Lascivious Casanova 62 (1)

2191 Words
"Pauwi ang Mama mo ngayong araw?" Nakasandal na siya sa malaking puno. Nasa harapan niya ako. Magkaharap kami na nagyayakapan. Sarado ang lahat ng bahay. Tulog na ang lahat. Kami na lang ang gising. Malayo rito ang sasakyan niya. Nilakad niya raw mula roon para hindi makadistorbo sa mga natutulog ang tunog ng sasakyan. Para kaming mga teenager na nagtagpo sa dilim sa disoras ng gabi. "Hmm..." Nagtaas baba ang ulo niya para sa isang tango. Inayos niya ang neckline ng suot ko na pantulog dahil lumalabas ang kalahati sa hubad ko na dibdib. Niyuko ko iyon nang maalala na hindi ako nakapagsuot nang bra dahil sa pagmamadali. Nakabakat ang tayung-tayo at bilugan na dibdib ko pero hindi bakat ang tuktok nito dahil maliit lang naman iyon. Nasasagi iyon ng daliri ni Jax ngunit walang pagbabalak sa kilos niya. Talagang narito lang siya para makita ako at walang ibang dahilan. Inaangat niya lang ang nalalaglag na damit ko upang matakpan ang balat ko at hindi malamigan. Nang makuntento'y tiningnan niya ako sa mga mata. "Saan mo narinig?" "Sa mga kaklase ko..." Tinitigan niya ako. Tumigas ang mata niya bago lumamlam. Kahit nasa dilim ay nagkakakitaan kami dahil nasanay na sa dilim ang mga mata namin matapos magyakapan ng ilang minuto. "What did you hear? Are they talking about us?" Nalulukot ang noo niya habang nagtatanong. Tumango ako. "Lahat naman tayo ang pinag-uusapan-" "Don't listen to any of them. I don't want you to consider breaking up with me just because of what you hear from them." Panay ang buntong hininga niya habang nakatitig sa akin. Nag-aalala yata na baka mas makinig ako sa mga kaklase at kamag-aral namin kaysa sa kanya. "Don't miss school tomorrow. I talked to school about your position-" Maagap akong umiling. Hindi pa siya tapos naintindihan ko na. Ako ang gumawa ng eksena. Ako ang dapat na kakausap sa kanila. Hindi ko iyon ginawa dahil alam ko na kakapalan na ng mukha iyon. Papahabain ko lang at mas pag-uusapan pa. Sa huli, alam ko rin naman na may mali ako. "Hindi na kailangan, Jax. Patapos na rin naman ako. May papalit din naman sa akin pagka-graduate. Napaaga lang pero doon din naman ang tungo no'n." "I know that! But they are being biased and unreasonable! You cried-" Umiling ako. Masama ang tingin niya. Mukhang naalala niya na mugto ang mga mata ko na lumabas sa silid noon. "Hayaan mo na iyon. Umiyak ako dahil nabigla rin ako pero isang araw ko lang naman iyon na dinamdam. Mali talaga ang ginawa ko at tama lang naman din ang naging desisyon nila. Kung hindi nila ako inalis, ako ang kusa na magq-quit. May nagawa ako at hindi tama na manatili pa ako sa posisyon na iyon pagkatapos ng ginawa ko." "I heard they approach you first! They attacked you first with their words! Kung hindi ka nila unang nilapitan hindi mo gagawin iyon!" Mariin na mababa ang boses niya. Tahimik na at kung sisigaw siya'y makakabulahaw iyon ng mga kapitbahay. Bumigat ang hininga niya. Laban siya sa nangyari. Kahit ang mga kaibigan ko nalungkot. Mas lalo pa siguro siya at sa palagay ko'y iniisip niya rin na siya ang pinag-ugatan ng nangyari kaya ganito na lang siya kung maka-react. "Hindi iyon ang kung sino ang nauna, Jax. Hindi iyon paligsahan. I know the rules and regulations. Kami ang nagpatupad ng iba roon. Kami ang naglagay. Kasama iyon sa sinumpaan namin bago lumagak sa posisyon. Kailangan namin maging mahinahon upang maiwasan ang gulo. Kumpara sa ibang estudyante mas malaki ang maaaring maging parusa sa amin dahil kami ang nagpatupad noon pero kami rin ang naunang sumuway. They removed me from the position because I didn’t do what I was supposed to do as a leader. Kung hindi mahalaga sa akin ang pag-aaral baka nga lumipat na rin ako sa ibang school o nag-drop." Tumingin siya sa gilid. Nag-isip. Parang nababasa ko ang nasa isip niya. Na kung hindi siya umalis nang umagang iyon at naroon siya'y hindi iyon mangyayari. Totoo ang sinabi ko. Wala na sa akin iyon ngayon. Nalungkot ako at naiyak pero kalaunan naisip ko na hindi na iyon masiyadong mahalaga. Pagbalik niya sa akin ng tingin, sa noo ko iyon napunta. Dumilim ang anyo niya dahil sa pangalawang beses, wala siya nang masaktan ako. Naiintindihan ko dahil hindi niya naman alam na mangyayari