CHAPTER 8

1623 Words
Precious Pov Nandito kami ngayon sa isang room.. may nakalagay na CR sa taas.. Luh? kelan pa naging CR ang ganito kagandang room?? 'Gaga! di mo ba nababasa? Conference Room (CR) ' Ayy oo nga pala! may meeting nga pala kaya kami nandito sa conference.. Bobo mo talaga, Press! "Let's proceed on you, Mr. Guivara." nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang malaking boses ni Sir. Aljon! gizzz! ang seryoso naman nya masyado! Gaya ng utos ni Ser... sinusulat ko lahat ng sinasabi nya.. Lahat ng lumalabas sa bibig nya tunetake down notes ko.. Syempre! baka mamaya hanapin nya! tsk.. May sayad pa naman yang boss ko na yan. kabilis naman neto magsalita! ang hirap kaya magsulat ng walang patungan! tapos naka tayo pa! grhhh! hmp! Kahit sobrang bilis ng dictation ni ser Aljon nagawan ko parin ng paraan para masulat lahat.. Pati nga pagbibiro nya sinulat ko e.. Kabaliwang tanong nya sa mga kameeting nya. "How do you pronounce Genre?" turo nya kay Mr. Accopino. CEO ng kabilang kumpanya. "janra" "Good.. Then spell G, E, N, R, E.. and read it" "G... E... N... R... E... Jenri" sagot nung CEO.. "HAHAHAHA" tawanan ng lahat sa Conference. Pati ako nagpipigil ng tawa! hahaha janra daw, pero nung pina spell at pinabasa Jenri na daw, bwuahahahaha Oh diba?? galing kong magsulat.. Pati jokes gayang-gaya ko.. Kung naghahanap ka ng Sexytary, dito na!! san kapa? di nga lang maganda ehehe. "That's all.. Thank you... You may now leave." pagkasabi non ni Ser Aljon nagtayuan na lahat saka nagsilabasan.. "Ahm.. hi? you're Mr. Aljon's Secretary aren't you?" napalingon ako sa side ko nang may magsalita don. Napamaang pa ko dahil ang gwapo nya! gizzz!oh meh geshhh ako ba kinakausap nya??? "A-ah. H-hi.. A-ako ba kinakausap mo? heheh" nahihiyang tanong ko.. Syempre no! ayokong mag assume baka hindi pala ako ang kausap nya! "Ah yeah.. Amm.. Itatanong ko lang sana kung gaano kana katagal sa trabaho mo bilang secretary ni Mr. Aljon?" nakangiting tanong nya. Whuaaaa!! gulayyyy ang gwapooo!!! "Ammm.. 2days palang.. hehe.. Bakit mo naitanong?" tanong ko pabalik.. Syempre! di pwedeng sya lang ang nagtatanong! kailangan alam ko rin kung anong purpose ng pagtatanong nya.. Malay ko ba kung may balak syang siraan ang Scyneth Company.. Saka hindi naman porque gwapo sya e mapagkakatiwalaan na agad.. "Ah.. Kasi kanina pa kita inoobserbahan.. Ang bilis mong magsulat at mag take down ng mga details.. Nakakahanga lang para sa baguhan na gaya mo.. " sagot nya. "Ah oo.. Mabilis talaga akong magsulat dahil nasanay na ko.. Natutuwa nga sakin yung ibang kumpanyang pinasukan ko dahil daig ko pa daw yung mga matagal ng nagtatrabaho sa kanila.. " pahumble kunwari. "Ibang kumpanya? ibig mong sabihin may iba kapang kumpanyang pinasukan?? " gulat na ta ong nya.. Tumango lang ako bilang sagot. "E bakit ka lumipat dito sa SC? ganon naman palang natutuwa sila sayo sa dati mong pinagtatrabahuhan?" pagkuwa'y nya. " Ang dami mo naman tanong... Hindi pa nga kita gaanong kilala. " pinaikot ko ang mga mata ko pagkasabi non.. Ang daming tinatanong hindi naman kami close. "A-ah.. Hahaha.. I'm Jeffrey.. You are?" nilahad nya ang kamay nya kaya tumaas ang kilay ko. "Tao. " maikling sagot ko.. 