Walang sinayang ang dalawa sa bawat oras na sila ay magkasama. Nais nila maging masaya dahil hindi nila alam kung hanggang saan at kailan sila mananatiling magkasama. "Masaya ka ba?" tanong ni Miguel na noon ay bagong paligo. Nalalanghap ng dalaga ang sabon na ginamit nito at pinatingkad pa ito ng natural na amoy ng binata. Nakatayo ang binata habang ang dalaga ay nakaupo sa isang sulok ng kanilang higaan. Hindi ito kasinggara ng nakasanayan ngunit nakakapagdulot naman ito ng ibang kasiyahan sa kanila. "Oo sobra," sagot ng dalaga na naghihintay sa paglapit ni Miguel. "Alam mo ba'ng grabe ang pagpipigil ko sa tuwing magkasama tayo?" mahina at paos ang boses ng binata. "Ramdam ko ang nararamdaman mo, Mahal!" pang-amin ng dalaga. "Ngayon wala ng makakapigil pa sa atin," bulong ng bina

