‘The most precious gift you can give someone is the gift of your time and attention.’ “Maiwan muna kita rito, magpapalit lang ako ng damit,” sabi niya pa. Hindi naman na niya ako hinintay na makasagot pa at dumiretso na rin siya sa kwarto niya para magpalit. Hindi ko alam kung masyado lang ba siyang kabado ngayon o ano pero ang palpak ng mga plano niya. Pero nang kunin ko pa lang ang baso kanina ay naramdaman ko na kaagad ang butil-butil na nasa gilid kaya naman pumasok sa isip ko na nilagyan niya ‘yon ng lason. Kaya rin paulit-ulit kong hinawakan ang baso dahil ramdam ko ang butil ng powder kada himas ko. Malawak naman ‘yong bunganga ng baso kaya naman nakakapagtaka na hindi niya pa ma-shoot do’n lahat ‘yong lason. Akala ko pa nga no’ng una ay liquid na lason ang ginamit niya para i

