Pagkatapos ang naging masinsinang pag-uusap ay naging mas confident at lalong nagtiwala sila sa bawat isa. Text, maiksing tawag, pasilip silip sa rancho ang naging habit ng magkasintahan at naging sapat naman ito upang mapanatili ang magandang ugnayan nila. "Ito na ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Buong buhay ko na pinangarap na makapagtapos ng kolehiyo at ito na iyon." Galak ang nararamdaman ni Miguel habang paakyat ng entablado. Kasama ang ama na si Nestor at inang si Claudia, proud sila sa pagtanggap ng papugay at pagbati sa anak na si Miguel. Nagtapos ito bilang CumLaude sa kursong Animal Science. Laking pasasalamat ng pamilya sa lahat ng biyaya upang makapagtapos ang kanilang panganay na anak. "Congratulations, anak!" proud na bati ng mga magulang. "Maraming salamat po, Nay T

