Precious POV
Pag-uwi ko ng bahay ay agad kong hiniga ang sarili ko sa higaan.. Wala ng kain-kain! busit! alas-dose na!! tapos bukas kailangan ko pang pumasok ng 5:00 ng umaga.. Tsk.. May pa not 4 not 6, exactly 5:00am pa syamg nalalaman! kala mo naman sya ang mahihirapan bumyahe at gigising ng ganon kaaga! tsk.. Alam nya ba kung gaano kahirap mag komyut?! ( Commute, daw.)
"Ate nagluto ako ng hotdog mo oh.."
"I hotdog mong malaki!" napabalikwas ako ng bangon sa gulat dahil bigla nalang bumukas yung pinto at lumabas mula do'n si Loveniel na may dalang plato na may lamang hotdog. Kaloka 'tong batang 'to! bigla bigla nalang sumusulpot! grh!!
"Ano ba naman yan, Loveniel! nakakagulat ka naman! ano pa ba kasing ginagawa mo dito?? kala ko ba Isang gabi ka lang makikitulog? e bakit di kapa umuuwi sa inyo?" tanong ko saka tumayo at inabot ang hawak nyang plato ng Hotdog. Hehehe.. Diko matiis eh. Peyburit ko kaya 'to!
"Eh kasi ate di pa po nauwi sina mama.. Nag extend daw po sila ng One week.. Bale One week po silang di uuwi at mananatili doon." nabulunan ako sa kinakain kong hotdog sa sinabi nya! gulaayyyy!!!
"oh e ano ngayon kung one week sila do'n? ano naman kinalaman ko dyan?" kunwari pa ay tanong ko. Whuaaaa!!! huhuhu don't tell me dito sya mamamalagi ng isang linggo??? huhuu I kennaaatttt!!!
"Edi dito rin po ako ng one week.. wala akong kasama e."
"No way." agad na sagot ko. Grhhh!!!! hindi pwede!!! lagi akong puyat pag nandito 'tong batang 'to! grhhhh!!!!
"Okey.. Kayo po bahala pag may nangyari saking masama kapag natulog akong mag-isa sa bahy." dagdag pa nya!
'Wow. Lakas din mangunsensya nitong batang 'to ah?. wala pa nga may naisip na agad syang posibleng mangyari kapag mag-isa syang natulog sa bahay nila.. E kung sunugin ko bahay nila para talagang masabi nyang may nagyari. Tsk.. Sutil na bata.'
"Aba naman Teka... Teka.. Ano naman kinalaman ko dyan sayo pag may nangyari sayong masama?? e hindi naman kita kasama ah.. Saka hindi naman ako ang nagpabaya sayo--- mga magulang mo.. Kaya sila ang dapat sisihin, hindi ako. " prangkang sabi ko habang nakangiwing nakatingin sa kanya. Aba! konsensyahin daw ba ako?
"Kaya nga po. E ikaw po kasama ko bago ako umuwi ng bahay e, saka sayo po ako nakitulog ng isang beses.. Kaya dawit kana rin po.. Kinupkop nyo ko without hesitatioin so you have to be me the whole week without hesitatioin too po.. " sagot nya saka naupo sa tabi ko which is her place nang makitulog sya dito kagabi.
'Aba mautak din 'tong batang 'to! binigyan ako ng responsibilidad!'
"Oh sya.. Nandyan na rin naman na e, ano pa bang magagawa ko?? Oh kumain ka rin para may laman yang tiyan mo bago matulog." inabot ko sa kanya yung hotdog..
Minsan diko maiwasan mapaisip... Wala naman akong isip? Charrat!
Minsan naiisip ko na bakit kaya may mga taong sinasayang nila kung anong meron sila sa buhay? gaya nalang itong batang to.. Mayaman.. halos nasakanya na ang nalahat maliban lang sa isa.. Bagay na ipinagkait sa akin ng panginoon mula pa no'ng sinilang ako....
PAMILYA.
Mayaman nga sya pero hindi sya masaya.. Bakit?? dahil palaging wala ang mga parents nya.. Halos sakin na nga ito lumaki. Madalas ganyan ang ginagawa ng mga magulang nya, iiwan sya at sakin pupunta.. noong unang beses na nakitulog sakin itong si Love ay basang-basa sya ng ulan.. kaya naawa ako at pinayuloy sya. She was just 8 year old that time.. Sabi nya sakin umalis daw ang parents nya.. Pumayag ako na makitulog sya sakin then after non akala ko uuwi na sa kanila pero hindi pa pala.. Her parents came back after 1 Month.. Yes! ONE MONTH silang hindi umuwi.. Pagbalik nila binibigyan nila ako ng 50 thousand for taking care of their child kuno?? Hindi ko tinanggap. What they think to me? gold digger?? inalagaan ko si Love because I care for her.. Hindi para umutot ng pera sa pamilya nya grhhh!!
At the end of the month umalis ulit sila, hanggang sa nagpaulit-ulit na yung gawa nilang ganon.. Naiintindihan ko naman na kailangan nioang mag work, pero sana ibalanse nila.. Magtira sila ng oras para sa anak nila.
'Mag-aanak-anak di naman kayang alagaan'
Tapos after several years na gawa nila ay napag desisyunan nilang bilin na sa totoong may-ari ng apartment itong apartment na tinitirhan ko at ibigay na sakin ng tuluyan, which I really thank for. Dahil malaking tulong talaga yun..
hey guys.. Sleep time! Kaloka!! may pasok nga pala ako bukas ng 5 huhuh! badtrip! hindi kona nasusunod yung time sleep na binilin sakin ni lola. *pout*
Lola told me na dapat 9 palang tulog nako.. Para di ako kulangin sa tulog. whuaaaa!! wala na! wala na! kulang na ko sa tulog! whuaee...
ZzzZzzzzzZzzzZzzzZzzz ~~~~~
KINABUKASAN
A, B, C, D, TAE NG MANOK! GISING-GISING BATANG MAY TULOK, ANG ARAW AY SUMISIKAT,----
"5 Minutes pa.." papatayin ko sana yung alarm clock ko nang makitang nakatutok na sa 4:50 ang galamay ng orasan!! gizzz!!!!
Mabilis na napabalikwas ako ng bangon at nagmamadaling tumakbo papsok ng cr! Whuaaa!!! 5 nga pala pasok ko ngayon!!! gizzz!!! bopols ka talaga Precious!
mabilis lang ginawa kong pagligo at pagbihis! saka na ako umalis agad ng bahay!! whuaaa 5minutes nalang mag fi-five na!! huhuhu.. Bibyahe pa ko! sana hindi trapik!!!
'kung pwede lang pahintuin ang oras, ginawa kona.'
After 10 minutes
Whhoo!! salamat! buti namana at walang trapik!! busit!
Agad akong tumakbo pa elevator at tinap ang 60th floor.. WHuaaa!!! late na late na talaga ako!! huhuhu..
'ano ba kasing nakain ng boss ko at ginawa pang 60th floor ang office nya! nakakapagod! pano nalang kung walang elevator? edi natanggalan na kami ng isang binti bago narating yung destinasyon namin? grhhh!'
Pagdating sa office gaya ng nakagawian ay hindi na ako kumatok.. Pumasok nalang ako ng kusa.
"You're 15minutes late." napatalon pa ako sa gulat dahil sa malaking boses na pinakawalan ni sir Aljon! grhhh!!! whuaaa! nakakatakot naman! huhuhu..
"Ahm.. T-tinanghali po ako ng gising ser.. Sorry po." nakayukong sagot ko.. Nakatayo parin ako sa may pinto.. whuaaa!! natatakot ako baka bigla nalang nya akong batuhin ng kung anong maabot nya!
" I told you to come 5 am.. not 4 not 6, exactly 5.. pero 5:15 ka dumating.. Pinagloloko mo ba ako??" napayuko ako dahil sa takot.. Huhuhu.. Grabe naman pala kausap 'to .. Pag sinabi nyang 5--- dapat 5 nandon kana.. Grhh! aagahan kona talaga sa susunod! hmp!
"Sorry po ser.. Di na po mauulit."
"tsk.. May pupuntahan tayo.. 3days kaya maghanda ka ng damit na gagamitin mo. Yung maayos hindi pang basahan." pagkasabi nya non ay bumalik na sya sa ginagawa nya.
'me sayad talaga. pinapunta ako ng ganito kaaga tapos papauwiin ako ulit para lang kumuha ng susuutin ko?? grhhh! alam nya ba kung gaano kamahal ang pamasahe! saka wala nakong pera huhu.. Nag-iipon nga ako para sa pang matrikula ko eh.. '
"Babalik ako ser?" pangungumpirma ko.
"Bakit may pambili ka ng damit na gagamitin mo sa loob ng tatlong araw?" tanong nya pabalik saka muling nag-angat ng tingin.. Ako naman nagbaba ng tingin.. E ayoko ngang salubungin yung mala unggoy nyang mukha pag nagagalit! hmp! takot ko nalang.
"Kung bibigyan nyo ko ser meron.. Kung hindi naman.. Edi wala.. Hehehe" pabiro kong sabi. Ngumisi naman sya kaya nakaramdam ako bigla ng hiya! whuaaa!! ano ba pinagsasabi mo Precious! huhu.. Nakakahiya!
" Bibigyan kita ng pambili pero mawawalan ka ng sahod sa buong taon bilang kabayaran." napanganga ako sa sinabi nya.. Like what the fudge?! anak ng kagang! anong klase ng damit ba ang bibilin nya at parang mas mahal pa sa buhay ko ang halaga?? e yung mga damit na sinusuot ko nga nagkakaghalaga lang ng singkwenta (50) pesos eh.. Take note! tatlo (3) nang pares yun! hmp! tapos sya tatatlong piraso lang ng damit ko ang bibilin nya--- tapos ang halaga, sahod ko ng buong taon??? sino niloko nya,. bibili nalang ako sa ukay-ukay..
