Sayo sila tumawag dahil hindi ko sinasagot pagkatapos sinabi mo pa na narito ako sa Manila dahil maglalaro ako ng soccer? Bukod diyan ano pang sinabi mo?" "She asked me who was with you and I replied that you were with your girlfriend at the hotel-" "Sinabi mo ba kung nasaan akong hotel?" Tumawa muna ang kaibigan niya at hindi agarang sumagot. Base sa tunog ng tawa nito, mukha siyang guilty. "Well... Mama taught me not to lie... So, yes, I told Tita..." Malutong na muling nagmura si Jax. Tinawanan lang siya ng kaibigan niya. Humingi ito ng pasensya pero hindi ako sigurado kung sincere ba dahil tumatawa siya. Napahilamos si Jax sa kanyang mukha. My hand also halted as I put the last dish I cooked on the table. Sino ba ang pinag uusapan nila? Nabanggit kanina ni Enzo ang magulang ni Jax. Kung ganoon, tama ako na magulang niya ang tumatawag noon? Mama niya? "I don't care even if you tell them I have a girlfriend. I will soon introduce her to them anyway. Ayos lang din na sinabi mo sa kanila na maglalaro ako pero sana hindi mo na sinabi kung nasaan akong hotel! You betrayed me!" Para silang magsyota na nag aaway at malapit nang maghiwalay. Ang kalahati ng utak ko ay kuryuso sa pinag uusapan nila. Ang kalahati ay ayaw nang makialam. Kung may malalaman ako, gusto ko si Jax ang magsasabi sa akin niyon at hindi dahil napilitan siyang sumagot dahil nagtanong ako. He didn't open up about his parents, but if one day he want us to talk about them, I would gladly offer my two ears to listen. Pagkalabas ko sa kusina, naabutan kong nakaharap si Jax sa tv pero hindi gumagalaw at mukhang may malalim na iniisip. Tapos na silang mag usap, magsigawan, at magmurahan ng kaibigan niya. Kahit nasa tv ang mga mata'y malayo roon ang isip niya. Hindi niya naramdaman ang paglapit ko. Nang yumakap ako sa leeg niya mula sa likuran ng couch na kinauupuan niya'y doon pa lamang siya gumalaw at naramdaman ang presensya ko. "Kain na tayo?" Malambing kong tanong. Matunog ko siyang hinalikan sa pisngi. "Luto na?" Tumango ako. Bago pa ako makapagsalita, hinila na niya ako mula sa likuran papunta sa malambot na couch. Hiniga niya ako at pinatungan. Nasa dibdib ko ang ulo niya. Ang mga braso niya ay niyakap ako. Nakagilid ang mukha niya paharap sa sandalan ng couch. Naaninag ko na pumikit siya at gusto lang ng yakap. Nabigatan ako ngunit nagustuhan ko ang init at bigat ng katawan niya. Kahit pisain niya pa ako ngayon hindi ako magrereklamo. "I stopped playing because they didn’t want me to play. Isang araw paggising ko, sira na ang lahat ng bola ko. Mother smashed it and heartlessly throw it to the bin. I stared at it heartbroken, broken like how she broke my favorite toy." Bumilis ang t***k ng puso ko. Alam kong narinig niya iyon dahil nakahiga roon ang ulo niya. Nanikip ang dibdib ko at parang naramdaman ko ang naramdaman niya nang araw na iyon. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang aking isang kamay at pilit pinakalma ang aking sarili. Nagwawala ang puso ko dahil hindi ko inasahan na bubuksan na niya ng tuluyan ang sarili niya sa akin. Pakiramdam ko ngayon niya pa lamang ako tuluyang pinapasok sa buhay niya. "I never felt like I was my parents' child. They were always fighting. They always blame each other for why they aren't happy. Pareho silang mayroon mahal na iba. If Mama didn't get pregnant, and if not because of Lolo, they wouldn't get married. If I wasn't born maybe they were with the ones they really love." Marami akong gustong itanong pero kahit isang salita walang lumabas sa aking bibig. Natatakot ako na kung magsasalita ako at magtatanong ay mauudlot ang pagsasalita niya. Minsan, ang taong malungkot at maraming dala dala, gusto lang ng makikinig sa kanila at hindi nang makakausap. "They never watched my game. Every time I won, I never heard of them said even once that they were proud of me. Every time I come home with a trophy in my hand, they yell at me and they want me to stop playing useless sports. They don’t love me so they can’t see my love for soccer. They can't support me because they are busy blaming me for why their lives are miserable. I won, but I still feel like a failure." Ayokong umiyak habang nagk-kwento siya dahil ayokong tumigil siya. Pero hindi ko napigilan ang pangingilid ng luha ko. Pigil ko ang aking hininga at unti unting lalong naninikip ang dibdib. Pinilit kong lunukin ang malaking bagay na bumara sa lalamunan ko. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko. Hindi ko naranasan ang naranasan niya noon pero bakit damang dama ko at sobrang bigat sa pakiramdam? "They didn't love me when I'm nice. So, I tried to be rebellious... I thought that maybe if I am bad they would pay more attention to me and realize that they had neglected me... I was a rebel teenager... I was often in trouble and breaking rules... I took different women home... I went to parties and did many vices... I even took... I even took illegal drugs... I'm sorry..." Walang ingay na tumulo ang luha ko sa gilid ng aking mga mata dahil sa paghingi niya ng kapatawaran sa akin sa mga masamang ginawa niya. Gumalaw ang ulo niya. Hindi ko na kita ang kanyang mukha dahil ibinaon niya iyon at itinago sa aking dibdib. Itinago ko ang panginginig ng labi ko. Hindi pa rin ako nagsalita at sa halip ay niyakap ko siya para iparamdam na tanggap ko ang lahat ng ginawa niya. Wala siyang dapat na ikahingi ng pasensya. He felt unloved and rejected. He was lonely. He was at home but he still feels homesick. He just did that to deal with those feelings. He's not a bad person, he’s just a normal person like everyone else who makes mistakes. "I used to be lost. I don't know the right way until you pointed and show me the right direction. You are my compass, Clementine. When I'm with you, I will never get lost." Masuyo kong sinuklay ang buhok niya at hinaplos ang kanyang likod. Sa pagod, nakatulog siya sa ibabaw ko. Nakatulog rin ako. Lumamig na ang pagkain, ininit ko lang nang magising kami. Walang imikan kaming kumain. Nilalagyan niya ako ng pagkain sa pinggan, pinupunasan ang mukha ko sa tuwing may dumi, ngunit hindi siya nagsasalita. Puno ako ng pag-aalala hanggang sa humiga kami sa kama. Nakapatay ang ilaw. Nakayakap siya sa akin subalit alam ko na hindi pa siya matutulog. Ilang minuto bago pa ako nakatulog at nagising sa malakas na tunog ng telepono. Marahan akong dumilat at natanto na wala akong katabi. Napaikot ako sa side table kung saan nakapatong ang maingay na telepono ng hotel. Inabot ko iyon subalit ang akmang pagsagot ko sa tawag ay nauwi sa pagtikom ng bibig nang marinig ko ang boses ni Jax. "Mama..." he uttered in a low voice. For a moment, I heard the longing in his hoarse voice. Napaupo ako ng maayos sa kama at napabaling sa pinto. Nasa sala si Jax at maaaring nagkasabay kami sa pagdampot ng telepono. Magkakakonekta ang mga telepono rito at mukhang hindi niya alam na nagising ako at nakikinig ngayon. "Are you playing that damn soccer again?!" The woman shouts at him on the other line. Halos mailayo ko ang aking tenga sa telepono dahil sa tinis at lakas ng boses. Sa palagay ko, kanina pa nito kinikimkim ang galit kaya't ngayon na nakausap niya si Jax, galit na galit ang boses niya. Gusto kong sagutin ang tawag ng mama niya noon. Mabuti na lang at mas nanaig sa akin ang kahihiyan. "Your father don't want to see you on television! We don't want to see you headlines! Palagi na lang gulo at problema ang dala mo!" Kanina lang nagk-kwento pa sa akin si Jax. Hindi ko sinasadya na marinig ko ang usapan nila ngayon. Nagdadalawang isip ako kung ibababa ko ba. Kung ibababa ko naman, mapaparanoid lang ako sa kaiisip kung tungkol saan ang pinag uusapan nila. Hindi ko naman sinadya at narinig ko na ang galit na boses ng mama niya kaya nahirapan na rin akong pigilan ang sarili sa pakikinig sa kanila. Hindi ako nakagalaw. Nakatitig ako sa lagayan ng telepono. Gagawa ito ng tunog kung sakali na ibaba ko. "Why? Because the news reminds you that you have a child? I am the big hindrance to your happiness so you both want me to be unhappy too?" Mas lalo akong naging kumbinsido na makinig dahil sa mapait na sagot ni Jax. Napalunok ako at ingat na ingat na hindi makagawa ng kahit kaonting kaluskos. I'm curious about Jax's problem. I want to listen so I will know how to properly comfort him. "Don't start with me! I didn't call for that! Withdraw yourself in that stupid game! I'll be there in a few weeks so you better follow me!" Natahimik silang pareho sa kabilang linya. Pagalit na huminga ang mama niya at nasa paghinga na balak nang patayin ang tawag na hindi nagpapaalam. Kung hindi nagsalita si Jax bago maibaba, tapos na ang pag uusap nila. "Kilala