‘Some people are old at 18 and some are young at 90… Time is a concept that humans created.’ Nang mabuksan ko ang cellphone ko ay halos matadtad ‘yon ng notifications kaya naman agad ko ni-silent para hindi masyadong maingay. Mabuti na lang din at na-silent ko kaagad bago pa man sunod-sunod na dumating ang mga notif. Bukod kasi sa nakaka-relax na kanta ay ang tahimik dito sa coffee shop kaya naman nakakahiya sa kanila kung magugulo sila ng ingay ng cellphone ko. At kagaya ng dati ay puro sina Luna, Hazel, at Lhia ang laman ng notification, ang naiba lang ay dumagdag na sa kanila si Andrew. Una kong tinignan ang message mula kay Hazel at Luna at parehas lang naman sila ng sinasabi. Bukod sa hinahanap nila kung nasaan ako ay tinatanong nila kung sino si Andrew. Mukhang nai-kwento pa kaag

