Madaling araw pa lang ay gumayak na ang magkasintahan pauwi sa kanilang Probinsya. Sakay ng bus ang dalawa ngunit ni isang gamit ay wala silang bitbit. Hindi nila alam kung ano dadatnan sa kanilang pagbalik. Magtatlong linggo din mula na sila ay umalis sa lugar. "Kinakabahan ako," bulong ni Emilia kay Miguel. "Huwag kang mag-alala, kasama mo ako. Walang masamang mangyayari," sabi ng binata na pilit pinapawi ang kaba ng dalaga. Itinatago din ng binata ang tunay na nararamdaman sa kanilang pagbalik ng Nueva Ecija. Ayaw n'ya dagdagan pa ang takot ng nobya. Kailangan ay maging malakas s'ya. Halos limang oras bago makarating sa paroroonan. Walang nagbago sa kanilang lugar. Sakay ng tricycle ay nagpahatid sila sa isang abandonadong lugar. Lumang paggawaan ito ng mantika na natigil dahil sa