'Luh baliw.. Malamang tao, alangan naman hayop. Me sayad ata 'tong isang to e.. Tanungin daw ba ako kung ano ako? may pa you are, you are pa syang nalalaman. Hmp! ' "A-ah.. H-hahaha.. t-tao pangalan mo?" kunwari pang tawa nya, halata namang napipilitan lang tsk.. May salahi ata 'to ni sisa. kelan pa naging 'tao' ang pangalan ko? ang mahal kaya ng pangalan ko! pangalan palang alam mo nang Valuable.. Tsk.. "Hi----" "Ms. Altamara.." sa hindi inaasahan ay biglang nangibabaw ang striktong boses ni tukmol.. Este ni Ser. Aljon pala. Mabilis na lumingon ako sa may pinto at doon nakita ko ang salubong na kilay ni ser. 'isa pa itong me sayad.. Wala pa nga akong ginagawa-- naka kunot na agad yung noo. ' "Yes ser?" sa wakas nasabi ko.. "Let's go.." "Huh? saan Ser?? e sabi mo kanina Ser 3days tayo?" pag-uusisa ko habang naglalakad na palapit sa kanya. "May pupuntahan pa tayong isang meeting sa kabilang Isla.." "Ah talaga Ser??? e Hindi pa ako nagpapalit ng damit... " nakangusong sabi ko.. Nilingon nya ako at agad na nag-iwas ng tingin.. "Hindi ka naman marumi.. Ayos na yan.. " sabi nya saka mabilis na naglakad. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya.. Pagdating sa kabilang Isla ay mas lalo akong namangha! HANGGANDAAAA HUWAWWWW! Wiee!! sana Makapunta ako sa ganitong klase ng lugar someday... Yung bang hindi related yung trabaho ko??? gusto ko mangyari 'yon bilang bakasyon ko.. yung sarili ko yung buong araw at oras.. Yung wala akong iintindihin na gagawin.. Relax ba.. "Sana makapunta ako dito sa araw ng kaarawan ko.. O kaya pag may free time ako mag bakasyon ako dito.." wala sa sariling sambit ko habang kinikilig pa.. Mukha na nga akong tanga dahil kinakausap ko yung sarili ko.. "Tsk.. Tapos kana mangarap?? Malelate na tayo sa meeting.. Tsk.. Naturingang secretary sya pa ang nalelate. " reklamo nya pa.. "E kasalanan mo rin naman ser.. Alam mo naman palang Sexytary mo lang ako e bakit mo pa ako hinihintay kahit na alam mong ikaka-late mo 'yon?? tsk.. Ikaw talaga Ser Eme ka rin minsan e no?? hehehe.." sabi ko. May paghampas pa yan sa braso.. Hehehe feeling close lang ba't ba.. "Ano ba! ano ba! 'wag mo nga akong hinahawakan! baka marumi yang kamay mo at malipat pa sa polo ko! saka wag mo nga akong sinisi-sisi dyan sa kapalpakan mo." sabay talikod. "Arte." nasabi ko nalang saka sumunod sa kanya.. "Sexytary nya lang ako bakit kailangan kong sumama pa sa kanya dito?? tsk.. wala ba syang PA?' "Ser!" tawag ko.. Hehhe.. Itatanong ko nalang.. Kesa naman sa maloka ako kaiisip. "Hmm??" tugon nya.. Luh katamad magsalita eh. "Ser.. Itatanong ko lang kung wala ka bang PA?" nakangiti kong sabi. "May nakikita kabang kasama ko?" mataray nyang sabi kaya napanguso na naman ako.. "E Ser.. Diba po dapat PA nyo ang kasama nyo dito?? kasi private Matter naman po yung pinunta nyo dito?" tanong ko habang nakanguso parin.. "Kailan pa naging Private ang pakikipag Meeting sa business partner ng SC?" tanong nya.. Natahimik ako saglit.. Nag-iisip ako ng isasagot! hehehe.. "E bakit po sa kumpanyang pinasukan ko before?? PA nila yung mga kasama nila, hindi Sexytarty?" oh ah! may naisip akong