Naging maligalig ang araw ni Miguel dahil sa mga malalaking desisyon na kanyang tatahakin. Tiniyak n'ya muna na pulido ang lahat upang maiwasan ang magiging aberya sa gagawin na mga hakbang. Kinunsulta n'ya ang mga magulang pagkatapos makausap ang kanyang college professor. Kauuwi lamang n'ya mula sa naging lakad. "Kamusta ang result ng lakad mo, anak?" tanong sa kanya ng ama na si Nestor. Kauuwi lang din nito mula sa trabaho. "Masaya po dahil naging maayos din ang lahat. Ang kailangan ko na lang ay ang magpaalam ng pormal kay Mang Roger upang makahanap na ito ng papalit sa akin", paliwanag ng binata. "Ano'ng sabi ng professor mo?" pang-uusisa pa ng ina habang abala ito sa paghahanda ng kanilang hapunan. "Iyon nga po, hindi naman magiging problema ang arrangement na nais ko. Gaya ng s

