Dahil sa nabalitaan ay minadali ng binata na tapusin ang mga kailangan n'yang gawin habang nasa Laguna para sa papalapit na pasukan. "Kailangan makauwi na ako ng Nueva Ecija," bulong ni Miguel. Nagmamadali s'yang umalis ng Laguna upang makarating ng Nueva Ecija. Di bale na gabihin s'ya ang mahalaga ay makauwi s'ya sa pamilya. Nag-aalaala s'ya, hindi n'ya kabisado ang takbo ng utak ng Don. Natatakot s'ya hindi para sa sarili kundi sa kanyang buong pamilya. Baka kung ano ang gawin ng Don sa mga ito. "Diyos ko, huwag n'yo naman po'ng hayaan na may mangyari na hindi maganda sa pamilya ko," tanging dasal ng binata. Mag alas otso ng gabi na marating n'ya ang kanilang bahay. Wala namang nagbago rito. Pumasok s'ya at nadatnan ang pamilya na nag-uusap. Mabilis na tumayo ang ina at niyakap s'y

