Naging successful ang pag-enroll ni Miguel sa university at wala na s'yang ibang iisipin pa kundi ang pagsisimula ng pasukan sa susunod na dalawang buwan. Sinusulit n'ya ang natitirang araw sa rancho upang makakasama ng madalas ang nobya dahil magiging madalang na sa oras ng pasukan at ipagsasabay pa n'ya ang trabaho. Natanggap s'ya bilang isang assisyant ng isang clinic malapit sa University at sa accommodation naman ay pinayagan s'ya na tumira sa dorm na ilang metro lamang mula sa paaralan. Ngayong araw naman ay sakay s'ya ng eroplano kasama ang nobya. Kinakabahan ang binata dahil ngayon lang s'ya nakakasakay ng eroplano sa tanang buhay n'ya. "Hey, relax. Okay? Sandali lang ang magiging byahe natin at makakarating tayo sa ating pupuntahan." sabi ng dalaga ng napansin na ninerbiyos ang