tanong. hehehe.. Saka totoo naman eh.. PA kasama nila hindi ako. "Kung ayaw mo sa trabaho mo pwede ka naman umalis.. Hindi yung andami mo pang sinasabi.." inis nyang sabi kaya natikom ko ang bibig ko at napayuko.. Bwuahahahahah Nasira ko ang araw nya!! hehehe.. "heheh, pikon na naman si tukmol. ' " Hehehe... Sabi ko nga ser Sexytary talaga sinasama e.. kayo talaga ser ang kulit nyo. " "tsk.." Hindi nalang ako nagsalita pa dahil baka tuluyan ng ma badtrip si ser at mag walk out na.. Sira ulo pa naman yun hehehe. Conference Room.. Gaya ng ginawa ko kanina ay sinulat ko lahat ng mga lumalabas sa bibig ni ser.. Himala nga at ang onti ng nasulat ko ngayon eh. kumpara kanina lampas limang folder ang nasulat ko.. 50 pages kasi ang laman per folder.. pero ngayon wala manlang isang folder ang nasulat ko.. 20 pages lang ata.. 'Bakit bigla atang tinamad sa pagsasalita si ser?? kanina sa unang meeting nya ang dami nyang sinasabi.. Nakuha nya pa ngang mag jokie-jokie.. Pero ngayon bakit parang pinagkaitan 'to ng boses?? kadalang nagsalita.. ' " That's all.. End of conversation. CEO of Dawn Company.. Submit your Resignation letter later.. You're fired." natahimik ang lahat sa tinuran ni ser.. 'luh.. Badmood talaga sya! nagtatanggal na sya ng empleuado eh.. Whuaaaa!! baka ako isunod nya!' "You can't do this to me, Mr. Costudio.. I work hard for this. I do all my best para mapunta sa posisying ito! kaya hindi mo ako pwedeng tanggalin nalang basta! " Sigaw nung isang matanda. " And who told you that I can't?? I am the Owner of the company.. I can do what ever i want to do.. If I want to fire you all--- you have nothing to do with that.. as easy as that.. " Makapangyarihang aniya.. " No! it can't be!" nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw kasabay non ang mabilis nyang paghila sakin palapit sa kanya at sakalin ako sa leeg.. ' Gizzz!!! sa dinami-dami ng pwede mong hilahin bakit ako pa?! haayys! mahilig pa naman akong manipa. ' Nagkagulo ang lahat ng tao sa loob ng Conference room nang maglabas ng balisong si Mr. Dizon! at mariin na itutok yon sa leeg ko. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang unti-unting pagkapunit ng balat ko sa leeg.. "Mr. Dizon.. Put down your Knife. baka magkamali ka ng galaw at mapatay mo si Ms. Altamara." seryoso ang boses ni Ser Aljon.. Luh nanganganib na nga buhay ko nakukuha pang kumalma. Ito naman matandang nasa tabi ko parang walang narining! mas lalo pang diniin yung kutsilyo! may sugat na nga diniin pa! 'walang hiyang 'to! hindi pa nga natutupad yung pangarap kong makapunta dito ng pang sariling bonding at mag relax tapos tatapusin nya na agad ang buhay ko dito din mismo?? ano yun para isahang punta nalang ganon? no! I won't let that happen!' "Lumayo ka nga saking matanda ka! ang baho-baho mo! " Sigaw ko saka mabilis na siniko sya at tinadyakan ang pinakaiingatan nyang baston! Hmp! "Aray.." mahinang daing ko saka napahawak sa leeg ko.. Ang hapdi!! grh!!! 'whuaa!! ang hapdi! ' "Are you okay?" napaangat ako ng tingin at hindi inaasahang dumampi ang gilid ng labi ko sa.... Labi ni ser Aljon!!!!!! ~~ * To be Cobtinued * ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD