"Naku apo ko Mar.Patawarin mo ko at nakalimutan ko ang daan pauwi..mamamalengke lang sana si lola mo...." umiiyak na sagot ni Lola Milagros sa apo niya... saglit si ano to ha.....si engot?
Siya yung apo ni Lola Milagros?
Nanatili akong nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan ang maglola, grabe kitang kita ko ang pagmamahal at pagaalala ni Engot sa lola niya. Weird pero umiiyak siya..
"Mar, apo pasalamatan natin itong si Bingo, dahil siya ang tumulong sa akin,napakabait na bata, kung hindi siya dumating marahil hanggang ngayon ay nandoon pa rin ako" biglang sabi ni Lola Milagros
Hala
Tumingin naman sa akin si Engot na mukhang nagulat din sa sinabi ng Lola niya.
"Bingo , ikaw ang tumulong kay Lola Milagros?" gulat na tanong nito sa akin
"ah oo, nakita ko kasi siya sa labas ng University kaya minabuti ko na......" sagot ko sana dito nang bigla na lang ako nitong yakapin na kaagad kong ikinabigla
Paano? Ganun ba kaganda yung ginawa ko para yakapin niya ako?
"Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay ang ginawa mo Bingo, buhay ko na si Lola at hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala siya. Kaya maraming salamat Bingo" sabi nito sa akin habang patuloy pa rin akong niyayakap.
Tsansing naman ata to e?
"wala yun, Lino. Sige okay lang yun ano ka ba. Kahit sino naman tutulong sa mga taong nangangailangan e, nagkataon lang na ako ang nakatagpo kay Lola Milagros" pagpapakalma ko dito
"Salamat talaga, mula ngayon may utang na loob na ako sayo. Pangako pag ikaw naman mangangailangan asahan mo nandoon agad ako" nakangiti namang sagot nito.
"ayyy sige. Hahaa" tanging nasabi ko dito
Matapos noon ay nag-usap pa saglit si Lino at si Kapitan tungkol sa nangyari, samantalang kami naman ni Lola Milagros ay patuloy na nagkwentuhan. Kumakagat na ang dilim ng matapos ang paguusap nila sa Barangay Hall kaya nagpasya na din akong magpaalam kela Lino at Lola Milagros.
"Lola Milagros, mauuna na po ako ha maggagabi na din po kasi e, yung mga binilin ko po sa inyo ha. Ipapadala ko din po kay Lino yung mga vitamins na katulad ng ininom ng Lola ko para po mas maging malusog pa po kayo" sabi ko dito
"Maraming salamat talaga, Bingo. Kung nagging babae ka lang ay ikaw na ang ipapaasawa ko diyan sa apo kong si Lino , tiyak na maaalagaan mo ang apo kong yan" bigla sabi nito na kaagad kong ikinagulat at ikinatawa.
Asawa agad lola?
"Naku Lola, hindi po ako ang tipo niyan ni Bingo, si Melgar po ang gusto niyan yung katabi nating pinto sa apartment" biglang singit ni Lino na kanina pa pala nakikinig sa usapan naming ng matanda
Ikaw nga daw e, bat ba nirereto mo ko sa iba? Engot ka talaga!
"Aba, yun ba ang tipo mo Bingo? Kung ganun lang din naman pala ay, diyan ka na sa apo kong si Lino ,gwapo na, masipag at mapagmahal pa. huwag ka doon Bingo at masyadong mabisyo si Melgar" sagot naman ni Lola Milagros sa akin
Sige Lola ipilit mo pa yang apo mong mayabang at engot.
"ah hehe, Lola kayo po talaga. Huwag po kayong maniniwala masyado sa apo niyo, may toyo po yan" sagot ko dito para malihis ng unti ang usapan
"tignan mo Lola, iniiba ba ang usapan. Masyado atang pihikan yan si Bingo e, akala mo naman kagwapuhan" biglang singit ulit ni engot na kaagad kong ikinagalit dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko ang tinapik ko ng malakas ang braso nito habang pinipingot ang tenga nito
"aray.....aray ang bayolente mo ....ahhh" daing nito sa akin
" maganda yan mga apo, gusto ko yan. Diyan naman naguumpisa ang lahat e. Naku Lino naaalala ko tuloy ang Lolo Ignasio mo jan din kami nagumpisa noon...." nakangiting sabi ni Lola Milagros habang mukhang enjoy na enjoy sa nakikitang pagsasakitan naming ni Lino
"La, tama na po. gabi na po. next time niyo na po ikwento yan.... Pang 59 times ko na pong narinig yan la" pigil naman ni Lino sa matanda na kaagad kong ikinainis.
"Lola Milgaros hayaan niyo na po yang apo niyo, sa isang araw po pupuntahan ko po kayo sa bahay niyo at maghapon taong magkukwentuhan" bulong ko sa matanda para maibsan naman kahit papaano ang lungkot nito
"Mabuti pa nga Bingo." Nakangiting sagot nito
"Sige Lola, bye po. Magiingat po kayo ha" paalam ko dito sabay halik sa noo nito
"Bingo...." Biglang tawag sa akin ni Lino
"oh ano na naman yan?" masamang tingin kong tanong dito
"gusto mo ikiss kita, para reward mo?" nakangisi nitong tanong sa akin
"ulul, kisskissin mo mukha mo." Sigaw ko dito
Jusko akala ko naman kung ano na. Hindi ko maintindihan sarili ko bakit parang kinikilig ako kay engot, hindi naman ako ganun dati, ang naaalala ko pa nga ay ang madalas kong pagkainis sa tuwing nakakarinig ako nang mga ganyan. Hala baka crush ko na siya? Jusko naman Bingo hindi ka na elementary para maggaganyan. Eh baka mahal ko na siya? Yan ang wag na wag mong iisipin Bingo. Hindi pwede ha!
"Anak, bat nandyan ka lang sa labas ng gate? Ayaw mo pumasok?" biglang sabi ni mama na hindi ko namalayang kanina pa pala nakatingin sa akin.
Kanina pa pala akong naglalakad sa kaiisip kay Engot. Bakit ko siya iniisip? Ang weird, wag Bingo. Wag kang magpakita ng ganyang signs!
"ahh, ma sorry may iniisip lang" palusot ko dito
Pero tinignan lang ako nito nang seryoso
" anong problema Fritz?" seryosong tanong nito sa akin
"wala ma, hindi naman ganun kaseryoso" nakangiti kong sagot dito
"sige ikaw bata ka ha, sasabihin mo ang problema mo, dahil nandito lang ang mama" sagot nito sa akin
"opo ma, salamat"
I guess isa ako sa pinakamaswerteng anak, dahil binayayaan ako nang mapamahal at understanding na magulang. They are giving me love na kahit na sinuman ay hindi matutumbasana, though alam nila kung ano talaga ako ay tinanggap pa rin nila ako ng buong buo.
"ma, alam mo ba nakilala ko ang Lola ni Lino" kwento k okay mama habang kasalukuyan kaming naghahapunan
"aba, dumadamoves ka Fritz, ano to pumunta ka na sa bahay nila?" natatawang tanong nito sa akin
"ma naman e, hindi po! Nakita ko kasing naligaw ang Lola niya malapit sa University kaya tinulungan ko, hindi ko naman alam na Lola pala ito ni Lino" pagpapatuloy ko ng pagkwento dito
"ayy tarush! Pero alam ko Fritz na namimiss mo ang Lola mo, ilang taon na din mula ng iniwan niya tayo ano?" sagot nito sa akin
"syempre naman ma, noong nagkukwentuhan nga po kami ay naaalala ko si Lola e, talagang namimiss ko siya" pag-sangayon ko dito
"ikaw talagang bata ka!, kung gusto mo ay bisitahin mo na lang ang Lola ni Lino para kahit papaano ay hindi mo mamimiss ang Lola mo" nakangiting sagot nito sa akin
Don't get me wrong pero sobrang close ko kasi sa Lola Miriam ko, lumaki ako with her on my side kaya noong nawala siya ay sobrang lungkot ang naramdaman ko.
Kinabukasan after ng klase ay itinuloy ko ang plano ko na bisitahin si Lola MIlagros sa apartment na tinitirhan nila. Alam ko naman ang lugar nila aling Sioni ay dumiretso na agad ako dito, hindi na din ako nagpasama kay Engot dahil umalis agad ito matapos akong maihatid sa bahay.
Nakarating ako tapat ng pinto ng inuupahan nilang unit, maraming halaman sa tapat nito halatang hilig ito ni Lola Milagros, dahan dahan kong kinatok ang pinto ng mga ito
"tao po.. Lola" sabi ko dito
"ay saglit lamang, sino ba iyan?" sagot ng boses sa loob ng bahay
"Ahhh, si Bingo po ito" sagot ko dito bago tuluyang mabuksan ang pinto
"Aba Bingo apo!!, mabuti naman at dinalaw mo ako" sabik na bati nito sa akin nang mabuksan ako
"syempre naman po, nangako po ako diba? Wala po ba kayong kasama?" pagtatanong ko dito nang mapansin kong parang nagiisa lamang ito
"ahhh,naku kaaalis lamang Mar at magbabasketball daw muna, ganun talaga ang batang yun tuwing hapon, nagpapapawis" sagot nito sa akin habang pinapaupo ako sa maliit nilang upuang kahoy.
"Lola , nga po pala dinalhan ko po kayo ng mga vitamins, ito rin po yung mga gamot na ginagamit ng lola ko dati kaya tiyak kong mabuti po to sa inyo. Sa isang araw naman po dadalhan ko kayo ng mga prutas" sabi ko dito habang ibinibigay ang gamot na binili ko kanina
"Napaka-bait mo talaga Bingo, naku napakaswerte ng mga magulang mo sa iyo." Masayang sabi nito sa akin habang niyayakap ako.
"Kayo talaga Lola, wala po yun hindi na po kayo iba sa akin at saka Masaya din po akong natutulungan ko ko" sagot ko dito
"hulog ka ng langit sa amin ng apo ko Bingo, pagpalain ka sana at ang iyong pamilya" pahabol na sabi nito sa akin
"naku lola tama na po ang pagpapasalamat na iyan, wala pong problema yun , isipin niyo na lang po na apo niyo ako para hindi po kayo mahiya sa akin" pagpigil ko dito sa kanina pa nitong pagpapasalamat sa akin.
"mabuti pa nga, maupo ka muna diyan Bingo at ipagluluto kita ng miryenda" sabi nito sa akin bago dali daling nagpunta sa kusina
Masyadong masayahin ang matanda kaya tuwang tuwa rin akong makita ulita siya, sa edad niya hindi mo siya kakikitaan ng tamlay at pagkamahina , ikaw pa nga mismo ang mahahawa sa liksi at sigla ni Lola Milagros. Habang nakaupo at busy ako sa pagtingin ng apartment nila, na hindi maipagkakailang malinis at maayos na nailagay ang mga gamit...ay bigla na lang dumating si engot.
"La....la" tawag nito habang hindi pa nakakapasok sa pintuan
"uyyyyy,, Bingo ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong nito pagkapasok ng bahay ng makita nitong nakaupo ako sa sofa nila
Pero ako ata ang mas nagulat dahil nakatopless si engot habang nangingintab ang katawan nito sa pawis....uminit ata...