CHAPTER 6

1979 Words
Chapter 6 Precious POV HINDI ako nakapagsalita at napako ang paningin ko kay Ma'am Judith dahil sa narinig ko! Whuaaaa!!! oh meh gesh!!! ''Tsk. " rinig kong singhal ni Sir. Aljon bago naglakad patungong table ni Sir. Andrew. " I don't wanna see your face here in my office from now on. " para akong binuhusan ng mainit na kape sa tinuran nya! Oh meh gesh talaga!!! tinatanggal naba nya ako sa trabaho ko??!!! "Aljon." nagbabanta ang tinig ni Sir. Andrew kaya napalingon ako kay Sir. Aljon. Huhuhu ang sama ng tingin nya sakin!!! "I don't need a secretary na mas bastos pa sa lalaki.. At mas lalong hindi ko kailangan ng empleyadong lumilipad ang utak sa oras ng trabaho.. Worst is pag ginugulat--- nandadamay ng hotdog ng iba!" nakaramdam ako ng matinding hiya dahil sa huling binitawan niya! 'WHuaaaa!!!! nakakahiyaaaaa!!!! huhuhu! di ko naman kasi yun sinasadya!! huhu.. Sino ba kasi me sabi na manggulat sya! saka hindi ko naman dinamay yung Hotdog nya ah! sya lang itong assumerong dinadamay ang sariling hotdog kahit hindi naman dapat! hmp!' "What do you mean?" naguguluhang tanong ni Sir. Andrew. Mas lalo naman akong napayuko! gizzz!!! "Nevermind. " sagot ni Tukmol saka na bumalik sa pagkakayuko sa mga paper works na nasa harap nya. "Precious, una na kami ha.. Marami pa kaming aasikasuhin sa kabilang kumpanya.. Goodluck." nakangiting ani Miss. Judith.. Nginitian ko rin naman sya, pilit ngalang, hehehe tanda 'yon bilang sagot ko. Tumango lang din si sir Andrew saka na sila lumabas ng office. "Ano? tatayo ka nalang ba dyan at mag de-day dream?" nabaling ang paningin ko kay Tukmol nang magsalita sya sa table. Malungkot akong bumalik sa table ko at inayos ang mga gamit ko.. Sinilid ko lahat sa isang karton na lagayan ko ng folder at tinali.. Pinagkasya ko nalang lahat doon kahit na maliit lang yun box. Iiwan ko naman kasi yung ibang folder dahil hindi naman akin 'yon, pag-mamay-ari iyon ng Scyneth company.. 'baka pag dinala ko yan pagbintangan pako nitong tukmol na 'to na hinahakot ko mga gamit ng office nya, duhh.' palabas na sana ako ng office bitbit ang mga gamit ko ng magsalita na naman si Tukmol. Ghrr!!! ambigat kaya ng dala ko!! "Where do you think you're going?" napahinto ako sa tangkang pagbukas ng pinto at nakataas ang isang kilay na hinarap ko sya. 'May saltik nga atang talaga itong bago kong boss no?? pinapalayas nya ko tapos magtatanong-tanong sya kung saan ak pupunta?? ang sarap lang ihampas sa pagmumukha nya itong mga gamit na dala ko! Hmp!" " Siguro aalis na? Ayaw mona kamo makita mukha ko magmula ngayon, Diba ser? " may diing sabi ko. "e bakit ang dami mong dala? " tanong nya saka tumingin sa table ko. "Saka asan ang mga gamit mo?" kunot ang noo niya pang tanong. "Aba'y isa't kalahati ka rin po palang Monggo e.. Kasasabi nyo nga lang po kanina na ayaw nyo na ako makita--- ngayong aalis ako pinipigilan nyo ko.. Saka hindi nyo po ba nakikita itong bitbit ko ser?? mga gamit kopo ito kung hindi pa ba obvious sayo. " medyo naiinis konang sabi. Aba e kung hindi ba naman isa't kalahating sira ulo. Sinisante ako tapos magtatanong kung saan ako pupunta?? malamang ay aalis na sa kumpanya nila! ano pa bang gagawin ko dito? tatambay?? tsk. 'pag ako nabwisit!! naku talagaaa.. Ipiprito ko hotdog nya!' "So you mean... You are going to leave me?" Baling niya sakin.. Ewan ko pero parang doble meaning yung tanong nya, pagdating sakin. 'Jowk lang.. Wag assumera, Self.. kaya ka napapagalitan eh, kung ano-ano iniimagine mo.' "Dident yu sey kanina ser na I'm pired na?" parang hirap na hirap pa sa pag-e-english na tanong ko.. ewan koba at parang napipilitan akong mag english kapag yang si tukmol na kausap ko! para akong nabobobo pag sya ang kausap ko. Tapos pakiramdam ko, sa bawat linyang bibitawan ko e kailangan kong mag-ingat! yun bang parang kailangan pag sya ang kausap mo e dapat matalino ka? Dimo gets? Aba'y bahala kanang pagbuhol-buholin ang utak mo kaiiintindi sa mga pinagsasabi ko dahil ako mismo hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ko. Lels. "So you're telling me na umaalis kana sa trabaho mo as my secretary?" pagkaklaro pa niya. Tumango-tango pa ako na parang bata.. "Kasi sabi mo ser eh." "okay.. gusto mong sisantehin yung sarili mo, then go.." sabi nya sabay balik sa ginagawa nya. Whuaaaa!!! halaaa!! hindi pa ba nya ako sinisisante?? Oh meh gesh! precious delicious!!! ang shunga mo talaga!!!! bakit ka nag resigned!!! "Whuaaa!! aren't you going to fire me, Serrrr??? gizzz!!" mabilis pa sa alaskwatro na lumapit ako sa kanya at nilapit ang mukha ko sa kanya habang hinihintay ang magiging sagot nya.. Pero sya nanatiling nakayuko lang! grhhh!!! "Serrr... Whuaaa!!!! serrrr!!! totoo po??? hindi pa po ako suspendido?!! " malakas na sigaw ko habang nasa harap parin nya. Nakadungaw ang ulo sa pagitan ng table.. Halos amoy na amoy ko nga yung pabango nya at yung mabango niyang Buhok! gizzz!!! nakakaadik... Dahil Sa sinto-sinto nga ako ay mas lalo ko pang nilapit ang ulo ko sa kanya para mas maamoy ko yung bango ng buhok nya! hummmm!!! bango! "Will you please lower your voice? you're too loud---" nagulat ako sa biglaang pag-angat ng tingin ni Sir Aljon kayaaa..... Kaya..... Kaya... Kyahhh!!!!!!! OH MEH GESH!!!!!! Stupid!!! stupid!!! stupid!!!!!! Whuaaaaa!!!!! Wag kang OA Precious, nagdikit lang yung ilong nyo.. Pero... WhuAAa!!!! huhuhu nakakahiyaa!!!! Walang naka imik samin na dalawa.. Nanatili kaming ganon ang posisyon. hanggang sa lumipas ang walong singundo, Ako na mismo ang lumayo.. Napaatras ako ng ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko kanina.. Whuaaaa!!!! ano ba naman etooo!!! hindi na nga natanggal sa trabaho!! taposss... Heto ako at gumagawa ng dahilan para tuluyan akong matanggal!!! whuaaa!!! ano bang klaseng katangahan ang sumapi sakin at bakit parang sumobra naman ata sa tanga??? 'Jesus, okay naman po sakin kung sapian ako ng katangahan kahit paminsan-minsan.. Wag naman po yung maya't maya ang dating. Huhuhu.. ako yung nadedehado eh.. Wuhuaaahhh!!! ' "A-ah.. Ano.. Ahm.. Ehem... Ah, sabi ko nga ser Babalik na ko sa work ko eh.. Heheheh peaceee." parang tanga kong sabi saka nagmamadaling dinampot yung mga gamit kong pinatong sa table nya at bumalik sa sarili kong table.. Whuahhh!!! Malas! malas! malass!!!!! Huhuu... isa lang naman po akong hamak na sexytary na may pangarap sa buhay.. Nag-aaral naman po ako ng mabuti though, throu Online.. Atlis po matatasang mga grado ko.. Whueee saka ginagawa ko naman po ng maayos yung trabaho ko bilang isang sexy at at makapal ang mukha na sexytary dito sa Scyneth Company.. Mabait naman po ako at magalang.. Hindi palamura at laging may pananalig sa dyos.. Yun ngalang ay kinulang po ata sa matinong pag-iisip dahil puro lumot na.. Hehehe. Natapos ang buong maghapon na hindi ko nililingon si sirl Aljon kahit na inuutusan nya ako.. Kundi sa taas ako naka tingin... Sa baba naman.. Eiii ayoko syang tignan sa mukha dahil nahihiya ako!!! 'Sino ba namang hindi mahihiya sa kapalpakang ginawa ko??? Tsk.. Saka Talaga namang mahihiya ka dahil yung taong kinabangga mo ay hindi basta-basta... Isipin mo? Boss mo sya-- empleyado ka lang? tapos mangungulit ka sa kanya at makikipagbanggaan ng ilong?? Hindi makataooo yun bes. Lalo na sa part ko.. Ang gwapo nya kumpara sa mukha kong pwede ng ipanlampaso sa buong floor ng Scyneth building.' 10:30pm.. Gabi na ng matapos kong isulat yung inutos sakin ni sir. Aljon.. Basic! 