Habang nagsisimula ng asikasuhin ni Miguel ang mga requirements naging abala naman si Emilia kasama ang pamilya at kaibigan. Constant pa din naman ang communication ng dalawa at walang nagbago sa anumang mayroon sila. Ang kailangan lang nila masiguro ay paano pangalagaan at patuloy na proteksyunan ang kanilang pagmamahalan. "Guys, game na ba kayo? Ano'ng oras pa ba kayo darating? Pawisan na ang singit namin rito kakahintay noh," naiinip na tanong ni Ellaine. Magkasama sila ni Yanni na nauna sa kanilang meeting place na isang kainan. "Malapit na kami, okay? May mga pinamili lang sandali. We're on our way na diyan." sagot ni Emilia. "Make it quick please, nakakahiya na rito. Kami lang ang nakaupo dito simula kaninang opening ng restaurant." naiinis na sabi ni Ellaine. "Siya sige na, m

