"Kausap ni Mrs. Montemayor si Tito Gary?" Tumabi sa akin si Irene.
Marahan kong inilabas sa bag ang mga gagamitin ko. Tumango ako. Naalala ko iyon habang angkas ako sa bike ni tatay. Hindi ko na lang nabanggit dahil mukhang alam niya rin naman. Iyon nga yata ang dahilan kaya niya ako hinatid. Para makausap ang guro sa mga nangyaring gulo rito na kasangkot ako.
"Narinig ko na dumating din daw ang Mama ni Jax. Hindi pa raw dapat ngayon iyon uuwi pero napaaga ang dating. Ngayong umaga lang. Sa tingin ko napauwi ng maaga ang Mama niya dahil sa balitang nabuntis si Maya-"
Natutop ni Irene ang bibig niya na tila ba sumpa ang pangalan na inanas niya. Nakaligtaan niya yata sandali na ako ang girlfriend ni Jax. Tiningnan ko siya. Narinig ko ang pag-uusap nila Jax noon na pupunta ang Mama niya. Bagamat napaaga, alam ko na pupunta pa rin naman kaya hindi na kagulat-gulat para sa akin ito. Jax also told me that earlier. Kasabay ko si tatay na pumasok kaya hindi ko na siya pinapunta sa bahay para sunduin ako. He wanted to talk to tatay but I told him to do that some other time.
Kung magbibigay ako ng sakit ng ulo kay tatay, ayokong isabay sabay. Pumayag siya. Hindi ko nga lang alam kung pumasok ba siya. Kung papasok siya at makakasalubong si tatay hindi niya raw mapipigilan na kausapin ito. So I assumed that he was not really present today to avoid talking to my father. Hindi ko pa nacheck ang telepono. Ang mga mag-aaral na narito'y mukhang iwas sa akin. Nasisiguro kong may kinalaman si Jax kaya't mukhang takot silang galawin ako ngayon. Hanggang masama at malisyosong tingin lamang sila pero hindi makalapit.
He thinks of me
when he's with her.
My lips are what he remembers,
every time he kisses her.
I feel sorry for her
for she’s not me.
I pity her ‘cause he’s with her,
yet his heart remain on me.
"What do you understand by these words?"
"What do you guys think? How many people are involved in this poem?"
Ito ang bumungad sa akin sa sumunod na klase. Naka-maternity leave ang guro namin sa literature. Unang araw ngayon ng ipinalit na guro pero pinahihirapan na kaagad kami nito sa kanyang mga tanong. Napa-isip ang ilan kasama na rin ako.
"Three?"
Napatingin ako sa isa kong kaklase na babae. Iyon ang nasa isip ko pero hinayaan ko nang sila ang sumagot. Hangga't kaya ko mas gugustuhin kong hindi makaagaw ng atensyon hanggang sa pagtatapos ng school year.
"Sinu sino ang tatlo na iyon?" Tanong ulit ng guro.
Ang sumagot kanina'y siya rin ang nagtaas ng kamay ngayon para sumagot. Tinuro siya ng guro gamit ang panulat nito sa board.
"First is the speaker of the poem. Second is the other girl. At ang pangatlo ay ang lalaki na pareho nilang mahal."
"What is this poem about? Ano ang ibig iparating ng nagsulat ng poem na ito?" Tinuro niya ang mga mag-aaral. "Anyone, aside from Miss Florante?"
Nag-unahan na sila sa pagtaasan ng kamay. Halos lahat ay babae. Ang mga lalaki'y tila mga tamad na tamad sa topic. Tahimik lang ako at nakikinig. Itinuro ng guro ang isa sa mga babae. Tumayo ito.
"I think it is about love triangle? Or a one sided love? Love triangle dahil tatlo ang involve. Mahal nila ang isa't isa ngunit ibang babae ang kasama ng lalaki. Samantalang one sided love dahil ang isa pang babae ay siya lang ang nagmamahal sa lalaki. Siya ang kasama pero hindi siya ang mahal."
