‘Time is sacred. It needs to measured carefully but not counted according to world’s standard.’ Nang makarating ako sa tapat ng bahay niya ay bumisina lang ako ng tatlong beses para ipaalam sa kanya na nandito na ako. Maya-maya lang din ay binuksan na niya ang gate kaya naman ipinasok ko na ang sasakyan ko diretso sa parking lot. Wala naman kasing guard na naka-duty ngayon kaya naman siya na rin ang nagbukas ng gate para sa akin. Ang alam ko kasi ay laging may naka-duty na guard dito sa kanya kahit na minsan ay half-day lang. Minsan nga ay nagtataka pa rin ako kung bakit nagta-trabaho pa siya gayo’ng ang yaman-yaman ng nila. Ang ganda na rin ng trabaho niya rati pero umalis siya sa pwesto niya bilang vice-president do’n sa kompanya nila kaya naman parang bumalik din siya sa simula. Hind

