ERRORS AHEAD
"~Napaka sakit!!! Kuya edie" kanta ko habang papasok ako sa classroom kakatapos lang ng lunch break kaya maganda mood ko.
"~Ang sinapit ng aking buha-" pero kusa akong napatigil ng marinig ko ang isa sa mga pinaka iingat ingatan kong sikreto.
"Dear Diary, ngayon ay first day ng school at makikita ko na rin ulit si crush yey! Shh lang kayo, alam nyo naman kung sino diba? Yes si Mint nga. Pero alam mo ba diary nakita ko sya kanina na may ka akbay na babae, si Majesty pa yung bruhildang yo-" mabilisan kong pinasok ang entrada ng classroom at padarag na kinuha ang Diary ko kay Bryx na naka upo sa desk ko.
Oo Diary ko!! Pinake elaman nya!
“Akin na yan punyeta ka!" sabi ko habang walang tigil sa paghampas sa kanya.
"Wow Kristine di ko alam na secret admirer ka pala ni Mint!" patawa tawang sinasalag lahat ng hampas ko at tinataas ang diary ko.
"Uyy gago andyan na si Sir!!" patakbong sigaw ng taga bantay namin sa labas kaya mabilis kaming umupo sa sari sarili naming upuan.
"Hmm?" bungad ng prof. na parang nagdududa sa kakaibang katahimikan namin.
Pero muli akong naalarma ng nakita kong naka usli sa harapan ng upuan ni Mikayla yung speaker agad ko syang sinenyasan dahil baka mapatawag na naman kami sa disciplinary office.
Agad naman nyang nakita ang senyas ko at mabilis na sinipa pa dulo bago makarating si Sir sa harapan nya. "Ms. Aldivar what are you doing?" masungit na saad ng prof. namin.
"Ah eh inaayos ko yung upuan ko sir hehe yun nga" sabi nya kaya tinantanan sya ni sir.
Dahan dahan syang pumunta sa harap at kinuha ang meter stick tsaka marahan nyang hinahampas sa palad nya. "Since Friday ngayon mag g-group activity tayo sa P. E. Pumunta lahat sa covered court for our activity!" agad naghiyawan ang mga ka klase ko dahil sa anunsyo ni sir.
Agad na nahagip ng mata ko ang naka ngisi na si Bryx at nang aasar na pinakita ang diary ko.
Nyeta ka talagang unggoy ka!
. . . . .
Nasa covered court kami naka pila nang pumito si sir "Listen grade 10! Choose your partner. You have 1 minute to choose!" sigaw ni sir kaya nag kilusan na kami kaya lang naubos na ang mga kaklase ko dahil lahat sila may partner na.
Luhh ganoon ba ako kapangit para di piliin?
Sabagay di nga ako mapili ni Mint mga kaklase ko pa kaya?
"Pfft hahaha" mag isa akong natawa sa mga naiisip ko.
"Sige pre kami na bahala!" agad akong napalingon sa mga kaibigan ni Bryx ng makita syang papalapit.
"Paano ba yan, tayong naang dalawa kaya magpartner na tayo" sabi nya habang naka hawak sa batok.
Wow shy Bryx
"May choice pa ba ako? Yung diary ko mamaya unggoy tss" pa siring kong sabi sa kanya sabay inirapan.
Nagsimula ang practice sa sayaw.
Yes! Sayaw pala toh akala ko kung ano.
Pinaliwanag sa amin ang gagawin. Naka kapit ang kamay ko sa balikat ni Bryx habang sya naman ay naka hawak sa bewang ko.
"Nakakaselos Kristine, pwedeng ako naman? Hindi ka kayang suklian ni Mint alam mo yan" biglang bulong ni Bryx at mas lalo pa akong hinapit sa bewang at sinubsob ang kanyang mukha sa aking balikat.
Agad akong napatigil sa pag sayaw dahil sa mga narinig ko. "W- what?" nauutal kong sambit sa kanya. Parang hinigop lahat ng lakas ko sa mga pinag sasabi nya ngayon kakaiba sa pagkaka kilala ko sa kanya.
"Yes matagal na akong may gusto sayo Kristine. Lagi akong nagpapa p-ansin sayo kasi yun lang yung paraan para makasama ka. Ako rin yung nagpapadala ng tula sayo" sabi nya at mas lalong siniksik ang mukha sa akin.
Oh my god! I thought si Mint yung nagpapadala ng sulat! Kaya ako nagkagusto kay Mint!
"You are the man who named loved? But I thought si Mint yon?" agad napa tingin sakin si Bryx at napa nga nga.
“God dammit! I am so coward! Wala ng makakalapit pa sayo I swear I gonna court you." sabi nya sabay halik sa pisngi ko na agad ikina pula ng mukha ko.
"Thank you tito sa cover up!" sigaw nya sa prof namin sabay nag thumbs up at nginitian lang sya ng prof namin. Napa nga nga namin kaming lahat dahil sa nalaman.
What? Tito mo si Sir. Alvares?!" gulat kong tanong sa kanya.
"Yup! Kaya okay lang yan plus points pa tayo sa mapeh" sabi nya sabay kindat sakin at tsaka hinalikan ako sa labi.
"Siguro itatago ko nalang yung diary ko" Sabay halik sa pisngi nya.