Chapter 64

3129 Words

Pagkatapos mahimasmasan kinabukasan ay umalis na s'ya ng bahay ni Elaine bago pa ito magising. "Mali! Hindi dapat ito nangyari! Ano'ng ginawa mo na naman, Loyd?" galit na sapo n'ya ang ulo.  Nagising s'ya na katabi si Elaine at katulad ay wala rin itong saplot. Lasing sila parehas kaya nangyari ang hindi dapat. Hindi n'ya ito ginising at pumunta s'ya sa mansion.  "Kailan ka pwede? Para maayos na natin ang mga kailangan sa kasal, ilang araw na lang ay kasal na dapat natin," tanong ni Loyd habang sabay silang nag-aalmusal.  Dalawang linggo na itong nakalabas ng hospital at mabilis na nakabalik ito sa normal. Nag-aalala si Emilia sa ginawa nito at natatakot na baka maulit ito. Ayon kay Mayor Villader laging bukambibig nito ang pagpapakamatay kung hindi sila ni Emilia ang magkakatuluyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD