Masama ang loob na nakatulog ang dalaga. Hindi na n'ya nakausap ulit ang binata. Ito ang una at pinakamalalang away nilang mag-ama. Maging s'ya ay hindi makapaniwala na mapagbuhatan s'ya nito ng kamay. Wala s'yang balak lumabas ng kwarto kahit nagugutom na s'ya ay tiniis nya ang kalam ng sikmura. "Emilia, bumaba ka at may bisita ka," matigas ang boses na utos ng ama. "Wala ako sa mood humarap sa kahit na sino, mas gusto ko manatili dito sa kwarto," sagot n'ya rito. "Huwag kang umasta na kaya mo ang sarili mo. Baka makalimot ako at kung ano pa ang magawa ko," pagbabanta ng ama sa dalaga. "Eh di gawin ninyo. Wala naman ibang mahalaga sa inyo kundi ang pangalan at kahihiyan mo," pabalang na sagot n'ya. "Iyan ba ang itinuro sa'yo ng boyfriend mo'ng patay gutom. Ang maging bastos!" sig

