Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay malungkot at mabigat ang loob ni Loyd sa mga nakalipas na mga araw. Nararamdaman kasi n'ya ang pag-iwas at pagkailang ng dalaga. "Kasalanan ba ang magustuhan ka, Emilia?Huwag mo naman gawin sa akin to. Handa ako'ng gawin at ibigay ang lahat upang mapasaya ka." Mahinang usal ng binata habang nasa terasa. Niyaya n'ya ulit ito after school na dumaan sa planta upang masilip ang naging takbo nito simula na maging operational ang nasabing processing plant. Pumunta s'ya sa bahay ng mga Montezillo ngunit wala ito. Nasa kalagitnaan na s'ya ng binabaybay na kalsada ng mapansin ang dalaga. May kasama ito ngunit hindi n'ya maaninag ang mukha. Kasama nito ang dalaga ngunit ilang metro pa ay huminto na ito at hinatid na lamang ng tingin si Emilia. Hindi s'ya sigur

