‘Time is so valuable that even if you pay millions of coins, you cannot get back even a moment.’ Maya-maya lang din ay bumalik na si Andrew at may dala-dala pa siyang kumot na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Nang makalapit siya sa amin ay inabot naman niya ‘yon sa akin kaya naman napatingin pa ako sa kanya dahil hindi naman ako nilalamig. Pero imbes na magsalita ay binawi niya na lang ulit ang kumot at siya na ang nagpatong sa akin para matakpan ang legs ko. Pakiramdam ko tuloy ay namula ako nang dahil sa ginawa niya. “Saan ka pa kumuha niyan? Sana ay hinayaan mo na lang kami para hindi ka na nag-abala pa,” sabi naman ni doktora pero hindi niya ‘yong pinansin. Napairap na lang tuloy ako sa kanya dahil sa inasta niya. “Masyado bang malala ang lagay ng paa niya?” tanong naman niya s

