Nahiga na ang ina at naiwang mag-isa si Emilia. Huminga s'ya ng malalim habang pinipilit na ipahinga ang mga mata at isipan. Pitong taon na ang kanyang anak at sa loob ng walong taon ay napatunayan n'ya na malakas s'ya dahil nakayanan n'ya ang lahat ng pagsubok na dumaan sa kanyang buhay. Naalala n'ya na ika-pito ng nobyembre, ilang linggo matapos matagpuan ang bangkay ni Miguel ay lumalala ang naging sitwasyon n'ya. Madalas ay tulog s'ya, walang ganang kumain at laging masama ang pakiramdam. Madalas din na nahihilo s'ya kya madalang din na makikita s'yang lumabas ng mansion. Isang araw habang naglalakad-lakad upang magpaaraw ay bigla s'ya nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Hindi n'ya maipaliwanag basta nahihilo s'ya at nanlalamig. Katatapos lang n'ya mag-almusal bago s'ya bumaba ngunit p

