Hindi pa ako nagbihis. Naupo ako sa kama habang naliligo si Jax. Ngayon ko pa lang naisipan na hanapin ang pangalan ni Jax sa internet. Puro lumang litrato ang narito. Litrato noong naglalaro pa siya. Lahat ng kuha ay naka-soccer uniform siya. Nakasabit sa leeg ang medalya at mayroon hawak na trophy. Sa bawat litrato niya, wala siyang kuha na nakangiti.
Seryoso siya at walang emosyon. Kung pagbabasehan ang ibang bata, ibang iba ang mga litrato niya. Malaki ang ngiti ng iba, bakas na bakas ang sobrang katuwaan. Si Jax, diretso lang ang tingin niya sa camera o 'di kaya naman ay hawak ang trophy subalit nasa mga nanunuod ang mata na para bang mayroon siyang hinahanap o hinihintay. Nalungkot ako nang maisip kung sino ang hinahanap niya. Hinahanap niya ang mga tao na inaasahan niyang magiging proud sa nakamit niya.
"Anong isusuot mo?"
Nagpupunas ng buhok si Jax. Nilagpasan niya ako sa kama. Sa walk in closet siya dumiretso. Nakahubad ako. I wasn't dressed yet so he asked what I was going to wear.
"Kahit ano, Jax! Ikaw na ang pumili ng isusuot ko!"
I heard him hummed inside the walk in closet. Nahihirapan yata pumili ng isusuot ko. Isang oras ang biyahe mula rito sa hotel papunta sa soccer stadium na paglalaruan nila. Malapit iyon na probinsya rito pero dito kami sa hotel ng Manila naka-stay. Kahit kailangan bumiyahe, hindi hamak na mas malapit naman ito kaysa sa Mindoro. Naghanap pa ako ng ibang picture niya. Wala na. Kakaonti lang iyon at kahit mga balita wala na na parang sadyang pinaalis.
"What's that? Are you stalking me?"
Napasinghap ako sa gulat. Napatingala ako at napahawak sa aking dibdib. Ang bilis ng t***k no'n. Nasa tabi ko na pala si Jax at nakikidungaw sa telepono. May dala siyang damit ko. Natawa siya dahil nanlaki ang mga mata ko at nagulantang sa pagkahuli niya. Agad ko pang naibaba ang telepono. Sinubukan kong itago iyon pero huli na rin naman dahil bago ko pa ibaba nakita na niya.
"Hindi ah! Ang kapal mo! Ano ka artista?!" Tanggi ko kahit huling huli na niya.
Tinawanan niya lang iyon. Namula ako. Umupo siya sa kama. Siya na ang nagbihis sa akin. Habang tinutulungan akong magbihis, kinakausap niya ako.
"Last night... You heard Mama?"
Hindi ako nagsalita. Nagkatinginan kami. Tumango ako. Napokus ako sa labi niya nang ngumiti siya.
"You came to me in the living room because you were worried?"
Tumango ulit ako. Bumaba ako sa kama para isuot ng maayos ang pantalon. Ito ang suot ko sa biyahe. Nakapantalon din siya at nakaitim na v-neck. Nakaangat sa harapan ang tshirt kaya't kita ang kulay brown niya na belt. Sa stadium na kami magbibihis ng uniform. Nakatayo ako sa gilid ng kama habang nakaupo siya sa gilid at pinapanuod ako.
Nang maisara ko ang butones ng pants, naramdaman ko ang hila niya sa braso ko. Niyakap niya ako sa bewang at kinulong ako sa pagitan ng mga hita niya. Nakaupo siya kaya mas mataas ako. Umabot lang sa aking dibdib ang mukha niya. Napunta sa mga balikat niya ang kamay ko. Nakayuko ako at nakatingala siya. Puno na ang mga mata niya. Napunan ko ang kakulangan na naroon kagabi. Namamanghang nakatitig siya sa akin.
"How lucky this bastard to have a great girlfriend like you..." He chuckled. Napangiti ako. "Thank you last night. Thank you for making me feel better..."
Hinila niya ako sa pulso pababa upang abutin ang labi ko. My arm wrapped around his nape and kissed him back. I'm happy to know that I made him feel better without saying a thing. We were quiet. Only our hugs, kisses, and intimate touches spoke last night.
Dala niya ulit ang sasakyan niya nang bumiyahe kami. Nasa back seat kami. Si Coach ang nagmamaneho at nasa front seat si Peter. Mas maliit ang sasakyan na ito kaya't wala kaming kasabay kundi silang dalawa lang. Nasa unahan ang mga service van. Nakasunod kami sa kanila.
Nag-uusap ang tatlo samantalang tahimik lang akong nakikinig. May mga pinag-uusapan sila na hindi ko naiintindihan dahil tungkol sa soccer. Pagkarating sa stadium nag-uunahang bumaba ang mga babae para magpapicture sa mga statue na nasa labas.
Tiningala ko ang buong stadium. Babasagin ang mga haligi nito at bintana. Sa labas pa lang nito, masasabi ko na kaagad sa lawak at taas ng buong lugar na malaki ang soccer field nito sa loob. Hindi ko inasahan ang dagsa ng mga tao. May mga bata pa na kasama ng mga magulang. Karamihan ay mga babae't lalaki na estudyante at may mga edad na kalalakihan. Siguro dahil ngayon lamang nagkaroon ng palaro para sa soccer game kaya kuryuso at excited ang lahat.
"Tama na iyan! Pumasok na tayo!" Si Coach iyon.
He waved his hand and pointed us to the entrance. Pinatigil niya na rin ang mga babae sa kaka-picture. Napalingon ako sa aking likuran nang makarinig ng pag-click ng camera. Naroon si Jax at hawak na naman ang telepono niya. Nahuli ko na kabababa niya lang doon.
"Ano na naman iyan? Patingin!"
Nakalabi ko siyang tinanong sabay hila sa kanyang braso para masilip ang cellphone niya. Natatawa niyang inilipat iyon sa kabila niyang kamay palayo sa akin bago niya itinapat iyon sa aking mukha.
Tinitigan ko ang kuha namin. Kita ang kalahati ng mukha niya sa camera. Nakangisi siya at labas ang malalim na dimple sa isang pisngi. Sa kabilang banda ay nakatalikod na pigura ko. Kita sa picture ang malaking stadium.
"I was just capturing my world..."
Sinimangutan ko siya. Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niyang mundo niya o 'yung stadium. Alin man doon, ang baduy niya! Namumula ko siyang tinalikuran. Nagmartsa ako paalis at iniwan ko siya roon. Lakad takbo akong sumunod kila coach. Natatawa niya akong sinundan.
Tumigil ang lahat sa hallway papasok at napatanga sa mga litratong nakasabit ng maayos sa gilid. Tiles ang buong hallway at malinis, purong puti. Habang naglalakad, nadaraanan ng mga mata ko ang mga litrato. Even though I don’t know any soccer players other than our team, I’m sure these people are famous soccer players or legends. Hindi naman ito idi-display dito kung hindi mga sikat sa larangan ng sports na ito.
"Siya nga!"
"Akala ko kamukha niya lang!"
Nagkumpulan ang mga babae sa isang litrato roon. Naroon din si Irene. Lumayo ito roon at may hinanap ang mata. Tumigil iyon sa aking likuran kung nasaan si Jax. Kumunot ang noo ko at nagtatakang nilingon ang boyfriend ko. Tinaasan niya ako ng kilay pagpaling ko. Bago pa siya makapagtanong, narinig na namin ang matinis na boses ni Irene.
"Jax! Ikaw ba ito?! May picture ka rito!"
Nakaagaw sa ibang dumaraan ang sinigaw ni Irene. Natigil pa ang iba at nakisilip sa litrato at pagkatapos ay titingin kay Jax. Nagkatinginan kami ni Jax. Sabay kaming lumapit doon. Tumingkayad pa ako para makasilip. Si Jax sa likuran ko'y prente lang na nakatayo dahil mas matangkad siya.
Nasa mababang parte ang litrato niya. Bata pa siya roon at ang picture na narito ay mukhang nag iisa na lang na kopya dahil hindi ko ito nakita sa internet. Mas maganda at mas malaki ang trophy na hawak niya rito. Katulad sa mga nakita ko sa internet, walang ngiti sa labi niya roon.
Nanatili pa ang mata ko sa picture niya ng ilang sandali. Para akong nanay na proud sa anak dahil bata pa siya sa litrato. Nakaramdam ako ng kasiyahan na makita ang litrato niya rito kahit matagal siyang hindi naglaro. Salitan ang lingon sa kanya at sa litrato ng mga kasama namin.