"Grabe ka naman po ser! ito ngang suot ko ngayon at yung kahapon--- pipti (50 daw.) pesos ko lang nabili, tapos ikaw isang buong taon ang halaga?? luh! wag na uy!" sabi ko saka naglakad papunta sa table ko.. Hehehe way ko yun para makatakas sa pagiging late ko.. Saka nangangalay na yung paa ko!
"Whatever.. Mura nga basura naman." pabulong nyang sabi pero narinig ko parin. Aba! makahusga kala mo naman mayaman! e mayaman naman talaga! pero mali parin yun! di nya kailangan laitin ang kasuotan ko dahil lang sa may pera sya at kaya niyang bumili ng mamahaling damit na hindi ko kayang bilin! yabang!
"Hindi naman sya mukhang basahan para sakin, ser.. Kasi hindi naman po tinayo ang ukay-ukay store para sa mga mayayamang gaya nyo--- tinayo po kasi yun para sa mga mahihirap na gaya ko na hindi afford bumili ng mahahaling damit gaya ng iba.. Saka MAAYOS naman po sya, walang sira.. Nasa magsosoot nalang po yun kung pano nya dadalhin ng maayos." pagkasabi non ay hindi kona sya hinintay na magsalita at lumabas nako.. Babalik kasi ako ng bahay! kukuha ako ng masosoot ko.. Bwisit kasi yung amo ko! masyadong maarte! hmp!
After awhile...
Hindi ko alam kung nasaan kami ni ser Aljon.. Perstyme ko makapunta dito.. Pero isa lang masasabi ko!
ANG GANDAAAA!!! PARAMISSSS
Para kaming nasa b***h! (beach, daw.) may malawak na karagatan sa paligid! mabuhangin at napakasarap ng simoy ng hangin!!
"Hey! Stupid! what are you still doing there? pumunta ka dito para magtrabaho hindi para mag bakasyon." natahimik ako sinabing iyon ni ser Aljon.. whuaa!!! oo nga pala! Secretary nya nga pala ako kaya ako nandito! bopols mo talaga, Precious!
"Yes, ser." nakayukong sabi ko.
"May haharapin akong business partner.. Wag kang tatanga-tanga.. Kung ano lang ang inutos ko-- yun lang ang gagawin mo. Saka wala kang ibang gagalawin do'n kundi tumayo at isulat lahat ng dinidikta ko. Nagkakaliwanagan ba tayo." Ramdam ko ang authority nya sa laki ng boses nya! gizz! pero wag kang papatalo Precious! Fighting!
"Opo Ser! Nagkakalabuan tayo! " nakangiting sagot ko! hehehe.. Wala lang trip ko lang sya asarin.
"Ugh!!! bakit ba ang tigas ng ulo mong stupid ka! dapat pinangalan sayo Stupid e. Hali ka na nga." inis nyang sabi. Hehe o diba? short temper ang lola nyo!
"Dito ser?? dito mismo?? eiii nakakahiya.. Masyadong maraming tao.. saka hindi porque boss kita--- makukuha mo na lahat ng gusto mo.. hmp!" pasiring ko pang sabi.. Nangunot naman ang noo nya saka nawiwirduhang tumingin sakin..
'Sus! denial epek kapa! hmp! kahit na boss kita hindi ko ibibigay sayo ang first kiss ko no!'
"What? what are you talking about?"
"luh! eme 'tong si Ser.. Kakasabi mo ngalang po na 'Halikan nga e.' duh.. Hindi kita hahalikan kahit na magmakaawa kapa!"
"Yah! ano bang pinagsasabi mo? ang sabi ko halika na.. Anong halikang pinagsasabi mo! tsk. Pwede ba.. Hindi ako nakikipagbiro sayo. Sinasayang mo ang oras ko! may meeting pa akong pupuntahan! saka pwede ba-- gawin mo ng maayos yang trabaho mo.. Hindi yung kung ano-ano iniisip mo. Kadiri ka, kababae mong tao ang dumi mo mag-isip." salubong ang kilay na aniya saka nangunang maglakad.. Napa pout nalang ako at sumunod sa kanya.
'ano ba yan, Precious! pumalpak ka na naman! ano-ano na naman kasi nasa isip mo.. Pasalamat ka at hindi kapa tinatanggal nyan sa trabaho mo dahil dyan sa kapalpakan mo.. Naku.... Kung nagkataon?? sa kangkungan ka talaga pupulutin.. '
'bakit hindi nalang muna kasi ang trabaho ang isipin bago ang kalokohan.'
~~~***TO BE CONTINUED***~~~