iyon. Mabigat siyang nagbitaw ng hininga at hinuli ang aking mata. "I already know who hurt you. Wala sila sa school dahil suspended lahat. Kulang iyon. I want them all expelled. I will put them in the right places where they should be placed. They need to be punished for hurting you. Kung walang kayang gawin ang school ako ang gagawa." Nilaro ko ang tela ng tshirt niya sa kanyang dibdib. Nakalabi akong muling umiling. Ibang iba talaga kami ng kaisipan. Marahas siya samantalang ayoko ng dahas. Masungit ako sa mga lumalabag sa panuntunan. I hate people breaking the rules. I preach to them but I have never hurt anyone. Ako ang gumawa nito ngayon. Kung mananatili pa ako roon para ko na ring kinain ang dignidad ko. I will fight for what I know I deserve but not for what I know is no longer for me. Hindi ko alam ang gagawin niya sa mga nanakit sa akin sa school. Pero hindi naman solusyon ang paghiganti. Nasaktan ako. Tama na iyon. Hindi na kailangan gumanti at manakit pa ng ibang tao para makabawi. Nakakahiya na sa school ang kumusyon na ginagawa namin. Tahimik doon ng maraming taon. Sa huling taon ko, ngayon pa ako may nadalang malaking gulo. Ang pangit sa pakiramdam na sa amin nagsimula ito. "Huwag mo nang isipin iyon. Ayos lang ako, Jax-" "Tsk!" Pumalatak siya. Kahit sa dilim nakita kong namula sa galit ang mga mata niya. "Palagi na lang ayos ka lang? Sinumbong sa akin ng mga kaibigan mo ang ginawa nila. Hindi ako makakatulog ng mahimbing hangga't wala akong ginagawa-" "Totoo naman... ayos lang..." mahinahon kong putol sa kanya. Hinaplos ko siya sa dibdib. Masakit pa ang anit ko at sariwa pa rin ang mga natamong sugat ngunit ayoko nang palakihin pa ito. Titigil din naman ang mga iyan kung sakali na maisagawa na ang paternity test. Lumabi ako. Napaisip ako na tama si Jax. Iyon lang ang solusyon. Si Maya ang magdadala sa bata. Siya ang dapat na nag-iisip kung paano iingatan ang bata. Kung wala siyang kinakatakutan at kung papayag siya madali lang maisasagawa ang gusto ni Jax. Katulad ng sinabi ni Jax. Kaonting dugo niya lang ang kailangan namin. The child needs to be healthy so the next time Jax mentions about the test she won't bleed. Pinagapang ko ang kamay kong nasa dibdib ni Jax papunta sa kanyang nakaigting na panga. Nawala ang pag-igtignan niyon pagkadikit na pagkadikit ng palad ko. Paulit ulit ko siyang hinaplos doon at saka umakyat sa kanyang buhok upang laruin ng mga daliri ko ang malalambot na hibla ng buhok niya. May pagka-mahaba na muli iyon sa gilid. Tiningnan ko siya sa mata. Nawala na ang galit doon. Niyuyuko niya na lang ako at nakatitig sa akin. Pinapanuod niya ako habang nilalaro ko ang buhok niya. "Pauwi ang Mama mo? Ngayong araw ba?" Balik tanong ko sa naunang tanong. Gumalaw ang balikat at dibdib niya dahil sa ginawang paghinga ng malalim. Hinapit niya ako sa bewang at mas hinila niya ako palapit sa kanyang katawan. Tumango siya. "Yes... We talked..." Huminga siya ng malalim na para bang problemadong prolemado siya sa parte na iyon. "I told her that that's not my child... I also told her that I would introduce her to my girlfriend... to you... and not to the woman who accuses me of getting her pregnant..." Nagkatinginan kami. Natigil sa pagsuklay sa buhok niya ang mga daliri ko. Naibaba ko ang kamay ko. Suminghap ako. Halong excitement at kaba ang nadama ko sa kaalamang makikilala ko ang Mama niya. Para bang nalipat ang puso ko sa ulo ko kaya't sobrang dinig ko sa aking tenga ang t***k nito. Natatakot ako na medyo natutuwa. Sandaling pag-uusap pa'y pinapasok na niya ako sa loob. Napansin niya kasing manipis ang suot ko. Adjust siya ng adjust sa aking damit pero wala namang dulot iyon. Malamig na ang hangin at hindi na kayang mapainit ng yakapan lang. Hindi ko rin ginusto na magtagal pa. Alas tres kami nagkita at hindi pa siya natutulog kaya nang sabihin niyang pumasok na ako sa bahay, hindi na ako nagdalawang isip para makauwi na siya. "Kumain ka na. Nagluto ako." "Opo," antok pang sagot ko. Kakalabas ko lang sa kwarto. Naghikab ako. Halos pikit pa akong naglakad papunta sa mesa. Umupo ako. Nasanay na ako na nag-iisa. Nagulat pa ako nang matantong may nagsalita. Kuskos ko ang aking isang mata. Samantalang ang isang mata'y pilit kong idinilat. Tumambad sa harapan ko si tatay na naglalapag ng pinggan sa lamesa. "Tay?" Hindi siguradong tanong ko. Binaba ko ang aking kamay. Ilan sandali ko pang inisip kung nananaginip ba ako. Sinulyapan niya ako. Dalawang segundo niya lang akong tiningnan at nagpatuloy sa paghain sa mesa. Napatuwid ako sa pagkakaupo, halos umahon na. Inikot ko ang mga mata ko at nawala na ang antok habang hinahanap si nanay sa sala. Wala siya. I was about to stand up to check their bedroom. Hindi ko nga lang naituloy iyon dahil sa namutawing salita kay tatay. Napabalik no'n kay tatay ang mata ko. "Mag-isa lang ako. Umuwi muna ako pero babalikan ko ang nanay mo." Matagal kong pinanuod si tatay bago mabilis na bumagsak ang balikat ko. Tatlo na nga lang kami. Nagkulang pa ng isa. Ang sabi niya'y iuuwi niya si nanay kaya bakit umuwi siyang mag-isa ngayon? Kunsabay, babalikan niya naman daw si nanay. Pagbalik niya siguro talagang kasama niya na itong umuwi. Narito siguro siya upang kausapin ako at hindi mag-alala. Pagkaraa'y kumuha ako ng pagkain matapos tumango. Noong wala sila sobrang pag-aalala ko. Ngayon na narito si tatay nag-aalala pa rin ako. May alam na kaya sila ni nanay sa nangyari sa akin dito kaya umuwi si tatay? Inutusan ba siya ni nanay? Nagalit ba si nanay kaya't hindi niya kasama sa pag-uwi? Tahimik kaming kumain ni tatay. Hindi ko masabi sa galaw niya kung may alam siya. Si nanay kapag may nalaman binabanggit agad at hindi mapapakali hangga't hindi nasasabi ang gustong sabihin. Si tatay madalas hihintayin niya na ako ang unang umamin. Na para bang sa pag-amin ko'y mababawasan din ang pagkakasala ko. Ngunit kung hindi ako aamin, mas madaragdagan iyon. Bawat subo ni tatay nadadala rin ang mata ko sa kanya. May sarili akong pagkain sa aking harapan ngunit nasa galaw ng kutsara niya ang mga mata ko. Sa huli, huminga ako ng malalim at pinahinto ang kutsara. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Alam ko, dahil iisa ang ugali namin. Magkamukha na. Magkaugali pa. Pareho naming itinatago ang nararamdaman namin. Hangga't kaya namin kimkimin itinatago namin. Kapag may nagsinungaling sa amin hindi namin ipinapaalam na alam namin. Mas gusto namin na sila ang umamin kaysa kami ang magsabi. Sa kabila noon pareho rin kaming malihim. Kapag isang sikreto para sa amin, kung maaari dadalhin namin iyon sa hukay. Sa narinig kong pagtatalo nila ni nanay. Isang sikreto ni tatay ang nahuli niya. Anak nila ako pero alam ko na wala akong karapatan na itanong kung ano iyon. Kung hindi sila ang magsasabi, ibig sabihin hindi ko iyon dapat o hindi ko iyon maaaring malaman. Maaaring hindi iyon importante o walang kinalaman sa akin. Na mabilis naman nila 'yong malulutas kaya hindi na kailangan ipaalam sa akin. After all, couples fight. Normal iyon sa isang relasyon. Sa tagal nila ngayon ko lang sila nakitang mayroon pinag-awayan. Una pa lang ito kaya positibo ako na hindi ito magiging dahilan para tuluyang magwatak ang pamilya namin. Hindi ang unang beses na pag-aaway nila. Hindi rin ang pangalawa dahil kapag nagkaayos na sila sa una, hindi na ulit hahayaan ni tatay na maulit ang pag-aaway nila. "Boyfriend ko po si Jax, Tay," matapang na pag-amin ko bago pa man ako makapag-isip at mapanghinaan ng loob. Wala na rin naman silbi kung itatago ko. Inabangan ko ang reaksyon niya. Kahit kaonting pagkatigil ng mga kamay sa pagsubo ay hindi nangyari. Walang bumalatay na gulat sa kanya. He just kept eating even though I knew he heard me. Ako pa ang napatigil at nabigla na may alam na nga siya. Si nanay kaya may alam na rin? Maaaring mayroon. Pero naisip ko rin na kung may alam siya nasisiguro ko na nangunguna siyang umuwi para kausapin ako. Wala siya rito. Sa palagay ko'y hindi pa nakakarating sa kanya. "Ubusin mo ang pagkain mo. Ihahatid kita." Iyon lang. Iyon lang ang tugon niya sa pag-amin ko. Inabot ng isang buwan bago ko mapagdesisyunan na ipaalam. Kung kailan nagkalakas ako ng loob saka siya walang maibigay na reaksyon. Wala siyang komento sa amin ni Jax. Mas nahirapan tuloy akong masabi kung payag siya. Or it may also means that he has not yet decided? Hindi pa siya nakakapag-desisyon kung papayag ba siya o hindi? At habang wala pa, hindi muna siya magre-react?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD