‘Time is priceless. Spend it with people you have high value and energy exchange rates.’ Hindi naman talaga ako marunong magluto pero may mga alam naman akong putahe kaya naman ‘yon na lang ang gagawin ko ngayon. Sigurado naman ako na hindi niya rin matitikman lahat ng lulutuin ko kaya naman ‘yong madadali na lang din ang gagawin ko. Habang nasa sala siya ay nagsimula naman na akong ihanda ‘yong mga sangkap na kailangan ko, mabuti na lang at halos kumpleto ang mga pagkain na mayro’n siya sa ref kaya naman hindi na ako mahihirapan pa. At dahil tanaw lang ang sala niya mula rito sa kusina ay nakikita ko kung paano niya iligpit ‘yong juice at tinapay na hinanda niya kanina. Sayang lang talaga at alam ko na ang galaw niya kaya naman hindi siya natagumpay sa plano niya. Habang inaayos ko ‘y

