Naalala ni Emilia ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay n'ya. Basta kasama n'ya ang pinakamamahal ay buo na ang araw n'ya at wala s'yang ibang inaalala. Marahil dahil bata pa ang kanyang isipan at hindi pa bukas sa ibang posibilidad na maaring kahihinatnan ng kanyang desisyon. Ang mahalaga ay masaya sila ng pinakamamahal. Labas pasok sa bahay na tinutuluyan nila si Miguel dahil nilalakad nito ang papeles sa kanilang pagpapakasal. Nagpasya sila na gawing legal ang kanilang pagsasama sa pagbabakasakali na matatanggap sila ng mga magulang ni Emilia sa kanilang pagbabalik sa probinsya. Umaga pa lang ay gising na sila upang pumunta sa munisipyo. "Handa ka na? Walang atrasan ito," tanong at pagpapaalaala ni Miguel sa kasintahan. "Oo matagal na akong handa. Wala ako'ng balak umatras at pakaw
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


