Simula ng nagtapat si Loyd kay Emilia ay hindi na ito napanatag. Pakiramdam n'ya ay nahihibang na s'ya sa dalaga. Lalo nang nagsimula itong umiwas sa kanya. Sa school, sa mga lakad nila at maging sa mansion. Tipid kung makipag-usap ito sa kanya. Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin n'yang pagsuyo. "Buddy, kumusta diyan?" tanong n'ya sa kausap sa telepono. "Okay, pakisend sa akin," utos n'ya sa lalaki na sa kabilang linya. Nakakuyom ang mga kamay at nagagalaiti sa galit ang binata. "Bakit ayaw mo sa akin, Emilia? Kung tutuusin marami ang nagkakagusto sa akin ngunit binabalewala ko dahil ikaw ang gusto ko." Hindi makapaniwala ang binata sa natuklasan. Pumunta s'ya kanina sa mansion upang makausap sana ang dalaga ngunit wala ito. Ang sabi ni Aling Pacing ay nagpaalam daw na aalis pero