'Whuaaaa!!!! ang sakit ng kamay ko!!!! huhuhu... Sinusumpa ko lahat ng may pangalang Aljon! whuaa!! huhuh.. Ang bad nya! pinagsulat ba naman ako ng 20 pages na copy nung documents na binigay sa kanya kanina ning Secretary sa kabilang kumpanya.. huhu.. ' Pag ako talaga umangat sa buhay--- magtatayo ako ng Malaking malaking malaking malaking building! yung mas mataas pa dito sa building na 'to! hmp! tapos gagawin kong carwash boy yang Aljon na yan! hmp! Pramisss masakit talaga yung kamay ko! nangalay ata sa walang hintong pagsusulat! huhu.. kapag kasi ako nagsulat wala ng hinto-hinto.. Deretso lang ako hanggang matapos ko yung sinusulat ko.. Once kasi na hininto ko yung pagsusulat ko.. Tatamarin nakong ituloy yun.. Kaya hanggat maaari ay inaagapan kong 'wag maistorbo dahil talagang pag ako tinopak.. Bahala kana dyang tapusin yan! hahaha! I remember when i was in high school, Buhay pa si lola non.. whuee naalala ko si lola.. Nakakalungkot naman. Anyway, nung nasa secondarya palang ako ng SHS ko sa MHA Secretary ako non sa classroom nami .. Edi Ako yung tagasulat, Isang beses nagpasulat yung teacher ko sakin sa blackboard, limang page ata yun ng libro.. Basta yun.. Nasa third page na ko non ng sinusulat ko nang biglang dumating yung bakla naming kaklase at kinulit akong samahan sya papuntang clinic, e sa nagsusulat nga ako kaya todo tanggi ako ganern.. E makulit rin ang moking kaya sa huli napapayag din ako.. Edi iniwan ko yung sinusulat ko saglit tapos sinamahan sya sa clinic then pag balik.. Wala na yung teacher, wala na rin yung sinusulat ko. Oh diba, napagod kalang magbasa? bandang huli wala rin naman palang kwenta yung end ng story ko way back in High School life ko.. Hahaha. Sabi sayo at wag kang nakikinig sakin dahil wala kang matututunan hehehe.. 'keep mo lang pagiging abnormal mo, self. Dyan mo lang mapapasaya yung sarili mo..' Lumipas pa yung oras... 11 na.. Tapos na ko!! yey!! Agad na tumayo ako sa pagkakaupo ko sa silya at inayos ang mga gamit ko.. Uuwi nako ehehee.. Nilagay ko sa kanya-kanyang folder nung mga sinulat ko at umalis na sa table ko.. Dumeretso ako sa table ni Sir. Aljon. "Sir.. heto na po yung mga pinasulat nyo." hindi parin ako nakatingin sa kanya ng inqbot ko yung folder. Nakayuko lang ako.. hehehe. Nang abutin nya na yung Folder ay agad na akong tumalikod at handa nang umalis pero nahinto ako nang tawagin nya ako. "Altamara." agad akong lumingon at hindi sinasadyang nagtama ang mga paningin namin kaya nag-iwas agad ako ng tingin. "Ser?" tanong ko habang nakayuko. Nilalaro ang mga kuko gaya ng nakasanayan. 'Kinakabahan ako ng matinde Shetttt malagkettt.. Ganto ako pag kinakabahan ako eii.. Nilalaro ko yung mga kuko ko.. sa nasanay ako e, ba't ba.' "Come early tomorrow. As much as possible arrive 5:00 sharp in the morning." nakayuko lang ako habang sinasabi nya 'yon. 'wala nabang mas aaga dyan ser?? Tsk.. Sana di mo nalang ako pinauwe.' Gusto kong isatinig yung laman ng isip ko pero naisip ko, 'wag nalang.. Baka mawalan pa ko ng trabaho e. "Yes po serr.. 6:00 sharp ng umaga." sagot ko pero pinagsisihan ko lang din. " 5:00 am in the morning.. Not 4, not 6.. stick to 5:00.. Naiintindihan mo?? if not then sign a resignation letter.. " Deretsong sabi nya.. this time nag-angat na ko ng paningin at doon nakita ko ang seryosong mukha nya. 'WHuaaaa!!! grabe naman pala 'to ka strikto!! huhuhu.. Bat ganon? ang layo ng ugali nya kay sir. Andrew, Masyado syang masungit kumpara sa kapatid nya.. Kumbaga, isa siyang lion habang si sir. Andrew naman ay isang maamong tuta.. Whuaaaa!!! baka di ako magtagal sa work ko na 'to!!' "A-ah.. heehe.. Sabi ko nga po.. 5:00.. Ikaw talaga ser ang kulit mo.. Hehehe. Sige po ser, una na po ako. Bye.. Ingat po ser." Napapahiyang sabi ko saka kumaripas ng takbo palabas ng office. 'WHuaaa!!! mukang alam kona magiging kapalaran ko 'pag pinag patuloy ko pa itong trabaho ko bilang secretary nya kasama yung tukmol na yun! huhuhu... Mapapaaga ata ang pagbili ko ng kabaong ko.. Mukhang hindi sa idad o sa mga kasu-kasuhan ang magiging dahilan ng pagkamatay ko.. Malamang sa alamang ay dahil sa Stress, Pagod, at Kunsumisyon sa napakabait kong boss! grhhh!!' Makauwi na nga at baka marape kopa yang gwapong dragon kong Boss! Lels. ~~ * To be continued * ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD