Walang humpay ang saya ng magkasintahan. Ito na ang pinakamahabang oras na sila ay magkasama. Umaga pa lang nakagayak na sila upang mag-join sa mga activities sa isla. Nakasuot ng blue swimsuit ang dalaga na may scarf na nakatali sa kanyang beywang at kulay gatas na beach hat naman sa kanyang ulo bilang protection sa mainit na sikat ng araw. Napakaseksi nito sa suot. Makikita ang napakagandang kurba ng katawan mula sa malulusog na dibdib, maliit na beywang pababa sa maumbok na pwet. Samantala ang binata ay nakaitim na swimming trunks. Attractive din ito at mapapalingon ang ibang kababaihan na madadaanan nito. Lumabas kasi ang natural na maskulado at matikas na pangangatawan ng binata. Dahil banat ang katawan sa trabaho hindi na nito kailangan pa ng ehersisyo. "You look sexy and hot!" kili

