Matapos maglayas sa mansion ay tiniis ni Emilia ang maliit na kwarto na kanilang tinitirhan ni Miguel. Nasusubok ang kanyang tatag at pagmamahal sa binata na kahit sa pinakamahirap na sitwasyon ay magkasama silang haharapin ito. "Sigurado ka ba na okay ka lang na maiwan rito?" tanong ng binata sa dalaga na walang choice kundi ang manatili sa bahay. Walang iba na maaring makakaalam na andito s'ya. Kailangan nila na maging maingat sa mga galamay ng Don. "Oo, okay lang ako rito. Marami naman ako puwedeng pagkakaabalahan." sagot n'ya sa binata. Kung sa mansion ay prinsesa s'ya na maituturing subalit dito ay isa s'yang ordinaryong tao na kailangan makisama. Upang hindi nakakahiya at maging pabigat ay tumutulong ang dalaga sa gawaing bahay. Natutunan n'ya ang magsaing, magluto, maglaba at

