Huling araw na nila sa Isla at bukas ay balik na sila sa realidad. Matapos makapag-almusal ay nagkaayahan ang dalawa na mag-ikot ikot sa Isla. Nais nila igugol ang natitirang araw nila sa malaparaisong Isla ng Taytay. Mula sa north wing up to the south wing ng Isla ang target nila. "Kailanman ay hindi ko naiisip na makarating ako rito. Never sa hinuha ko na tunay ang mga nakikita ko sa internet at sa mga magazines." pagkukwento ng binata. "Bakit naman?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Syempre sa hirap ng buhay, ano pa ba ang dapat kong isipin? Sa araw araw nakikipagbuno kami upang may maisubo. Salamat sa Diyos dahil kahit kailan ay hindi n'ya kami pinabayaan ng pamilya ko. Na sa kahit anong pagod at kahirapan, lahat iyon ay aming nalampasan. Natutugunan ang pangangailangan namin sa bawa