Tumango ang guro. Tumalikod ito sa amin at isinulat sa board ang tatlong involve sa maikling poem na nakasulat din sa board. First person is the speaker. Second person is the another girl. And the third person is the man loved by the first and second person. Muli siyang humarap sa amin. Ang mga kamay niya ay itinukod niya sa mesang nasa kanyang harapan.
"The first person, the speaker of this poem pitied the second person, the another girl. Naaawa siya sa babae. Pero kung kayo ang tatanungin. Para sa inyo, sino ang nasa nakakaawang sitwasyon sa tatlong involve at pinaka nasasaktan?"
Tiningnan niya kaming lahat isa isa. Hindi ko alam kung konektado pa ba ito sa subject na itinuturo niya. Konektado man o hindi, mukhang lahat kami rito'y interesado. Nagtaasan sila ng mga kamay. Ako, naghihintay lang kung sino ang tatawagin at magsasalita. Simula nang maging boyfriend ko si Jax naging interesado na rin ako sa mga topic tungkol sa pag-ibig. Love is unpredictable. Mahuhulog ka na lang bigla na parang isang bulalakaw at hindi mo matukoy kung paano, kailan, at kung saan.
"Second person! Unrequited love is more painful, Ma'am!"
"How can you tell it's more painful? Please elavorate your answer, Miss De La Torre?"
"Unrequited love is painful and I pity her because she might think she's not good enough that's why he can't reciprocate her feelings. Na may kulang sa kanya kaya hindi siya kayang mahalin. Nasa tabi niya nga ang lalaking mahal niya pero hindi niya naman maabot. Para siyang umaabot ng isang bagay na mataas at kahit ilang patong pa ng tungtungan ang apakan niya'y hindi niya makukuha. She hopes for love that never gonna happen and beyond her reach."
Panibagong babae ang nagtaas ng kamay. Binigyan siya ng pagkakataon ng guro na magsalita.
"Did she know that the man doesn't love her? If she was and still stay with him then I think she's stupid, Ma'am!"
"Your words, Miss Reyes!"
"I'm just telling the truth Ma'am. Why would you settle with the man who don't love you? That's stupidity! Kung kasama mo ang lalaki na hindi ka mahal. Mas malala pa iyon kaysa sa mag-isa ka. Kung ako, pipiliin ko na lang maging single kaysa makisama sa lalaki na ipaparamdam sa akin na mag-isa ako."
Nagsisang-ayunan ang karamihan. Ngunit ang mga lalaki ay tila hindi mga kumbinsido. Nag-ingay sila at nagbatuhan ng opinyon. Pinatahimik sila ng guro at mayroon itinurong lalaki. Umupo pa ito sa table bago sumagot. Ganoon na rin ang iba pa. Na para bang bigla silang ginanahang lahat dahil may mga gusto silang ipaglaban.
"Sa third person ako! Mas mahirap ang kinatatayuan ng lalaki, Ma'am! Hindi niya mahal ang babae na kasama niya pero bilang lalaking may isang salita'y kailangan niya 'yong tiisin! Para na siyang pinarusahan!"
Marami muli ang babae ang nagtaas ng kamay. Isa sa kanila ang hinayaan ng guro na sumagot. Parang nagkaroon bigla ng debate laban sa mga babae at lalaki.
"May choices naman siya! Bakit kailangan niyang mag-stay kung hindi niya mahal? Pinapaasa niya lang 'yung babae, ganoon?"
"Wala siyang choice! Kaya nga naroon siya sa babae na hindi niya mahal!"
"Everyone has a choice! Kahit sino sa atin ang pipiliin natin ay kung saan tayo sasaya!"
"Paano kung doon siya sasaya pero hindi iyon ang tama? Siguro may dahilan kaya kinailangan niyang piliin ang babaeng hindi niya mahal! Kung walang dahilan bakit hindi niya iiwan? Pwede ring naisip niya na mas magiging maganda ang buhay ng babaeng mahal niya sa iba kaysa sa kanya? Lalaki ako at kung walang pumipigil at walang mabigat na dahilan, ipaglalaban ko ng p*****n ang mahal ko! Hindi ako magpapakatanga na makasama ang ibang babae na hindi ko naman mahal!"
Ngumisi ang kaklase ko nang mag-ingay ang mga lalaki. Nagtawanan ang iba at binato siya ng papel. Tumayo ito at mayabang na tuminding sa buong klase. Habang nag-aasaran sila'y nagsalita ulit si Florante na naunang sumagot sa tanong ni Ma'am kanina. Tumahimik sila para makinig sa opinyon nito.
"Nabuntis niya siguro kaya hindi niya maiwan? Napilitan magpakasal? Nagkaanak? Kahit kasal na o mayroong anak kung babalik ang babaeng totoong mahal ng lalaki iiwan niya ang asawa't anak niya. Hindi mapipigilan ang dalawang taong nagmamahalan. Kahit matagal na magkahiwalay kung totoo ang nararamdaman sila pa rin sa huli." Si Florante.
"Dapat hindi na niya pinakasalan kung iiwan niya rin. Nakakaawa 'yong maiiwan. Nakakaawa siya dahil kahit pinilit niya hindi pa rin siya minahal. Maaaring kahit paano ay naging mahalaga siya pero hindi siya totoong minahal. Iyon ang pinakamasakit. Na mahalaga ka lang pero hindi ka mahal." Si Reyes.
"Aww..." magkakasabay na huni ng buong klase. Natawa ang guro.
"How about you? The girl at the back?"
Nasa isang kaklase ang tingin ko. Tumahimik ang lahat kaya't akala ko ay doon na rin magtatapos ang diskusyon. Nang bumaling ang ilan sa akin, tiningnan ko ang guro. Nakatingin sa akin ito at sa palagay ko'y napansin nito ang pananahimik ko kaya naman gusto niyang ako ang sumagot at makisali ako. Ngumiti siya sa akin. Bagong guro lang kaya hindi ako kilala at ang mga sumasagot lang ang naalala niya ang pangalan.
"How about you? Uh..." Tumingin ito sa papel. Pag-angat niya alam na niya ang pangalan ko. "I want to hear your opinion, Miss Clementine Alvarina..."
Ayoko na sanang magsalita dahil salungat ako sa kanilang lahat. Lahat silang tatlo nakakaawa. Pero may nanaig sa akin na isa. Kung noon, walang pakundangan akong makikisali. Ngayon, parang ang hirap sumingit dahil alam ko na pagkatapos kong sumagot, ako naman ang pag-uusapan nila. Tinanong ako. Hindi ako bastos para hindian ang guro. Binalewala ko ang mga tingin at sulyap ng aking mga kaklase. Sa guro lang ako nakatingin nang magsalita ako. Siya lang din naman kasi ang kausap ko dahil siya ang nagtanong.
"My pity is for the first person, Ma'am."
She leaned on her desk. It looks like she wanted to go near me because I got her interest. Second and third person sila. Ako ang nag-iisa sa first. Sa likuran ako pumwesto kaya nang matuon sa akin ang atensyon nila kinailangan pa nila iikot ang kanilang katawan. Nakalimutan din yata nila na narito ako dahil hindi ako nakikisali sa ingay nila. Ang karamihan sa mga kaklase ko sa subject na ito, hindi ko naman nariringgan ng masama. O siguro patago at hindi lantaran. Ganoon pa man, pinag-uusapan lang naman nila ang kanilang mga naririnig pero hindi naman ako binabastos.
"First person? Can you explain why, Miss Alvarina?" Nakangiti ang guro. Tumikhim ako.
"I feel more pity for the speaker of that poem than for the woman she was pitying. Mas naaawa ako sa speaker ng poem na iyan dahil wala siya sa kinatatayuan ng babae na kasama ang mahal niya. That poem shows how insecure she is. She wanted to take the place of the woman she was talking to. I pity her because she can't be with her beloved but instead he's with another woman. I pity her because she's unhappy. I pity her because she can't move on."
Sumagot ako na hindi tumatayo. Natahimik sila dahil naiiba ang sagot ko sa kanilang lahat. Lahat sila'y naaawa sa babae na kasama nga ang lalaki ngunit hindi naman siya ang mahal. O 'di kaya ay sa lalaki ang panig nila. Samantalang mas naaawa ako sa babae na mahal nga niya ang lalaki at mahal siya nito pero hindi niya naman maaaring makasama. Hindi ko alam ngunit nalasahan ko ang pait habang sinasagot ko iyon. Para sa akin, mas nakakaawa siya. Paano kung mahal na ng lalaki ang babae na tinutukoy niya at nagha-hallucinate na lang siya na siya pa rin? Kasi kung siya ang mahal, sana siya ang kasama.
"Masama raw ang ugali ko dahil ako ang nagsumbong kay Jax?! Bakit? Tingin ba nila deserve nila ang kabaitan ko pagkatapos ng ginawa nila?! Alangan na ipag-shopping ko sila pagkatapos nilang saktan si Clementine?!"
Humalakhak si Cathy. Galit na galit si Irene dahil siya ngayon ang pinagdidiskitahan ng ilan. Kaya ngayon, hinahayaan niya tuloy na panay lapit sa kanya ni Peter dahil ito ang taga-awat sa tuwing may gustong mang-away sa kanya. Ayon sa kanila'y pina-expelled ni Jax ang nakaaway ko noon at ang ilang sumabunot sa akin noong araw na dalhin si Maya sa hospital. Kaya siguro ganoon na lang kailag sa akin ang lahat. Isang araw lang akong lumiban ang dami na niyang nagawa. Sinasabi niya pa lang ito sa akin kaninang madaling araw, nagawa na pala niya. Ipapabawi ko iyon sa kanya. Hindi na kailangan umabot pa sa ganoon.
"May pupuntahan ako. Hindi ako makakasabay sa pag-uwi ngayon," sabi ko kay Irene.
Kunot noo at may pagtataka niya akong tiningnan. "Saan naman?"
"May kailangan lang akong ayusin," hindi direktang sagot ko.
Kinapa ko ang brown envelope na nasa loob ng dala kong bag. Inilagay ko iyon sa plastic envelope para magkaroon ng bagong lagayan. Natanggal ko na kasi ang seal ng Valiente roon at kung may magbubukas ay madaling makikita ang laman. Kaya dinoble ko ang lagayan. Ngayong uwian ko ito balak isauli sa senyora. May messages si Jax. Hindi ko muna siya nireplyan dahil lola muna niya ang kikitain ko.
Nakatakas ako kay Irene. Katulad noon, hindi na ako nag-abalang mag-abang ng tricycle. Nagsimula akong maglakad habang hindi pa inaabutan ng dilim. Makulimlim na kahit may araw pa. Kung hindi ako nagkakamali, maya maya ay bubuhos ang ulan.
"Hindi ko po ito matatanggap."
Itinulak ko palapit sa Senyora ang envelope na inilapag ko sa lamesa niya. Nakaupo siya sa swivel chair. Nasa kabilang dako ako ng lamesa. Nakatayo. Naabutan ko siya sa opisina nang namayapang Don. Palabas siya nang silid subalit muling pumasok nang makita ako. May gulat sa kanyang mata. Nang mapatingin sa hawak ko na envelope na nanggaling sa kanya, nagkaroon siya ng ideya. Inanyayahan niya ako sa loob at ngayon nga'y hindi na ako nagpaliguy ligoy at diniretsa siya sa kung ano ang pakay ko.
"Pero para sayo iyan, hija. Sayo ko na rin ipinangalan at hindi sa tatay mo. Ikaw ang kinausap ko kaya tama lang na sayo nakapangalan-"
"Hindi ko po ito matatanggap," mas matigas at may diin na ulit ko.
Muli kong itinulak ang envelope upang mas mailapit ito sa kanya at mapilitan siya na kunin. Alam ko na tinutupad lang ng matanda ang ipinangako niya subalit nagagalit ako sa kanyang ginawa. Hindi niya man lang isinangguni sa akin bago niya ipangalan sa akin ang titulo ng ganoon kalaking lupa. Dangan na maliit lamang iyon sa kanya pero sa akin dignidad at puri ko ang nakasalalay kung tatanggapin ko ito. Dahil nakapangalan sa akin ito, pakiramdam ko bayad ang lahat ng nangyari sa amin ni Jax mula noong una magpahanggang sa ngayon.
"Sa iyo iyan, hija. Sa inyo ito-"
"Hindi po amin ito. Hindi ko po ito matatanggap," mariin kong naipagdikit ang mga ngipin ko dahil sa pamimilit niya na sa akin ito.
Wala akong pagmamay-ari na lupa. Wala akong balak na magpabayad. Hindi ako tatanggap ng kahit ano mang bayad kapalit ng paglapit ko kay Jax. Tinitigan ko siya. Siya ang nag-utos sa akin na lumapit kay Jax at turuan ito ng magandang asal. Wala akong balak na gawin iyon noon dahil hindi ko mapilit ang sarili na lumapit kay Jax. Nagkalapit kami hindi dahil sa utos ng Senyora kung hindi dahil bigla na lamang iyon nangyari. Hindi ko iyon plinano at hindi ko sinadya. Halos isang araw ko lang pinag isipan ang utos ng Senyora pagkatapos no'n hindi ko na naalala. Noong araw na lang ulit nang ipadala niya sa akin ang titulo na ito saka bumalik sa akin ang naging usapan namin. Umiling ang matanda at itinulak palapit sa akin muli ang envelope na naglalaman ng titulo. Pagkatapos niyang gawin iyo'y tiningala niya ako.
"Hindi mo naiintindihan, hija. Hindi ko iyan maaaring kunin pabalik dahil sa inyo iyan. Sa tatay mo iyan. Lupa iyan ng tatay mo. Lupa ni Gary."
May kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Kulubot na ang balat nito subalit hindi maitatanggi ang class sa ayos at kilos. Nabasa ko sa kanyang mga mata na kahit anong tulak o balik ko sa titulo ay wala siyang kabalak balak kahit kaonti na bawiin ito. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Napatitig ako sa envelope bago bumalik sa senyora.
"Lupa po ni tatay? Ano po ang ibig niyong sabihin?"
Tumango ang matanda. Mas lalo ko iyong ikinapagtaka. Bago ako tumulak rito'y nasa isip ko na hindi ako magtatagal. Ngayon, ayokong umalis hangga't hindi nalilinaw ng matanda ang mga pinagsasasabi niya. Tinitigan ko siya. Sa pag-iling ko'y nagsimula siya sa paliwanag niya.
"Mayroon labing limang hektaryang pag-aari ang tatay mo sa lupain namin. Labing lima... subalit sa tagal na hindi ko naibalik ay dinagdagan ko na... dinoble ko na... kaya tatlumpung hektarya ang nakapangalan sayo..."
Purong iling lang ang nagawa ko. Kahit nagpapaliwanag na siya'y naguguluhan pa rin ako. Mas lalo pa nga akong naguluhan. Paano magkakaroon ng lupa si tatay sa kanila gayong nakikitira lang nga kami at nakikiani sa maliit na lupain nilang hindi ginagamit.
"Anong..." Umiling ako muli.
Ang daming tanong ang pumasok sa akin. Sa dami, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Napansin iyon ng matanda kaya ito nagpatuloy.
"Hindi ka pa isinisilang dito na nagtatrabaho ang iyong inay at itay... Paboritong tauhan ni Romulo ang tatay mo... at paborito ko namang kusinera ang nanay mo... Mga dalaga at binata pa sila noon... Pareho silang matanda ng dalawang taon kay Calina... sa nag-iisang anak namin ni Romulo..."
Si Senyora Carmelita at Don Romulo ay mayroon nag-iisang anak. Ngayon ko lang nalaman na Calina ang pangalan ng Mama ni Jax. Naningkit ang mga mata ko at katulad kanina ay naguguluhan pa rin. Mas lumalala iyon habang nagtatagal na narito ako at nagtatagal ang usapan namin.
"Hindi ko po kayo maintindihan, Senyora. Bakit po ninyo... sinasabi sa akin ito ngayon? Ang gusto ko lang po sana ay ibalik ang titulo. Kung totoo po ang sinasabi niyo na mayroong lupa ang tatay sa lupain niyo... bakit po wala sa kanya at nasa inyo iyon?"
"Dahil nagalit sa kanya si Romulo... Bago sila magkaroon ng hidwaan nabayaran na ng tatay mo ang lupa. Ililipat na lang iyon sa pangalan niya ngunit hindi natuloy. Ginipit siya ni Romulo. Pinagbantaan at hindi ibinigay sa kanya ang lupa... pati ang pinag-ipunan niya na pera na ibinayad niya ay hindi ibinalik ng asawa ko..."
Ang naniningkit kong mga mata ay nahaluan pa ng pangungunot ng noo.
"Po? Talagang may labing limang hektarya na pag-aari si tatay? Hindi niyo ibinigay? Bakit po gagawin iyon ng Don? Anong hidwaan? Nag-away sila? Paano po nangyari iyon?"
Litong lito na ako. Kinikilabutan ako at halos makaramdam ng panginginig sa buong katawan. Ang gusto ko lang naman ay ibalik ang titulo. Mabilisan lang iyon at hindi ko inakala na magtatagal ako at magugutom sa mga isinisiwalat ng Senyora. Mabilis ang tambol ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Na para bang mayroon akong sikreto na malalaman ngayong araw. Para akong nakahanap ng mapa ng kayamanan at ngayon nga ay tinutunton ko iyon at kaonti na lang ay nasa mga kamay ko na.
"Dating sikretong kasintahan ng ama mo si Calina... Bago si Caroline na nanay mo ay si Calina ang nauna... Itinago nila dahil mahirap ang ama mo at hahadlang si Romulo... Isang taon na sila bago namin nalaman ang relasyon nila... Walang nakakaalam kung hindi kaming apat lang... Si Romulo... ako... si Calina... at ang ama mo... Nang malaman ni Romulo iyon ay nagalit siya... Pinaghiwalay niya sina Calina at Gary... Pinadala niya si Calina sa Ireland at ipinakasal sa tagapagmana ng mga Dawson..."
Hindi ko namalayan na nakanganga na ako dahil naninikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko'y dahan dahan na tumitigil ang t***k ng puso ko. Naguguluhan ako kanina kaya ako umiiling. Ngayon ganoon pa rin. Umiiling ako dahil hindi ko matanggap na naliliwanagan na ako. Sa mga nalama'y nanghina ako. Napahakbang ako palapit sa mesa at naitukod doon ang isang kamay. Nanlabo ang mga mata ko ngunit sa gitna nito'y nakikita ko pa rin ang Senyora.
"Isinilang si Saint... Pagkatapos ng apat na taon ay namatay si Romulo... Bumalik si Calina subalit itinaboy siya ni Gary dahil sayo... Noong araw na bumalik ang anak ko ay ang araw din ng pagsilang sayo..."
Saglit kong nabilang ang agwat ng edad namin ni Jax. Matanda siya sa akin ng apat na taon. Kung ganoon, tugma ito sa kwento nang Senyora. Nang isilang ako'y minahal ni tatay si inay. Iyon ang dahilan kaya niya itinaboy ang anak ng Senyora. Ang dahilan ay dahil mahal na niya si inay ng mga panahon na iyon at hindi dahil sa akin.
"Kaya hindi ko ito maaaring tanggapin. Nasa pangalan mo na iyan at hindi ko na ibabalik sa akin. Dinahilan ko si Saint para maibalik sa inyo ito dahil ayaw na itong tanggapin ni Gary kahit ipilit ko. Bukod doon ay gusto ko na maging malapit kayo ng apo ko. Gusto ko na magkatuluyan kayo para maiwasan na maulit ang nakaraan... Kung malalaman ng tatay mo na may relasyon kayo ni Saint... hindi na gugustuhin ng tatay mo na makasama si Calina kahit mahal pa niya... Mahal ko ang anak ko pero ayoko na makasira siya ng pamilya... Dahil hanggang ngayon... maaaring nagmamahalan pa rin silang dalawa..."
Mahina akong natawa. Pinalis ko ang isang luha ko na bumagsak. Sa kwento ng Senyora ito lang ang hindi tutugma. Ito lang ang hindi ko paniniwalaan. Tahimik lang ako. Kahit labag sa loob ko ang sinabi niya'y hindi na ako nagsalita. Umiling lang ako at ipinabulaanan iyon sa aking isipan. Ako ang nakasama nila nanay at tatay. Ako ang nakakaalam. Ako ang makakapagsabi kung mahal pa ni tatay ang anak niya. Ang sagot ko ay hindi na. Hindi nga rin ako sigurado kung totoo ba na nagkaroon ng relasyon si tatay at ang anak niya. Ayon sa kanya ay apat lamang silang nakakaalam kaya nahihirapan akong maniwala kahit sinsero naman ang pagkwento ng matanda. Hindi ko mapaniwalaan o nahihirapan akong maniwala siguro dahil magulang ko sila at masakit sa aking isipin iyon kahit lumipas na.
"Hindi ako nag-isip... Hindi ko kaagad naisip na sa gagawin ko ay kayong dalawa ni Saint ang maaapektuhan... Matanda na ako... Ang gusto ko bago ako mawala ay maging maayos ang kalagayan ng apo ko... Gusto kita para kay Saint ngunit ngayon ko natanto na pinagulo ko ang lahat... Ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa pamilya niyo... sa nagawa ni Romulo... sa nagawa ko... sa gagawin ng anak ko... at sa mga nagawa ng apo ko..."
Wala ako sa sariling lumabas sa silid. Nakatitig ako sa malalaking patak ng ulan. Ang envelope ay dala ko. Hindi ko ito dinala dahil tatanggapin ko. Dinala ko ito dahil kung hindi babawiin ng Senyora ay ibebenta ko ito. Ang mapagbebentahan ay ilalagay ko sa bangko niya. Kung ayaw niyang ibalik ko ang titulo ay gagawa ako ng sarili kong paraan para maibalik ito ng sapilitan. Hindi ito tinanggap ni tatay at hindi ko rin ito tatanggapin. Hindi rin ako kumbinsido na mahal pa ni tatay ang anak niya. Sa palagay ko, kaya hindi tinanggap ni tatay ang lupa dahil wala na siyang nararamdaman sa anak ng Senyora. Na hindi na mahalaga ito dahil unang una, maaaring binili niya ang lupa na ito noon para sa kanila ni Calina. Ngayon na hindi na niya ito mahal, hindi niya na rin ito kailangan.
"Calina!" Dumadagundong na sigaw ng lalaki ang aking narinig.
Naputol ako sa malalim na pag-iisip. Bumagal ang pagbukas ko sa payong kasabay sa paghanap ko sa pinanggalingan ng boses. Pamilyar na lalaki ang nakasalo ng mga mata ko. Nakatayo ito sa gitna ng ulan, malapit sa mga kwadra ng hayop. Nakaigting ang kanyang panga. Namumula at kuyom ang mga kamao. Basang basa siya nang ulan.
"I will divorce him! I will leave my son! I am willing to leave everything just take me back! Hindi nawala kahit saglit ang pagmamahal ko para sayo! Lumayo tayong dalawa!"
At first, I was doubful about the story telling of senyora. But the moment I step outside, I was immediately convinced. Dalawang tao ang nasa labas. Nasa gitna ng ulan ang babae at lalaki. Ang kabubukas ko lang na payong ay naibaba ko nang makilanlan ang isa sa dalawang tao na naroon. Umiiling na tumalikod ang lalaki. Hinawakan siya ng babae sa braso. Hinila siya paharap. The man was not prepared for the woman's quick action. She tiptoed and reached for his lips. Tuluyan kong nabitiwan ang payong na hawak ko. Libo libong kutsilyo ang sumugat sa puso ko habang nagtatagal na magkalapat ang mga labi nila.
In the middle of wrathful rain, outside the mansion, I caught them kissing. Nakatingkayad at nakahawak sa batok niya ang babae. Their lips parted when tatay pushed her. But it's too late. Nakita ko na. Kahit sino ang naunang humalik sa kanila, tama na ang nakita ko bilang patunay na totoo ang kwento ng Senyora. Bakit siya narito? Masiyadong malayo ang bahay para maligaw siya. Hindi siya mapupunta rito kung hindi niya sinadya. Isa lang ang dahilan kung bakit siya narito. Nakipagkita siya. Bakit siya makikipagkita kung hindi na niya mahal? Bakit namumula ang mga mata nila? Are they crying because they love each other but he can't leave nanay? Bakit? Dahil sa akin? Ako ang pumipigil sa kanya hindi dahil mahal niya si nanay?
"Hindi mo mahal at hindi mo minahal si Caroline... Panakip butas mo lang siya dahil ako pa rin ang mahal mo at hindi siya, hindi ba? Alam kong naguluhan ka lang nang unang makiusap ako sayo noon dahil kakapanganak pa lang ni Caroline... Ngayon... malaki na ang anak mo... maiintindihan na niya tayo... iwanan na natin sila... ilayo mo ako... umalis na tayo rito..."
Nagmamakaawa ang iyak ng babae. Mahigpit ang hawak nito sa damit niya. Halos mapaluhod na ito sa kanyang harapan. Dahil sa malakas na ulan, hindi ko na mabasa ang emosyon na nasa mga mata ni tatay. Kasing higpit ng kapit niya kay tatay ang higpit ng kapit ko sa payong. Umabante ako ng ilang hakbang sa ulanan. Gusto ko siyang awayin dahil sa walang katotohanan na sinabi niya. Hindi panakip-butas si nanay! Gusto kong sigawan si tatay upang ipagtanggol niya si nanay. Gusto kong lumapit at paglayuin sila dahil hindi ko ito kinakaya!
"Tatay... Itulak mo siya... Palayuin mo siya..." Pumiyok ang boses ko. Nalunod iyon sa malakas na ulan. Kalauna'y nanginig ang mga labi ko.
Gustong gusto kong lumapit. Kapag nakita niya ako, iiwan niya iyan. Pero hindi ko ginawa. Kasi sa kabila na gusto ko silang paglayuin ay gusto ko ring makita ang gagawin ni tatay. Gusto kong makita kung paano niya kami ipagtanggol. Gusto kong makita na piliin niya kami ni nanay kahit hindi niya kami nakikita. Natanggihan mo na siya nang una tatay at iyon ulit ang gagawin mo ngayon.
Naghintay ako at muling nagtiwala sa aking ama bilang anak. Ngunit sa halip na ipagtabuyan ay ikinagulat ko ang kanyang ginawa. Umangat ang kanyang isang kamay at kinabig ang babae upang ipaloob sa braso niya. Naghiwalay ang mga labi ko sa nasaksihan. Napahikbi ako dahil hindi ko mabilang kung ilang beses ako nagtiwala at ilang beses din akong binigo. Malakas na bumuhos ang ulan kasabay ng pagbulusok ng galit ko sa sarili kong ama. Kasabay na bumulusok din ang awa ko para sa aking ina.
Mali ako. Nagkamali ako. Habang pinapanuod sila, mas naaawa ako kay nanay. Mas nakakaawa pala ang kalagayan ng mga babae na nasa kinalalagyan ni nanay. Nagmahal siya. Nagtiis. Inakala niya na mahal na siya ngunit sa huli'y hindi pa rin. Sana noon pa lang pinaalam na para hindi na umasa dahil mas masakit mabuhay sa kasinungalingan. Mas masakit na paniwalain ka sa hindi totoo. Mabilis akong nabasa at ni hindi na malalaman kung gaano karaming luha ko roon ang humalo. Ramdam ko ang pighati na nararamdaman ni nanay ngayon kahit wala siya rito at nasa malayo. Tumalikod ako na hindi alam kung saan pupunta. Naguguluhan ako at kahit ang pauwi sa bahay ay hindi ko na tanda kung paano.
I expect too much from tatay. That's the problem. We sometimes expect too much from someone which can lead us to too much disappointment. The person you continue to trust will also continue to disappoint you. Nag-expect ako kay tatay na ibabalik niya si nanay. Sobra akong umasa. Sobra akong naniwala. Sobra akong nagtiwala na mabilis niya itong maaayos. Dahil kapag mahal mo, kahit galit siyang umalis, susundan mo, dahil hindi mo siya kayang malayo sayo. Ang sabi niya pagbalik niya'y isasama niya si nanay. Subalit mukhang bumalik siyang mag-isa dahil sa ibang dahilan. Bumalik siya dahil nandito ang babaeng mahal niya. Bumalik siya dahil sa Mama ni Jax.