‘Time is more value than money. You can get more money but you cannot get more time.’ Bigla naman akong naalimpungatan dahil sa ingay na naririnig ko. Hindi ko naman naalala na nag-alarm ako kaya naman dahan-dahan pa akong dumilat ako para patayin ‘yong alarm, kaya lang nang tignan ko ‘yon ay hindi naman tumutunog. Mukhang tumigil na rin naman na sa pagtunog ‘yong alarm kaya naman nahiga na ulit ako at pumikit. Wala naman akong masyadong ginawa kagabi pero parang pagod na pagod ako, ewan ko ba. Papabalik na sana ako sa pagkaantok kaya lang ay bigla na namang tumunog ang alarm ko. Inis na bumangon na ako para patayin ‘yon kaya lang ay kagaya kanina ay hindi ‘to tumutunog. Napansin ko lang na hindi ko pala alarm ‘yong kanina pa maingay kung hindi ang cellphone. Dahil sa inis ay agad kong