mo pa ba ako, Ma?" Mababa ang boses niya. Hindi ako kahit minsan nangulila sa magulang subalit iyon ang naramdaman ko sa tuwing binabanggit niya ang mama niya. Ayaw niyang makausap ang kanyang mga magulang pero sa kabila niyon gusto niyang maramdaman ang pag aalala ng mga ito para sa kanya. Hindi niya sinasagot ang tawag siguro dahil alam niyang madidismaya lamang siya dahil tatawag lang ang mga ito kapag may kailangan at hindi para kumustahin siya. "What?!" "I haven't heard you call my name in years, Ma. Do you still know me?" Parang pinipiga ang puso ko habang nagtatagal ang pag uusap nila. Habang tumatagal kasi pahina ng pahina ang boses ni Jax. Nagiging paos at para bang nawawalan na ng lakas. Para siyang baterya na unti unting nawawalan ng enerhiya. "Are you telling me this in the hope that I will let you play?! Just do what we want like before! It's not hard to do because you've been doing it for years!" "I want to play, Ma-" "Drop the game! Don't wait us to disown you!" "Hindi na po pwede. Bukas na po ang laro-" "We sent you there to be punished and not to waste time in the game! Go home to province and ditch the game!" Narinig ko ang maingay na paglunok niya. Katulad ko'y mukhang nagbabara rin ang lalamunan niya. Kung pupuntahan ko siya ngayon, makikita ko na namumula ang mga mata niya. Malamlam ang mata. Kausap niya lang ang mama niya sa telepono ngunit ang boses nito ay tila patalim na sinasaktan siya. Huminga ng malalim si Jax. Pagkabuga niya ay nagsalita siya. "Someone is expecting me to win, Ma. So, I’ll play tomorrow even if it makes you angry." Nahaluan ng lungkot ang boses niya. Malungkot dahil hindi niya masusunod ang kanyang ina. For decades he gave up soccer. Nagalit pa ako sa kanya nang unang tanggihan niya si coach. Ang dami kong inisip na masasakit sa kanya. Hindi ko alam na may mas malalim siyang dahilan. He gave up soccer. He gave up his happiness to make his parents happy. "Abortion isn't illegal here! Kung alam ko lang na magiging ganyan katigas ang ulo mo sana pinalaglag na lang kita!" Nanlaki ang mga mata ko. Umawang ang aking labi at hindi napigilan ang mapatakip ng kamay sa aking bibig. Napigilan ko man ang aking singhap, hindi ko naman napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Tumagos sa akin ang sakit ng sinabi niya kay Jax. Hindi para sa akin iyon ngunit ako ang nakaramdam. Anong klaseng ina siya? Kung hindi siya masaya sa tatay ni Jax, sana nakipaghiwalay siya at binalikan ang first love niya. Kung magiging masaya ba siya sa piling ng lalaking iniibig niya, magbabago ba ang pakikitungo niya kay Jax? Kung masaya siya, magiging maganda ba ang turing niya kay Jax? I don't know but I suddenly feel angry at her parent’s first loves. Kung hindi ito mahal ng mga magulang niya, hindi ito mangyayari kay Jax. Why do they have to pull him and include him in their grief? Binuhay lang ba nila si Jax para maging taga-salo ng galit nila sa isa't isa? Para may mapagbuntunan sila ng sisi? Sila dapat ang unang dumidisiplina at sumusuporta kay Jax, ngunit sila pala ang unang tatalikod. Instead of giving him unconditional love, they gave him a toxic parents. They hurt him with their words. They tries to control him. Nanatili sa tenga ko ang telepono kahit naibaba na nila iyong pareho. Nagpunas ako ng luha. Bumaba ako sa kama bago ko ibinalik ang telepono sa lagayan nito. Mabilis kong tinahak ang pinto. Marahan kong binuksan iyon upang silipin si Jax sa sala. Madilim at isang lamp shade lang sa kanyang gilid ang nakabukas. Nakaupo siya sa couch. Malaking nakabuka ang mga hita. Ang mga siko ay nakatukod sa tuhod. Nakayuko. Ang mga kamay ay sapu sapo ang kanyang ulo. Nakapikit siya. Ang mga daliri ay bahagyang nakasabunot sa buhok. Nilapitan ko siya. Napadilat siya nang hawakan ko siya sa braso at alisin ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo. Namumula ang kanyang mga mata at walang laman. Kasabay ng pagtingala niya ay ang pagbaba ko, sinalubong ko ng halik ang kanyang mga labi upang mapunan ang kulang na nabasa ko sa kanyang mga mata. "I'm all yours, Jax. The room is big. You can take me in every corner you want..." Him being broken is so painful to watch. I still don't know how to comfort him. But hopefully through this, I can somehow distract him from the pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD