Nagging mabilis ang pagdating ng araw ng pasukan, though isang araw lang naman talaga ang hinintay namin from the enrollement period, so mabilis talaga yun. Nakakatamad pero nakaka-excite syempre kanya-kanyang kamustahan na naman yan. Yung iba payabangan sa mga pinuntuhan nila samantalang yung ibang katulad ko ay nganganga lang sa pakikinig sa kanila. About sa amin ni Engot, ayun wala namang nagbago kasi hindi rin naman siya pumunta sa bahay kasi nga naman wala akong pasok.
"bilisan mo ang kilos diyan Fritz nandito na si Lino sa baba sabay na kayong mag-almusal" sigaw ni mama mula sa dining namin
Takte kasi si Lino sobrang aga namang dumating e
"opo ma, wag kang atat" sagot ko dito
"bilis na, wag mong paghintayin ang manliligaw mo. Matuturn off yun sayo" sagot naman nito na kaagad kong kinainis.
Yan na naman si mama, gagawa naman ng story na paniniwalaan ni engot.
Dahil sa takot ko na kung ano ano na naman ang ipagsasabi ni mama ay dali dali na akong bumaba ng kwarto ko.
"Hi goodmorning Bingo" nakangiting bati sa akin ni Engot
Ay tarush may formality
"uhhh morning" naiilang ko bati dito sabay upo sa tabi ng upuan ni mokong
"ayyy gusto ko yung mga may greeting moments na yan" kinikilig na asar ni mama
"ma , ano ba yan!" sita ko dito
After nga pala ng gabing nagalit si mama dahil sa pagpapahintay ko kay engot sa labas ng University ay nagging okay na din kami. Hindi naman pala umakyat ng kwarto si mama at nakikinig lang doon sa hagdan. Ang galing niya, umemote lang..
"Bakit ayaw mo ba ng binabati Bingo?" nakangiting tanong ni engot
Tengene bakit ba siya laging nakangiti ngayon? Anong meron?
"ahhh ano kasi....ano... hindi okay lang. Si mama kasi e,daming naiisip, di lang kami sanay.. i mean ako" tanging sagot ko dito
Bakit ba ako nauutal?
"dapat masanay ka na ,kasi lagi na kitang igigreet" nakangiting sagot nito
"this is so something Fritz..... hahaha kinikilig ako" nababaliw na sagot ni mama
"tara na nga Lino, nalipasan na naman ng gutom si mama dito e" sabi ko kay Lino sabay tayo ng mesa
"uyyy si Fritz, hindi tinapos ang pagkain kasi si Lino ang balak kainin" nangaasar na sabi sa akin ni mama
"mama!!" inis na reaksyon ko dito
"joke , joke ," nakangiting sagot nito
Ohmygod buti na lang nanay ko ito kung hindi kanina ko pa to nasaktan. Hindi ko na hinintay na may sabihin pa ulit si mama at kaagad na akong lumabas ng bahay habang nasa likod ko si Lino.
"nakakatawa mama mo noh" sabi nito habang tumatawa
Tuwang tuwa siya doon,kasi hindi siya yung niloloko,siya kaya sa posisyon ko?
"hindi yun nakakatawa , engot. Embarrassing yun" sagot ko dito
"Ah ganun ba? Wag kang magalala cute ka pa rin sa paningin ko. Hahaha sige tara na Fritz, alis na tayo" yaya nito sa akin
"buti pa nga" tanging sagot ko dito.
Hindi rin naman nagging matagal ang byahe naming papuntang university dahil sa bilis nitong magpatakbo. Halos wala kaming gawin s amaghapon kung hindi ang magpakilala at idiscuss ang syllabus ng course namin, in short nakakaumay ang first day ng 3rd year ko. Palabas na ako ng classroom naming ng makatanggap ako ng mensahe mula sa isang unregisted number.
"Bingo, pasensya na ha. Hindi kita masusundo ngayon dahil may emergency , alam na ito ng mama mo. Pasensya na talaga – Lino"
Ano na naman kaya ang nangyari. Ayoko mang umuwi muna dahil tiyak na wala namang akong gagawin sa bahay ay wala naman akong magawa dahil wala akong makasama sa paggala dahil may training si Topher ngayon sa debate team nila.
Dumiretso na ako sa sakayan ng tricycle pauwi sa bahay nang may makita akong isang matandang babae na nakaupo sa waitng shed at parang naliligaw. Nahabag at naawa ako sa matanda kaya minabuti kong lumapit at kausapin ito. Naaalala ko pa noon na ang sobrang pagiging malapit ko sa nanay ni Papa, halos hindi na kami mapaghiwalay ni lola noon dahil gusto ko na lagging nakayakap dito. Gustong gusto kodin na pinaglalaruan ang balat ni lola sa ilalim ng braso niya. Si lola din ang madalas magkwento sa akin kung paano sila nagkakilala ni lolo. Kaya lang bago ako maggrade-3 ay namatay si lola dala ng sobrang katandaan, at yun ang maituturing kong first heart-break ko.
"lola, naliligaw po ba kayo?" tanong ko sa matandang babae
Kung titignan mo naman si Lola ay hindi maipgkakaila ang taglay nitong kagandahan lalo na siguro noong kabataan nito. Nakasuot lang ito ng simpleng duster habang nakalugay ang putting buhok nito na tumatama hanggang sa balikat.
"Apo, tulungan mo ko. Mamamalengke sana ako nang hindi ko na maalala ang daan pauwi sa amin" sagot ni sabay hawak sa kamay ko
"Ganun po ba? Ano po bang pangalan ng lugar ninyo ng ako na mismo ang maghatid sa inyo?" tanong ko naman dito.
"hindi ko maalala apo e, pasensya na" malungkot na sagot nito
"sige po lola, gagawan po natin ng paraan. Pero kumain na po ba kayo? Magaalas dos nap o ng tanghali" pagtatanong ko dito
"hindi pa apo e" nakayukong sgaot nito
"sige po, kakain po muna tayo at ako na po ang bahalang maghanap ng daan pauwi sa inyo. Tara nanay sama po muna kayo sa akin. Ako po si Bingo taga doon lang po ako sa kabilang barangay" pagpapakilala ko dito
"naku maraming salamat apo, kanina pa ako nagtatanong sa mga dumaraan dito pero walang nagtagal para tulungan ako e" sagot naman nito sa akin
Hindi ko alam kung bakit may mga taong nakakatiis makakita ng mga matandang naghihirap. Hindi ba nila naiimagine ang mga magulang nila na darating din sa puntong iyon, kung saan mangangailangan sila ng mas mahabang pasensya. Matapos ang maikli naming paguusap ni Lola ay kaagad ko itong dinala sa isang fastfood chain sa harap ng university para makakain ito. Halata ang pagkagutom kay Lola dahil na din sa nanginginig nitong kamay at halos mabilaukan nitong pagsubo, no doubt na kanina pa nga siyang nanghihingi ng tulong sa waiting shed.
"lola ano po bang pangalan niyo?" pagtatanong ko dito habang pinagmamasdan ko siyang kumain
"ako si Milagros apo, Lola Milagros" nakangiti nitong sagot.
"alam niyo po ba ang pangalan ng mga kasama ninyo sa bahay? O kahit numero po nila?" muli kong tanong dito na mukhang nagpaisip sa kay Lola Milagros
"dalawa lang kami ng apo kong lalaki ang magkasama , dahil matagal ng patay ang anak ko. Si Mar ang apo ko, mukhang kaedadan mo din yun apo" magiliw na sagot nito ng maalala niya ang apo niya
"ganun po ba, mukhang mahihirapan po tayong malaman ang lugar niyo dahil tiyak na marami ang may pangalang Mar sa lugar na ito. Ganito na lang po Lola Milagros , dadalhin kop o muna kayo sa Barangay naming para doon natin ireport, siguradong matutulungan po kayo doon" nakangiti ko namang sgaot dito
"maraming salamat Bingo ha, napakabait mong bata kung makikilala mo lang din sana ang apo ko tiyak na magkakasundo kayo noon,mabait at mapagmahal din yun. " sagot naman nito na ginantihan ko lang ng ngiti.
Kaagad kaming sumakay ng tricycle ni Lola Milagros at tumulak sa Barangay Hall ng lugar naming para doon ko siya ihingi ng tulong. Maraming nakwento sa akin si Lola Milagros habang nasa daan kami papunta, tulad na lamang ng pagiging mapagmahal ng apo niya, gayundin ang hilig niya sa paggagantsilyo at pagluluto ng mga kakanin. Aliw na aliw ako sa pakikinig s amga kwento niya dahil mas naaalala ko pa ang yumao kong lola sa kanya.
"Lola, nandito na po tayo. Tara po pasok tayo nang makausap natin si Kap" yaya ko sa matanda
"sige lang apo" tanging sagot nito habang nakahawak ng mahigpit sa mga kamay ko
"oh Bingo, napadalaw ka dito? Anong maitutulong ko sa iyo?" bating slaubong sa amin ni Kapitan
"Magandang Hapon po, kapitan. Nakita ko pa kasi si Lola Milagros sa labas ng University na mukhang naligaw, pwede mo ba skaming tulungan para matuntun yung bahay nila?" sagot ko naman dito habang dahan dahang pinapa-upo si Lola Milagros
"naku ganun ba? Saglit itatawag natin yan sa mga konsehal..." sabi nito bago pumunta sa teleponon at kumausap ng mga koneksyon nito.
"huwag kayong mag-alala Lola, makikita din po kayo ng apo niyo" pagpapakalma ko kay Lola Milagros
"salamat Bingo" nakangiti nitong sagot sa akin.
"Bingo, kanina pa pala may report nang naghahanap ng matandang babae dito, saglit lang ipapatawag ko ang nagreport..." biglang singit ni Kapitan
"naku, mabuti naman po" nabuhayang loob kong sagot dito
Walang pang limang minuto ay dumating na daw ang apo ni Lola Milagros.
"Lola ...lola" sumisigaw na boses ng apo ni Lola Milagros
"shet ang gwapo ng apo ni Lola...." wala sa sarili kong sabi