"Oo siya nga!" Ang mga babae. Ang mga lalaki hindi makikitaan ng pagkabigla. Naglalaro sila ng soccer kaya malamang kilala nila si Jax.
I turned my head and looked up at Jax. Base sa nakita kong reaksyon sa kanya, wala rin siyang kaalam alam na may litrato siya rito. I smiled at him when he looked down at me while Coach Roiland proudly tapped him on the shoulder before we continued walking.
Naghiwalay na ang grupo namin dahil magkabukod ang dressing room ng soccer at cheerleaders. Abala na kami sa paghahanda at pag-aayos at sa field na ulit magkikita kita. Naka-long sleeve kami subalit maikli ang pagkakayari at labas ang pusod. Ang palda ay hindi umabot sa kalahati ng hita.
Matapos ang kaonting stretching, nauna na kaming lumabas. Nasa warm up area pa ang team nila Jax. The indoor stadium is absolutely massive. May mataas na hagdan ang humahati sa bawat bleachers. Mayroon bubong na malinaw kaya naman pumapasok pa rin sa loob ang araw. Sarado ang lahat ng salaming bintana at sa tuwing may sisigaw ay ume-echo iyon sa buong stadium.
Nagugulat pa rin ako habang iniikot ang paningin. Ang dami ng tao. Halos mapuno ang buong stadium na libo libo ang kasya. Bukod sa unang beses itong nagpalaro ng soccer sa Pilipinas ay malaking event din ito kung tutuusin. Ang mananalo rito ay ipanlalaban sa international kung saan taga iba't ibang bansa na ang mga makakakompetensya nila. The winner will be the country representative in the national leagues. Kung papalarin sila Jax, hindi na kami makakasama roon. Wala nang cheerleaders doon hindi katulad dito na may opening bago simulan ang laro.
Sa mga bleachers ako nakatanghod. Nang mag-ingay ang mga taong nandoon, dumako ang pares ng mata ko sa stadium tunnel. The announcer announce the entrance of each team and players. Niluwa ng tunnel ang dalawang team na magkaiba ang kulay ng uniform, isa na nga roon ang team ng school namin. Nagmartsa sila papunta sa gitna at tumigil na magkakatapat. The color of our team uniform is a mixture of black and gold. Kakulay ito ng suot kong jacket ni Jax kahapon at uniform ng cheering ngayon. Sa kabilang team ay puti at itim.
Mabilis akong nahanap ng mga mata ni Jax. Nagkatinginan kaming dalawa. Kahit magkalayo o maraming tao, nahahanap namin ang mata ng isa't isa. Hindi pa man nagsisimula'y naaasar na yata siya sa katapat niya kaya't maagap akong tinalunton ng kanyang mga mata. Tila nananadya kasi dahil labing isa silang miyembro ng team ngunit natapat pa sa kanya ang nambastos sa akin kahapon.
Mariin siyang nakatitig sa akin. Puno ng intensidad ang mga mata. Magaan akong ngumiti sa kanya. Hindi niya iyon ibinalik ngunit nagawa niya nang harapin ang kaharap niya matapos ko siyang pabaunan ng ngiti. Walang emosyon na ipinakita ang kanyang mukha sa kabila ng nang-aasar na ngisi ng lalaki sa kanyang harapan.
Giniya ko ang mga kasama papunta kay Coach Roiland na malapit sa upuan ng mga players, sa loob lang din ng field. The crowd sang the national anthem. Ilang sandali'y lumapit sa amin sina Jax. Tumabi siya sa akin. Tinitigan niya ang suot ko. Gumalaw ang panga niya. Umawang ang labi niya para magsalita pero bago pa may lumabas na salita sa kanyang bibig, nagsimula nang magperform ang kabila.
Kumalabog ang tugtog nila sa buong stadium. Sa halip na panuorin ang nagsasayaw, nasa akin ang buong atensyon niya. Kita ko sa gilid ng aking mga mata kung gaano kadilim ang titig ni Jax sa aking kasuotan. Hindi niya nakita ang top ng uniform. Sa skirt pa lang nagreklamo na kasi siya kaya hindi ko na pinakita ang top na labas ang pusod.
He doesn't want it. Ayaw niyang naglalabas ako ng pusod o ng tiyan. Hindi ko alam kung bakit. Malinis naman ang pusod ko. Flat ang aking tiyan at maganda ang kurba ng bewang. Kaya bakit niya pinapatago? Inosente ako sa mga ganoong bagay pero hindi naman ako manang at unang panahon kung manamit. Bago ko pa siya makilala nagsusuot na ako ng mga ganito kung kailangan.
Nang kami na, umupo si Jax sa harapan. Nakabuka ng malaki ang mga hita niya. Nakatukod ang siko sa tuhod. Bahagyang nakayuko. Sa pagitan ng mga kamay ay may hawak na bola. Nakabantay sa kilos ko ang mga mata. Noong una nanunuod lamang siya. Nang magsimula akong ihagis hagis, tumayo siya at parang gusto akong saluhin. Pagkatayo ko sa tuktok gusto kong matawa sa itsura niyang namumutla. Hindi pa nagsisimula ang laro mukhang mahihimatay na siya. Akala mo naman hindi niya ako pinatalon sa bangin kailan lang.
Pagkababa ko nagkaharap kami. Malayo siya ng kaonti ngunit tanaw na tanaw niya kung paano ako gumalaw. Lumayo ang mga lalaki at ibang babae. Lima kaming babae na natira. Nasa gitna ako. Nag-formation kami. I positioned myself in the middle while the two women were on either side of me.
I reached for the ribbon tied in my hair as the rhythm of the song changed. From fun to dance to flirty one. Nakalugay na ang aking buhok. Nakatitig ako kay Jax nang magsimulang igalaw ng mabagal at mabilis ang katawan. Hindi mapakali ang mga mata niya kung sa mata ko ba titingin o sa aking katawan, partikular sa aking pang upo, bewang, at balakang.
Sa bawat ikot ko sa kanya ako nakatutok. Kaya naman huling huli ko ang mararahas na pagtaas baba ng lalamunan niya. Binasa niya ng dila ang kanyang mga labi na para bang biglang natuyuan. Nasakal niya ang hawak niyang bola at napabalik sa pag-upo. Wala akong mabasa sa madilim niyang mga mata ngunit ang paraan ng pagdiin ng panga niya'y may kakaiba.
Kung hindi nag-ingay ang mga tao sa stadium, hindi ko maaalala na may iba kaming kasama. Muling sumabay ang mga kasama namin at sa huli'y sabay sabay kaming hinagis na lima. Sakto sa aming pagbagsak ang huling beat ng kanta.
Hinihingal kaming lahat ngunit pare-parehong nakangiti. Nagkatinginan kami ni Jax. Hindi naman siya sumayaw ngunit naghahabol din siya ng hininga. Namumula at ang hawak na bola ay nakaharang sa pagitan ng mga hita niya.
Pagkababa, lumapit ako kay Jax na hindi nag-iiba ang titig. Tumabi ako sa kanya upang kunin ang mga gamit kong naroon para makapunta na kami sa bleachers dahil magsisimula na ang laro. Buhat ko ang gamit, natigilan lang sa sinambit ni Jax.
"Nakakaulol ka..."
Nilingon niya ako. Nagtama ang mata namin. Nakaigting pa rin ang panga niya. Ngumuso ako. Seryoso siya at tila galit ang mata. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit niya. Dahil ba nagpahagis ako sa itaas? Hindi ba't nabanggit ko na sa kanya iyon dati?
"Don't dance again like that... I don't want all the men to go crazy with you... Kung gusto mong sumayaw ng ganyan... sa akin lang..."
Hinihingal pa ako at walang masiyadong naintindihan. Tumayo siya dahil tinawag na siya para sa coin toss kaya't hindi na ako nakapagtanong. Sinundan ko ng tingin ang likod niya bago sumunod sa mga kasama ko na nagsi-pwestuhan na sa bleacher na malapit sa hagdan.
"Anong inutos sa inyo ni Coach Roiland?"
Nabitin ang akma kong pag-upo sa tabi ni Irene. Kalaunan nagpatuloy din nang maalala na iyon nga pala ang dahilan ni coach kaya kasama ko si Jax. Hindi pa ako nakakasagot sinundan na niya ang tanong.
"Anong oras ka dumating sa kwarto? Maaga akong nakatulog pero paggising ko hindi rin kita nadatnan-"
"Kay Jax ako natulog, Irene," nakatingin ako sa gilid ng mukha niya. "Ano kasi... boyfriend ko si Jax... mag-iisang buwan na kami..."
Namayani ang katahimikan. Nahinto sa paggalaw ang kamay niya. Nanunukat ang tingin ko sa kanya at pinag aaralan ang kanyang reaksyon. Tapos na ang sayaw namin. Pwede ko nang sabihin sa kanya. Hinihintay ko siyang magalit sa akin. Unti unti at mabagal siyang lumingon. Parang naimahe ko pang dumilim ang awra niya at biglang nagkaroon ng kutsilyo sa kamay. Pero imbis na ganoon, tinawanan niya pa ako. Napahawak siya sa kanyang tiyan at halos mabulunan sa kinakain.
"Isang beses mo lang nakasama boyfriend mo na? Huwag mong sabihin na nagkagusto ka na rin kay Jax at isa na rin sa mga babaeng nangangarap sa kanya ngayon? Ang gwapo noh? Kaya lang kung ako sayo pigilan mo na iyan! Kung may magugustuhan man iyan sa ating dalawa sigurado na akong ako iyon!" Mahabang litanya niya.
Sumubo siya ng pagkain at naiiling na nginuya iyon sa harapan ko. Hindi ko talaga masabi kung seryoso ba ang nararamdaman nito kay Jax. Kung gusto niya si Jax hindi ba't hindi siya dapat nagb-boyfriend ng iba? Kapag may gwapo, crush na niya. Assumera siya madalas at nagpapa-cute pero hindi umaabot sa punto na hindi na inaalis ang mga mata kay Jax. Hindi niya rin bukambibig. Nababanggit niya lang ang pagkakagusto niya sa tuwing napag-uusapan. Kahit nang isuot ko ang jacket ni Jax, hindi niya rin nahalata.
"Saan galing iyan?" Tinuro ko ang hawak niyang pop corn. Nilihis ko na ang usapan. Ayaw niyang maniwala. Basta sinabi ko na sa kanya.
"Baon ko! Kuha ka rito!" Sabay abot sa akin ng bag na ang laman ay puro pagkain at inumin.
Hindi ako kumuha at bagkus ay ibinalik ko iyon sa lapag. Hindi ko kayang kumain. Hindi ako nakaramdam kahit kaonting kaba habang nagsasayaw. Pero ngayong nagsisimula na ang laro saka ko iyon naramdaman. Umiikot ang sikmura ko. Nanlalamig ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan. Humarap ako sa field. Nadagdagan ang aking panlalamig nang makitang nasa kalaban ang bola.
Kick off starts. At first, they simply dribbling and passing the ball. Tinginan at may nagtataas ng kamay. Sa loob ng isang minuto ay nakuha ko kaagad na ang ibig sabihin ng senyas na iyon ay ipasa sa kanya ang bola. That does mean he's open or he's signaling their teams where he intend to place the ball. I just watched it for the first time but I was already amazed.
Ilang pasahan ng kabila bago napunta sa team namin ang bola. Naipasa iyon kay Jax. Namangha ako sa bilis ng mga paa niya. Sa harapan siya nakatingin ngunit hindi nabibitiwan ng paa niya ang bola. Para bang nakakonekta roon ang kaluluwa niya kaya kahit hindi niya tingnan alam niya. Parang pag aari niya ang buong pitch at walang maaaring humarang sa kanya. Kay dali niyang nalagpasan ang lahat.
May humarang sa kanya. Tamad niya itong tiningnan. Akala mo'y tae itong humahadlang sa daraanan niya. Tumigil siya. Malayo pa sa goal post. Tahimik lang akong nanunuod. Hindi ko inasahan na sisipain niya iyon doon at papasok ang bola kahit ganoon kalayo. Napapalakpak si Irene sa tabi ko at nawala na sa loob ang pop corn. Hindi na matigil ang ingay at singhapan sa stadium. Tumalim ang tingin sa kanya ng kaharap. Isa ito sa mga bumastos sa akin kahapon.
Pagkatapos ng goal, nasa kalaban ulit ang bola. Dribbling and passing. Napasa ito sa isa pang nambastos sa akin. Nasa likod siya nito. The pervert is not sure what's behind him yet he idiotly receive the ball. Dahil doon, naagaw iyon ni Jax. Nagulat ito sa ginawa niya. It wasn't entirely his fault, may kasalanan din ang nagpasa sa kanya. Nagdidiwang na ako dahil nasa amin na ulit ang bola. Napalitan lang iyon ng pag-aalala nang biglang bumagsak si Jax sa damuhan. Mabilis ang nangyari. Ni hindi ko sigurado kung sinadya bang bungguin siya o hindi.
Nabasa ko sa galaw ng bibig ni Jax ang isang malutong na mura. Tumayo siya at tinulak sa dibdib ang lalaking nakabungguan niya. Mabilis na pumagitna sina Peter at ilan sa mga kagrupo nila. Lumapit din ang mga referee. Naglabas ang isa ng papel na mayroong kulay. Lalong nagalit si Jax at igting ang panga.
Namumula na siya sa galit nang gumawi ang mata niya sa akin. Nakita niya akong nakatingin. Wala akong alam sa nangyayari sa pitch. Narinig ko lang sa aking likuran na may warning kay Jax. Paano nangyari iyon? Siya ang natumba pero siya pa ang nabigyan ng warning sign? Pag-alis sa akin ng mata niya, napahilamos siya ng mukha at dismayadong tinalikuran ang referee.
Sa mga lumipas na minuto muling bumangon sa akin ang kaba. Nakapuntos ang kabila at ilang beses na bumagsak si Jax ngunit walang pananaway mula sa referee. Sa pangatlong bagsak ni Jax ay nasipa siya sa mukha ng kabilang team. Nasipa o sinipa? Hindi na ako sigurado. Subalit napatayo ako sa pagkataranta nang masaksihan iyon.
"Tangina! Walang kwenta! Duguan na wala pa ring violation?!" Galing na naman iyon sa aking likuran.
Nakumpirma ko na nandaraya at sinadya iyon ng kalaban nila dahil sa mga nagrereklamo na nanunuod na kalapit namin. Sumisigaw ang mga ito sa tuwing may napapansin sila. Narinig ko sa kanila na sinasadya ng mga ito na matumba at magkunwaring nasaktan para magkaroon ng violation ang team nila Jax. Nakarami na sila ng penalty kick at ilang violation na sa kalaban ang puntos.
Isang referee lang yata ang matino sa apat na referee na narito. The two referees didn't even raised a card as a sign of violation even they saw it with their own eyes. Kapag sa kabilang team walang nagrereact na referee at sasabihin na hindi foul iyon at regular collision lang. Pagdating sa amin, kahit hindi sinadya at kahit nagkunwari lang na nasaktan ang kalaban, cards agad! I'm not a sports person. I'm not into soccer before I met Jax. But I find it pathetic and ridiculous! I hate it! Their shameful tactics is so dirty!
"Ayoko nang manuod! Naiinis na ako! Naiiyak na ako! Naaawa na ako kay Jax!" Narinig ko si Irene. Natigil na ito sa pagkain at nawalan ng gana.
Mariin kong kinagat ang labi ko. Pahirapan akong napalunok. Gusto kong maiyak habang pinapanuod si Jax na nagpupunas ng dugo sa gilid ng labi kung saan siya nasipa. Gusto kong isigaw na gantihan niya. Kung sasabihin ko iyon hindi magdadalawang isip si Jax na sundin ako.
Nalasahan ko ang sariling dugo sa aking labi dahilan ng mariin na pagkagat upang mapigilan ang sariling magsalita. Dahil alam ko na kung gagawin ko rin iyon, mawawalan ng kwenta ang lahat. Nasa gitna na sila. Nasaktan na siya. Kung sasabihin ko na makipag away siya mawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa niya--nila mula umpisa hanggang sa makarating kami rito.
Mula sa itaas ay nakikita ko sa ibaba kung paano silang pinanghihinaan sa laro. Ang ibang nanunuod ay hindi na rin natutuwa katulad namin. They are shouting at the referees. Nagpatuloy ang sadyang pagpatid kay Jax hanggang sa matapos ang first period at bigyan sila ng labing limang minutong pahinga.
Nilapitan ni coach si Jax at maagap na nilapatan ng first aid ang dumudugo na rin nitong kilay. Kinukumusta siya ni coach at ng iba pa hanggang sa makapasok sila sa loob. Natahimik ang buong stadium, panandaliang pinapagpahinga. Nakakarinig ako ng mga kwentuhan kung gaano ka-intense ang naging first half. Na tagilid ang grupo nila Jax at na nadadaya kami.
"Okay lang kaya si Jax? Ayos lang siguro siya, ano? Sanay naman siya sa bugbugan," pagpapagaan ni Irene sa loob niya.
Hindi ko masagot si Irene. Para akong pinutulan ng dila. Hindi na ako mapakali at hindi makapag-isip ng maayos. Alam kong may oras lang ang pahinga pero parang ayoko na siyang palabasin at paglaruin ulit. Nakita ko kung paano nila i-provoke si Jax sa labas ng banyo. Ngunit hindi ko inasahan na ganito sila kaagresibo at kadumi maglaro. I thought they would just provoke and distract Jax from the game, ang plano pala nila ay pisikalan.
Pagkalabas nila, wala nang bahid ng dugo ang kilay at labi ni Jax. Seryoso ito at hindi mabasa ang mata habang nagmamasid sa mga kalaban. As before, the game went well in the beginning, pero maya maya pinuntirya na naman si Jax. Sa tuwing malapit na siyang maka-goal, pinipigilan nila. Hindi ko alam kung paano nila napapalabas na hindi iyon sadya.
Hinihilot niya ang isang braso niya na nadaganan niya sa pagbagsak. Paika-ika na rin siyang maglakad dahilan ng hindi magandang pagbagsak niya. Nilapitan siya ni Peter at tinulungan. Nakita kong kumuyom ang kamao ng mga kagrupo niya. Kinausap niya ang mga ito at inilingan. Inikot ikot ni Jax ang kanyang paa at kahit nakaramdam ng sakit siguro'y tiniis niya. Tumayo muli sila sa kani-kanilang pwesto. I no longer think about the game, all I care about now is Jax’s condition. Napakapit ako ng mahigpit sa skirt ko. Natatakot ako. Naiiyak ako. Nagsama-sama na.
Tumalon talon siya at inaalis ang sakit na naramdaman sa paa. Kaya lang pagkakuha niya ng bola, naulit pa iyon. Nadampot ko ang bottled water at tila gusto 'yong ibato sa kanila kahit na alam kong wala akong matatamaan doon sapagkat malayo at mahina akong bumato. Nanginginig na ang buong kalamnan ko at parang gusto kong pumalit sa pwesto ni Jax. Gusto ko lang sipain ang bola papunta sa mukha nila.
"Damn it!" Umalingawngaw sa buong stadium ang mura ni Jax.
Dalawang player ang nanggitgit sa kanya. Nang matumba siya'y inapakan pa ng isa ang binti niya. Ang isa'y sadya siyang dinaganan. Nakapikit siya ng mariin. Pagilid siyang nakahiga at hawak ang kanyang binti. Dinaluhan siya ng mga kateam niya at ni coach. Nasasaktan na pero gusto niyang mag-stay sa game.
"Foul iyon!"
"Tangina niyo ako na lang ang magrereferee!"
Nagbato na ng mga kalat ang mga nanunuod kahit hindi naman iyon umaabot sa field.
"Injured na si Dawson wala pa ring violation?! Anong klaseng laro ito?!"
Nang ilang minuto na lang ang natira sa second half, nagtakip ako ng mga kamay sa aking mukha. Pumikit ako ng mariin at diniinan iyon ng daliri. Gusto ko nang sumigaw. Gusto ko na lang hayaan kung madisqualify kami. Gusto ko na lang ipatigil ang laro para matigil na rin ang pananakit kay Jax. Hindi ko na kayang manuod. Para akong binubugbog. Gusto ko na lang umuwi. Gusto ko na lang iuwi si Jax.
"Yes!"
Napaangat ako nang mukha nang magtititili si Irene. Dinala ko ang nanlalabong mata ko sa field. Niyakap si Jax ng mga kagrupo niya. Nakita ko ang bola sa goal post ng kalaban. Napatakip ako ng kamay sa aking bibig kasunod ng malakas na singhap.
Naka-goal sila!
Pagkatapos makawala ni Jax sa mga kagrupo, tumingin siya sa bleachers. Hinanap ako ng mga mata niya. Nang magkatinginan kami, ngumisi siya sa akin. Mayabang ang mata. Napanguso ako ngunit hindi pa rin napalis ang pag-aalala. I held back my tears when I read in his eyes that he would fight to the end. Bigla akong na-guilty dahil kanina lang ay naisip ko nang gumive-up. Samantalang siya itong nasasaktan pisikal pero nagpapatuloy.
