Kinabukasan, sabik na namili ng mga kailanganin n'ya ang binata. Sosorpresahin n'ya ang dalaga at ito ang unang beses na gagawin n'ya ito. First date na pinaghandaan n'ya at espesyal na araw na makakasama n'ya ang kasintahan sa pagcelebrate ng kanyang pagtatapos. Nagluto s'ya ng simpleng putahe para rito at inipon ang lahat ng bulaklak na kanyang nadadaanan. Mag alas nwebe na s'ya natapos. Mabilis na naggayak ang binata upang magmukhang presentable sa kanyang espesyal na bisita. "Sana ay ma-appreciate n'ya," kinakabahang usal n'ya. Dumating ang dalaga sa oras na pinag-usapan nila. Pagdating ng kubo nanibago s'ya sa itsura ng kamalig. "Bakit may kurtina?" mahinang puna n'ya dahil nakakapanibago saka hinawi ang nakaharang na kurtina. Natuwa s'ya sa kanyang nasaksihan. Mayroon maliit