Bumalik sila sa pwesto. Ngayon ay magana nang mga nagsilaro. Naiilagan na nila ang kalaban at mukhang kabisado na nila ang taktika ng mga ito. Si Coach Roiland ay kinausap ang ilan sa mga referees. Muntik pang mag-away ang dalawang referees dahil mukhang may pinapanigan na team ang isa. Nakialam na rin ang ilan sa mga press at nag-ayos ng palaro. Marahil ay nahuli sa camera ang ilang maruming gawain ng kabilang team.
Naging maayos ang laro sa mga sumunod na minuto. Sa team na lang namin ang bola, pasahan sila at nahuhuli ko pang mga nagtatawanan. Parang sila na lang ang naglalaro at mga batang paslit na pinaglalaruan nila ang kalaban. Alam na alam nila ang timing at mga gagawin. Kung kailan at kanino ipapasa. They can smoothly control the ball and get the ball as fast as possible. Tama nga ako na lahat sila'y magagaling.
Bago pumito ng pagtatapos ng oras ang isa sa mga referee ay nakalusot pa ang huling sinipa ni Jax. Nagsigawan ang mga kagrupo nila at mga tao sa buong stadium. Napatayo ako at ang lahat ng narito. Si Irene na nasa tabi ko'y tumatalon pa at hinihila ako sa braso. Tumakbo palapit si Coach Roiland sa kanila. Inakbayan nito si Jax at may pagmamalaking ginulo ang buhok nilang lahat, isa isa. Halos si Jax ang naka-goal sa lahat, but if it wasn't for his teammates he wouldn't be able to do that. Despite the opponent's unfair game, they still ruled the pitch as if they owned it.
Pagkatapos siyang lamutakin ng mga ito'y itinulak niya ang kanyang mga kagrupo. Kumawala siya sa grupo nila at bumalik ang tingin sa bleachers, sa akin. Nanunubig ang mga mata kong kumaway sa kanya. I have no idea about soccer scoring. I have no idea who have won. But when I saw Jax running happily towards me despite of his injuries, then I knew we had won.
"Clementine!"
Malayo pa lang isinigaw na niya ang pangalan ko. Napahakbang ako palabas sa upuan nang talunin niya ang nakaharang sa pagitan ng field at bleachers. Pagka-apak ng mga paa niya sa sahig, wala siyang sinayang na oras at mabilis na tinakbo ang hagdan upang makarating sa akin.
Bumaba ako ng isang baitang para salubungin siya. Pagkababa ko sa pangalawang baitang, narating na niya ako at walang kahirap-hirap na binuhat. Ang matitigas na braso niya'y sinakop ang manipis at makurba kong katawan. Kusang pumulupot ang mga binti ko sa kanyang bewang. Pagkapatong ng mga kamay ko sa kanyang balikat, sinalubong niya ako ng mariin na halik. Hindi ko iniwasan iyon at kahit maraming nakatingin ay buong puso kong ibinalik. Ilang segundo lang ang itinagal. Tumigil siya at pinagdikit ang aming mga noo.
Naglandas ang aking paningin sa kanyang buong anyo. Pawisan siya. Mayroon mga sugat at galos sa mukha. Mamula mula ang kanyang pisngi ngunit walang tatalo sa pagkapula ng kanyang mga labi. Magulo ang basang buhok at mabilis ang paghinga. Nagsusumigaw ang saya sa mga mata niya na alam kong sinasalamin ng akin dahil pareho kaming natutuwa sa pagkapanalo nila.
"I won, Clem! We won!" Walang kasing sayang sigaw niya.
Mahina akong natawa. Nakangiti at mangiyak ngiyak na tumango. Ang kamay kong nasa kanyang balikat ay pinadausdos ko payakap sa kanya. Ibinaon ko ang aking mukha sa pagitan ng kanyang balikat at leeg. Kahit pawisa'y hindi ko na inalintana. Mabango pa rin naman siya at sobrang saya ko para punahin pa.
"I know, Jax! I'm so proud of you!"
My voice trembled. I bit my lower lip and cried hard on the crook of his neck as I couldn't stop the tears I had been holding back throughout the game.